Posts

Showing posts from December 31, 2023

2023, Rebecca,Koleksyon-Apostol Pablo

Image
                2023-10-16 APO PAB-RAD Sumainyo nawa ang biyaya at kapaypaan buhat sa mga langit ngayon at hanggang sa wakas. Ang nagtataguyod at nagbibigay ng lakas sa sangkapin ng bawa’t tao ay pagkain, sapagka’t naroroon ang lahat ng pangangailangan upang maitaguyod ang bawa’t buhay. Datapuwat sa pagkaing ito, kung hindi magiging sapat ang kaalaman at karunungang matataglay, maaaring ito ay makapagbigay ng kalusugan. Nguni’t maaari ring ito ay makapinsala sa kaniyang katawan. Ganito kaya ang larawang ipinatunghay doon sa isang sandali nang ang Panginoon ay nagpakain sa maraming tao? Na sa pagkaing Kaniyang inihain nabusog na, ngunit may lumabis pa. Ang gawaing ito kung itutulad at iwawangis na sa inyong pagkakatipon-tipon may pagkain kayong pagsasaluhan na ang layon kayo ay mabusog, ang hangarin kayo ay lumakas. Ang kaniyang iniibig magampanan ng bawa’t isa ang ibig niyang gawin, sapagka’t ang lakas ay ibinigay ...