Posts

Showing posts from December, 2022

2022, Rebecca, Koleksyon-Apostol Pablo, Sikograpiya

Image
            2022-05-29 APO PAB-RAD Sumainyong lahat ang biyaya ngayon at hanggang sa wakas. Inyo bang matatanggap na ang buhay ay puno ng pagpapasya? Na, sa bawat nilakaran at patuloy na nilakaran ay laging may pagpapasyang kailangang gawin sapagkat may landas na hindi maaarimg hindi tahakin. At sa landas na ito'y laging dalawa ang kanyang nagiging kahayagan sapagkat iyan ang kaganapan ng buhay. Kaya at ang wika ng kasulatan, “itinatanim na may kasiraan; binubuhay na mag-uli na walang kasiraan; (1 Cor 15:42) itinatanim na may katawang ukol sa lupa; binubuhay na mag-uli na katawang ukol sa espiritu.” (1 Cor 15:43) Kung may katawang ukol sa lupa ay may katawang ukol sa espiritu. Ipinahihiwatig kaya na sa kahayagan ng buhay sadyang kinakailangang masaktan kapag may pagsubok na inihahanap ng kanyang pananagumpay? Sapagkat kung paanong tinaglay ninyo ang larawang ukol sa lupa, ay tataglayin din naman ninyo ang larawang ukol sa langit. Dahil diyan, ang wik...

2022, Rebecca,Koleksyon - Apostol Pablo

Image
                    2022-12-05 APO PAB -RAD  Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan buhat sa mga langit ngayon at hanggang sa wakas. Sa bawa't nilalang ng Diyos na, mayroon na ng bukas na kamalayan ukol sa matuwid na paggawa, nauunawaan na, ang kalayaan na sa kanya ay ipinagkaloob kanyang magamit ayon sa kalooban at pag-ibig ng Diyos, sapagka't naroroon nakaalpas na sa tali ng kamangmangan at ang hinahanap ay ang tungkuling sa kanya ay makapagbibigay ng daan upang makarating sa kaharian ng Ama. Na dahil dito, nagsisikhay na mapatubo ang binhi ng pag-ibig sa kanyang puso, at sa kanyang kaluluwa. Sinisikhay na ito ay pangalagaan, pag-ingatan, palaguin sapagka't naroroon ang kanyang pang-unawa na may gampanin, kung papaano sa lupa ay gayundin sa mga langit. Kaya nga, ang pananampalatayang nasasa kanya ay kanyang pinatatatag at pinatitibay. Pananampalataya na ang idinaragdag ay...

1995-2022, Koleksyon - Apostol Juan

Image
                  2022-07-02, RAD    1. Ano ang Ciencia ng karunungan at pag-ibig patungo sa Diyos? 2. Ano sa matandang tipan ng Banal na Aklat ang pagpaparami, pagpapalaganap at pagpapahayag? Alin ang pararamihin, palalaganapin at ipahahayag? Pag-ibig ng Ama at ng Panginoon ang maghari sa puso at diwa ng lahat at bawat isa ngayon at magpasawalang hanggan. Magiging panimula ko ang ganitong banghay na, nasulat o natitik sa Banal na Aklat. Na, ang pangungusap, "Humayo kayo ng daladalawa at ipangalat ninyo ang aking ebanghelyo." Naroroon ngayon ang pagbubukas upang maunawaan ng sangkatauhan ang ipinagkaloob ng Diyos. May kahingian ito na kailangan niyang mataglay na, siyang magiging kabuuan upang marating ang landas na ang hangganan ang kaharian ng mga langit. Tulad ng tabak, hindi magagamit kapag walang talim. At ang talim na inilagay ay ang karunungan at pag-ibig. Karunungan na umaangkop at umaayon sa kanikaniya...