2021-2023, Rebecca, Koleksyon - Arkanghel Raphael

 

 

 

 

 

 

 

 

 

2023-05-30, RAD 

Liwanag ng Espiritu Santo ang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at magpasawalang hanggan!

Ganapin ang tungkulin ayon sa kakayahan

Ang nagiging pasimula ng paggawa at paggalaw ng bawat tao ay ang layunin na kanyang binuo sa kanyang sarili. At ang layuning ito ay naka-alinsunod sa tungkulin at karapatan na kanyang gagalawan, kanyang tinanggap at ayon sa kanyang magiging kahayagan.

Kaya nga at bawat isa ay gumaganap ng tungkuling katumbas ng paglilingkod na kanyang isasagawa na iba’t iba ang magiging kahayagan, kaya nga, at nangusap ang Banal na Aklat, “na ganapin ang tungkulin ayon sa iyong kakayahan.”

Kung ikaw, ang wika, “ay mangangaral, mangaral ka sapagkat doon magiging mahalaga ang paglilingkod na iyong isasagawa; kung ikaw ay isang guro, maglingkod ka ayon sa kahingian ng karunungan bilang isang guro; kung ikaw ay manggagamot, doon mo rin gaganapin at ihahandog ang iyong paglilingkod sapagkat naroroon ang magiging halaga ng iyong tungkulin at ng kaalaman na iyong nasimpan at natutuhan.”

Ang Siyensya ng Paglilingkod

Samakatwid, ito ang maglalarawan kung ano ang magiging kaparaanan ng magiging pagsasagawa ng bawat tao. Sapagkat kung ang kahingian ay ang paglalagay at pagbibigay ng kahulugan sa siyensya ng paglilingkod, ilalarawan ang isang maayos, tumpak na bai-baitang na pamamaraan. Hagdan-hagdan na proseso na paghahayag ng karunungang at kakayahang tinataglay ng bawat isa na ilalagay sa larangan ng pagsasagawa.

Kaya nga, kung isang guro, ano ang kanyang tungkulin na nakapaloob ang kanyang magiging paglilingkod? Humubog ng isang musmos o ng nasa loob ng paaralan upang ito ay maging isang mabuti at mabait na mag-aaral, makapagtaglay ng magandang kaugalian at magandang kaasalan.

Maglagay at magbukas ng isipan upang ito ay malamnan ng kaalaman at karunungan ayon sa kahingian sa paaralan: pagbabasa, matutong magbasa; pagsulat; pagbilang; pag-alam kung papaano masasagot ang bawat tanong na sa kanya ay ibibigay.

Naririyan ang kanyang magiging paglilingkod sapagkat siya ay guro, at kung siya ay isang manggagamot, ano ang kanyang ibibigay bilang kanyang paglilingkod? 

Ang ilagay ang isang may karamdaman doon sa kanyang kapanatagan, sa magiging katiwasayan ng kanyang damdamin at ng kanyang kalooban, sa magiging kapayapaan ng kanyang isipan, sa magiging kapayapaan ng kanyang buong pagkatao.

Sapagkat ang isang may karamdaman ay naroroon sa kaligaligan, sa kagulumihanan, sa kawalang katahimikan, kapayapaan ng kanyang kabuuan bilang tao sapagkat may nadarama na mga kirot at sakit bunga ng kanyang karamdaman.

Dito ngayon ibinibigay at ihahandog ng isang manggagamot ang kanyang paglilingkod na sa pamamagitan ng pagsusuri at pag-ugat doon sa pinaggalingan at pinagbubu-hatan ng sakit na nadarama ibibigay at mai-aangkop ang karampatan na lunas upang maging matagumpay at maging mabisa ang paglilingkod na kanyang maisasagawa.

Maliban sa mga bahagi at kalagayang ito, ang manggagamot ay hindi maaari na tumungkol doon sa bahagi na hindi kaalakbay at kahanay ng kanyang karunungan at ng kanyang kaalaman.

Datapwat kung ang pag-ibig ay i-aalakbay; bawat tao ay manggagamot sa kanyang sarili, bawat tao ay guro sa kanyang sarili, bawat tao ay manananggol sa kanyang sarili, bawat tao ay mangangaral sa kanyang sarili, sapagkat ang lahat ng tungkulin at karapatang ito ay naroroon sa kabuuan ng lahat at bawat isa.

Naglilingkod sapagkat may naipaglingkod sa kanyang kabuuan

Kaya nga, naglilingkod sapagkat may naipaglingkod sa kanyang kabuuan. Bilang mangangaral, nagbibigay ng payo, umaakay, bumubuhay ng pag-asa sapagkat sa kanyang sariling pagkatao doon sa daan ng kung saan siya ay nasa landas ng mabigat na pagsubok, naroroon na mabigat na suliranin. Ibinibigay sa kanyang kabuuan ang pinakamatibay at pinakamatatag na pangangaral upang hindi maligaw at iyan ay paglilingkod niya sa kanyang sarili.

Kahingian ng siyensya ng paglilingkod

At kung ito ngayon ay kanyang naibigay sapagkat nagawa niyang masupil ang negatibong emosyon, ang negatibong kaisipan, ang negatibong pananaw, hindi baga ito ay magagawa rin niyang maipaglingkod sa kanyang kapwa na naroroon, tinatalaktak ang kahingian ng siyensya ng paglilingkod sapagkat inilalagay at mailalagay niya sa isang maayos, sistematiko na kaparaanan ng pagsasagawa?

Dahil dito, kayo bilang isang mag-aaral, lahat ng iyan ay ginaganap ninyo sapagkat naroroon na ang kaunawaan sa tunay na karunungan na ang dala katotohanang makapagpapa-laya sa bawat isa sa tali ng kamangmangan.

At kung ang kaunawaang ito ay nasasa iyo, hindi baga niyaong pangungusap, iyong mga salita ng pag-ibig, ng kaalaman na inyong nakukuha sapagkat ito ay sa inyo inihahandog ng kaitaasan.

Naibabahagi ngayon ninyo at naihahandog ninyo sa mga taong naliligaw na sa inyo’y lumalapit sa nangangailangan naihandog din ninyo sa lahat sa sangkalahatan sapagkat ang bawat isa ay nananalangin sa kanyang sarili at sa pamamagitan ng kanyang panalanging naroroon ini-aalakbay ang kanyang kaunawaan, paano mananalangin upang ito ay madinig sa kaitaasan?

Na dahil diyan, nagaganap ng bawat isa ang maayos na paglilingkod at kung naunawaan din ninyo na ang karamdaman ay hindi lamang karamdaman sa laman kungdi ang karamdaman din ng Espiritu, kapwa ninyo ito maibibigay bilang paglilingkod sapagkat ang pag-ibig naroon sumisibol sa inyong puso.

Nabuksan na ang inyong kamalayan upang tumanggap ng kaunawaan kung papaano ilalahad, kung paaano ilalarawan, kung paano ilalapat ang pag-ibig, ang habag, na siyang hiningi ng Panginoon, “Ibig ko ay habag ay hindi ang hain.”

Paano ilalahad, ilalarawan, ilalapat ang pag-ibig at habag

Na dahil diyan, ginaganap at tinutupad ng bawat may kaunawaan sa tunay na aralin ng buhay at sa tunay na aralin ng katotohanan ng buong-puso; walang pagbabalatkayo, walang pagpapaimbabaw, walang panlilinlang.

Sapagkat nauunawaan niyang lahat ng kanyang igagalaw ay tulad ng paghahasik at pagtatanim na kung ano ang ibunga nito, siya ang unang aani ng bunga na kanyang itinanim.

Kaya’t laging naroroon anoman ang kaalaman at karunungan maunawaan ng isang mag-aaral sa ilalim ng katuruan at simulain ng karunungan at pag-ibig, hindi maaaring hindi siya maglingkod sa kanyang kapwa.

Kahalagahan ng karunungan at kaalamang nasimpan at nasinop kalakip ang pag-ibig

Hindi maaring hindi siya maghahandog sa kanyang kapwa sapagkat iyon ang pag-ibig na kinakailangang kanyang ganapin sapagkat doon lamang magkakaroon ng kahalagahan ang karunungan, ang kaalaman na kanyang nasinop, kanyang natutuhan kung ang pag-ibig ay kanyang isasali sapagkat ano ang halaga ng karunungan kung ito ay hindi isasagawa?

At ang pagsasagawa ay kahayagan ng pag-ibig at ang pag-ibig ay pagsasagawa. Kaya nga naririyan ang bawat na kaparaanan, binubuksan ang karunungan, kaalamang niyaong tinataglay. 

Samakatwid, higit na magiging kapaki-pakinabang ang pagli-lingkod na inyong isasagawa sapagkat ibinibigay ninyo ng mayroon ng kaunawaan, inihahandog na mayroon ng pag-aaral, ibinabahagi ninyo na may pagsusuri, pagsasaliksik at pagsisiyasat upang hindi ito mauwi sa kadiliman.

Sapagkat naroon din ang pangungusap, “paano kung ang liwanag na nasasa inyo ay kadiliman?” Na dahil diyan, hindi lahat ng naglilingkod, na sa pangungusap, “hindi lahat ng nagkakawanggawa ay aani at magtatamo ng kaligtasan.”

Ang paggawa ay nakapaloob sa siyensya ng karunungan at pag-ibig

Na dahil diyan, saligan ng paggawa na doon ay nakapaloob sa siyensya o simulain ng tunay na buhay sa pamamagitan ng karunungan at pag-ibig. 

Sapagkat sa kanilang pagtatambal, sa kanilang pag-aangkop ang mabisa, maayos, masining, at sistematikong kaparaanan ng bawat hanay ng karunungan ay nailalapat doon sa dapat niya na paglagyan.

Pagiging kaisa sa layunin at kalooban ng Diyos, kaangkop sa pag-ibig ng Diyos

At iyan ngayon ang siya ninyong kilalanin upang sa inyong bawat pagtupad, bawat pagganap na uri at bahagi ng kabuuan ng pag-ibig madama ninyo na kayo ay kaisa sa layunin at kalooban ng Diyos na kayo ay kaisa at kaangkop sa pag-ibig ng Diyos sapagkat kayo ay mga anak ng Diyos. 

Na dahil diyan, lalakad kayo ng mayroon nga kaunawaan sa bawat inyong ibibigay at ibabahagi upang hindi kayo maging bulag, kungdi nasasa inyo ang liwanag.

Humahakbang kayo ng may katatagan na dala-dala ang isang matibay na paninindigan, ang inyong oo ay oo at ang inyong hindi ay hindi sapagkat ang labas sa bahaging ito, ang wika ng Banal na Kasulatan, “mula na sa masama.”

Napakadakila ng paglilingkod at sining ng tunay na paggawa 

Kaya nga, napakadakila ang paggawa at ang paglilingkod at uri ng paggawa, ngunit kung ilalagay ninyo sa sining ng tunay na paggawa ang lahat ang hangganan ay kanyang kaligtasan sa pagkakasala.

Ang lahat ay magiging hantungan ang kanyang kasakdalan, ang kanyang kaluwal-hatian, sapagkat ito ang kahingian ng layunin at tungkulin ng isang kaluluwa na binigyan at ipinahiram ng buhay.

Maging mapalad sa pagsasagawa, ang mananampalataya sa Panginoon gagawin ang Kanyang mga ginawa

Kung gayon, taglayin ninyo sa inyong sarili na sa inyong bawat pagsasagawa, kayo ay maging mapalad sapagkat sa pagiging mapalad naroroon kayo’y pumapaloob sa pangungusap ng Panginoon, “ang sa akin ay nananampalataya ay gagawin ang aking mga ginawa, lalo’t higit na dakila na gawa ang kanyang magagawa.” 

Iyan ang magiging kahalagahan at kadakilaan ng paglilingkod na bawat tao na dala-dala sa kanyang puso ang karunungan at pag-ibig.

Ito ang sa akin sa inyo ay iniiwan, at muli tanggapin ninyo upang sa inyo ay maghari ang liwanag ng Espiritu Santo, ngayon at magpasawalang hanggan. Arkanghel Raphael, paalam.

 

2022-11-20, RAD

Paksa: Pagtalima at Pagsuway

Liwanag ng Espiritu Santo ang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at magpasawalang hanggan. Sa buhay ng bawa't isa, sadyang mahalaga ang karunungan sapagkat ito ang magbibigay ng daan upang makaunawa, makatanggap at maligtas sa kasalanan. At papaano ito magaganap?

Naroroon ang isang bahagi na kapag ang isang mag-aaral ay marunong makinig sa sandali na ang guro ay nagtuturo hindi baga katotohanang mayroon siya ng makukuha? May mabubuksan upang siya ay makaunawa? May madadala paglabas ng paaralan?

Ngunit kung ang isang mag-aaral sa loob ng paaralan, habang nagtuturo ang guro ay hindi nakikinig, may isipan ba na malalagyan ng kaalaman? Kaya nga ang pakikinig ay simula ng pagkatuto. Kaya't kung ibig ninyo mga Kabataan na matuto, iyan ang una ninyong pag-aralan paano kayo makikinig sa sandaling may mahahalagang pagtuturo sa inyo'y ibinibigay?

Sapagkat hindi sapat ang buksan ang teynga upang makarinig kung hindi may tamang paraan ang pakikinig upang dumating ang karunungan, ang kaalaman na, ang hangganan ay pagkatuto ng isang kaluluwa. Kung gayon, pagsuway at pagtalima.

Sa Banal na Aklat ay inilarawan ang isang Paraiso na inilagay ang isang ahas, ang isang Adan, at ang isang Eva. Bahagi rin ang doo'y nakapaloob na isang pagtuturo sa pagsuway. Kung papaano inatasan ng Diyos at binuksan ang kaugaliang marunong sumunod. Ginamit ang atas, " Huwag mong kakainin ang bunga ng puno ng pagkakilala sa mabuti at masama at kayo ay mamamatay."

Pagpapahayag kung paano iminumulat ang isang isipan. Pagsukat kung hanggang saan ang magiging pagpapahalaga sa utos ng Diyos. Sapat din upang tamuhin ang kaligtasan. Ngunit kailangang maging bahagi ng pagkikintal ang pagsuway sapagkat dalawang bahagi na may magiging pakinabang.

Dalawang bahagi at kalagayan na mayroon ng kabuluhang ibibigay at idaragdag sa buhay at pakikipamuhay ng bawat tao. Kaya nga inilagay ang isang ahas upang maging bahagi ang larawang ipatatanaw ng pagsuway.

At dahil sa bahaging ito sumuway ang isang Eba, sumunod ang isang Adan sapagkat kapwa natukso sa tagubilin at atas ng ahas na sila'y magiging makapangyarihan. Ano ang halaga ng pagsuway? Ano ang mabuting kinalabasan samantalang naroroon sa larawan ay ipinakikita at ikinikintal na hindi karapatdapat sapagkat ang Diyos ang nag-atas, huwag gagalawin."

Ngunit kung hindi sumuway may diwa bang mabubuksan? Makikilala ba kung ano ang tama at ang mali? Kung ano ang matuwid at ang liko? Kung ano ang mabuti at ang hindi mabuti? Sa katitikan oo, ngunit sa kanyang diwa sadyang naroroon ang paglabag ay may tatanggapin sapagkat ang batas ay hindi binuo upang labagin kung hindi upang ito'y talimahin.

Ngunit naroroon din ang pagmumulat, ang pagpapakilala, ang pagpapadama kaya't ang lahat ng bagay sa sandaigdigan, hindi ibinigay ang isang landas lamang kung hindi laging may katambal, mabuti, hindi mabuti; matuwid at liko; tama at mali sapagkat pangangailangan upang maunawaan ng bawat taong nakikipamuhay sa sandaigdigan kung ano ang halaga ng pagsunod, kung ano ang magiging bunga ng pagsunod at kung ano rin ang ibubunga't ipagkakaloob ng pagsuway at ng paglabag at iyan ang pagsulong. Iyan ang pagkatuto.

Na, kung isa lamang ang lalakaran, ano ang magiging pagkatuto samantalang iyon lamang ang iyong nakikita, ginagalawan, minamasdan, ang buhay na inaapakan at iyon lamang ang buhay na binubuo sa iyong sarili?

Kaya't kailangang may makitang paghahambingan ngunit hindi upang ang masama ay iyong tularan at gawin sapagkat natutuhan mong ang masama ay hindi nagiging karapatdapat sapagkat mayroong sa iyo'y ibabalik katumbas ng masama na iyong ginawa. Kung gayon, ano pa rin ang nakapaloob? Kalayaan.

Kalayaan sa pagpili kung ano ang ibig mong mangyari sa iyo. Kalayaan sa pag-ugit ng sarili mong buhay. Kalayaan kung paano mo gagamitin ang buhay na ibinigay sa iyo ng Diyos, ngunit hindi mo dapat kalimutang lahat ng gagawin mo may ibabalik sa iyo.

At kung ito'y inyong nauunawaan, ang ibig ninyo ay kapayapaan, ano ang inyong gagawin upang ang bumalik ay ang kapayapaan? Ang ibig ninyo'y kasiyahan at kaligayahan, ano ang kailangan ninyong gawin upang ang inyong madama bilang ganting galaw ay kaligayahan din at kasiyahan ng buo ninyong pagkatao?

Inyo ngayong tantuin na ang daigdig ay punong puno ng mga lakas, punong puno ng pluwido, ng lakas ng mabuti at lakas ng masama. Na, kung anoman ang sa inyo'y mabuksan, anoman ang damdaming inyong madama, galit, tuwa, poot, pagmamahal at pag-ibig kapwa ito may ihahatid sa sandaigdigan sapagkat iyan ay lakas na tatambal sa kapwa lakas na siyang umiinog sa buong Uniberso.

Galit ang nasa puso mo, hindi baga't ang galit na ito ay lakas na kapag iyong pinakawalan hahalo, naroroon ang buong mundo ay lakas kaya nga ang lakas na iya'y makaiimpluwensya at may epektong ibibigay sa bawat tao ayon sa kani-kaniyang antas, ayon sa kani-kaniyang uri, ayon sa kani-kaniyang kakayahan.

Kaya nga't kung ang tao naroroon ang galit sa kanyang puso at ang galit din sa puso mo ay lakas na pinawalan mo, hindi baga uugnay sa taong sa kasalukuyan ay naroroon sa kanyang pagkapoot, samakatuwid, karagdagang bigat ang inyong naibigay.

Kung ito ngayon ay inyong mauunawaan, pababayaan pa ba ninyo ngayong ang galit ay makahulagpos sa inyong sarili? Oo, ang isang magulang nagagalit, ngunit kung ang pag-uusapan ay tunay na diwa ng pag-ibig, hindi dapat nagagalit ang isang magulang, at walang magulang na dapat nagagalit kung hindi ang ibibigay ay pang-unawa, pagmamahal sapagka't magkatulad ba at magka-antas ng kaunawaan ang magulang at ang anak? Ang karanasan ba ng isang magulang ay karanasan din ng anak na kailangang pumantay para sa kanya?

Kung gayon, sa larangan ng tunay na diwa ng pag-ibig, kapag kayo'y nagalit hindi na iyon pag-ibig at hindi na rin kayo umiibig. Isang aralin na katulad lamang ng isang tipak ng pagkain na kapag inyong isinubo hindi ninyo dapat na lunukin agad kung hindi kailangan munang nguyain upang ito ay maging maliliit na piraso, at kung maging maliliit na piraso malulunok ninyo ng may gaan, at kung ito'y tumuloy sa inyong tiyan kayo ay hindi dadanas ng hindi pagkatunaw sapagka't pino na ang pagkaing pumasok sa loob ng inyong katawan. Gayundin ang gawa ng lahat at bawat isa.

Samakatuwid, sadyang ang kalayaan ay ibinigay hindi upang kayo'y ilugmok at kayo'y magkasala, kung hindi ibinigay ang kalayaan upang maunawaan ng lahat at bawa't isa kung ano ang inyong tungkuling kinakailangang tuparin katulad ng ibinigay sa isang ahas na, dahil sa kanyang ginawa nabuksan ang kanyang pagka-unawa, ito pala ang kanyang gagampanan na, ang wika," mula ngayon, ang iyong tiyan ang ilalakad mo sa lupa."

At sa isang babae katumbas ng kanyang ginawa," mula ngayon magiging mahirap at mabigat ang iyong paglilihi hanggang sa iyong panganganak." At sa isang lalaki'y naroroon din binuksan nang dahil sa kanilang pagsuway, " sa pawis ng iyong noo doon mo kukunin at manggagaling ang iyong kakainin."

Lahat ng iyan kung diwa ang kukunin natutupad at nagaganap sa lahat at bawat isa kung kaya nga ang kalayaan ay ibinigay upang matuto at makita ng bawat tao ang matuwid na landas na dapat niyang tahakin.

Datapuwat hindi ibinigay ang bawat bahagi upang sa kanyang pagsuway siya'y maligtas sa kanyang magiging pananagutan kung hindi bawat gawin ng bawat isa ay may pananagutan ayon sa uri ng kanyang isinagawa.

Na, kung mabuti ang isinagawa, kaligayahan, kasiyahan, kapayapaan ang aanihin. Ngunit kung ang ginawa ay liko hindi baga at kalungkutan, kahapisan, kapahamakan, karamdaman, kawalan ng kanyang buong pagkatao at naririyan ang kaalaman na sasa inyo ay mailagay ninyo ayon sa kalooban ng Diyos sapagkat ang kalooban ng Dios ay ang maunawaan at matutuhan kung papaano ang uri ng pagpapakabanal.

Iyan ang kalooban ng Dios na kinakailangang maunawaan at matutuhan ng lahat at bawat isa, paano niya gagampanan ang pagpapakabanal sapagkat iyan ang kalooban ng Diyos, kaya at siyang ginanap ng Panginoon upang ipakita sa kabanalan naroroon ang kaluwalhatian at ang kawagasan.

Ang liwanag ng Espiritu Santo ang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at magpasawalang hanggan. Ako ang sa inyo'y nagpapaalam, Arkanghel Raphael, Paalam.

Centro El Espiritismo 

 

2022-11-14, RAD

Liwanag ng Espiritu Santo ang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at magpasawalang hanggan. Ang bawa't anak ng Diyos na nakasumpong ng katotohanan sa kanyang buhay, nagsisikhay at nagsisikap na mapabuti ang kanyang sarili.

Sa adhikaing ito, humahanap ng kanyang mapanghahawakan o mapagsasaligan upang kanyang maging gabay sa kanyang pakikipamuhay. At ang saligang ito kung lilimiin wala sa kanyang kapwa, wala rin sa kanyang sarili kung hindi ang lahat ay naroroon sa kaalaman at karunungan na kaalinsabay na lumalawak sapagka't siya'y nabuksan na sa kamalayan ukol sa matuwid na paggawa.

Kung gayon, madarama ng bawa't puso hindi sapat ang magmithi at magadhika ng mabuting mga gawa na hindi ito lalakipan ng pagsasakatuparan. Hindi rin sapat na nakapangungusap at nakapagsasalita nang matuwid kung hindi iyaalakbay na sa kanyang pangungusap at pananalita'y inihahayag ang pagkaunawa.

Lalong hindi rin sapat na punuan ang puso ng pag-ibig para sa kanyang kapwa kung sa kanyang sarili'y baog ang adhikaing ito sapagka't ano ang ibibigay ng walang pag-ibig na isinasagawa sa kanyang sarili.

Kung gayon, bawat bahagi ng buhay ay tulad ng sikat ng araw, kapag ito ay nagkaroon na ng bahagi sa bawat tao, lahat ng kanyang hagkisan ng liwanag, maging ang halaman ay sumisibol, ang mga pananim ay gayundin, nabubuhay.

Samakatuwid, ang adhikain at mithiin ng bawa't tao na ikinikintal sa kanyang diwa upang ipahayag ang kanyang pananalig at pananampalataya sa Diyos ay hindi doon lamang tinutuldukan. Hindi doon lamang natatapos kung hindi katulad ng pananampalatayang walang gawa ay baog, kaya nga't kaalinsabay ang pananampalataya lalakipan ng paggawa upang mabuhay.

Ganito kaya ang kahayagang isinagawa ng isang Sakyo na nagnasa sa kanyang sarili na makita ang Panginoon at siya man ay makita ng Panginoon. Sapagkat siya ay maliit, hindi niya pinabayaang manatili sa isipan ang pagnanasang makita niya ang Panginoon kung hindi gumawa ng kaparaanan bilang pagpapakasakit na ipadarama niya sa Panginoon.

Ano ang kanyang ginawa? Hindi baga umakyat sa puno ng Sikomoro? At ng ito'y kanyang gawin, ang pagnanasa'y nagkaroon ng katuparan sapagkat siya'y napansin at nakita ng Panginoon at doo'y nangusap, "Sakyo, bumaba ka sapagka't ako'y papasok sa iyong tahanan."

Kung ito ay halimbawa ng pagsisikhay, sa bawa't karunungan na inyo ngayong nauunawaan sapagkat kayo'y patuloy na nag-aaral, nagsusuri at nagsisiyasat, ang pagpupunyagi na baibaitang, hagdan hagdan ay mailagay ninyo ang bawa't karunungan at kaalaman sa larangan ng pagsasagawa katulad ng isang Sakyo.

Ano ba ang diwa ng punong kanyang inakyat? Ano rin ang diwa at biyaya inihatid ng pangungusap, "Bumaba ka Sakyo sapagkat ako'y papasok sa iyong tahanan." Ano ang tahanang papasukin ng Panginoon upang ang biyaya ay dumating at matanggap ng bawa't isa?

Naririyan ang aralin ng buhay. Sapagka't ang Mundo ay punong puno ng aralin na sapat upang ang tao ay mamulat ang kanyang pagkakilala kung ano ang Diyos? Sino ang Diyos? Ano ang tungkulin ng bawat isa sa Diyos? At paano niya ipadadama na siya'y nananalig at nananampalataya sa Diyos?

Ganito rin kaya ang kahayagang inilarawan ng isang Job? Na, sa pagiging matuwid ay dumama ng karamdaman. Datapuwat, ipinakilala at inilarawan kung papaano siya binubuhay ng pananampalatayang nasasa kanya.

Na kailanman ay hindi nawala, hindi nanghina upang itakwil niya ang Diyos sapagkat ito ang sa kanya'y ipinangungusap ng kanyang asawa, "Limutin mo na ang iyong Diyos," ngunit ang kasagutan, " Diyata baga na ako ay tumatanggap nang mabuti ay hindi ako tatanggap ng masama?"

Ito ang kahayagan at diwa ng pananampalataya upang ipakita ang katatagan ng bawat isa. At sa kabila pa rin noon, nalalaglag na ang uod sa kanyang mga sugat, pinupulot at ibinabalik pa. Magagawa ba ito sa literal na kahayagan ng tao na, ibabalik pa sa kanyang sugat ang uod na kumakain ng kanyang laman?

Lahat ng iyan ay mga diwang binubuksan upang ang bawat kamalayan ng isang kakuluwa'y maantig at magising upang sa kanyang pagpapatotoo na may isang matuwid at mabuting kanyang pinanggalingan ay maging karapatdapat siya bilang kanyang tahanan.

Lahat ng ito ay adhikain at mithiin ng bawat mayroon ng mataas na kamalayang nabuksan sa pamamagitan ng kanyang karanasan. Gayunpaman, hindi mai-aalis na pagdating ng hirap, ng pighati, ng sakit dumoroon ang pintigin ng laman.

Datapuwat iyan ay mga bahaging kinakailangang maunawaan ng isang nakakilala na at nakaunawa na kung ano ang tunay na buhay. Na, kung ang isang laman ay natatakot sa tiisin, ang isang laman ay natatakot at nagugulumihanan kapag dumarama ng suliranin at mga salaghati sa kanyang buhay.

Ang isang kaluluwa, iyon ang kanyang tuntungan, iyon ang kanyang baitang, iyon ang kanyang magiging daan at landas upang matamo ang pagsulong sapagkat ang buhay ay ibinigay upang makamtan ang pagsulong at tunguhin ang buhay na walang kamatayan.

Kaya nga, lahat ay binubuksan ng karanasan. Lahat ay pinapanday upang sa kanyang sarili'y magamit niya ang talim ng tabak na ang kamangmangan ang puputulin sa pamamagitan ng kaalaman at karunungang kanya na ngayong nasisimpan.

Kung gayon, ano ang kailangan? Mabuksan ang diwa ng lahat at bawat isa na walang nagaganap sa lupa na hindi ang bawat kani-kaniyang sarili ang may kadahilanan sapagkat ang bawat gawa ng tao ang siyang humahabi ng karanasan na tatamuhin ng lahat at bawat isa.

Kaya nga ang pagtanggap sa kanyang kabuuan na ang lahat at bawat pangyayari'y kanyang pangangailangan. Anomang uri ng karanasan ito, iyon ang daan upang siya'y makarating sa kaharian ng Diyos.

Anoman ang bahaging kanyang dinadama, iyon ay mga uri ng lakas upang pinuhin ang kabuuan ng kanyang katauhan upang ang mababang alitigtigin at mababang pintigin ay pumailalim sa mataas na kamalayan na kinakailangang lagi na ay sariwa sa kanyang puso, daladala ng kanyang pag-iisip sapagkat ito ang disiplina na sa kanya ay gagabay upang maunawaan papaano niya maihahakbang ang kanyang dalawang paa upang hindi siya maligaw.

Kung gayon, diyan hinuhubog ang tunay na anak ng Diyos. Diyan ngayon dinadala ang lahat at bawat isa upang sa pang araw araw na kabuhayan ng bawat tao, ang lahat ng kanyang matutunghayan.

Lahat ng masisilayan ng kanyang paningin ay mga butil ng perlas at mga ginto na kinakailangang kanyang pulutin sapagkat iyon ang magiging yaman ng kanyang kaluluwa at doon magmumula ang yaman ng kanyang diwa na siya ngayon gagamitin upang mapali at malinang ang katauhang ito bilang anak ng Diyos.

Kaya nga sa huli, kung naroroon na at naabot na ng lahat ang kasukdulan doon ngayon nakikipag-ugnay at nakikipaglapit sa tunay na Diyos na, ipinauubaya sa kanyang palad ang lahat sampu ng kanyang buhay.

Kaya't nangungusap,"Ama masunod ang kalooban mo at huwag ang sa Amin." Ngunit nauunawaan ba ang diwa ng pangungusap na ito? Na kapag ito'y ipinangusap wala ka na ngayong karapatan sa iyong sarili sapagkat ang lahat ay inihain mo na, ini-aalay at inihandog mo na sa Diyos na tinanggap mo siyang mamamahala at maghahawak ng iyong buhay.

Ano ngayon ang karapatan ng tao upang ang bawat pangyayaring sa kanya'y nagaganap ay kanya ngayong pag-aalinlangan? Bakit ko tinanggap ang ganitong uri ng suliranin? Bakit ako dumadama ng ganitong uri ng pagsubok?

Kaya nga, kung nauunawaan ng lahat at bawat isa ang ganitong katotohanan, ang paglaya ng diwa mula sa gapos ng kamangmangan, magaganap, matutupad sapagkat iyan ang pangangailangan ng bawat espiritu na kung saan pinaniningning, ini-aangat, itinataas ang kanyang antas hanggang dumating doon sa pangako na kanyang makamtan, ang kabanalan.

Ito ang damhin ninyo at i-ukit sa inyong puso, hindi mabigat ang buhay. Lalong hindi mabigat ang pakikipamuhay sapagkat ang buhay ay biyaya na handog ng Diyos para sa kapakinabangan ng kanyang kaluluwa at ng kanyang espiritu.

Kung gayon, ang aralin ay nagpapatuloy at magpapatuloy hanggang ang mithiin at adhikaing masumpungan ang tunay na katotohanan ipagkakaloob tulad ng ulan, hindi kailanman ipagkakait sapagkat iyan ay pangangailangan upang ang inihasik na binhi ay tumubo.

At ang layunin ng paghahasik ay upang may bungang maani sapagkat ang bungang ito ang siyang magiging patotoo kung paano ibinibigay at inihahandog ng Diyos ang biyayang bilang pagkain sa laman at pagkain sa isang kaluluwa.

Diyan ngayon inyong unawain kung paano lulukubin at palulukob ang bawat isa sa sandaling siya'y nangungusap," "Masunod Ama ang kalooban mo at huwag ang sa amin." Muli, maghari sa lahat at bawat isa ang liwanag ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Arkanghel Raphael, Paalam.

Abotsabi Centro Ilaw ng Sanlibutan

Talaytayan, Kpd Rebecca Dungo

 

2022-10-09, RAD

Liwanag ng Espiritu Santo ang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at magpasawalang hanggan.

Sa kalagayan ng bawa't tao, kapag ang dala ng kanyang puso o ng kanyang katauhan ay pagmamahal at pag-ibig, ang kanyang hahangarin na maipagkaloob ay pagpupuno sapagkat kanyang nadama may pagkukulang na kailangang punan.

Na, sa sandali na mamasdan nagiging laganap ang kadiliman naghahangad at nagmimithi na may liwanag na kanyang maibigay upang mapawi ang kadiliman. At kung ang kahinaan ang natatanaw hahanapin niya sa kanyang kabuuan kung ano ang katatagan at katibayan na kanyang nabuo sa kanyang sarili upang iyalay sa mahihina nang sa gayon gabay at patnubay ang kanyang maipagkaloob.

At sa ganitong uri, hindi baga doroon ang puwang upang madama ang kaligayahan hindi ng laman lamang kundi lalo't higit ang kaligayahan ng isang kaluluwa. Sapagkat ang landas na kanya ngayong binubuo, ang bakas at larawang inihayag at ipinagkaloob ng bugtong na Anak ng Diyos. Kung gayon, paano ito magaganap?

Naroroon sa pangungusap na siyang larawan na ipinatunghay ng Diyos na, sa pagtingin sa anomang uri ng kalagayan ang wika, ang Diyos ay hindi tumitingin sa anyo. Sapagkat kapag ang anyo ang tinunghan at minasdan ng bawa't tao ang maikakabit at mauugnay, ang konsepto ng kanyang pagiging konkreto.

Na, kung ang nakita ay wala ng kagandahan, kung ang narinig ay hindi umayon sa kanyang panlasa at sa kanyang pandama, ano ang kanyang lalakaran at kanyang gaganapin? Hindi ba ang paghatol? Hindi ba ang paghusga? Sapagka't tinanaw ang anyo na, ang naikambal ang konsepto ng kanyang pagiging konkreto?

Kaya nga ang Diyos ay hindi sa anyo tumitingin kung hindi ang wika, ang laman ng kanyang puso ang tinitingnan. At kung ang laman ng puso ang siyang tatanawin, siyang dadamhin at siyang titingnan ng bawat tao, ang kakabit at kakambal ang konsepto ng pagiging abstrakto. Na, kung saan sa bawat kanyang makikita kung ito'y hindi maganda sapagkat ang laman ng puso ang tinitingnan hahanapin ang ikabubuti.

Hahanapin ang kaayusan at katumpakan. Kaya nga, sa hindi magandang kanyang nakita ang kanyang ipupuno, ang kanyang ikakabit ay ang ikagaganda nito. At kung ang dilim ang siyang lumalaganap, sapagkat ang puso ang siyang tinitingnan, ang positibo ang siyang ibinibigay at ipinagkakaloob. Kaya nga, nakikita ang isang pag-asa.

Na, sa masamang panahon may sisikat at sisilay na liwanag sapagkat may magandang bukas sa kabila ng masamang panahon. Naririyan ngayon ang bawat bahagi at bawat kalagayan na, kung saan doon inihahayag at inihahantad ang bawat kakayahan, ang bawa't kaangkinan, ang bawat katangiang daladala ng bawat nilalang ng Dios.

Na, sa lahat ng bagay na kanyang nakikita, sa lahat ng kalagayan na nagaganap hindi maaaring hindi ito ang tumutugon lalo na kung ang kahayagan ng kanyang kaanyuan ang siyang titingnan. Sapagkat sa bawat pagtingin nito. Hindi baga nagiging isang katotohanan ang ikinakabit at kanyang hinahanap, ang kanyang paniniwala, ang kanya ngayong prinsipyo, ang kanyang patakaran, ang kanyang daladala na ibig niyang makita taglay ng iba?

Kaya nga, may sigalot na nalilikha sa kanyang puso; may kagulumihanang nalilikha sa kanyang kabuuan sapagkat sa pamamagitan ng anyong kanyang tiningnan kinambal ang kanya na ibig niya na kanyang makita.

Samakatuwid, kung ito ang kahayagan ng buhay, naroroon ang baitang ng kaligayahan. Naroroon ang kadahilanan kung bakit nawawala at naglalaho ang kaligayahan sa bawat puso. Naroroon ang kaligayahan kung ang bawat isa sa kanyang sarili, ang adhikain, ang mithiin, ang layunin ang siyang matatanaw sapagkat ito ang pamantayan upang tunguhin ang baitang ng pagsulong.

Kaya nga, sa kalagayang ito, diyan ngayon ninyo hanapin ang dala ng inyong puso upang inyo ngayong makilala at maunawaan kung paano pananatilihin na ang kanyang puso, ang kanyang diwa ay magkaugnay at iisa ang bigkis na sa kanila'y tumatalie, ang pagmamahal, ang pag-ibig sapagkat iyan ang iisang daan at iisang landas na tinahak at tinugpa ng isang Jesus.

Kaya nga, sa sandali ng kanyang paghihirap sa paningin ng tao sapagkat Siyay nakabayubay sa krus, ang umiral ang daladala ng kanyang puso na, siyang tinitingnan ng Diyos at ng Ama na siyang nagbigay ng buhay, nangusap," Ama, patawarin mo po sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa.

At kung ito ngayon ang siyang bakas na inyong susundan wala kayong pangit ba makikita. Wala kayong hindi magandang makikita, lalong walang liko na inyong matutunghan upang kayo'y dalhin sa paghusga at paghatol, datapuwat makikita ninyong ang lahat ng ito upang ang pagibig na naroroon sa inyong puso na siya ninyong tiningnan, siya ninyo ngayong tinanaw, ang inyo ngayong ibibigay sa halip na paghusga, pagtutuwid sapagkat may pagkakamaling nakita.

Na, sa pagtutuwid na ito'y doon ngayon ninyo gagamitin ang karunungan at pag-ibig na siyang saligan at pamantayan upang kayo ay maging isang responsableng anak ng Diyos. Ang karunungan at pagibig ang siya ninyong gagawing saligan upang kayo ay maging mga bagong tao.

At kung iyan ngayon ang siyang nakahanay, siya ngayon na nakahalayhay, ito ang inyong pagsisikhayan upang matamo sapagkat sa sandaling ito'y matamo ang kasuotang inyong mahahabi ay ayon sa pagibig at kalooban ng iisang Diyos at ayon sa larawan at halimbawa na ipinatunghay ng isang Jesus na nabayubay sa krus upang ipakita at ilarawan paano matatamo ang kaligtasan sa pagkakasala.

Ito ang aking sa inyo'y iniiwan bilang karagdagan, bilang pagpapalawak, bilang pagpupuno upang ang puso ng bawat isa na sinibulan na, ng pagibig manatiling naroroon sa bawat araw ng buhay na kanyang pagdaraanan, aalagaan niya, iingatan niya, gagabayan niya sa pamamagitan ng mga biyayang kanyang tinanggap.

At sa pamamagitan din ng biyayang ito doon ngayon ilalakad ang kanyang mga paa sapagkat nawawalan at mawawalan ng kabuluhan kung ang biyayang iyong kinilala na ibinigay sa iyo hindi mo mailalagay at maibabahagi upang ang iyong kapwa na kulang ay magkaroon ng karagdagan.

Maghari nawa sa lahat at bawat isa ang liwanag ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Arkanghel Raphael, Paalam.

Centro El Espiritismo

 

2022-09-25, RAD

Paksa: Ang simula ng wakas; ang wakas ng simula

Liwanag ng Espiritu Santo ang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at magpasawalang hanggan.

Buhay na payak vs. buhay na maraming hinahangad

Ang buhay kapag ginawa mong simple at payak, magtamo man ng suliranin hindi nagiging mabigat; ngunit kapag ginawa na ang buhay ay maraming hinahangad, maraming pinapangarap na kanyang makamit at makamtan, ang pagpapatuloy ng buhay ay nagiging katulad ng isang daan nagkakaroon ng mga sangay.

Samakatuwid, kung ang pagsilang ng tao ang siyang simula ng pakikipamuhay ng bawat kaluluwa, ano ang kailangan na kanyang taglayin upang ang maging wakas ang kanyang larawan ay ang naging simula? Sa ganitong kalagayan tinaglay ninyo ang buhay upang ihayag ang pasimula ng kahingian at adhikain ng isang Espiritu.

Samakatuwid, ano ngayon ang kinakailangang maging pasimula ng buhay na ito na sa inyo'y ipinahiram ng Diyos? Hindi kaya na, ang kailangang maging simula ng buhay upang maging maganda at mabuti ang kanyang wakas ay ang matutuhan ninyo ngayong magmahal, matutuhan ninyo ngayong umibig sa iisang Diyos at sa Panginoon.

Kung iyan ang simula na inyong ibibigay sa inyong buhay ang pagmamahal, ang pag-ibig sa Diyos at Panginoon, ano ang magiging pagpapatuloy ng buhay? Ang dalhin kaya kayo sa kasamaan? Ang dalhin kaya kayo doon sa kalikuan upang ang maging wakas ninyo'y kasawian at kapighatian?

Ang dalhin kaya kayo doon sa isang adhikain na sa inyo'y nagpaunawa na ang pagmamahal sa Diyos ay ang paggawa ng mabuti. Ang pag-ibig sa Diyos ay ang pag-ibig sa kanyang kapwa. Ang pag-ibig sa Panginoon ay ang pag-unawa, pagkilala, pag- aaral upang matutuhan ang lahat ng kanyang isinagawa, ang mga aral na kanyang ibinigay bilang halimbawa ng tunay na anak ng Diyos.

Kung naririto ang simula ng buhay, ano ngayon ang magiging wakas bilang kanyang hangganan? Hindi kaya, ang pagkaunawa ng tao, sapagkat umusbong ang pagmamahal niya at pag-ibig sa Diyos ay wakasan na niya ang gawa na wala sa matuwid?

Ang kanya ng iwan ang kanyang mga pagnanasa na ang ibinubunga ay kahapisan na, ang tanging naroroon, mangarap na mabuhay sa sandaigdigan ginagamit ang yaman ng sanglibutan ngunit kailanman ay hindi tutunguhin ang ipagkakasala ng kanyang sarili upang matupad, ang simula ay ang pag-ibig sa Diyos at ang Diyos ay liwanag, ang Diyos ay kapangyarihan, ang Diyos ay ang wagas na pag-ibig.

Na kung ito ang mamumuno at malalagay sa bawat puso, sa bawat pagtingin sa kaganapang nangyayari sa sandaigdigan, sa halip na magdilim ang kanyang pag-iisip, ang mabubuksan ay liwanag upang maunawaan lahat kaya nagaganap ay sapagkat marami ang humihingi sa kanyang baitang ng pagsulong.

Pagkamulat ng isang kaisipan mula sa kadiliman at kawalang-malay sa katotohanan

Kaya ang lahat ay nagaganap sapagkat mayroon ng panahon na kinakailangang matupad sa buhay na ito... panahon ng pagkamulat ng isang isipang naroroon sa kadiliman at kawalang-malay ukol sa tunay na katotohanan.

Panahon upang makilala at unawain ang kanyang sarili, saan ba niya inilalagay ang buhay na sa kanya'y ibinigay ng Dios. Panahon ng paghahasik ng pag-ibig na, ang paghahasik ng pag-ibig na ito katulad ninyo bilang mga anak ay matutuhan ngayon ninyo na, lingapin ang inyong magulang.

Matutuhan ngayon ninyo na, makita at maunawaan ang kanilang paghihirap upang maitaguyod ang maganda ninyong kinabukasan. Matutuhan ngayon ninyo na, makita walang magulang na naghangad upang mapahamak ang kanyang mga anak. Walang magulang na kung humihingi ng tinapay ang kanyang anak, ang ibibigay ay ahas.

Kung iyan ang magiging simula ninyo sadyang ang magiging wakas ay hihinto ang bawat isa doon sa likong pag-iisip na ang binubuo ay ang kasiyahan lamang ng kanyang sarili. Ang ginagawa at dinadama ng kanyang damdamin ay ang sakit na kanyang nadarama na, hindi nauunawaan ang ginawa ko ba ay nakapagbigay din ng sakit sa aking kapwa?

Kaya nga't kung naririyan ang pagpapatuloy sapagkat ang simula ay ang pag-ibig sa Dios, ang magwawakas ang kamangmangan, ang kamusmusan sa pagkaunawa sa tunay na buhay, ang kadiliman at kakutiman ng kanyang puso sapagkat mula sa wakas na ito'y doon muling magpapasimula ang bunga ng pagkaunawa sa pagibig na ang inilalarawan nito kapag nasasa inyo ang tunay at wagas na pag-ibig.

Ang pinakadakilang tao ay yaong marunong tumanggap ng kanyang pagkakamali

Kailanman hindi kayo magmamataas, kailanman hindi kayo maging mayabang, kailanman hindi kayo magiging palalo upang sa inyong sarili ay maunawaan ngayon ninyo na matutuhan ninyong tumanggap ng inyong pagkakamali. Sapagkat walang pinakadakilang tao kung hindi ang marunong tumanggap ng kanyang pagkakamali at magtama at magtuwid ng kanyang pagkakamali.

Ang kaharian ng mga langit

Iyon ang wakas, ngunit iyon din ang simula upang ang inyong matamo kapayapaan, katiwasayan, katumpakan, kaayusan, kaliwanagan ng inyong buhay ang inyo ngayong daratnin at tutunguhin, walang iba kung hindi ang kaharian ng mga langit sapagkat ang inyong naging simula makamit at makamtan ang karunungan at pag-ibig na siyang pangunahing sandata upang ang bawat isa mabuhay ayon sa kalooban at pag-ibig ng Diyos.

Ito ang aking sa inyo'y inihahandog upang maunawaan ng bawat isa habang kayo'y nagtititiyaga may gantimpala kayong iniipon na inyong makakamit. Habang kayo'y nagiipon maraming yamang sa inyo'y magtataguyod sa sandaling dumating ang kahirapan. Habang kayo'y nagpapatuloy katulad ng kasabihan at kawikaan na dito ako magtatapos, “Ang umaayaw ay hindi nagwawagi, ang nagwawagi ay hindi umaayaw.”

Samakatuwid, ano ang gusto ninyong maging simula upang siya ninyong maging wakas, at ang wakas na ito ang siya ninyong maging simula na, siyang bumalot, humubog, luminang, pumanday sa inyong mga Espiritu?

Maghari nawa sa lahat at bawa't isa ang liwanag ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Arkanghel Raphael, Paalam

Centro El Espiritismo

 

2022-09-03,RAD

Paksa:

1. Dapat bang katakutan ang kamatayan?

2. Pwede bang hilingin ang uri ng kamatayan ng isang nilalang?

3. Ano ang kaganapan sa paghihiwalay ng laman at espiritu sa sandaling dumating ang tinatawag na kamatayan?

Liwanag ng Espiritu Santo ang maghari sa lahat at bawa't isa ngayon at magpasawalang hanggan.

Mula sa pagsilang o pagluwal ng isang kaluluwa upang makipamuhay sa ibabaw ng lupa, daladala na niya ang baitang ng kamatayan. Kung baga sa dala-dalahan, dala na niya ito sa kanyang pakikipamuhay sa lupa.

At sa ganitong uri naroroon ngayon ang paglalarawan kung paano ang kamatayan ay darating sa isang tao, ang kanyang magiging galaw, ang uri ng kanyang magiging pagsasagawa, ang bahagi ng kanyang magiging paghakbang o paglakad at pagbubuo ng kanyang naging layunin upang siya'y isilang sa lupa ay nagtatakda rin at nagpapadama kung anong uri ng kamatayan ang sa kanya'y sasapit.

Sapagkat hindi pa man isinisilang ay naroroon na ang mga balangkas na hahagdanin upang maging bahagi ng bawat kaluluwa. Ang uri ng buhay na kanyang sasapitin nakabalangkas na, kung ano ang kahihinatnan ng kanyang buhay sa lupa ay nakaplano na rin, nakaayos na bago iluwal ang isang kaluluwa sa lupa.

Kaya nga may kinikilala kayong katakdaan o katadhanaan ng buhay. Datapuwat ganito man ang pangyayari, at ganito man ang kahayagan sapagkat may kalayaang ipinagkaloob sa bawat isa, sa pamamagitan din ng mabuting pamamahala at paggamit sa kanyang buhay, ang nakatakda at nakatadhana, hindi kaya maaaring maiwasan?

Hindi rin kaya maaari na, kung ito'y mabigat ay magiging magaan? Sapagkat katulad ng pagkakautang, hindi ka na sinisingil nagbabayad ka na nang kusa. Hindi na kinakailangang sa iyo ay dumating pa ang taga singil kung hindi ikaw na sa iyong sarili ay naghahanda upang may maibayad ka bago pa dumating ang takda ng paniningil sa iyong utang.

Isang malawak na pag-aaral na di kagya't ay tatanggapin na ito na nga ang katotohananan. Katulad ng malaking tipak ng pagkain, hindi isusubo sa bibig at agad ay lulunukin kung hindi ito'y ngunguyain, pipinuhin upang magawa na matunaw pagdating sa loob ng katawan.

At iyan ay bahagi kung bakit kinatatakutan ng tao ang kamatayan. Sapagkat ang pagsilang at pagluwal ay may layunin ang isang kaluluwa. Ano ang mga ito? Makagawa nang lalong mabuti sa kanyang nagawa noong nakaraan niyang kabuhayan. Maipagpatuloy ang pagkakawanggawa at paglilingkod na kanyang napasimulan.

Maituwid ang mga pagkakamali na kanyang dinaanan. Mapunan ang lahat ng pagkukulang na nang dahil sa batas ng paghuhubad ng laman ay hindi niya nagampanan. At kung ang pagkakasala ay isang uri ng pagkakautang babayaran niya ito sa kanyang buhay na muli ay ipinahiram.

Ito ang dahilan bakit kinatatakutan ng isang kaluluwa o ng bawat tao ang pagdating ng kanyang kamatayan lalo na kung ang mga ito ay wala siyang nagawa, wala siyang naisakatuparan, wala siyang naimpok at naipon, natatakot ngayong mamatay sapagkat sa sandaling dumating ang bahaging ito sa kanyang sarili nababatid niyang ito ang kanyang haharapin.

Ito ang kanyang mamasdan sapagkat ang paggawa ng tao ay katulad ng pagtatanim sa lupa. Na, kung ano ang iyong itinanim, iyon ang iyong aanihin. Kaya nga sa sandali ng paghihiwalay ng laman at kaluluwa, oo, ang yaman sa lupa, ang mga kapangyarihang kanyang daladala hindi madadala ng kanyang kaluluwa sa sandaling bumalik na doon sa tunay niyang bayan.

Ngunit kung papaano niya ginamit ang kayamanan ng sanglibutan, kung papaano niya pinamahalaan at ginamit ang buhay na sa kanya'y ipinahiram, ang lahat ng ito, Ang bunga nito may daladala at nadadala ng isang kaluluwa pagdating na naghiwalay na ang laman at ang kaluluwa upang ipakilala, natupad ba ang layunin ng kanyang pagsilang sa lupa?

Ngayon, ang laman nakasulat, kinuha sa alabok, babalik sa alabok. Ang sa lupa ay sa lupa, ang sa Espiritu ay babalik sa Espiritu. Babalik, samakatuwid, hindi ba ipinahihiwatig walang namamatay ? Ni ang laman ay hindi namamatay kung hindi babalik lamang sa kanyang pinanggalingan upang muli, sa isang sandali at sa isang katakdaan muling babalik sapagkat nangangailangan ng pagsulong ang isang Espiritu.

At kung ang ukol sa Siyensya sa lupa, paano ibinabalik ang lamang ito na siyang instrumento at kasangkapan ng kaluluwa upang matupad at maganap ang kanyang layunin at misyon sa lupa? Ipinaliliwanag ng Siyensya, kailangang ang lamang ito ay mabulok o maagnas. At may kasangkapang nagagamit upang ang laman ay maagnas.

Hihiramin ko ang karunungang panlupa, ano ang tawag sa kasangkapang ito na siyang nagpapaagnas sa laman upang makabalik sa kanyang pinanggalingan? Ito ang tinatawag sa Siyensya na, "decomposer." Sila ang gumaganap upang maibalik, ang sa alabok ay sa alabok.

At pagkatapos na ito'y maagnas at muling bumalik sa lupa, Ang taglay biting mga lakas, ang enerhiya, ang mga sustansya ay tatakas sa agnas na laman. Makalalaya na sila. Babalik na kung saan nararapat upang muli'y magpatuloy ang buhay, sapagkat kapag hindi iyan naganap walang buhay na magpapatuloy.

At iyan ay matatawag ninyong ganap at kumpletong kamatayan, sapagkat wala ng lamang magbabalik at wala na ring kaluluwang magbabalik sapagkat walang lamang kanyang magagamit. Kaya't ang lahat ng iyan ay pangangailangan upang maganap at matupad ang batas ng pagsulong.

Ngayon, kapag ang isang nilalang ng Diyos ay mayroon na nang pagka-unawa sa halaga ng buhay na kanyang dinadala, nagagamit niya ito nang tama, nang maayos, tumpak at matuwid. At kung ito ngayon ang kanyang nilalakaran, kailanman, kapag dumating na, na kailangang ibalik sa kanyang pinanggalingan.

Ang kamatayan ay hindi niya katatakutan. Ang paghihiwalay ng laman at ng kaluluwa hindi katatakutan sapagkat ang kaunawaan at kaalaman ang kanya nang nilalakaran at hinahakbangan. Kaya nga nagiging magaan ang pagtanggap sampu ng paglisan ay nagiging magaan.

Ngayon, hindi ba naririyan ang kahayagan kung papaano nagaganap ang pagbabalik ng laman sa lupa. Kailangang mabulok at maagnas. At kung ito ay maagnas na, ang kamalayan ng isang kaluluwa, ang diwa, ang kaangkinan ng Espiritu, malaya na. Iiwan na ang katawang laman upang magbalik sa daigdigan ng mga Espiritu.

At mula doon, bagaman hindi pa ganap na napatutunayan, ngunit mayroon nang haharapin ang isang kaluluwa na kinakailangang kanyang makita sapagkat iyon ang muli niyang pagtutuunan upang muli siyang magbalangkas sapagkat ang pagsulong ang hinihingi sa bawat buhay at sa bawat kamatayan. Kaya nga may Aklat Ng Panahon na ipatutunghay.

Ngunit ito ay nasa pandama, naroroon sa damdamin, naroroon sa kamalayan ng isang diwa. Na kung saan natitik sa banal na kasulatan, nagngangalit ang mga ngipin ng isang kaluluwa sapagkat ang natutunghan, ay ang kanya palang buhay na kanyang nawaldas at winaldas sa walang kabuluhan at walang kapakinabangan.

Ngayon, nasa inyo ang pang- unawa. Batid na ninyo kung paano hahawakan ang inyong sarili. Saan ninyo kinakailangang ilagay ang inyong damdamin? Paano ngayon ninyo mabubuo ang inyong kalooban? Paano ninyo bubuksan ang inyong puso upang ang bawat iniisip ng isang kaisipan maging ayon at maging angkop sa layunin na kanyang tinanguan at kanyang iniharap sa dakilang Diyos upang siya'y muling isilang?

At kung ito ay inyong nababatid katulad lamang ng kayo'y humawak ng isang busog (bow), kayo'y gagawa nang gagawa. Na, hindi man natitiyak kung ang inyong ginagawa'y naroroon sa tunay na matuwid, ngunit sa pamamagitan ng inyong patuloy na pagsasagawa, patuloy na pagsasabuhay ng lahat ng inyong natutuhan at lahat ng inyong nalaman na karunungan, hindi baga, katulad ng kasabihan, may tatamaan din. Kaysa doon sa isang naghahangad na makagawa nang malaki ngunit hindi humahakbang, hindi lumalakad, ano ang kanyang tatamaan? Iyan ay batas ng buhay.

Kung gayon, sa isang may kaalaman, ang kamatayan ay tunay na kaligayahang kanyang hinihintay at pinananabikang sa kanyang buhay ay dumating. Naroroon ang tunay na kapayapaan na kanyang minimithi na wala sa lupa. Sapagkat naroroon man ang kaalaman ngunit kulang sa katatagan ng paninindigan, kulang sa katibayan ng pananampalataya minsan ay nadadaig din ng tukso, nahihila rin ng isang paggawa na kung minsan ang nagiging hantungan ay ang kanyang ipagkakasala.

Na, dahil dito, araw - araw sadya may namamatay. Na, kapag nahila ng tukso, hindi baga ang layunin mo ay naglaho at namatay? Ang mabuting layunin mo na siya mong lalakaran, ang mabuting kaisipan, ang kapayapaan ng iyong damdamin, ang katiwasayan ng iyong kalooban, ang kapayapaan ng buo mong kaluluwa naglalaho, namamatay.

Kaya nga, araw-araw namamatay. Ngunit hanggang may karanasan na dinadama at sumasapit sa bawat tao, laging may gurong nagtuturo. Laging may nagpapa-unawa sa kanyang mga nagawa. Laging may larawang ipinatutunghay at inihahantad upang maunawaan kung saang landas ba dumadako, sa makipot ba na pintuan, o sa maluwang na pintuan? At naroroon, sa isang sandali na ang karanasan ay nakapagturo ang namatay ay muling mabubuhay.

Dahil dito, iyan ang sakbibihin ng inyong mga puso sapagkat katotohanang ang kamatayan ay pagsulong para sa isang kaluluwa. Nang dahil sa bahaging ito, ang lahat ng kanyang ginawa sa lupa ay kanyang mamamasdan at sa kanya'y mahahantad.

At mula doon muli siyang magbabalangkas nang higit na mabuti, nang higit na karapatdapat upang sa muli niyang pagsilang naroroon na ang mas higit na katatagan, ang paninindigan upang sa kanyang sarili ay maunawaan niya at ipatupad kung ano ang tama ay maging tama at ang mali ay mali. Ang batas at kautusan ng Diyos ay dapat talimahin at alinsunurin, dapat na igalang at pagpitaganan at kailanman ay hindi upang suwayin at sirain sapagkat kapag lumabag ka sa batas, ikaw ay babatasan.

Kung gayon, ang inihahaba at inilalawig ng buhay ng laman, katotohanang nasa pag-iingat, nasa wastong pangangalaga sa pamamagitan ng wastong pagkain, ng dapat na pagtulog, ng sapat na tubig na iinumin, ng ehersisyo na kinakailangang ang sistema at organo ng katawan ay gumalaw upang ang daloy ng dugo, ang daloy ng mga lakas, Ang daloy ng mga elemento sa katawan ay maging normal.

Hindi mababalaho. Hindi kailanman mahahadlangan sapagkat ibinibigay niya ang tamang pangangalaga sa katawang ito. Katotohanang ang buhay ay lalawig sapagkat hanggang may lakas ito, ang enerhiya, ang lakas na kanyang kinakailangan ay nasasa kanya magagamit niya ito upang mabuhay. Gaano pa kung ito'y inuukol niya sa paglilingkod sa kanyang kapwa, sa pagkakawanggawa, sa mga bagay na sa halip na siya'y magalit, ang pina-iiral ang kababaang loob, ang pagpapaumanhin at pagpapatawad.

Kaya nga walang galit at poot na namamahay sa kanyang buong pagkatao na siyang sumisira ng laman sampu ng kanyang kaluluwa, maging ang karamdaman ay hindi sasapitin ng tao. Ngunit nang dahil may katakdaan, malakas man ang katawan, ngunit tulad ng bunga kapag hinog na, hindi maaaring hindi pitasin at kung hindi man pitasin kusang napipigtal sa kanyang tangkay at nahuhulog sa lupa.

Kaya nga may mga taong malakas, ngunit nang matulog hindi na nagising; kumakain nawalan ng malay hindi na bumalik ang ulirat sapagkat hinog na ang bunga sadyang ito'y pitasin upang magbalik sa kani-kaniyang pinanggalingan.

Ito ang aking sa inyo'y ipinagkakaloob upang madama ninyo ang halaga ng pag-iingat, ng pangangalaga, pagka-unawa at kabatiran ukol sa kaalamang panlupa at sa kaalamang pang-Espiritu na, kapag iyan ay nagtimbang, katotohanang ang buhay na walang hanggan matatamo at madarama ninyo at siyang babalot sa buhay ninyo.

Maghari nawa sa lahat at bawat isa ang liwanag ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Arkanghel Rafael, paalam.

 Centro Lualhati sa Dios sa Kataastaasan

 

2022-08-14, RAD

Liwanag ng Espiritu Santo ang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at magpasawalang hanggan.

Sa kalagayan ng buhay, na ang tao ay kumikilala na may isang Jesus na siyang bugtong na anak ng Diyos na, naglarawan at nagbukas ng daan upang tamuhin ang kaligtasan sa pagkakasala, nahantad ang kanyang mga gawa; inilarawan ang buhay na kanyang ginanap sa ibabaw ng lupa.

At sa lahat ng ito piliin ngayon ninyo, alin sa kanyang ginanap ang kaya ninyong sundan? Sapagkat ang hinihingi ay patotoo kung paano ninyo ipinagkakaloob ang inyong buhay alang-alang sa inyong pananampalataya sa Kanya.

Natunghan na ang isang Jesus ay nagbukas ng bawat isipan upang dito ay mailaman at maibahagi ang mga karunungan na kanyang ibibigay, ituturo at ipangangaral. Namasdan din kung papaano naging bahagi ng bawat may karamdaman na sa kanya ay idinulog na iisa ang binuksan bilang kalunasan na sa kanila'y makapagpapagaling walang iba kung hindi ang pananampalataya.

Kaya at ang Kanyang pangungusap, "Manampalataya ka at ikaw ay galing." Nagbigay at nag- ukol ng Kanyang lakas at panahon upang ang baw't kaluluwang naroroon sa kadiliman ng pag-iisip ay matanglawan ng liwanag.

Nagpaunawa na ang buhay sa sandaigdigan ay hindi siyang lahat na kailangang hanapin ng tao, kaya nga at nangusap, hindi sa tinapay lamang mabubuhay ang tao kung hindi sa pamamagitan ng salita ng Diyos.

Natunghan din sa pamamagitan ng mga tala sa Banal na Aklat, na, naging bahagi ang pagpapasan ng krus upang ito ay maitaguyod hanggang doon sa ituktok ng kalbaryo sapagkat kinakailangang makitang Siya ay ipapako at napako at doon ay tamuhin ang kanyang kamatayan.

Alin sa mga ito ang handa ngayon ninyong sundan? Sapagkat ang wika at pangungusap, "Sumunod kayo sa akin at pasanin ninyo ang inyong krus." (Mateo 16:24). Samakatuwid, ipinaalam, krus ang inyong papasanin upang kayo ay makasunod sa kanyang mga bakas. Ano ang krus para sa inyo? Ano ang bahaging ito?

Sapagkat ang bawat tao ang krus na pinasan ng Panginoon. Ang bawat nilalang ng Diyos ang krus na kanyang itinaguyod doon sa bundok ng Kalbaryo. At ang tao ang krus na siyang pinagpakuan sa Panginoon. Kung gayon, alin sa mga ito ang tutugon, handa na ba kayong sumunod sa akin?

Nakapagsimpan na kayo ng karunungan. May naisubi na kayo sa inyong sarili. Kaya na ba ngayon ninyong ipangaral, ikalat ang karunungan at kaalamang inyo ngayong natitipon sapagkat yan ay ginawa ng Panginoon.

Na, sa inyong pangangalat at pangangaral, may diwa kaya at kamalayang mabubuksan upang maunawaan kung ano ang kanyang gampanin sa daigdig na ito? May liwanag kayang maipagkakaloob ang bawat salita na mamumulas sa inyong mga bibig upang may mga kaluluwang nasa kadiliman na makaahon at tamuhin ang kanilang pagsulong?

Nasasa inyo na rin ang adhikain at layuning kayo ay maging tunay na anak ng Diyos. Kaya nga't inyo ngayong kikilalanin at uunawain na ang tunay na anak ng Diyos ay laging naroroon sa paglilingkod sa kanyang kapwa. Naroroon, na katulad ng Diyos, ang tinitingnan hindi ang anyo kung hindi ang laman ng kanyang puso.

Samakatuwid, ang lahat ng kanyang makikita hindi ang anyo ang siyang matatanim sa kanyang isipan at sa kanyang damdamin sapagkat doon siya'y hahatol, siya'y susukat, siya'y huhusga. Ngunit kung ang laman ng puso ang titingnan anoman ang kanyang makita karapat-dapat man at hindi karapat-dapat para sa kanya iisa anh ititibok nito, katulad ng Panginoon, handang ibigay ang buhay para sa kanyang kaligtasan.

Kung anoman ang bahaging kanyang maririnig sapagkat siya ay susunod sa Panginoon, kailanman ay hindi bibigyan ng pansin ang mga salitang makasusugat sa damdamin upang siya ay antiging magalit at mapoot. Sapagkat ito ay magiging hadlang at magiging sagabal upang mapasan niya ang kanyang sariling krus.

Sapagkat ang kamangmangan ng tao ay isang krus na kanyang pinapasan, itinataguyod, dadalhin doon sa ituktok ng kalbaryo na ang ibig sabihin, iangat, bigyan ng pag-antas, bigyan ng pag-unlad ang bahagi ng kanyang mga gawa na ang kahayagan ay kamangmangan na siyang sa kanya ay umaakay upang siya'y magkasala.

Kung ito ang bahaging kaya ninyong dalhin ngayon sa kaganapan, alin sa mga karunungang kanyang ibinigay ang kaya ninyong ipangaral na, naroroon hindi lamang sa salita kung hindi sa gawa, sapagkat nangusap, ang pananampalataya hindi sa salita kung hindi sa pamamagitan ng paggawa.

Kaya nga, ang inaantig sa bawat isa ay ang pagbibigay ng buhay sa lahat ng kanyang natutuhan sa aral na ibinigay at ipinagkaloob; kanyang lakaran; kanyang buuin; kanyang ilagay doon sa daan ng kaganapan sapagkat iyon ang magiging patotoo ng kanyang pananampalataya sapagkat kanyang ipinagkaloob at ipinangusap, ang nananampalataya sa akin ay gagawin ang aking mga ginawa.

Dito kayo ngayon tinatanong ng karunungang inyo ngayong naunawaan, handa na ba kayo na isagawa ang mga bahaging tinanggap ninyo na siya ngayon ninyong tungkulin, siyang ganapin ng inyong kaluluwa?

Na sa pamamagitan nito'y naroroon ang pagbibigkis ng laman at ng kaluluwa sapagkat paano makagaganap ang isang kaluluwa kung siya'y bulag? Kung siya'y bingi? Kung siya'y pipi at walang pakiramdam?

Magiging katulad kaya ng isang bulag na aakay sa kapwa bulag? Saan ihahantong? Saan dadalhin at ano ang magiging hangganan ng isang bulag na umaakay sa kapwa bulag? Iyan ngayon ang ipahintulot ninyong mabuksan sa inyong kabuuan upang maunawaan ng bawat isa na, ang pangungusap at pagsasalita'y isang bahagi lamang ng pagpapatotoo na kayo'y natututo.

Ang pangungusap na inyong inihahayag ay isang bahagi lamang ng pagpapatotoo na kayo'y may adhikaing makagawa at makasunod sa Panginoon. At upang ito'y mabuo, upang ito'y maging kabuuan ng adhikain ng inyong Espiritu, magiging katulad kayo ng kaganapan ng ipinangusap at inilarawan ng Panginoon, nagsasalita na gumagawa at gumagawa na nagsasalita.

Diyan ngayon ihantong ninyo ang inyong katauhan upang kung ang kaangkinang nasasa inyo ay sa pananalita ganapin ninyo sapagkat kayo'y tagapagsalita; kung kayo'y guro, ganapin ninyo ang kanyang tungkuling kayo'y magtuturo sapagkat kayo'y guro. Kung kayo'y manggagamot, ganapin ninyo ang inyong tuparing kayo'y manggagamot, magbibigay ng kagalingan sapagkat iyan ang bahaging taglay ng kaangkinan ng inyong sarili.

Samakatuwid, kung ano ang nasasa inyo, iyon ang paunlarin ninyo; iyon ang sikhayin ninyo na magkaroon ng landas upang sa kanyang pagkakabukas siya'y magpatuloy ngunit huwag ninyong lilimutin bahagi lamang ang inyong ginaganap malibang itakwil ninyo ang inyong mga sarili.

Naroroon ngayon ang kanyang kabuuan sapagkat ang pangungusap, "Ang nagmamahal sa kanyang buhay ay nawawalan nito ngunit ang nagtatakwil sa kanyang buhay ay nagkakaroon nito." (Juan 12:25).

Iyan ang bahaging aking sa inyo'y iniiwan upang mataya ninyo kung papaano gaganapin at tatalimahin ang sa inyo'y kahingian, handa na ba kayong sumunod sa likuran ng dakilang Panginoon?

Maghari nawa sa inyong mga puso ang liwanag ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Paalam, Arkanghel Raphael.

 

2022-07-25, RAD

Liwanag ng Espiritu Santo ang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at magpasawalang hanggan.

Sa paglikha at paglalang ng Diyos sa daigdig na gagalawan at siyang magiging tirahan na pakikipamuhayan ng tao, iisa ang pangungusap na kanyang ipinagkaloob at ito ay ang pangungusap, "Maganda at mabuti."

Sa kalagayang ito doon ipinatanaw ng Diyos kung ano ang tungkulin at gampanin na kinakailangang maunawaan at matutuhan ng tao. Sapagkat ang lahat ay gagalaw, gaganap sa dalawang kalagayan. Dadamhin ang dalawang uri ng daigdigan na kinakailangang kanyang saklawin pagkatapos na siya'y makakilala ng tama at ng mali.

Daigdigan ng laman sapagkat mayroon ng lakas na sa kanya ay babalani, sapagkat siya'y kinuha mula sa lupa. Ngunit ang kalagayang ito ay pinapaging dakila sapagkat mayroon ng Espiritu na ipinagkaloob upang siyang mamahala, siyang mangalaga, siyang magingat tungo sa kaganapan ng kanyang pasimulang paglalarawan, maganda at mabuti. Ito ang buod kung bakit ang tao ay binigyan ng karapatan upang siyang mangalaga, mag-ingat, magpaunlad sa sandaigdigan o sa mundong kanyang gagalawan.

Na, ang lahat ay kanyang saklaw mula sa hayop na gumagapang, sa mga hayop na may apat na paa na lumalakad at sa mga halaman, sa katubigan, sa kalupaan, sa kagubatan maging sa himpapawid ipinaubaya ng Diyos ang karapatan na ito ay kanyang pangalagaan, kanyang ingatan, kanyang paunlarin sapagkat naroroon, ang kanyang pangungusap, maganda at mabuti. Naririyan ang gampanin at tuparin ng lahat at bawat isa.

Datapuwat sa pagkamulat ng tao sa kanyang pagsilang, namasdan ang liwanag, nadama ang yamang inihahandog ng sanglibutan. At sa bahaging ito namulat sa mga materyal na kahayagan sapagkat may bahagi ng daigdigan na panlupa na may lakas na sa kanya ay ipagkakaloob.

At sa pagkamulat na ito, kulang pa at salat sa pagkaunawa ng nauukol sa yaman ng kanyang kaluluwa, hindi pa naaarok ang mga bahaging daladala sa daigdigan ng Espiritu, kaya nga at ang umusbong, ang higit na pagmamahal sa yamang panlupa.

At ang pagnanasa at paghahangad na ito ang siya ngayong gumising sa isang uri ng kaugalian na, doon nanggaling at nagmula ang naging pananagutan at pagkakasalang nagawa ng tao, ang kasakiman. Sapagkat hinangad ang salapi, hinangad ang kapangyarihan, hinangad ang karangalan at papuring sa kanya ay ibibigay.

Na, dahil sa mga ito'y nagapos ang katotohanan upang lumaya ang tao, mapalaya ang diwa, mapalaya ang puso, mapalaya ang kalooban upang kanyang maunawaan ang larawan ng isang Adan at ng isang Eba sa paraiso na, naroroon ang kagandahan ng kapaligiran.

Ngunit dahil sa nangangailangan ang bawat isa na, mabuksan ang kanyang talino, mahantad ang dunong na ang aanihin ay ang karunungan ng tao, inilagay ang isang manunukso sapagkat kinakailangang ang bunga ng puno ng pagkakilala ng mabuti at ng masama ay mahantad at nang mabuksan sa kamalayan ng tao.

At dito ngayon nag-ugat sapagkat nakatali sa kamangmangan, ang lahat ng pagnanasa naging higit ang kasiyahan ng laman. Dahil sa salapi nagawa na sirain at wasakin ang mundong lupa; mga punong pinuputol; kagubatang kinakalbo; himpapawid na napupuno ng maruming hangin; mga hayop na pinapaslang at pinapatay. Ano pa at lahat ng ito ay mga buhay na mayroon ng bahagi ang Diyos sapagkat Siya ang buhay na pinanggalingan ng lahat.

Datapuwat nang dahil sa kasakiman na daladala ng tao doon ngayon ang lahat at bawat isa ay nagkakaroon ng kanyang bahagi sa lupa. Na, hindi nalalaman at hindi nauunawaan, datapuwat naroroon ang karunungan sa kanyang sarili; naroroon ang bahagi ng pagkatuto ngunit ang kasakiman ang siya ngayong nasusunod at siya ngayong umiiral.

Kaya nga ang lahat ng ito yaong bunga ng mga gawa na siyang karanasan na naglalarawan kung papaano ang buhay ay ginagamit ng tao. Kung paano ang kanyang kalayaan ay ginagamit sa kanyang paggawa.

At kung ang bunga sapagkat ang itinanim ay hindi matuwid, hindi baga naroroon din ang bunga ay magiging katumbas kung ano ang kanyang itinanim? Sapagka't ang kasulatan ang siyang nangungusap, ang mabuting puno ay magbubunga ng mabuti, ngunit ang masamang puno ay magbubunga ng masama.

Naririyan, nababalani, nahahalina ang mga lakas na magiging katumbas ng lahat ng ginagalawan, ginagawa at isinasakatuparan ng tao. Mga puno na pinuputol, kagubatang kinakalbo, lahat ng ito'y may bungang ihahatid. Kaya nga ano ang kawikaang tinanggap ng tao? Ang sandaigdigan ay daigdig ng luha at pighati.

Ngunit sa pasimula kung saan ang paraiso'y inihantad na maganda, naroroon ang lahat ng pangangailangan ay makukuha ngunit nang dahil sa kanyang kamangmangan, ang lahat ng ito ay nawalan ng kabuluhan.

Kung iyan ngayon ang kikilalanin at mabubuksan sa bawat isipan, sa halip na magdusa; sa halip na tamuhin ang pighati naroroon ang sa kanya at sa bawat isa ay ipagkakaloob ang kapayapaan, ang kagalakan, ang kaligayahan sapagkat ang lahat ay gaganap sa kanyang tungkulin sa kanya'y ipinagkaloob, pangalagaan mo, pag-ingatan mo, paunlarin mo ang daigdig na naroroon ang bawat likha ng Diyos.

Maging ang iyong sarili ay kinakailangang iyong pag-ingatan at iyong pangalagaan sapagkat ikaw, tao ay templo ng Diyos. Sa ganyan ngayon iminumulat ang bawat isa. Kaya nga, ang lahat ng karanasan ay pagtuturo: ang pagbaha at pag-apaw ng tubig, pagguho ng lupa, pagbabago ng klima ng panahon, pagbabago ng bawat galaw sa sandaigdigan sapagkat kailangang magtimbang ang dalawang daigdigan, ang daigdigan ng laman at ang daigdigan ng Espiritu.

Na, kinakailangang magtimbang sapagkat kapag nawala ang pagkakatimbang sadyang naririyan ang bunga na tatamuhin ng lahat at bawat isa. Kaya nga ang kalinisan ng pag-iisip, ang kalinisan ng puso, ang kalinisan ng damdamin at ang pagka-unawa ng isang kalooban sa matuwid na paggawa ang siyang higit na tinuturol ng bawat karanasan na inyong dinadama sa daigdig na inyong ginagalawan.

Walang hindi babaitang sa pagsulong; walang hindi makaaakyat sa hagdan ng pagunlad, sapagkat ang lahat ay anak ng Diyos. At kung ang lahat ay anak ng Diyos, ang lahat banay-banay, unti-unti darating doon sa ninanasa at hinahangad ng Diyos na nagpahiram ng buhay sa lahat. Lahat ay tutungo sa kanyang kawagasan.

Lahat ay makararating sa kanyang kadalisayan, datapuwat kung ang inilarawan ng Panginoon na kanyang bugtong na anak ay pagpapakasakit, pagsasakripisyo iyan ang hinihingi ng bawat karanasan sa ibabaw ng lupa, magsakripisyo, magpakasakit upang malinis ang kanyang pagkatao.

Sapagkat kinakailangan nang mapalitan ang maruming bihisan, ang maruming saplot ng malinis na saplot na kung saan doon siya nagsimula. Kalinisan ang naging simula. Kagandahan, kabutihan, ang pagiging matuwid ang simula ng lahat at bawat isa, ngunit ang lahat ay papandayin, ang lahat ay lilinangin tulad ng ginto, sapagkat babalik siya sa kanyang pinanggalingan daladala ang simula...ang kalinisan at ang pagiging matuwid.

Mapalad ang nabubuksan ang kanyang diwa upang maunawaan ang kanyang tungkulin hindi lamang bilang tao kung hindi ang kanyang tungkulin bilang lalang ng Diyos. Mapalad sapagkat nalalaman niya kung paano niya huhubugin ang kanyang sarili.

Nalalaman niya at nauunawaan kung paano niya didisiplinahin at tuturuan ang kanyang pag-iisip, hahawakan ang kanyang damdamin at bibigyan ng saganang liwanag ang kanyang kalooban upang ang managumpay at siyang maganap sa sandaigdigan ang simula ng pagtuturo ng Diyos, ang simula ng paglalarawan ng Diyos, ang simula ng paghubog ng Diyos, ang kanyang pangungusap, maganda at mabuti.

Ito ang aking sa inyo ngayon ay inihahandog upang sa lahat at bawat isa ay madama ngayon ninyo at mabigyan ng pagpapahalaga kung papaano ay ninyo pamamahalaan ang sangkatauhan pagkat nakaluklok ang Diyos at ang Panginoon sa kabuuan ng inyong pagkatao.

Muli, maghari sa lahat at bawat isa ang liwanag ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Arkanghel Rafael, Paalam.

(Talaytayan, Kpd Rebecca Dungo, Centro Ilaw ng Sanglibutan)

 

2022-07-24, RAD

Liwanag ng Espiritu Santo ang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at hanggang sa wakas.

Buuin natin ang dakilang kasaysayan na kinilala ng bawat isa na siyang bugtong na anak ng Diyos, upang makita ang kanyang halaga sa buhay ng lahat ng nilalang ng Diyos. At sa pagbubuo ang kanyang simula ay ang katanungan upang sa pagbibigay ng kasagutan doon masumpungan ng puso, ito pala ang kailangang ipanganak sa akin bilang tao.

Ano ang mayroon sa nabubuhay na katulad ninyo na wala na sa isang patay. Sasagot ang isipan, sasagot ang damdamin, ang wala sa patay ay buhay. At ang buhay ang siyang simula na katumbas ng pagluwal ng sanggol na inihayag ang buhay sa tatlong salita o tatlong katitikan, "UHA", Buhay.

At kung yan ngayon ang halaga ng Kapanganakan, naroroon walang sinoman na isinilang na nagtaglay ng buhay na hindi ipinarinig ang "UHA," hindi baga? At sa pamamagitan ng salitang ito, hindi ba iyon ang kahayagan ng pag-ibig ng Dios?

Naroroon ang kahayagan, ang simbolo ng buhay na inilarawan ng isang Jesus, ang buhay na ipinamasid ng bugtong na anak ng Dios. At sa buhay na ito,ano ang nakapaloob na siya ngayong ginagampanan, nilalakaran ng bawat isa?

Ang dalawang daigdigan na nagtali, nagbigkis at nagsama upang ihayag, ikaw ay tao, talsik ng Alpha at ng Omega, daigdigan ng laman, daigdigan ng espiritu. Kapwa naging bahagi ng pagsilang ng Anak ng Tao.

Kapanganakan ni Jesus

Kaya nga ang kapanganakan ng isang Jesus ay larawan at simbolo ng paghahayag ng buhay na gagalawan ng bawat isa sapagkat may laman na siyang makikipamuhay sa sanglibutan ngunit may kaluluwa na naroroon ang bahagi ng pagka-Espiritu ng Diyos bilang siyang kalagayan na i-aangat, isusulong at kinakailangang umantas upang marating ang baitang patungo sa kaharian ng mga langit.

Ipanganak ninyo ang buhay

Iyan ang nasasa inyo. Ipanganak ninyo ang buhay. Ano ang ibig sabihin? Pagibig. Ipanganak ninyo ang tunay na pagibig sa inyong puso, sapagkat ang mayroon ng tunay na pagibig minamahal ang kanyang sarili. At ang pagmamahal sa kanyang sarili'y iniingatan ito upang hindi malugmok, upang hindi ito masira, upang hindi ito magkasakit, hind ito mapahamak sapagkat yan ay kahayagan ng pag-ibig.

Paanong ibibigay ang pag-ibig sa iyong kapwa kung ang iyong sarili'y hindi mo maibig, hindi mo mapag-ingatan, hindi mo mapangalagaan, hindi mo maakay kung saan naroroon binubuo mo ng matibay at matatag ang templo ng Diyos.

Sapagkat kayo ang templo ng Dios na ipinangusap ng Panginoon, huwag ninyong sirain ang templo sapagkat ako sa inyo ay magagalit. Iyan ang kanyang halaga. At kung sa pamamagitan nito nagpapatuloy ang buhay, hindi ang lahat ay maganda, hindi ang lahat ay maginhawa, hindi ang lahat ay katiwasayan ang dinadama.

Kung gayon, dumarating ang kaligaligan sa inyong buhay. Dumarating ang kagulumihanan sa inyong puso. Dumarating na waring kayo ay nagsasawa na sa kahirapan na inyong tinataglay. Nagsasawa na sa maraming suliranin na sa inyo'y dumarating. Nagsasawa na sa maraming pagsubok na wari'y hindi na ninyo makayanan, ano ngayon ang kailangang sa inyo'y ipanganak?

Ipanganak ninyo ang pag-asa at pananampalataya

Ang isang Jesus, sapagkat ang Jesus ay simbolo ng pag-asa. Kailangang ipanganak ninyo sa inyong puso ang pag-asa. Na, kung saan ang pag-asa ay ang paghihintay ng magandang bahagi na sa inyo'y mangyayari na hindi pa dumarating.

At sa pamamagitan nito, ano ang inyong itinatayo? Pananalig at pananampalatayang may Diyos na sa inyo ay tutulong; may Diyos na sa inyo'y gagabay. Isang pananampalataya na kailanman kapag siyang nawaglit, hindi ba ang pag-asa rin ay nawawala? Ang paniniwalang sa inyo'y may gagabay ay nanghihina.

Kaya nga naririyan kailangang maipaganak sa inyo ang pag-asa upang mabuo at sumibol ang pananampalataya. Sapagkat sa pagsibol ng pananampalataya, doon ngayon lalahok, doon ngayon sasanib ang pag-ibig na, siyang larawan at buhay na ipinamasid, nilakaran ng Jesus. At iyan ang kahalagahan ng kanyang Kapanganakan.

Kaya nga, nagagalit ang tao; napopoot ang tao; nagdidilim ang kaisipan ng tao nang dahil sa ang nasasa kaniya ay kamangmangan, kasalatan sa tunay na pagkaunawa sa karunungan ng tunay na buhay. Ano ba ang karunungan ng tunay na buhay?

Ang karunungan ng tunay na buhay

Ang kabaitan, ang pagpapakabuti, ang pagiging matuwid, ang pagmimithi na siya ay makabuo ng mga gawa na ang ibubunga ay kabanalan. Kaya nga ang karunungan ng tunay na buhay ay naglalarawan na kung kayo'y nagagalit, kung kayo'y napopoot, ang kinakailangan kayo ay makapagsilang sa inyong puso, sa inyong isipan ng pang-unawa.

Iyan ang Jesus sa kanyang pagtuturo. Iyan ang Jesus sa kanyang pangangaral. Iyan ang Jesus sa kanyang pakikipamuhay sa ibabaw ng lupa. Kung gayon, iyan ang inyong tanawin upang madama ninyo ang halaga ng kanyang pagsilang na, nagbubukas, nagmumulat, nagpapakilala, nagpapaunawa kung ano ang kaugnayan ng tao sa Dios,at kung ano ang Dios sa kapakanan ng tao.

Sa kabuhayan ng tao, sa kalagayan ng tao na kapag ito ngayon ang siya ninyong nakilala,wala na ng magiging alalahanin; wala na ng magiging pag-aalinlangan at wala na ring magiging kagulumihanan sapagkat ang pagsilang ng pag-ibig, ang pagsilang ng pag-asa, ang pagsilang ng pananampalataya, ang pagsilang ng liwanag at kapayapaan nakuha na sapagkat kayo ang sabsabang sisilangan ng dakilang Panginoon. Ganyan kahalaga ang pagsilang ng isang espiritu sapagka't ang Espiritu ay Dios, at ang Dios ay Espiritu.

Maghari nawa sa lahat at bawat isa ang liwanag ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Arkanghel Raphael, Paalam.

 

2022-06-04, RAD

Paksa: Ano baga ang mabuti? Kailan naghahari ang kabutihan sa loob ng kapisanan ng tao?

Liwanag ng Espiritu Santo ang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at magpasawalang hanggan.

Sisimulan ko ang aralin sa ganitong pangungusap, " walang mabuti, walang mabuti, wala kahit isa." Sa ganitong pangungusap matatanggap kaya na ang mabuti sa gawa ng tao ay maituturing na naroroon ang kanyang kabuuan sa ipinangusap walang mabuti kahit isa?

Ngunit ang pangungusap ng Ama ng lalangin ang tao, ang kanyang wika sa kanyang nilalang, mabuti at maganda. Kung gayon, ang salita at katagang ito ay naglalaman ng malalim na diwa. May binubuksan sa lahat at bawat isa.

Kaya nga, ang tao sapagkat nanggaling sa Dios masasabi bang hindi mabuti? Samantalang ibinigay ang bahagi ng kanyang pagka-Espiritu? Tinuringan pa na sa pagkakalalang ay larawan at kawangis ng Diyos.

Kung gayon, saan hahanapin ang mabuti sa kabuuan ng tao? Sa pag-iisip ba? Sa damdamin ba? Sa kalooban ba? Sa pisikal na kaanyuan ba naroroon ang mabuti? Oo, sapagkat kung ang Dios ang mabuti kabuuan ng tao ang mabuti.

Ngunit sa larangan ng pagsasagawa, sa larangan ng paghahayag ng natutuhan, sa larangan ng karunungang kanyang tinataglay at inilalapat sa pakikipamuhay sa sandaigdigan, doon ngayon mamamasdan ang bahagi at kalagayan ng mabuti, bagaman hindi ang lahat ay nagiging karapatdapat.

Ano nga baga ang mabuti? Kung ilalagay ngayon at bibigyan ng halimbawa sa materyal na kahayagan, mabuti ang gunting, ngunit kung ang gunting ay ginawa at binuo upang ipanggupit ng mga bagay, taglay niya ang pagiging mabuti sapagkat ginaganap niya ang layon ayon sa kanyang pagkakabuo.

Ngunit kung ang gunting ay ipangsasaksak upang may patayin,kung ang gunting ay gagamitin upang makapanakit at makapanugat ng kanyang kapwa,ma-iaangkop kaya at ma-iuugnay ang katagang mabuti.

Samantalang ang kanyang layunin sa pagkakabuo at kung bakit siya ginawa ay hindi niya nagampanan, hindi natupad, hindi nasunod sapagkat ginamit sa hindi tamang kaganapan? 

Kung gayon, ang kasingkahulugan ng mabuti sa ganyang halimbawa'y tama na pagkakagamit, wasto angkop ayon sa kanyang gampanin, sa kanyang layunin, sa kanyang tuparin, iyan ang kasingkahulugan ng mabuti.

Kung gayon, sa isang gumagawa'y naroroon ang kabutihan sa kanyang puso sapagkat naglalayong siya'y makapagkawanggawa; naglalayong siya'y makapaglingkod. Ngunit sa kanyang pagkakawanggawa at sa kanyang paglilingkod, nasa likod ng kabutihang ito na kanyang minithi ang isang layunin sa kanyang paggawa siya ay parangalan. Itanyag, siya ay makilala lamang at purihin, ma-iaangkop kaya ngayon ang katagang mabuti sa ganyang uri ng kahayagan ng pagsasagawa?

Samakatuwid, sa ganyang uri'y naroroon ang kahulugan nat ibinibigay ng katagang mabuti, ang katapatan, ang pagmamalasakit upang ang maitambad ang isang aralin na Kung saan ay maitutuwid ang pagkakamali; ang kulang ay mapupunan; ang pagkakasala ay matutumbasan ng gawang katotohanan.

Sa karamdaman kung i-aalakbay ang katagang mabuti, hindi baga nangangahulugang siya'y magaling, malusog, walang dinaramdam na anomang sakit, walang karamdaman. Naririyan, mabuti ang kabuuan ng kanyang sarili.

Sa mga ganyan kalagayan naroroon ang mababaw na ipinakikita mabuti kung ang iyong gawa'y naangkop at naaayon sa pag-iibigan sapagkat iisa ang kautusan, magibigan kayo sa isa't isa. Ang mabuti kapag walang nasasaktan, walang inaapi, walang dinuduhagi.

Kung hindi, ang lahat ng ibinigay at ipinagkakaloob ay pang-unawa, pagpapaumanhin, pagpupuno sa kakulangang kanyang nakikita sa gawa ng kanyang kapwa, pagbabahagi kung ano ang nasasa kaniya sapagkat ang pangungusap, ang malakas ay magbigay ng kalakasan sa mahihina, naririyan kaugnay din ng mabuti.

Sapagkat iyan ang Diyos, iyan ang kahayagan, ang kakanyahan, ang katangian ng Diyos na ibinigay sa lahat at bawat isa, sa maikling kataga, pag-ibig, pag-ibig na nagtataglay ng kanyang katangian. 

Kailanman, kung naroroon sapagkat ikaw ay mabuti, nasasa iyo ang pag-ibig, kailanman hindi gagawa ng pagbabalatkayo, hindi gagawa ng panlilinlang, hindi mandaraya kailanman sapagkat naroroon ang pag-ibig.

Nagiging mabuti ang laman ng kanyang pag-iisip, ng kanyang damdamin, ng kanyang puso, hindi naghahanap at kailanman ay hindi hinahanap ang kanyang sarili sa kanyang kapwa sapagkat alam niyang bilang mabuti ang lahat ay may kani-kaniya na indibidwalidad. May kanikaniyang personalidad; may kani-kaniyang antas ng kakayahan at taglay na karunungan, mabuti siya sa kanyang kalagayan.

Sa isang pagsasama, paano makikita ang kabutihan? Hindi baga sa pinakamababaw na kahayagan at walang talinghaga, kapag may isang nagkamali, walang hahatol, kailanman ay hindi hahatulan, hindi uupasalain.

Hindi lalapastanganin kundi nagtuturo upang maunawaan ang pagkakamaling kanyang nagawa upang ito'y maituwid naghahari ang kabutihan sa isang samahan. May pagmamalasakit sa kapakanan ng bawat isa, at nang dahil sa pagmamalasakit na ito'y iniisip na mataman.

Iniisip nang buong katumpakan upang hindi kailanman makasakit ng damdamin ng kanyang kapwa. Hindi kailanman makapagbigay at makapaghantad ng hindi magandang halimbawa sa kanyang kapwa.

Kaya nga, ang mabuti ay nagtataglay ng magandang kaugalian, marunong na umunawa sa kanyang kapwa; may magandang kaasalang ipinakikiharap at ipinakikita sa kanyang kapwa; laging may nakahandang pagpapatawad.

Laging may nakahandang ibibigay na liwanag sapagkat iyon ang kanyang daladala; iyon ang kanyang taglay-taglay sapagkat ang mabuti ang nasasa kanyang kabuuan. At kung ito ang nagaganap sa bawat isa, hindi baga ang kabutihang naroroon, bawat isa'y nagtatapat sa isa at isa, iginagalang ang karapatan ng bawa't isa?

Nagiging mababang loob upang sa pamamagitan ng pagpapakababa'y hindi mananatili at hindi magtatagal ang anomang sigalot sapagkat namamayani ang kabutihan sa bawat puso at siyang gumigising upang ang mabuting kaugalian. Ang mabuting pag-iisip, ang mabuting kalooban ang mabuting puso ang siyang ilapat sa isang samahan.

Sa ganito ko ngayon inihahayag ang kanyang diwa walang talinghaga sapagkat sa inyong sarili hindi baga kailangang makilala ninyo mabuti ba ako? Kung ako ay mabuti paano ko ibinibigay ang aking pag-iisip sa lahat ng aking nakikita na ginagawa ng aking kapwa?

Kung nasasa akin ang mabuti papaano ko ngayon ibinibigay ang aking damdamin sa aking kapwa? Paano ko tinitingnan ang bawat kahayagan at galaw ng buhay? Paano ko tinataya at sinusukat ang lahat ng bagay?

Iyan, kapag naunawaan ang kahulugan ng mabuti sadya lamang iisa ang magiging hangganan, ang tao wala ng magiging paningin pa upang siya ay magkasala. Iyan ang diwa ng mabuti at naririyan ang kabutihan sapagkat sa isang samahan wala ng makikitang ipagkakasala sa bawat iginagalaw, ipinangungusap ng kanyang kapwa. Iyan ang mabuti sa kanyang kahayagan.

Hanggang dito at maghari nawa sa lahat at bawat isa ang tanglaw ng liwanag ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Paalam, Arkanghel Raphael.

Lunduyan Lualhati sa Dios sa Kataastaasan

Parlante, Kpd Rebecca Dungo


Mga Termino


dinuduhagi

kakanyahan

 

2023-05-21, RAD

Ang liwanag ng Espiritu Santo ang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at magpasawalang hanggan!

Sadyang ang lahat ng kaganapan sa sandaigdigan ay may kani-kaniyang bahagi. Bahagi ng pagpapasimula, bahagi ng pagtatapos; bahagi ng liwanag, bahagi ng kadiliman; bahagi ng kaligayahan, bahagi ng kalungkutan; bahagi ng kapayapaan, bahagi ng kaligaligan, at ang lahat ng iyan ay mga sangkap ng buhay.

Na, sa isang sandali na magawang maunawaan ng isang Ama at ng isang Ina at ipagkaka-loob sa kanyang mga anak, nagiging madali ang tungkulin sa araw-araw na pakikipamuhay ng isang magulang.

Sapagkat nagiging mabigat lamang nang dahil sa ang kaparaanan kung paano gaganapin ang tungkulin ay kulang at salat. Kaya nga't ang nadarama ay bigat, at sa isang sandaling madama ay bigat, ang nawawala ay pagtanggap, at ang nahahalili ang pagdama ng bigat sa tungkuling kanyang ginaganap.

Iyan ngayon sa isang sandali na, ang bawat tao sa kanyang sarili ay magkaroon ng bukas na kamalayan upang makuha at maabot ang karungang naroroon ang buklod ng kalooban at pagibig ng Dios, magkamali man, tulad ng paglakad sapagkat ang paglakad ay naging marahan, ang tinik ay mababaw lamang.

Iyan ngayon ang siya ninyong kilalanin sapagkat bawat tao ay magulang sa kanyang sarili. Bawat tao ay may ama at may ina at may anak na kinakailangang matutuhan kung paano niya ito pamamahalaan.

Sa kabuuan ng tao, naroroon ang nagtuturo bilang isang ama ay ang karunungan, ang talino, ang kakayahan, ang kaalamang nasasa kanya. Ito ngayon ang siyang magtuturo, paano mo ihahakbang ang iyong mga paa?

Paano mo igagalaw ang iyong mga bisig? Paano mo gagamitin ang iyong mga mata? Paano mo gagamitin ang kahayagan at kabuuan ng iyong pagkatao upang maglangkap ang karungang dadaan sa matuwid na daan ng tunay na buhay?

Na ang pangangailangan ang ina ay maging kaagapay at ang ina ay ang pag-ibig na mayroon din ng kautusan na kinakailangang mabuksan sa lahat at bawat isa sapagkat ang kautusan ng pag-ibig ay ang kanyang katangian: hindi siya kaylanman nagiging palalo kaninoman.

Hindi siya kaylanman nagiging mapagpaimbabaw. Hindi siya kaylanman napopoot at nagagalit sa kakulangan at kahayagan ng kamangmangang daladala ng iba. Hindi siya kaylanman naghahanap sa kanyang sarili sapagkat nauunawaan ng pag-ibig na ang tao ay may kani-kaniyang baitang at kani-kaniyang antas ng kaalaman at kakayahang kanyang madadala.

Na, nang dahil sa katangian ng pag-ibig ang lahat ay kayang tanggapin, ang lahat ay kayang unawain, at kayang batahin ayon sa matuwid na pangangatwiran; ayon doon sa tumpak at maayos na pamamahala sa buhay. Sapagkat ang pag-ibig, kung ang lahat ay kayang batahin kaylanman hindi dumoroon sa isang gawa na ang magiging hangganan ay ang kanyang ipagkakasala.

Dahil dito, kung iyan ang siya ninyong mauunawaan, ipali-liwanag at ipaalam ng isang ama at ng isang ina kung ano ang ipagiging makabuluhan at kung ano ang hindi ipagiging makabuluhan ng liwanag sa buhay ng tao. Kailangang malaman ng bawat tao ang dalawang bahaging ito na Siyang sangkap ng buhay.

Saan dadalhin at ano ang magagawa ng liwanag sa buhay ng isang bata o ng isang anak? Ano ang dilim na magagawa at saan madadala ang isang bata ng kadiliman? Kaya nga, hindi isang bahagi lamang ang ipamalas, hindi kinakailangang isang bahagi lamang ng buhay ang ipatanaw.

Hindi rin kailangang isang bahagi lamang ng buhay ang ipadama kung hindi ang bawat bahagi ay kinakailangang ipamalas at ipatanaw ng isang matalino at mapagmahal na magulang upang kung dumating ang isang kalagayan na doon ay darama ang mga anak.

Sapagkat nangangailangan ng pagsulong, darama at dadanas ng suliranin, darama at dadanas ng pagsubok, dadaan sa bawat hamon ng buhay sapagkat may isang ama at isang ina na nagpaalam, nagpakilala at nagpaunawa.

Ito ang magiging hantungan mo kung ito ang lalakaran mo, ito ang magiging tagumpay mo at magiging gantimpala mo kung ito ang siyang susunduin mo. Kaya nga ang pagbibilin at tagubilin, “anak dinggin mo ang turo ng iyong ama at sundin mo ang kautusan ng iyong ina.”

Hawakan ninyo ng buong tibay at buong tatag at buong kaliwanagan ang karungang inyong nakukuha sa pamamagitan ng inyong pagsisikhay, at lalo ninyong hawakan ang pag-ibig sapagkat iyan ang bubuo sa lahat ng inyong nagiging kakulangan. Ito ang aking sa inyo'y iniiwan. 

Maghari nawa sa lahat at bawat isa ang liwanag ng Espiritu Santo ngayon at magpasa-walang hanggan. Arkanghel Raphael, Paalam.

Centro El Espiritismo

Kapatid Rebecca Dungo

 

2023-04-23, RAD

Liwanag ng Espiritu Santo ang siya nawang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at magpasawalang hanggan!

Sa bawat paggalaw ng lahat, maging ng mga likha ng Dios, lalo at higit ang Kanyang mga nilalang ay may kadahilanan na ipinahahatid at inilalarawan kung bakit ito ay nagaganap hindi sukat na inihasik ang binhing ito ay tumubo nang wala ng layunin at kadahilanan.

Hindi rin sukat na sa kanyang pagtubo at pagsibol ito yung mangga sa isang pagiging malaking punong-kahoy na wala ng layunin at kadahilanan. Hindi rin sukat na ang isang malaking punong-kahoy ay mabuhay na wala ng lilim na maibibigay, wala ng bunga na maihahandog upang maging pagkain ng lahat.

Samakatwid, kung ito ngayon ang uunawain ng lahat, kailanman ang pag-ibig sa bawat puso ay hindi mamamatay, ni hindi mawawala sapagkat mauunawaan ng bawat isa nagaganap ang bawat pangyayari sapagkat mayroon ng kadahilanan upang ito ay makita, upang ito ay marinig, upang ito ay maamoy, upang ito ay malasap at lalong upang ito ay madama.

Sapagkat naroroon sa kanyang kaganapan ang pagpapatotoo na ang lahat ay nangangailangan na tumanggap mula sa iba sapagkat mayroon man siya ng lakas ang karagdagan ay katatagan at magiging kanyang katibayan. Lahat ay nangangailangan na sa kanyang pagkakita at pagkatanaw ay mayroon ng mabuo sa kanyang isipan.

Ang anomang mabubuo ito ay magiging panimula upang ang taglayin ng isang kaluluwa ay maging makabuluhan, sapagkat ito ang siya ngayong gagawaing ugnayan upang maabot ang kahingian tungo sa kanyang layuning maging dakila ang buhay.

Kung gayon, lilimiin ninyo ang ganitong pangyayari na kukunin ko at huhugutin sa isang maikli na kasaysayan na kung saan ang bawat aralin na ang nakapaloob ay pag-ibig, karunungan na siyang bubuhay ng pag-asa upang mabuo at maging matibay ang isang pananampalataya. Kaya ano ang inyong gagawin, ito ay inyong patototohanan o ito ay inyong pabubulaanan?

Nahulog sa malalim na bangin ang isang guya, at sa kanyang pagkahulog ikaw ay

nagdaan at nadaan. At sa iyong pagdaan nakita mo ang kanyang kalagayan, nadama mo at narinig mo ang kanyang pangangailangan, ano ngayon ang iaatas ng pag-ibig na naroroon sa iyong isipan?

Ano ngayon ang ihahakbang ng inyong karunungan na nasa iyo sapagkat iyan ay bigay ng Dios. Iiwan mo ba, tatalikdan mo ba, o sasagipin mo? Ngunit naroroon ang isang bahagi upang masagip mo ang isang buhay?

Ito ang kalagayan ng sangkatauhan nakikita ang pagkakalugmok ng marami, nadarama ang pangangailangan ng marami; natatanaw ang pangangailangan ng marami, mayroon siya ng maibibigay, mayroon siya ng magagawa, mayroon siya ng may maihahandog, ngunit ito ay tinatalikdan.

Na kung minsan ang kadahilanan, sapagkat siya ay naligaw, sapagkat siya ay nagiging hindi karapat-dapat sa kanyang mga gawa, sapagkat siya ay isang tampalasan, sapagkat siya ay isang manlilinlang, sapagkat siya ay mandaraya, sapagkat siya ay naroon sa mali at likong pananampalataya.

Iiwan mo tatalikdan mo, naririyan ang lukso ng puso, na kung ang kabuan ng pag-ibig ay kanyang dinadala at kanyang tinataglay, hindi baga naroroon sa likong daan na kinakailangang ibangon upang matamo ang kanilang kaliwanagan?

Na dahil din dito, ang pangungusap at dito ako magtatapos upang siyang maging aralin na mabubuksan sa inyong puso na kung saan madarama na sa pakikipamuhay ang lahat ay mapalad.

Sapagkat iyan ay ipinangusap, “mapalad ang nahahapis sapagkat sila ay aaliwin; mapalad ang nagugutom, sapagkat sila ay pakakainin; mapalad ang nauuhaw, sapagkat sila ay bubusugin at paiinumin; mapalad ang hinahatulan nang dahil sa katwiran;” mga bahagi na inihayag ng isang noon upang madama ng tao kung ano ang halaga ng karunungang nasasa kanya datapwat kulang at salat.

Iisa ang magiging kasagutan, iisa ang magiging, tatalikdan ang mabuti na karapat-dapat na kanyang igalaw at ito kaya ang siyang sanhi kung bakit ipinangusap sa Banal na Aklat na siya ninyong magiging aralin na ang wika, “walang mabuti, wala, wala,wala, kahit isa.

Ito ang araling akin sa inyo ay iiwan, pabubulaanan baga ninyo o ito ay patototohanan yayamang ang lahat para sa inyo ay binuksan na ang daan upang ang makita walang iba kung hindi ang pag-ibig na katulad ng pag-ibig na ibinigay at isinagawa ng iisang Panginoon.

Hanggang dito, at muli ang liwanag ng Espiritu Santo ang siya nawang sa inyo ay maghari ngayon at magsawalang hanggan. Ako ang sa inyo ay naglilingkod, Arkanghel Raphael.

Ilaw ng Sanglibutan

Rebecca Dungo

 

2023-03-25, RAD

Paksa: Ano ang tungkol sa Siensya ng pagkatisod? Paano maiiwasan ang pagkakatisod? Ano ang kaparusahan nang nagiging sanhi ng katitisuran?

Liwanag ng Espiritu Santo ang siyang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at magpasawalang hanggan.

Ang kahingian ng kalagayan ng tao ay pag-unlad at pagsulong upang ang unang baitang na kanyang kinalagyan ay madama ang pag-iral ng talino o karungang ibinahagi ng Dios sa lahat at bawat isa.

Sapagkat dito sa kanyang pag-iral at pagkakabukas, madarama at makikilala ang katotohanan ng tunay na buhay. At ang katotohanang ito na ihahantad ay ang makilala na may iisang Dios na tunay, at may iisang anak na isinugo sa ibabaw ng lupa.

Kung gayon, ang lahat ay nakapaloob sa pag-unlad. Ang lahat ay sasaklawin ng kahingian ng pagsulong. Kaya nga't ibinigay ang iisang batas upang siyang maghari sa sandaigdigan hanggang sa kabuuan ng tao, ang batas ng pagsulong.

Na, dito ay inilagay upang magkaroon ng pananagumpay ang galaw at ganting galaw,

sapagkat anoman ang igalaw ng tao iyon ang simula ng kadahilanan. Iyon ang maglalarawan ng kasanhian bakit may nagaganap? Bakit may nangyayari? Bakit may natutupad sa ibabaw ng lupa sa pamamagitan ng karanasan?

Na bagaman hindi iniibig na madama at maranasan kailangang ito ay maganap, kailangang ito ay matupad at mangyari, kaya nga ang lahat ay mangyayari at nangyayari nang dahil sa mayroon ng kahingiang kinakailangang marating at maabot ng lahat at bawat isa. Ano ito?

Muli, ang pagsulong.  At sa pamamagitan niyan, iba't ibang uri ang kaparaanan na inihahantad at ipinadarama, sapagkat ito ay kinakailangang i-angkop at i-ugnay sa kakayahan ng bawat tao: sa kakayahan ng pagdadala, sa kakayahan ng pagtanggap, sa kakayahan ng pagkaunawa, sa kakayahan ng kanyang tinatanaw at kanyang kinikilala.

At kung ang kaparaanang ito ay i-aangkop sa kaantasan ng lahat at bawat isa, samakatuwid, ang mangyayarit magaganap, kung ano ang lawak ng kasiraang iyong nagawa, iyon din ang lawak ng bunga bilang katimbang ng pagtuturo at pagpapakilala sa iyong nagawa na daranasin mo at magiging bahagi ng iyong karanasan. Kung gaano ang bigat at kung gaano ang gaan, kung gaano ang lalim at kung gaano ang babaw, kung gaano ang dami at kung gaano ang kakauntian laging naroroon katimbang ng bawat iyong iginalaw.

Walang kaparusahan, tanging ang mga karanasan ay katimbang lamang ng kung ano ang iginalaw

Samakatuwid, walang kaparusahan. Ang tinatamo ng tao'y hindi pagpaparusa at hindi kaparusahan sapagkat ito ay katimbang lamang kung ano ang iyong iginalaw, kung ano ang iyong isinagawa iyon ang bunga na sa iyo'y darating.

Ang layon ng pagkatisod, papapakilala at pagbubukas ng isang sarili

Samakatuwid, hindi iyan parusa kung hindi kaganapan upang madama ang kadakilaan ng tungkulin at ganapin ng isang Espiritu. At doon, ano ang kaakibat, pagbabago. Samakatuwid, ang pagkakatisod, ang layon niya'y ang pagbabago ay ihatid, ipakita, ilarawan ng isang kaluluwa, sapagkat ang pagkatisod ay pagpapakilala at pagbubukas ng kanyang sarili.

Sapagkat paano mananagumpay kung ang iyong sarili'y hindi mo makikilala? Paano mo pasisimulan ang isang magandang pagbabago kung hindi mo alam, ano ang babaguhin mo sa kabuuan ng iyong katauhan?

At kung ang pagkatisod ay baitang, panimula upang ang ihantad ay ang kawalang-muwang, ang kasalatan, ang kawalan ng pagka-unawa sa kung ano ang matuwid at ang liko na kinakailangan mong tindigan.

Magaganap, matitisod ka bagaman hindi mo iniibig sapagkat hindi pa mulat ang iyong mga mata upang may liwanag na ihantad at igabay doon sa iyong lalakaran sapagkat ang pangangailangan ikaw ay buksan upang sumulong ang iyong pagka-unawa sa aralin ng tunay na buhay.

Ang Siyensiya

Kung gayon, kaalaman at karunungan ang hatid, pag-angat doon sa iyong kinilala sa simula ng pagkatisod.Iyan ang Siensya na kanyang daladala. Sapagkat kung ang Siensya ay nagpapakita ng kabuuan ng paglikha; kung ang Siensya ay nagpapaliwanag kung paano nalikha, nabuo at nagawa ang bawat bahagi ng buhay, iyon ang magandang kanyang dala-dala.

Kaya nga kailangang maganap, sapagkat may kaluluwang humihingi ng kanyang pag-unlad at ng kanyang pagsulong. Samakatuwid, ano ang ipinakikita? Natisod ka dahil ikaw ay bulag.

Hindi ba sisikhayin ngayon na ikaw ay makakita upang sa susunod lalakad ka na may liwanag na ang iyong mga mata makikita mo na ngayon ang bawat iyong aapakan, ang bawat iyo ngayong hahakbangan.

Mula sa kamangmangan, dadalhin doon sa karunungang maunawaan ang halaga ng tunay na buhay

Kaya nga mula sa kamangmangan ng pagkakilala ikaw ay ihahantad, ikaw ay dadalhin doon sa pagiging marunong o pantas upang maunawaan ang halaga at kadakilaan ng tunay na buhay.

Mula sa kahinaan ay magsisikhay na matamo ang lakas. Sapagkat nang dahil sa

pagkakatisod nasugatan ka, nagkaroon ng sugat ang iyong tuhod, napilay ang iyong paa ba, sa ganitong kalagayan hindi baga, hindi iibigin ng tao na siya'y manatili sa buhay na isang pilay na hindi makalalakad?

Hindi gugustuhin ng tao na siya'y manatiling bulag sa katotohanan upang sa tuwina ay lagi siyang magkakamali na ang magiging hantungan ay ang kanyang ipagkakasala. Iyan ang halaga at pangangailangan ng pagkatisod.

Ngunit uulitin ko, kailanman hindi kaparusahan ang ibinibigay, bagaman sa Banal na Aklat ay isinulat at itinala, kung ikaw ang magiging kadahilanan ng pagkatisod mabuti pa anyang bitinan ng gilingan bato ang iyong leeg at ihulog ka sa dagat. Napakabigat, hindi baga? 2023-03-25, RAD

Mabigat sa isang sarili kung siya ay naging kadahilanan ng pagkatisod

Sapagkat kung susuriin at dadamhin, ang katumbas ay kamatayan. Ang katumbas ay pag-aalis ng buhay. Datapuwat ito'y katotohanang nagaganap sa lahat at bawat isa sapagkat: nang dahil doon sa kanyang pagwawalang bahala, nang dahil doon sa kanyang kataasan, nang dahil doon sa kanyang kasakiman, nang dahil doon sa kanyang kawalang ingat.

Ang ganting galaw ay itinutumbas at tinatapatan upang madama kung gaano ang naging kasiraang ibinigay mo at ipinagkaloob mo sa kabuuan ng iyong buhay; sa kabuuan ng iyong sarili; at ngayon ay dinadama ang pagpapakasakit, dinadama ang paghihirap, dinadama ang buhay na inalisan ng kapayapaan, masasabi ba at masasambit pinarurusahan ako ng Dios?

Kulang at salat sa pagka-unawa, ng isang paggalaw ang bunga ay tiisin

Hindi, kung hindi ang iyong kawalang ingat sa pangangalaga sapagkat kulang pa at salat sa tunay na pagka-unawa dumating ang ganyang uri ng tiisin, dumating ang ganyang uri ng bunga sapagkat iyon ang katimbang ng iyong iginalaw, ano ngayon ang kinakailangan.

Buksan mo ang iyong sarili. Palayain mo ang iyong pag-iisip, palayain mo ang iyong diwa, palayain mo ang iyong damdamin. Bigyan mo ng liwanag ang iyong kalooban upang madama mo, mula doon pagsulong ang sa iyo'y ibinibigay.

Ang tao ang siyang lumikha ng buhay na kanyang dinadanas, ang kanyang pagsulong nakagagaan sa bigat ng dalahin

Pagsulong ang sa iyo ay iginaganti at itinutumbas, at ito kapag siyang naghari at umiral sa puso at diwa ng tao, hindi maaaring ang bigat ay hindi niya madadala sapagkat ito'y gagaan, sapagkat mauunawaan ng bawat isa, siya ang lumikhat bumuo ng buhay na kanya ngayong dinadanas at dunadaanan.

Kapag hindi tinanggap, darating ba ang kapayapaan? Kapag hindi tinanggap iyon ang bunga ng mga iginalaw bilang pagkatisod, sapagkat naroroon salat pa at walang muwang sa katotohanang ibinibigay at inihahantad ng buhay.

Walang damdaming mapapayapa, walang kaloobang makadarama ng katiwasayan, walang pag-iisip na makadarama ng kapayapaan, ng katahimikan. Kung hindi, kaligaligagan, kagulumihanan, pagkatakot, pagdama ng mga bahagi na sa halip na makaahon waring ang kanyang kinalagyan ay isang kumunoy na, habang siya'y gumagalaw lalo siyang lumulubog.

Kaya nga, kung ang dinadama ninyo'y isang bahagi ng pagkatisod bumangon kayo mula sa pagkatisod na iyan. Magbalikwas ang lahat at bawat isa sa katitisuran na ang bumuo ay ang inyo ring mga sarili. Na, kung ito ay katumbas ng libingang ang naroroon ay mga patay, bumangon kayo sa mga patay na iyan sapagkat ang pangako liliwanagan kayo ni Kristo. Liliwanagan kayo ng Panginoon.

Liliwanagan kayo ng Anak ng Tao, at sa ganyang uri, hindi baga ang simula ng baitang ng pagkatuto ay pagkakalugmok, pagkakadapa sapagkat iyon ay magdudulot at magbubukas ng isang aralin na inyo ngayong inyong pag-aralan?

Nagbibigay ng isang magandang araling ang dala ay katotohanan upang mamulat ang mga mata, ano ang buhay para sa inyo? Ano ang kalagayan ng buhay para sa kahingian ng inyong mga Espiritu? Ano ang baitang ng buhay para marating ang kawagasan at ang kaluwalhatian?

Ang Siensya ng pagkatisod

Iyan ang Siensya ng pagkakalugmok. Iyan ang Siensya na daladala ng pagkatisod. Kung ito ay ilalagay ninyo sa isang baitang na hindi kayo dadalhin sa pagkapariwara kung hindi kayo'y dadalhin doon sa pag-unlad at sa pag-angat upang ang karagdagang antas ng katangian at magandang kalagayan ay inyong marating.

Samakatuwid, kung iyan ang kagandahan, hindi naman nangangahulugang hangarin ninyong matisod upang dumating ang karunungan at kaalaman sapagkat ang mga tao o ang mga anak ng Dios na dumarama nito, kulang ang paningin sa liwanag upang makita ang kanyang nilalakaran kaya at kinakailangang dagdagan ang kakulangan.

Kulang sa pananalig at sa matatag na pananampalataya kailangan ngayong dumama upang ang karagdagan ng kaalaman ay kanyang matamo at sa kanya ay ibigay upang ang kamangmangang naghahari at namamahala sa kanyang isipan.

At sa kanyang diwa mapingasan, maalisan, makalag upang ang karagdagang ibinibigay na kaalaman at karunungan ng karanasan siya ngayong maging kasanhian at kadahilanan upang ang tao ay: maging matalino, maging marunong, maging maalam sa lahat ng kanyang gagawin at isasagawa sapagkat ang gumagawa ng may katalinuhan magkamali man ay magaan.

Malugmok man ay madali ring makaaahon, madali ring makababangon sapagkat may kaalaman siya sa kanyang sarili na siya niyang magamit upang makaalis sa tali ng kamangmangan. Na ang sa kanya ay ibinibigay ay ang mga bahagi ng damahing hindi makapagpapa-unlad at hindi makapagbibigay ng kalusugan at buhay para sa kapakinabangan ng kanyang kaluluwa.

Ito ang aking sa inyo'y inihahatid na, kung ang dinala ko man ay isang buo na bagay, isang malaking tipak ng karne upang ito ay inyong pakinabangan at malasahan ninyo ang kanyang sarap kailangang ito ay iluto ninyo, at kung ito'y iluluto, hindi ba ito ay binabahabahagi upang maging madali ang kanyang paglambot.

Ganyan din sa pag-aaral, hindi lulunukin ng buo, hindi kukunin ng buo kung hindi ito'y binubuli, ito ay hinihimay, ito ay binabahabahagi upang ang kanyang makuha ang pangangailangan ng kanyang kaluluwa tungo sa pagkatuto.

Sapagkat ang pagkatuto ay baitang upang kailanman hindi ka na matisod sa lahat ng iyong igagalaw. Hindi ka na rin madadapa sapagkat natuto ka na mula sa iyong naging pagkakamali, at ito ngayon ang iyong paninindigan.

Ito ang iyong tatayuan, kaya nga at nangusap, ang iyong oo ay maging oo, at ang iyong hindi ay maging hindi sapagkat ang labas dito ang wika, ay mula na sa masama.

Ito ang aking sa inyo'y inihahandog at muli maghari sa lahat at bawat isa ang liwanag ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Arkanghel Raphael, Paalam.

Centro Lualhati sa Dios sa Kataastaasan

Rebecca Dungo

 

2022-12-18, RAD  

Liwanag ng Espiritu Santo ang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at magpasawalang hanggan.

Sa bawat kasaysayan, kung gaano kahalaga ang kanyang simula binibigyan ng ningning at katingkaran sa kanyang pagpapatuloy at pinadadakila kapag dumating ang kanyang pagwawakas.

At kung ito ngayon ang siyang kalagayan, samakatuwid dakila ang magiging paggawa sapagkat naroroon na ang kanyang magiging kabuuan. Samakatuwid, sa kalagayang ito ay higit na pinatingkad ang buhay na taglay ng bawat manggagawa sa ubasan ng Panginoon.

Lakas na dadaloy sa bawat sisidlan ng tubig

Kung gayon, ipaubaya ninyo ang hiling ng Panginoon na, sa sandaling ito ay ipagkaloob ninyo ng buong buo ang inyong diwa, ang inyong puso, ang kalagayan ng kabuuan ng inyong mga kaluluwa upang sa buhay na ipagkakaloob na naroroon ang pag-ibig at kapangyarihan ng Ama sa pamamagitan ng kanyang Anak mataglay at maging siyang lakas na dadaloy sa bawat sisidlan ng tubig.

Kaya nga ipaubaya rin ninyo na kung kayo ngayon ay isama sa huling yugto ng buhay ng Anak ng Tao. Na kung saan, naroroon sa bundok ng Golgota na inihahayag at inilalarawan ang kabuuan at kabanalan sapagkat ang gampanin at tuparin ng kanyang Espiritu nanagumpay.

Pagiging bahagi umuugnay sa isang lakas na bagaman hindi nakikita ngunit nadarama

At iyan din ang siyang maging kabuuan ng inyong adhikain ngayon na, kayo ay maging bahagi at hangad na makabahagi sa kadalisayan ng Kanyang Espiritu upang siyang magsilbing handog na sa inyo'y ibinibigay alang- alang sa ang bawat isa ay nananangan, kumakapit, umuugnay sa isang lakas na bagaman hindi nakikita, ngunit ito ay maaaring madama.

Kung gayon, bilang pasimula, hihingin ko na tayo'y magbigkis at magtali upang bawat puso, bawat damdamin at bawat kalagayan ng pagkatao ay magaangkop, ganap na mabigkisan at matalian ng iisang kapangyarihan upang dumoon ang matibay at matatag na pananampalataya na nananangan, hindi kayo ang siyang gumagawa kung hindi ang Ama sa pamamagitan ng kanyang Anak na si Jesus.

Samakatuwid, ito ang kanyang larawan. At sa ating pagpapasimula hihingin ko rin na sa kapayapaang dala-dala ngayon ng inyong mga kaluluwa ilahad ninyo ang inyong mga kamay.

At sa pagkakalahad, i-ugnay ninyo at ipaloob ang inyong puso na ang daladala ay kalinisan. I-angkop ninyo ang inyong diwa na ang kanyang simpan ay liwanag.

At mula sa ganitong kalagayan, damhin ninyo ang lakas na sa inyo ngayon ay ihahagkis, ang lakas na sa inyo'y ipagkakaloob na wari'y tulad ng ulang pumapatak sa inyong mga palad na bagaman ito'y tubig kailanman ay hindi maglalagos sa bawat pagitan ng inyong mga palad upang siya'y mahulog, kung hindi naroroon nasasa kanya ang kabuuan upang madamang nananatili, daladala ng inyong mga palad na hindi humuhulagpos upang siya'y matapon.

Sapagkat iyan ang biyaya na sa inyo ngayon ay inihahandog upang maging dakila ang hangganan, dakila ang magiging hantungan at dakila ang magiging kalagayan ng bawat kaluluwa kailanman ay hindi bumitiw upang ang kanyang pananampalataya at pag-ibig ay mawala at mauwi sa kamatayan.

Manatili kayong nakalahad ang inyong mga kamay at tayo ngayon ay mananahimik ng ilang saglit, at sa hudyat ang nakalahad na kamay sa inyong mga sisidlan na inalisan na ninyo ngayon ng takip, ang lakas na nananatili sapagka't naroroon ang inyong puso, naroroon ang inyong kabuuan, sa hudyat imposisyon sa bibig ng bawat sisidlan. Katahimikan at kapayapaan ng inyong espiritu upang sa inyong pandama, sa inyong pakinig, sa inyong panlasap, sa inyong paningin na nakakakita at makakakita, makakarinig, makakaamoy, makalalasap, makadarama.

Lahat ng iyan ay dadalhin ng inyong mga palad at iyan ang lakas na siya ngayong tataglayin, mananalaytay at dadaloy sa bawa't sisidlan upang siyang maging buhay ng bawat pagkatao na makatatagpos sa lahat ng uri ng karamdaman na inyong tinataglay.

Kapayapaan, kapayapaan, kapayapaan. Imposisyon, aplikasyon. Itutop ngayon ninyo ang inyong mga palad na nagdala ng biyaya sa bahagi ng inyong sangkapin. Ang wika ng Panginoon, "ang sa akin ay nananampalataya, ako ay mananahan at ang aking Ama ay mananahan sa Kanya."

Sapat na... Nawa sa sandaling ito, may tahanang nabuksan upang sa kanyang pagkakabukas, madama niya na ang biyaya na kanyang tinanggap ay magiging katulad ng isang tanggulan sa susunod na panahong inyo ngayong sasalubungin.

Siyang magtaguyod upang ang lahat ng karanasan na inyong sasapitin, sa pamamagitan ng inyong mga kamay na ito, naroroon ang kanyang katiwasayan, naroroon ang kanyang magiging kapayapaan at naroroon ang lahat ay may kagamutan, may kalunasan.

Sa bawat suliranin, ang kamay at palad na ito na hinandugan ng biyaya magiging tulad ng isang sandata na, kapag idinampi sa isang pagkatao, madarama anoman ang kagulumihanang naroroon, sa bawat dapyo ng mga kamay at mga palad ito ay nagiging kapayapaan.

Iyan ang sa inyo ngayon ay inihahandog upang ang susunod na taon, madama ninyo, katulad ng kanyang pangako, ang sa akin ay nananampalataya hingin niya ang anomang kanyang ibig at ito ang sa kanya ay gagawin.

Ito ang aming sa inyo ay ipinagkakaloob sa kalipunan ng mga alagad ng Panginoon na, sa inyo at sa bawat isa ay laging naroroon gumagabay, sumusubaybay, ang bukas tanawin ninyo na punong puno ng liwanag. Maghari nawa sa lahat at bawat isa ang liwanag ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Arkanghel Raphael, Paalam.

Centro Ilaw ng Sanlibutan

Talaytayan, Kpd Rebecca Dungo


2022-11-26, RAD 

Kaugnayan ng Karma at Re-enkarnasyon

Paano ang pagtingin ng isang tao sa kanyang dinadaanang mabigat na pagsubok? Ito ba ay Karma na kagyat? O Karma na pinagbabayaran ng Espiritu? Paano ang pagtingin sa kanyang dinaraanan?

Liwanag ng Espiritu Santo ang maghari sa lahat at bawa't isa ngayon at magpasawalang hanggan.

Kung ang kataga na Karma ang aralin na bubuksan malalarawan na kakawing nito ang batas ng galaw at ganting-galaw na, siya ring bahagi na nakapaloob sa Re-enkarnasyon na ang dala at kanyang hatid ay pagsulong patungo sa kanyang kaluwalhatian at kawagasan.

At kung ang ganting galaw ang siyang nakapaloob kapag isinalig sa Re-enkarnasyon may higit na lalim, may higit na bigat na ipinatutunghay at ipinadarama ang Karma sapagkat ito man ay bunga ng ganting galaw ngunit ang bungang ito'y kahayagan ng isang kaluluwa o ng tao na nananagutan sa kanyang liko na isinagawa kahapon maging hanggang sa kasalukuyan sasaklawin ng Karma.

Datapuwat sa pang araw-araw na kabuhayan ng tao sapagkat may buhay, kumikilos humahakbang, gumagalaw nagpapakita niyaong mga iba't ibang uri ng mga gawa ayon sa kanyang kakayahan, sa kanyang naging kapaniwalaan at sa uri ng kanyang naging pagka-unawa sa gawang mabuti at sa gawang hindi karapat-dapat bagaman ito ay mabuti sa kanyang kahayagan.

Bungang itinanim, may bungang ibabalik

Kung ang tao sa kanyang pakikipamuhay sa pang araw-araw ay nakagawa ng lisya hindi maaaring hindi may bungang sa kanya'y babalik. Halimbawa, ang pagkakaramdam, ang pagkakasakit. Nilabag at hindi inalagata ang batas na kinakailangang ibigay sa kanyang naturalesa, tulad ng hindi tamang pagkain na hindi tamang paggamit ng kanyang materya may bungang ibibigay, may bungang ibabalik at ito ay ang karamdaman.

Iyan, dumating ang bunga ng kanyang itinanim. Hindi natutuhang pangalagaan ang materya na kasangkapan at tahanan ng kanyang kaluluwa, may babalik sadya at ang kahayagan ay karamdaman, ngunit hindi pa ito ang matatawag na Karma na bunga ng kanyang pagmumuli at muling buhay na nakagawa ng hindi karapat-dapat. Iyon ay sa pang araw-araw upang ipadama may nilabag at kung ito'y ukol sa lupa, iyon ang sa kanya'y babalik na aking muling uulitin, ang pagkakaroon ng sakit.

Paano ang magiging pagtingin at distinksyon na ibibigay kung ito ay ukol sa Re-enkarnasyon

Ang tao sapagka't nakaunawa na kung ano ang tama at ang mali, ito'y kanyang tinatalima. Nagsisikhay na hindi makagawa ng hindi karapat-dapat na magiging pananagutan ng kanyang kaluluwa. Sinisikhay na sa pamamagitan ng karunungan at kaalamang kanyang nang tinataglay ay huwag makagawa ng kanyang ipagkakasala. Umaalinsunod sa batas at kautusan ng Dios maging ng batas sa lupa.

Mabigat na karanasan mula sa kapwa, pagbabayad ng kautangan sa dating kabuhayan

Samakatuwid, ang inilalarawan ay ang pagiging mabuting tao, ngunit dumating ang sandali na sa kabila ng kanyang mabuting ginagawa at sa kabila ng kanyang pagsisikhay na maging matuwid ay mayroon ng sa kanya ay ibinigay na mabigat na karanasan mula sa kanyang kapwa.

Iya'y tumanggap ng karanasang sa kanyang pandama ay hindi dapat na sa kanya ay dumating, ito ang Karma, pagbabayad ng kanyang kautangan, pagdama ng kanyang pananagutan bilang bahagi ng kanyang Re-enkarnasyon o pagmumuli at muling buhay.

Naririyan ngayon, hindi ang lahat sa pang araw-araw na kanyang dinadama ay Karma na buhat sa kanyang Re-enkarnasyon kung hindi iyon ay bunga ng kanyang pang araw-araw na ginagawa na nagkukulang ng pangangalaga, nagkukulang sa pag-iingat, nagkukulang sa pagkilala, sa pagtitimbang.

Samakatuwid, naroroon ang kanyang pagkakaiba at iyon ang distinksyon sa katagang Karma na kakawing ng Re-enkarnasyon at ganting-galaw na kakawing naman ng kanyang pang araw-araw na pakikipamuhay sa lupa.

Ang mga bahagi ng karanasang dumarating na wari'y walang kaugnayan doon sa naging uri ng inyong pakikipamuhay sa ngayon sapagka't kayo ay umaalinsunod na sa batas at kautusan maging ng panlupa at ng panlangit, ngunit bakit dumarating pa ang mga bahaging ang tao hindi pumapatay ngunit naroroon sa kanyang bahagi na siya'y dumadama at dumama ng kamatayan?

Bunga ng mga nagawa sa kahapon

Siya'y hindi nagsasalita ng mahalay sa kanyang kapwa ngunit bakit siya ay pinagsasalitaan at pinangungusapan ng mahalay? Inaalipusta, hinuhusgahan, hinahatulan samantalang ito'y hindi ginagawa ng kanyang kabuuan ngayon sa kasalukuyan, hindi ba dito'y maitatambal na iyon ay sapagka't bunga ng kanyang mga ginawa kahapon na siyang naging Karma na kailangang panagutan ng kanyang kaluluwa?

Sa ganitong bahagi ay naroroon ang mababaw at walang talinghagang sa inyo'y ipinangungusap upang maunawaan ng bawat isa na ang buhay hindi maaaring hindi umalakbay ang batas ng galaw at ganting-galaw.

Sapagkat sa bawa't paggawa ng tao may mabuting sa kanya ay babalik kung mabuti ang kanyang isinasagawa sa lupa at mayroon ng masamang bunga na tatanggapin kung ang kanyang naisagawa ay masama at hindi naging karapat-dapat at hindi naging ayon sa batas ng pag-iibigan.

Kaya nga ang buhay ay pagbabantay na kinakailangang maunawaan ng bawat isa upang sa sandaling ang ibig niyang madama ay kaligayahan, ang kanyang magawa ay ang mga bahagi ng tungkulin at tuparin na ang ibubunga ay kaligayahan para sa isang kaluluwa.

Kung gayon, upang maunawaan at matanggap ang talinghaga ng buhay, sa bawat sandali, sa bawat pagkakataon, sa bawat kalagayan ang tao ay lagi ng nakakabit sa kalooban ng Dios na, ang kalooban ng Dios ay nangungusap na, ang tao ay kinakailangang makaunawa ng ukol sa gawang kabanalan sapagkat iyon ang kalooban ng Dios na Kanyang iniibig na kapalooban ng bawat may buhay.

Ito ang aking sa inyo'y iniiwan at muli ang liwanag ng Espiritu Santo ang siyang sa inyo'y maghari ngayon at magpasawalang hanggan. Arkanghel Raphael, Paalam.


Centro Lualhati sa Dios sa Kataastaasan

Kpd. Rebecca Dungo

Lunduyan Lualhati sa Dios sa Kataastaasan

Topic: Ano ang mga kamangmangan at maling paniniwala na dapat nating bakahin sa ating pag- aaral dito sa Espiritismo na nauukol sa Ama at Ina? Ano ang papel ng ina at ama na inihahatid sa atin ng Banal na Kasulatan?

2022-05-07, RAD 

Liwanag ng Espiritu Santo ang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at magpasawalang hanggan!

Kung iwawangis ang katagang ina at ama sa nilalaman ng Banal na Aklat, hahanapin kung ano ang mga araling pinagtutuunan ng pansin. At sa kasulatang ito, naroroon ang pagkakaloob ng mga kaalaman ukol sa buhay panlupa, at naroroon din ang mga kaalaman at karunungang ukol sa buhay Espiritu.

Samakatuwid, kung dyan ngayon ibabatay, inihahantad na dalawa ang kalagayan na siyang kabuuan ng tao. Ang kalagayang panlupa o ang laman at ang kalagayan na pang espiritu, na siyang maituturing na ama at ina sa kalagayan at kahayagan bilang mga tao. Laman o kaluluwa at Espiritu.

Ang ina kung pagmamasdan at pakalilimiin sa mas malalim na kanyang diwa, hindi ang pisikal na kahayagang natutunghayan ninyo, kung hindi ang laman na naroroon sa loob ng pisikal na kahayagang ito.

Iyan ang ina na maituturing na nangangalaga, nag-iingat, nagmamalasakit, umaakay upang ang kanyang mga anak ay mailagay niya sa matuwid na landasin ng buhay. Ano ba ang nasa laman at nilalaman ng pisikal na katawang ito?

Hindi baga at naroroon ang kaluluwa, na ang sagisagin ang kanyang pag-iisip, ang kanyang damdamin at ang kanyang kalooban, na siyang nangangalaga, siyang nagbibigay ng liwanag, siyang nagbibigay ng pagiingat at pagaaruga sa kanyang mga anak.

Na, ito ang sangkapin ng laman, pinangangalagaan upang sa bawat pagganap sa kanilang tungkulin, ang ihayag, ang ihantad, ang makuha at makamit ay ang mga bahagi ng ukol sa kanyang ikabubuti, sa kanyang ikatutuwid sapagkat iisa ang landas na kanyang tatahakin at ito ay ang kaniyang kaluwalhatian.

Kung gayon, naririyan ang tungkulin ng isang ina na sagisag ng liwanag, ng pag-ibig at ng pagtitiis. Kung ang isang pag-iisip ay kulang ng kaliwanagan, saan dadalhin ang kanyang pagkatao at ang kanyang buhay sa kaniyang pakikitalad sa lupa?

Kung ang damdamin ay kulang ng pagtitiis, hindi marunong magbata, hindi baga naririyan ang isang kahayagan na sa sandali ang emosyon ay hindi makabuo ng karapatdapat na ihagkis ng kaniyang lakas, ano ang magiging hantungan bagaman nangangalaga at nag-iingat sa kanyang mga anak?

Kung naroroon ang bahagi ng kakulangan ng pagka-unawa at pagkakilala sa matuwid at tamang paggawa, ano ang magiging kalagayan? Naririyan ba ang pag-ibig? Oo, sapagkat kailanman hindi Ito nawawala.

Ngunit ang kanyang paggamit ang kanyang paghahawak, ang kanyang paghahandog, doon ngayon nagkakaroon ng pagkakaligaw.

Kaya nga ang isang ina sa kabuuan ng kanyang pagkatao bilang siyang kaluluwa ang nagbibigay ng lakas, ang naghahayag ng liwanag, ang naghahandog ng pag-ibig, ang nagkakaloob upang makapagtiis, at ang karunungan kanyang daladala ibinibigay upang ang maging lakad at kalakaran ng kanyang mga anak.

Ang kanyang paningin, ang kanyang pandinig, ang kanyang pananalita, ang panlasap at pandama ay manatiling naroroon sa daan at tuntunin ng matuwid na pakikipamuhay.

Iyan ang kanyang gampanin, ang kanyang papel na kinakailangang maunawaan ng bawat isa upang sa kanyang pakikipamuhay laging nakakabit, nakaugnay at nakaangkop ang kahalagahan ng batas at kautusan ng iisang Dios na siyang pamantayan upang marating ang kaluwalhatian.

Sino ang ama? Hindi ba iyan ang Espiritu? At kung iyan ang Espiritu, hindi ba iyan ang nangangalaga lumalagom, nagbibigay ng lakas,nagpapanatili ng liwanag at pag-ibig sa kalagayan ng kanyang kaluluwa upang magkaroon ng harmonya ang pagsasama ng laman, kaluluwa?

Iyan ang kahayagang itinuturo at ibinibigay ng karunungan at pag-aaral sa banal na aklat. Kaya nga at ang lahat kung mauunawaan ang kanyang diwa walang buhay na magiging maligalig, walang pakikipamuhay na magiging marawal, walang bahagi ng dilim na hindi niya matatagpusan at mapagtatagumpayan.

Sapagkat bawat nilalaman ng kabuuan ng kanyang sarili, bawat kahayagan at kaalamang sa kaniya'y mabuksan nagkakaroon ng paglaya.

Sapagkat ang kamangmangan nagkakaroon ng pagka-unawa, ito pala ang dapat ko ngayong gawin; ito pala ang dapat ko ngayong supilin upang makarating ako sa kaharian ng Dios. Ano ba ang kamangmangang ito?

Hindi ba ang kamangmangang dapat maunawaan ng tao ay iyong mga mabuti na alam niya; ung mga bahagi ng ikabubuti na kinakailangan niyang isagawa; ung mga kaalaman at karunungang natutuhan niya na dapat ilagay sa larangan ng pagsasagawa ngunit hindi naisasagawa, hindi ba iyan ang kamangmangan ng tao?

Hindi ba iyan ang kamangmangan na kinakailangang pag-aralan,suriin at siyasatin upang matupad ang layunin ng pagbaka sa kamangmangan? Ano ito?

Maipagpatuloy ang pagsulong at pag-unlad upang umangat ang antas ng Espiritu sapagkat iyan ang ama. At kung ang ama sa lupa ang tumutungkol sa batas na kinakailangang ipatupad sa sambahayan, hindi baga sadyang naririyan ang ina at ama, kabuuan ng tao na kinakailangan magtamo ng kaalaman, umani ng saganang bunga ng kanyang pagka-unawa sa pamamagitan ng kanyang pakikipag-aral sa sanglibutan?

At sa pamamagitan niyan, ang isang pamilya'y hindi maaaring hindi tunguhin ang landas na kanyang tinanguan, kung kaya nga't ibinigay sa kaniya ang buhay. Sa ganito ko ngayon binubuksan ang aralin upang maunawaan ng bawat isa, hindi dahil ikaw ay walang anak sa kataga, hindi ka na ina.

Nasasaiyo ang liwanag ng pag-iisip, ikaw ay isang ina ibigay mo doon sa iyong mga anak na lumalakad sa kadiliman. Nasasaiyo ang pag-ibig, lalo mo itong ipagkaloob, sapagkat ang pag-ibig ang katuparan ng batas at kautusan.

Alam mo kung paano magbata, kung paano magtiis, ipagkakaloob mo Ito, hindi dahil upang bigyan ng kaluguran ang iyong sarili kundi ikaw ay nagbabata upang bigyang lugod ang kalagayan ng iyong kapwa.

Iyan ang tungkulin ng ina at ng ama sa kabuuan ng bawat tao sapagkat ang kabuuan ng bawat tao ay isang pamilya. Kailangang nagbibigkis, nagtatali, nag-uugnay, nag-iisa upang magkaroon ng harmonya ang kanyang pakikipamuhay sa ibabaw ng lupa sapagkat sila ay magsing-isang diwa, magsing-isang puso, magsing-isang kaluluwa upang ang bawat baitang ng kanyang kalagayan matutuhan.

At nang sa gayon ang lahat ng kanyang inani at nabuksang kamalayan mailalagay niya sa larangan ng pagsasagawa katumbas, nabaka niya ang kanyang kamangmangan sapagkat hindi na nakatali ang kanyang natutuhan; hindi na nakagapos ang kaalaman at karunungang kanyang sinikhay kung hindi ito'y nabigyan na niya ng paglaya, sapagkat nabaka na niya ang kamangmangang daladala ng kanyang pagkatao.

Ito ang aking sa inyo ay iniiwan. Maghari nawa sa lahat at bawat isa ang liwanag ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Paalam, Arkanghel Raphael.




 

 

 

2022-04-24, RAD

Ang liwanag ng Espiritu Santo ang sumainyo ngayon at magpasawalang hanggan.

Sa buhay ng bawat tao laging nakaakibat ang isang pangarap na ibig niya na kanyang gawin at matamo. Laging may adhikain na kanyang iniibig na lakaran upang makita niya na may magandang kinabukasan sa kanya ay nakalaan.

At ito ay kahalintulad ng hagdan na may mga baitang na, kung saan may simula, may pagpapatuloy at may hangganan o katapusan. At kung ang simula ay ang pagnanasa, doon ngayon magbubuo ng lakas ang kanyang sarili.

At sa pamamagitan ng lakas na ito nagbubuo at nagpapasimulang magpasibol ng pag-asa bagaman hindi pa niya nakikita ang sa kanya ay magaganap. Ito ay sisikhayin na sampahin mula sa pinakamaliit at pinakamababaw na kanyang kakayahan at kaalaman.

Ang pagnanasa, pangarap at adhika ng kanyang sarili ay kanya ngayong ginigising, nilalagyan ng apoy, pinagbabaga at pinagaapoy upang siya'y makaakyat, makasampa sa tinataya niya at iniibig niya na sa kanya ay mangyari.

Kaya't pagkatapos ng adhikaing ito, hindi baga sadya lamang sa kanyang pag-akyat, sa kanyang pagsampa sa tinataya ng kanyang sarili, nabubuo at kanyang binubuo ang kanyang pananalig o pananampalataya sa iisang Diyos sapagka't Ito ang kanyang nauunawaan.

At ang pakikipamuhay sa lupa ay tulad ng karagatan o ng dagat na kung saan dalawa ang ipinatutunghay bilang larawan ng buhay. Kung payapa ang buhay ang daloy ng tubig ay mahinahon; ngunit kung sa kanyang buhay ang nagaganap ay kaligaligan, kagulumihanan, ang daloy ng tubig ay nagiging marahas, nagiging malaki ang alon.

Kung iyan ay kahalintulad din ng bundok, hindi baga ang bundok kung itutulad at iwawangis, pasanin, bigat ng pasaning daladala ng tao, ang makukutim na kalooban, ang damdaming maligalig, ang isipang walang kapayapaan ay katulad at kawangis ng bundok na kinakailangan kanyang mapalis.

Kinakailangan kanyang maalis at iyan ay kahalintulad ng pagpapalipat sa kabilang ibayo ng dagat sapagkat kung ang buhay ay maligalig hindi baga sadya lamang mimithiin at aasamin mo na makaalis ka rito, ililipat mo ngayon sa kanyang kabalintunaan.

Kung maligalig, ang kabila nito'y kapayapaan o mapayapang pamumuhay. At iyan ngayon kung inihalintulad na kasing liit lamang ng buto ng mustasa, paano Ito magagawa ng tao kung wala siyang alam?

Paano magagawa ng tao ang pagbabago, ang pagdadala ng kanyang pasanin upang ito ay gumaang kung wala siya ng kaalaman, kung wala siya ng karunungan? Kaya nga at ang kaalaman, ang karunungan, ang kaunawaan ang siyang binhi o maliit na butil ng binhi ng mustasa.

Na maliit lamang kung tingnan, ngunit sa sandaling ito ay ginagamit, nagkakaroon ng kapangyarihan upang ang mithiin mo, ang tinaya mo, ang inasam mo ay iyo ngayong mailagay sa larangan ng pagsasagawa.

Kaya nga at ang pananampalataya ay sagisag at simbolo ng pagsasagawa. Na, kung hindi ito magagawa at ang naroroon lamang ay pagmimithi at pagnanasa ngunit hindi pakikilusin ang kanyang kabuuan sapagkat walang kaalamang tinataglay, hindi nalalaman kung paano ito igagawa ng balangkas upang may daan at landas siya na daanan tungo sa kanyang pananagumpay.

Hindi magaganap sapagkat ang pananampalataya ay walang buhay, ang pananampalataya ay baog, ang pananampalataya ay nawawalan ng kabuluhan sapagkat hindi ginagamit ang kaalamang nasasa kaniya na iyon ay bahagi ng pananampalataya na, siyang kapangyarihan sa kanya ay nagbibigay ng lakas upang mapalipat ang bundok sa kabilang ibayo ng dagat.

Kaya nga ang wika ng Panginoon, Ang nananampalataya sa akin ay gagawin ang aking mga ginagawa. Iyan ang pagpapalipat ng bundok sa kabilang ibayo ng dagat. Naunawaan ang mga turo, ang salita ng Dios, ang kautusan, ang halimbawa ng buhay na ipinamasid at ipinatanaw ng Panginoon.

Gawin mo ito sapagkat nabuksan na ang kamalayan upang ang kaalaman at pagkatuto ay maihantad mo bilang iyong patotoo. Gawin mo, sapagkat ang pagpapalipat ay sadyang ang pagsasagawa ng iyong natutuhang matuwid at mabuti na iyong naunawaan.

Sapagkat ikaw ay nalinang na, napanday na, napali na ng maraming karanasan na, ang aral na kanyang daladala ay karunungan ang ibinibigay at inihahandog sa tao.

Na, kapag nakita ang aral na itinuturo, ang bawat baitang ng hagdan ay masasampa na ngayon. Kaya at ang pananampalataya ay pagsampa sa malaon nang ninanasa, sa malaon nang tinaya at inasam na makamit ng isang kaluluwa.

Kung ito ngayon ay kabutihan, kung ito ay ukol sa pagiging matuwid, sa pagiging mabuti at pagpapakabuti, ang kaalamang natutuhan mo mula sa iyong karanasan, gamitin mo, ilapat mo, ihandog mo.

Ibigay mo upang ang pananampalatayang nasasa iyo na, ikaw ay gagawa ayon sa iyong kakayahan, salig sa matuwid at mabuting iyong natutuhan hindi mo ito ngayon pabayaan sapagkat may ga butil ka ng binhi ng mustasang pananampalataya na, siya mong gagamitin upang ang buhay mo mula sa kanyang pasimula, sa kanyang kamangmangan, sa kanyang kawalang malay, sa kanyang kasalatan.

Sapagkat hindi nauunawaan ang diwa ng katotohanan ng buhay magagamit mo ngayon ang munting kaalaman at karunungang natutuhan mo sapagkat kapag hindi ginamit ng tao, walang pakikinabangan at walang mapapakinabang sapagkat ang pananampalataya ay kulang sa tunay na paggawa.

At iyan ngayon, nasa iyo man ang adhikain, nasa inyo man ang mithiin ngunit hindi ninyo ipinupusag ang kabuuan ng inyong sarili, hindi ninyo itinitindig mula sa inyong, pagkakalugmok hindi kayo bumabangon mula sa inyong pagkakadapa.

Hindi kayo gumigising mula sa inyong pagkakatulog hindi ngayon kailan man mangyayari ang inyong mithiin at pangarap. Kaya at inyong tinatanggap, ang pananampalataya na walang gawa ay baog. Ito ang halaga ng bawat diwa na sa inyo ay inihahandog upang matapos na marinig ninyo ang salita ng katotohanan.

Matapos na mapag-aralan ninyo at masuri ang salita ng pag-ibig sadyang mayroon kayo ng pangangailangan na kalagan, i-angat at ilipat upang mula dito masunod ang kanyang saligan na katulad ng utos, hindi luma, hindi bago ang pag-ibig at karunungan ang sandigan upang managumpay sa kanyang adhikain ang bawat espiritu.

Ito ang aking sa inyo ay iniyaalay. Maghari nawa sa lahat at bawat isa ang liwanag ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Paalam, Rafael Arkanghel.

Keyword: sikograpiya

 

2022-04-17, RAD

Easter Sunday

Ang liwanag Ng Espiritu Santo ang siyang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas.

Sadyang dalawa (2) ang taglayin ng bawat tao upang Ang lahat ay ilarawan at ipadama ang pangangailangan ng pagkakatimbang-timbang, ang pangangailangan ng pagkaka-angkop-angkop, at ang pagkaka-ugnay-ugnay sa larangan ng buhay.

Na, sa dalawang ito na taglayin ng tao, doon ang paghahari at pag-iral ng batas upang ang kasunod ay ang kalooban ng Dios. Kaya nga't sa isang bahagi ng kasaysayan, na kung saan ang isang may karamdaman sa kanya ay idinulog, inihingi ng kagalingan sapagkat ito ay taglay na niya mula pa sa kanyang pagkabata.

At kung naririto ngayon ang halaga at pagsibol ng pananampalataya ipinakita na ang pananampalataya ay may bunga na maibibigay, may buhay na maihahandog. Kaya nga't ang kabulagan ay nagtamo ng liwanag sapagkat siya ay nadilat.

Ang bawat may karamdamang sa kaniya'y idinulog ang inihahantad ay ang kahalagahan ng pananampalataya na siyang buhay na kinakailangan na tangkilikin. Kaya't ang kalunasang ipinagkaloob ang wika, "Manampalataya ka at ikaw ay gagaling."

Ngayon, kung ang pananampalatayang ito na buhat sa pag-asa ay mamatay, paano ngayon magagawa na ito ay mabuhay? Ang inilarawan kaya ng Anak ng Tao mula sa pagpasan ng krus hanggang doon sa ituktok ng kalbaryo, hanggang sa pagkakapako, hanggang doon sa tamuhin ang kamatayan ay may nagawa kaya at naihandog na buhay sa sangkatauhan?

Kung naririto ang pagtutuon ng pansin, ang lahat ng inihayag ay kahirapan, kasawian, pagpapakasakit, ano pa at ang lahat ng hindi matatanggap ng tao ay inihantad ng kasaysayang patuloy na ginugunita ng lahat at bawat isa.

Kung ito ngayon ang nagdadala ng buhay, ang kaganapan kaya sa kabuuan ng sangkatauhan na tinubos ng anak ay makabangon, makatindig, makapagbalikwas upang ihayag ang buhay ang kanyang nakamtan mula sa kamatayan upang ang pagkabuhay na mag-uli ng isang Hesus ay maging dakila sa lahat at bawat isa.

Sapagkat ang pagkabuhay na mag-uli ng Panginoon ay sumasagisag ng pagkatuto ng tao na kinakailangan na sumakaniya sapagkat buhay ang ibinigay, buhay ang inihandog alang-alang sa kaligtasan sa kamangmangan, kaligtasan sa pagkakasala.

Kaya nga ang pagkabuhay na mag-uli ng Panginoon ay naghahantad at nagbubukas ng kamalayan upang may diwa na magpakita na mula sa pagiging mangmang tutunguhin ngayon ang pagkatuto sapagkat ang kaalaman sa tunay na buhay ang siya niyang tatangkilikin.

Sapagkat ang hatid ng kamatayan para sa kanya ay pagbabagong buhay, pagba-bagong hugis sa kanyang mga nagawa, pagbabagong anyo sa kanyang mga iginalaw, pagbabago sa lahat ng bagay at sa lahat ng aspeto na kinakailangan na magkaroon ng kabuuan, magkaroon ng kayarian sapagkat ang tutunguhin ang kanyang kawagasan. At iyan ang buhay na mag-uli.

Kaya nga kung ito ay mauunawaan ng lahat at bawat isa sadya lamang na mayroon ng babangon mula sa kanyang kinalugmukan. Ano ito? Ang kamangmangan, ang kasalatan sa tunay na paggawa, ang kawalang malay, ang kamusmusan, na kung saan ang ini-aatas ay gawin ang ibig niya na wala ng pagsusuri, wala ng pagsasaliksik, wala ng pag-iisip, wala ng pag-aaral.Kaya nga kalimitan ang nagiging hantungan, ang pagkakasala, na, nagiging pananagutan ng kanyang kaluluwa.

Batas ng Pagsulong

At dito, kamatayan ang tinatamo. Ngunit kung ang batas ay pagsulong, wala ng maiiwan upang manatili sa kanyang luma na kaalaman; wala ng maiiwan upang ang buhay na punong puno ng kadiliman ay hindi maaari na hindi magtamo ng liwanag sapagkat lahat sa mundong ibabaw ay binibigyan ng pagkakataon upang umunlad.

Lahat ay binibigyan ng pagkakataon upang sumulong. Lahat ay binibigyan ng pagkakataon upang makagawa ng pinakamabuti sapagkat iyan ang kahingian, ang para sa kalagayan ng isang Espiritu.

Kung gayon, sa bawat sandali, kung naroroon ang tao sa kalugmukan, sadya lamang katotohanan, nawawala,humihina ang pananampalataya ng bawat isa. Kung ang tao ay naroroon sa buhay na walang kapayapaan, ang nananagana ang kagulumihanan ng kanyang puso, ang kadiliman ng kanyang pag-iisip, ang kakutiman ng kanyang kalooban, ang pagngangalit ng kanyang damdamin sapagkat ang poot ang siyang namamaibabaw.

At sa kalagayang ito doon ngayon sisibol, doon babangon ang muling pagkabuhay. Sapagkat ang lahat ng kanyang tinamo, ang lahat ng kanyang dinaanan, ang landas na kanyang tinahak ang siya ngayon na magtutulak, siyang gigising, siyang bubuhay sa kabuuan ng karapat-dapat na kanyang matamo, na sa panahong siya'y salat nagkaroon ng Kamatayan.

Samakatuwid, bawat bahagi na dinadama ng bawat isa, magkaalinsabay na gumagalaw, magkaalinsabay na kumikilos, magkaalinsabay na bumubuhay, magka-alinsabay na pumapatay.

At kung ito ang siya ngayon na nadarama ng sangkatauhan, nagiging mapalad ang buhay sapagkat ang bawat tiisin na dinarama ay siya ngayong pagmumulan at siyang sisibulan ng tunay na lakas; ang kamangmangan na umiral ay doon ngayon sisibol ang kaalaman upang ang lahat ay maging pantas sa kanyang katauhan.

Ang lahat ng mga bahagi na naging kasawian para sa kanya, doon sisibol ang pag-ibig upang maunawaan niya sa kanyang sarili na kailangan niyang bumangon; kailangan niyang maghawan; kailangan niyang maglinis; kailangan niyang bunutin ang bawat bahagi ng talahib na sa kanya ay tumutubo upang ang magandang panahanan matambad, makita naroroon pala ang puso ng Dios.

Kaya nga ang buhay ay mahalaga; ang kamatayan ay dakila sapagkat nang dahil sa kamatayan may nagsisikhay na makabangon; nang dahil sa kamatayan ay may nagpupunyagi na makaalis sa kanyang kinabuliran at kinahulugang malalim na bangin; nang dahil sa kamatayan naging dakila sapagkat may magpapatotoo, kailangan niya na sumulong, kailangan ng isang Espiritu na umunlad.

Kung gayon, lahat ng iyan ay bahagi at kabuuan ng tao na wari'y kahalintulad ng kulog at ng kidlat. Na, kung saan sa kanilang kalagayan ay kapwa sabay na nagpapamalas ng kaniyang lakas: sabay na umaalis sa kanyang kinalalagyan; sabay na naglalarawan upang magpakita ng kanyang taglayin.

Dangan na nga lamang ang kidlat ay mabilis sa kanyang pagkilos, ang kulog ay nagiging mabagal sa kanyang pagkilos kaya't ang nauunang nakikita ay ang kidlat sapagkat iyan ay sagisag ng liwanag.

At kung ang liwanag ay buhay sadyang ang buhay ang nagiging pasimula: ang buhay ang siyang nagiging baitang upang may hagdang mabuo, ang buhay ang siyang nagiging patotoo na may Dios na kanyang pinanggalingan.

Ang buhay ang siya ngayon sumasagisag at nagbibigay ng isang simbolo upang manatili ang kalagayan ng isang kaluluwang ipaubaya na siya ay lagumin ng kaangkinan at katangiang taglay ng kanyang Espiritu. Sapagkat ang kaluluwa ay katulad din at halimbawa rin ng isang laman na patay kapag walang Espiritu na sa kanya ay nagbibigay ng buhay.

Damhin ninyo sa inyong puso kung ang nalikha ng bawat kasaysayan na inyong tinutunghan ay ang paglalarawan upang makilala ninyo ang inyong sarili at pagkatapos ay mabigyan ninyo ng tuldok ang dapat na mawala, ang dapat na mapugto ang hininga, ang dapat na mapagnot.

Upang sa muling pagsasabuhay ng kasaysayan makita na ang buhay na mag-uli ay ang pagbibigay ng katuparan sa mithi at tinaya ng isang kaluluwa na ilalagay ngayon sa matuwid na paggawa.

Sapagkat ipinakikita na pagkatapos na malinang, pagkatapos na mapanday, pagkatapos na mapali, ang buhay sa sandaigdigan sadyang ang kasunod nito ay ang kamatayan na doon sisibol ang muling pagkabuhay sapagkat iyan ang kaluwalhatian na inihandog sa pamamagitan ng katawang ibinigay ng anak ng Dios.

Ito ang aking sa inyo ay iniiwan, at muli'y namnamin ninyo sa inyong mga puso ang pagiging mapalad sapagkat kayo ay may bukas na mga kamalayan na nauunawaan ninyo kung ano ang dapat hakbangan, ang dapat tugpahin at manatiling lakaran ng inyong mga paa upang marating ninyo ang kaharian ng mga langit. Ito ang aking inihahandog.

Muli ang liwanag ng Espiritu Santo ang siyang sa inyo ay maghari ngayon at magpasa-walang hanggan. Arkanghel Raphael, Paalam.


2021-12-19, RAD

Ang liwanag ng Espiritu Santo ang sumainyo.

Mahirap ba o mabigat ba na maging problema ang kamatayan? Kung gayon, dapat bang buhayin ang patay? Ngunit paano ang kamatayan ay tatanggap ng buhay? Dapat ba na bumangon ang buhay sa loob ng kamatayan? Ang buhay at kamatayan ay dalawang kalagayang bahagi na ng bawat isa. Ano ang maaaring bumuhay sa kamatayan?

Ngunit may namamatay ba? O ang dapat na sabihin nagbabagong anyo o hugis lamang? Sa ganyang kalagayan at halayhay ng aralin ay madarama at malalarawan na may talinghaga ang buhay.

Tulad din naman ng saad sa kasulatan na tanging si Jesus ang walang kamatayan, nananahan sa liwanag na di malapitan; na di nakita ng sinomang tao o makita man :Kaya nga ang buhay ay sumisibol sa sandaling mahayag ang kamatayan.

Samakatuwid kailangang may mamatay upang may buhay na bumangon. Dalawang kapangyarihan na bahagi ng bawat tao,umiiral, naghahari, gumagawa ng kani-kaniyang daan upang managumpay. Diyan nakatali ang talinghaga ng buhay ng bawat Espiritu.

Muli ay ang liwanag ng Espiritu Santo ang sumainyo.  Paalam, Arkanghel Raphael.


 2021-12-05, RAD

Ang liwanag Ng Espiritu Santo ang sumainyo.

Nadama ba ninyong kapag ang kabuuan ninyo bilang mga tao ay nabalot ng kapayapaan nakikipagbigkis ang kaisipan at lakas ng Diyos sa inyong katauhan? Paano ninyo ito madarama? Paano ninyo ito makikita?

Ang lakas na taglay ng tao ay laging magka-alinsabay ang dalawa: ang pinong lakas at magaspang na lakas. Ngunit sa isang sandaling ang kabuuan ng kahayan ng pagiging tao ay naroroon sa kalagayang payapa, may pag-ibig na nadarama ng puso, may malinis na simbuyo at pintig ng damdaming dumadaloy sa pag-iisip, diwa at kalooban,umiiral at siyang sumasaklaw, buong buong madarama mo ang presensya ng pag-iisip at kalooban ng Diyos sa inyo ay nakikipagbigkis.

Hindi mo alam bakit may biglang pintig at lukso sa puso na ipinadarama, may luhang ibig na humulagpos at wari ay ibig mong umiyak o humagulgol, may kinig sa buong kalamnan na wari ay hinihila ka upang magdiwang, magbunyi. Nadarama mong wari ay ibang pagkatao ang sa inyo ay gumagalaw o nagpapagalaw.

Ganito ang uri ng kalagayang ipinadarama sa sandaling ang kalooban ng Diyos, ang mithiin ng Diyos ay magkaroon ng puwang sa kalagayan ng tao o sa bahagi ng buhay ng bawat kanyang mga anak. Kung gayon, sa ganito bang kahayagan matuturol ninyo kung paano mag-isip ang Diyos?

Kakabit ba ito sa inyong mga pag-iisip? Maunawaan na ba ninyo ngayon kung ano ang pag-iisip at kalooban ng Diyos? Nadarama ba ninyong ang pahat na isipan at diwa dinadaluyan ng lakas na nagmumula sa Kanya?

Nadarama ba ninyong ang bawat inyong paghakbang at paglakad ay ginagabayan Niya? Hindi ba nadarama ng puso na may lakas na nagaatas upang sa sandaling yaon ay bumangon ang mithiing ibig mong may marating, may mabuo at may maihandog na mabuting haing sa kanyang harapan ay inyong susunugin?

Ang ganitong pangyayari at kalagayan ay nasasa inyo na, mararating na ninyo, mabubuo na ninyo kaya nga at panatilihing ninyong kayo ay maging mga bukal na dadaluyan ng malinis na tubig sapagkat doon uugnay ang pangako ng Panginoon ang makainom ng tubig na aking ibibigay ay hindi na muli pang mauuhaw.

Kung gayon, linisin ninyo ang inyong mga bakuran upang sa pakikipagbigkis ng Ama ay madama ninyo ang pangako ng biyaya ng buhay na walang hanggan.

Ito ang aking sa inyo ay inihahagkis upang maghari ang liwanag ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Paalam, Arkanghel Raphael.

 

2021-11-21, RAD

Sumainyo ang biyaya at liwanag na hatid ng Espiritu Santo.

Malaki bang bahagi ang ginagampanan ngayon o ginampanan noon ng mga katanungang ihinanap mo ng kasagutan upang marating ang dako ng katotohanan? Mga tanong na tulad ng Ano? Sino? Saan? Kailan? Bakit at paano? Ano ka noon at ano ka ngayon?

Ikaw noon ang kimpal na lupa na hinubog ng Ama. Ikaw noon ang unang tao na tinawag na kaluluwang patay. Ngayon, ikaw ang naglarawan bilang dakilang likha ng Ama; nagtataglay ng kanyang bahagi sa pagka Espiritu, kalarawan at kawangis Niya.

Sa katanungang ito nasasagot mo ba nang buong kaliwanagan ang pasimula ng katotohanang mahahantad? Sino ka? Simpleng tanong ngunit kulang ang sandaigdigan upang ilahad ang maraming kasagutan na ang nakapaloob at kanyang taglayin ay mga katotohanang mabubuksan upang magbukas ang simula ng buhay.

Siyang kahayagan ng panimula upang maghantad ng dalawang galaw, ng dalawang lakas: paghalina o pagbalani at pagtatapon o pagtulak. Lakas na katumbas ay susi upang buksan ang pinto ng pag-alam, ng pagkilala, ng pag-uuri uri, ng pag-iisa ng pagbubungkal, ng pagbubuo, ng pagbibigay ng buhay.

Dito ngayon ninyo silipin kung ano ang watak-watak na simula ngunit siyang magdadala sa iisang kabuuan pagkatapos na puluting isa-isa ang bawat bahagi, pagtagni-tagniin, pagduktu- duktungin, pag-ugnay-ugnayin hanggang sa paglipas ng panahon makamit ang kanyang kabuuan, tao, nilalang ng Diyos ayon sa kanyang larawan at naging ikalawang tao na may buhay.

Damhin ngayon kung paano ang bawat tanong sa kasagutang huhugutin ay magiging tulad ng mga baga ng apoy na ipuputong sa inyong mga ulo; apoy na ang papel ay maghatid ng liwanag upang ang lumalakad sa kadiliman ay huwag madapa at mahulog sa malalim na bangin.

Apoy na instrumento upang makaluto ng masarap na putahe ng buhay. Lasapin ngayon ninyo ang sa inyo ay maipagkakaloob: sino ka ngayon? May taglay bang lakas upang buksan ang tumatabing sa templo na kailangang mahapak? At kung mahapak, may mata bang madidilat upang unawain ang katotohanang ang napako sa krus ay tunay na anak ng Diyos?

Dahil dito, dama mo na ba ngayon ang katotohanang hatid na nabuksan, sino ka ngayon? Kalagan ninyo ang inyong mga sarili upang may lumaya, may tali na mapatid o gapos na mapagot.

Hayaan ninyong malayang dumaloy ang kailangang lakas upang mauri kung ano ang dapat mabalani at dapat na itulak. Siyang ngayon upang may magsimulang bumangon upang ilarawan ang buhay na inihandog sa ikalawang tao na naging kaluluwang may buhay.

Ito ang aking sa inyo ay pag-ibig na iniiwan upang muli ay maghari ang biyayang hatid ng liwanag ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Paalam, Arkanghel Raphael.


2021-11-14, RAD

Ang liwanag ng Espiritu Santo ang sumainyo!

Maraming mga pangyayari ang nagaganap sa sandaigdigan na sapat upang buksan ang pang-unawa ng tao sa katotohanang hatid ng buhay. Mga katotohanang nagbubukas ng kamalayan upang may makilala ang bawat isa sa kahayagan at katotohanan ng buhay.

At ang magbibigay daan dito ay ang sari-saring karanasan na humihitik at nagpapasagana sa isipan, puso at diwa ng tao upang alamin kung sino siya, ano ang layon ng kanyang pagsilang, saan siya nanggaling at saan siya babalik o paroroon.

Mga katanungang siyang magiging daan upang mahapak ang tabing ng templo. At sa pagkahapak na ito ay doon uusbong ang pagkaunawang ang Hesus na napako sa krus ay anak ng Diyos. Ang pagkamulat na ito ngayon ang magbibigay daan upang ang isang kaluluwa ay manampalataya. Ang gayong kalagayan ang siyang mag-aalis niyaong kabulagan at ang paningin ay lalangkap sa kanyang kabulagan.

Dahil dito, ang mga anak ng tao ay magsisimulang maka-unawa, magsisimulang sumunod o tumupad ng lahat ng kanyang sinalita at sila ay hindi makakakita ng kamatayan magpakailanman. Ganyan ngayon gumawa ang katotohanang nasumpungan upang ang mga anak ng Diyos na puspos ng kamangmangan ay makalaya.

Ito ang pag-ibig na aking sa inyo ay iniiwan upang ang liwanag ng Espiritu Santo ang sumainyo. Paalam, Arkanghel Raphael.

 

2021-10-31, RAD

Ang liwanag Ng Espiritu Santo ang sumainyo.

Sisimulan ko ang aralin ng buhay na ako ay magmimistulang musmos na nagtatanong, " Is there a perfect life on Earth?"

Kung mayroon nga ano ang ikinapaging perpekto nito samantalang batid ng lahat na walang hindi nagkamali, walang hindi naligaw ng kanyang landas, walang hindi nalugmok at nabulid sa marawal na buhay at lalong walang hindi nakagawa ng paglabag sa batas at kautusan ng Diyos.

Ano ba ang kahulugan ng pagiging perpekto? Ano ba ang tunay na larawang inihahantad ng perpektong buhay? Yoon bang nasa rurok ng kanyang tagumpay? Yoon bang sinusuob ng papuri at pinagkakalooban ng karangalan? Yoon bang naroroon sa mariwasang buhay?

Paano yung nasa kadahupan, sa karalitaan? Paano yoong lugmok sa suliranin, pagsubok, mabigat na pasanin sa buhay, yoong nasa kalagayan na bigo sa lahat ng kanyang mithiin sa buhay na ito? Wala ba sa kanila ang perpektong buhay? Ano ba ang dapat na batayan upang masabing perpekto ang isang bagay, pangyayari, kaganapan sa buhay, o maging ang tao?

Ang lahat ng bagay may ikinakabit, idinaragdag, ini-uugnay kapag nakikitang ito' ay nangangailangan ng katatagan. Halimbawa, ang bahay upang tumatag o tumibay may suhay na inilagay.

Ang bangka ay katig: ang puno ay tinutukuran upang hindi humapay o mabuwal: paano ang lakas ng tao saan ito kukunin? Ang pisikal na katawan sa pagkain, ehersisyo, sapat na tubig na iinumin, sapat na tulog. Anupa at may mapagkukunan upang manatiling malusog, malakas ang katawan. Gayundin kaya ang kaluluwa at espiritu?

Ang pisikal na katawan dahil sa mga madlang gawa ukol sa lupa ay nakadarama ng kapaguran o panghihina. Ang kaluluwa, paano at saan nagaganap ang kanyang kahinaan? Ang espiritu ba ay tulad ng kaluluwa na nanghihina at nalulugmok? Kung ito'y dumating sa kalagayan ng kaluluwa, paano babawiin o ibabalik and kanyang lakas? 

Ano ano ang mga lakas na sa isang kaluluwa ay nakapagpapahina? Paano niya nakukuha ang kahinaan at paano niya ibabalik ang lakas na nawala? Saan nanghihina ang kaluluwa upang maunawaan niya kung paano ito ibabalik at saan niya kukunin ang lakas na nawala?

Ang ganito bang aralin ang nagbabadya sa katanungang, may perpekto bang buhay sa lupa? Kung mayroon nga ano ang ikinapaging perpekto nito samantalang ang lakas ng katawan ay naglalaho, nauubos, at kung minsan ay nawawala.

Ang lahat ng tao ay nagkamali, naliligaw, lumiliko ng landas, walang hindi nalugmok at nabulid sa marawal na buhay at lalong walang hindi nakagawa ng paglabag sa batas at kautusan ng Diyos maging sa batas at kautusan ng mga taong nabubuhay sa lupa.

Ano ang pagiging perpekto? Ang pagtataglay ba ng lakas ng pangngatawan? Ang pagkakaroon ng talino o karunungan? Ano ba ang tunay na larawang inihahantad ng perpektong buhay?

Yoon bang nasa rurok ka ng tagumpay at sinusuob ng papuri? Yun bang nagtataglay ka ng lakas na animo ay tulad ng anak ng Diyos na, si Samson? Yoon bang nasa mariwasang buhay na namulat na may gintong kutsara sa bibig?

Paano yoong mahina, ung maralita o mahirap? Yoong lugmok sa suliranin at mabigat na pasanin sa buhay? Yoong nasa kalagayang bigo, sawi? Wala ba sa kanila ang buhay na perpekto?

Ano ang dapat na batayan upang masabing perpekto ang isang buhay, isang pangyayari, isang kaganapan sa buhay, o maging sa kalagayan ng buhay ng mga tao? Ito ang mga ugnay-ugnay na halayhay upang matugunan ang kahingian ng perpektong buhay at pakikipamuhay.

Tanggapin ninyo Ang liwanag ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Paalam.


2021-10-31, RAD

Ang liwanag Ng Espiritu Santo ang sumainyo.

Sisimulan ko ang aralin ng buhay na ako ay magmimistulang musmos na nagtatanong, " Is there a perfect life on Earth?"

Kung mayroon nga ano ang ikinapaging perpekto nito samantalang batid ng lahat na walang hindi nagkamali, walang hindi naligaw ng kanyang landas, walang hindi nalugmok at nabulid sa marawal na buhay at lalong walang hindi nakagawa ng paglabag sa batas at kautusan ng Diyos.

Ano ba ang kahulugan ng pagiging perpekto? Ano ba ang tunay na larawang inihahantad ng perpektong buhay? Yoon bang nasa rurok ng kanyang tagumpay? Yoon bang sinusuob ng papuri at pinagkakalooban ng karangalan? Yoon bang naroroon sa mariwasang buhay?

Paano yung nasa kadahupan, sa karalitaan? Paano yoong lugmok sa suliranin, pagsubok, mabigat na pasanin sa buhay, yoong nasa kalagayan na bigo sa lahat ng kanyang mithiin sa buhay na ito? Wala ba sa kanila ang perpektong buhay? Ano ba ang dapat na batayan upang masabing perpekto ang isang bagay, pangyayari, kaganapan sa buhay, o maging ang tao?

Ang lahat ng bagay may ikinakabit, idinaragdag, ini-uugnay kapag nakikitang ito' ay nangangailangan ng katatagan. Halimbawa, ang bahay upang tumatag o tumibay may suhay na inilagay.

Ang bangka ay katig: ang puno ay tinutukuran upang hindi humapay o mabuwal: paano ang lakas ng tao saan ito kukunin? Ang pisikal na katawan sa pagkain, ehersisyo, sapat na tubig na iinumin, sapat na tulog. Anupa at may mapagkukunan upang manatiling malusog, malakas ang katawan. Gayundin kaya ang kaluluwa at espiritu?

Ang pisikal na katawan dahil sa mga madlang gawa ukol sa lupa ay nakadarama ng kapaguran o panghihina. Ang kaluluwa, paano at saan nagaganap ang kanyang kahinaan? Ang espiritu ba ay tulad ng kaluluwa na nanghihina at nalulugmok? Kung ito'y dumating sa kalagayan ng kaluluwa, paano babawiin o ibabalik and kanyang lakas?

Ano ano ang mga lakas na sa isang kaluluwa ay nakapagpapahina? Paano niya nakukuha ang kahinaan at paano niya ibabalik ang lakas na nawala? Saan nanghihina ang kaluluwa upang maunawaan niya kung paano ito ibabalik at saan niya kukunin ang lakas na nawala?

Ang ganito bang aralin ang nagbabadya sa katanungang, may perpekto bang buhay sa lupa? Kung mayroon nga ano ang ikinapaging perpekto nito samantalang ang lakas ng katawan ay naglalaho, nauubos, at kung minsan ay nawawala.

Ang lahat ng tao ay nagkamali, naliligaw, lumiliko ng landas, walang hindi nalugmok at nabulid sa marawal na buhay at lalong walang hindi nakagawa ng paglabag sa batas at kautusan ng Diyos maging sa batas at kautusan ng mga taong nabubuhay sa lupa.

Ano ang pagiging perpekto? Ang pagtataglay ba ng lakas ng pangngatawan? Ang pagkakaroon ng talino o karunungan? Ano ba ang tunay na larawang inihahantad ng perpektong buhay?

Yoon bang nasa rurok ka ng tagumpay at sinusuob ng papuri? Yun bang nagtataglay ka ng lakas na animo ay tulad ng anak ng Diyos na, si Samson? Yoon bang nasa mariwasang buhay na namulat na may gintong kutsara sa bibig?

Paano yoong mahina, ung maralita o mahirap? Yoong lugmok sa suliranin at mabigat na pasanin sa buhay? Yoong nasa kalagayang bigo, sawi? Wala ba sa kanila ang buhay na perpekto?

Ano ang dapat na batayan upang masabing perpekto ang isang buhay, isang pangyayari, isang kaganapan sa buhay, o maging sa kalagayan ng buhay ng mga tao? Ito ang mga ugnay-ugnay na halayhay upang matugunan ang kahingian ng perpektong buhay at pakikipamuhay.

Tanggapin ninyo Ang liwanag ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Paalam.

2021-10-24, RAD

Ang liwanag ng Espiritu Santo ang sumainyo.

Nadarama mo bang nasa iyong puso, isipan at diwa ang presensya ng Diyos? Kung nadarama mong nasasaiyo ang kanyang presensya, ano ang dapat mong makita? Ang kailangan mong makita at hindi mo kailangang makita?

Sa makikita mo magugunita mo ba kung sino ka? Ano ang dahilan ng buhay bakit ipinahiram ito sa iyo? Magagawa mo rin bang sagutin bakit ka isinilang? Sasa iyo rin bang puso ang kaalamang upang magawa mong unawain sino at ano ang Dios?

Mga katanungang wari ay nakalilito sa diwa ngunit siyang magiging daan tungo sa tunay na pagkaunawa sapagkat siyang magiging behikulo upang mabuksan ang kamalayan ukol sa tunay na buhay. At iyon ay ang kahalagahan ng paglalang, ang kabuuan ng pagiging tao na iwinangis sa larawan ng Diyos. Kaya at ipinangusap, at lalangin natin ang tao ayon sa ating wangis at larawan.

Kung gayon ano ang sa iyo ay makatutulong? Ang pumikit? Ngunit katiting lang na liwanag ang masisilayan mo? Ang pagdilat kaya? Oo, naroroon ang liwanag, ngunit nakasisilaw kaya at pansamantala ipipikit mo rin ang iyong mga mata.

Datapwat ang kailangan, kung ibig mong may makita dumilat ka ngayon kung ibig mong hindi ka maging bulag sa pang habang panahon. Sa kahayagang ito laging magka-alakbay ang dalawang bahagi ng buhay.

Sumainyong muli ang liwanag Ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan.

 

2021-10-24, RAD

Ang liwanag Ng Espiritu Santo ang sumainyo.

Nadarama mo bang nasa iyong puso, isipan at diwa ang presensya ng Diyos? Kung nadarama mong nasasaiyo ang kanyang presensya, ano ang dapat mong makita? Ang kailangan mong makita at hindi mo kailangang makita?

Sa makikita mo magugunita mo ba kung sino ka? Ano ang dahilan ng buhay bakit ipinahiram ito sa iyo? Magagawa mo rin bang sagutin bakit ka isinilang? Sasa iyo rin bang puso ang kaalamang upang magawa mong unawain sino at ano ang Dios?

Mga katanungang wari ay nakalilito sa diwa ngunit siyang magiging daan tungo sa tunay na pagkaunawa sapagkat siyang magiging behikulo upang mabuksan ang kamalayan ukol sa tunay na buhay. At iyon ay ang kahalagahan ng paglalang, ang kabuuan ng pagiging tao na iwinangis sa larawan ng Diyos. Kaya at ipinangusap, at lalangin natin ang tao ayon sa ating wangis at larawan.

Kung gayon ano ang sa iyo ay makatutulong? Ang pumikit? Ngunit katiting lang na liwanag ang masisilayan mo? Ang pagdilat kaya? Oo, naroroon ang liwanag, ngunit nakasisilaw kaya at pansamantala ipipikit mo rin ang iyong mga mata.

Datapwat ang kailangan, kung ibig mong may makita dumilat ka ngayon kung ibig mong hindi ka maging bulag sa pang habang panahon. Sa kahayagang ito laging magka-alakbay ang dalawang bahagi ng buhay.

Sumainyong muli ang liwanag ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan.

 

2021-05-30, RAD

Balutin kayo ng tamis ng pag-ibig ng Ama at ng Panginoon ngayon at magpasawalang hanggan!

Ang batas na inyong kinilala ay pagsulong. At kung pagsulong ang kailangan, may tatanggihan ba kayong karanasan na hindi dumating sa inyong buhay?

Ang bawat karanasan ay naghahatid ng pagsulong sa kaunawaan, sa pananaw at pagkakilala ng bawat tao. Kung gayon, bawat karanasan ay mamahalagahin ng lahat at bawat isa. Hindi lamang iisang uri, iisang bigat, iisang hugis at iisang tekstura ang iibiging madama kundi kung kanyang ibig na sumulong ang lahat ay kanyang kasasabikan na dumating at maging bahagi ng kanyang buhay. Bakit?

Sapagkat sa bawat karanasan may isipang lumalawak; may damdaming natututong magdala ng bigat ng buhay; may mga katotohanang nasusumpungan upang siyang sa kanya ay makapagpalaya sa mga mababang alitigtigin, kahinaan at kawalang-malay ukol sa mga bagay na sa kanya ay maghahatid sa pagsulong.

Samakatuwid, ang hatid ng karanasan ay katatagan, lakas, pananampalataya, karungan at kaalaman siyang gagawa ng landas upang ang mga punit, lamat, karumhan ay magawang tagpian, buuin at linisin. Ang karanasan ang magtuturo upang dumating ang tunay na liwanag na tatanglaw sa buhay ng bawat anak ng Diyos.

Liwanag na ang ipinakikilala may isipang nabuksan at namulat sa katotohanang may layunin ang buhay; liwanag na ang hatid sa bawat puso, sa bawat damdamin at kabuuan ng pagkatao ay buhay na walang hanggan.

Kung gayon, abangan ninyo ang bawat hatid na liwanag ng karanasan sa buhay ninyong mga tao. Panabikan ninyong ang maging katulad ng bawat karanasan ay mga balaraw na magdulot man ng sugat at lumikha ng iwa sa puso ay magiging mga uri naman ng gamot na magagawang lunasan ang karamdamang natamo at muling pagugpungin ang mga bitak na iniwang bakas ng kahapon at magawang punan ang mga pagkukulang na nagawa kahapon.

Ito ang halayhay ng buhay na kung inyo ngayong pagsisikhayang tanawin ang bawat anak ng Diyos ay hahakbang at lalakad na ang tanging daladala ang pag- asa, ang pananampalataya at pag-ibig. Ito uri ng pag-ibig na aking sa inyo ay inihahatid upang maghari ang liwanag buhat sa Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Paalam, Arkanghel Raphael.

 

Comments

Popular posts from this blog

2023-11-27, Rebecca

2016-02-02, Rebecca

1981-1994, Koleksyon - Geronimo de Guia