Posts

Showing posts from December 29, 2023

2023-12-30, Rebecca

2023-12-30 ARK GAB-RAD Liwanag at kapayapaan ang sumainyo. Sa pakikipamuhay ng bawa’t tao na nag-iibig na mayroon siya ng mabago sa kaniyang sarili humahanap ng kaparaanan upang ito ay kaniyang maisakatuparan. Sa paghahanap na ito, ibinibilang ang halimbawa ng paggawa na kaniyang natutuhan sa kaniyang kapwa: ang maganda, ang wasto, at matuwid na kaniyang nakikita sa kaniyang kapwa. Ginagawang halimbawa sa pagbabago na ibig niyang sa kaniya ay mangyari. Katulad ng itinayo, kinilala ng bawa’t mamamayang Pilipino, ang isang Rizal na naghandog ng kaniyang buhay alang-alang sa kalayaang matatamo ng bayan sampu ng bawa’t mamamayan. Sa adhikaing ito naipagkaloob at matamo ang paglaya, marami ang kinakailangang mamulat mula sa kapaniwalaang dinadala at tinataglay hanggang doon sa uri ng pananampalataya na kinupkop sa kaniyang sarili sapagka’t naririto ang maraming uri ng kapaniwalaang kinakailangang magtamo ng liwanag. Sapagka’t mula sa liwanag na ito ang kama...