1986-2023, LVS, Koleksyon - Espiritu Santo
2023-05-28, LTB
Lagom
Sumainyo ang pag-ibig at ang kapayapaang nagbubuhat sa iisang Diyos, mula ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig na mga kapatid, ninanais ninyo ba ang maging sakdal? Ninanais ninyo ba na ang inyong matutunan ang ipinakikilalang pag-ibig na mula sa Diyos? Sapagkat bagaman at bawat isa’y tinuruang makaunawa ng pag-ibig ayon sa salita, anong hinahanap ng Diyos na uri ng pag-ibig na inyong ibabalik para sa kanya?
Ito yung uri ng pag-ibig na malinis na ang kasakdalan ay dala-dala ng bawat isang Ako, na ang kabanalan ay kanyang kabihisan sapagkat ang Diyos ay banal, at ang pag-ibig na ibinigay ay banal. Anong ninanasa ng Diyos sa kanya, bumalik sa Kanya? Ang kabanalan din.
Ngunit sa bawat isang nakatangan ng pag-ibig, anong ninanasa inyong ibalik sa Diyos? Ano ang ninanasa ninyong ibigay kapalit ng Kanyang katapatan? Kaya nga, bawat isa ay tinuruang makakilala ng tunay na pag-ibig upang ang tao ay matuto ng tunay na pag-ibig, inilagay Niya ito bilang isang batas na dapat ang bawat isa ay sumunod.
At ano ang sinasabi ng unang batas ng Diyos, “Ibigin mo an Diyos ng buong puso mo at kaluluwa, ng buo mong lakas, ng iyong buong kaakuhan,” upang ang tao ay makapagbalik ng tunay na pag-ibig sa Kanyang harapan?
Sino sa inyo, ang umiibig sa Diyos nang may katapatan? Sino sa inyo, ang kumikilala ng pag-ibig na inilagay ninyo sa inyong pagkatao at sa panahon na kayo ay gumagawa? Sino sa inyo, sa panahon na ang salitang pag-ibig ay inuusal ng inyong mga bibig ang ipinakikilala ninyo ay katwiran ng Diyos? Hindi ang inyong sarili.
Ano nga ba ang kahalagahan ng katwiran ng Diyos, bakit ito itinindig mula noon hanggang ngayon? Sapagkat kung ang karunungan ng tao ay titindig sa sanlibutan nakita ninyo ang pagkakampi-kampi, nakita ninyo ang paghahangad ng bawat isa na ang kanyang sarili ay matanyag.
Ano pa at nawawalan ng kabuluhan ang katotohanan ng pag-ibig ng Diyos na ang Kanyang nilalayong maibahagi Niya na may pagkakapantay-pantay na walang ibang kikilalaning pangalan sa ibabaw ng lupa kungdi ang pangalan ng iisang Kristo.
Ipinakikilala ninyo ba, aking mga iniibig, ang Kristo? Ipinakikilala ninyo ba sa inyong mga salita at sa inyong mga gawa ang Diyos ayon sa Kanyang karangalan? Bawat isa sa kanyang puso ay nagkakaroon ng pagnanasa na ang katotohanan ay lumabas sa kanyang bibig.
Bawat isa ay nagkakaroon mula sa kanyang sarili ng mga paggawang maghahayag ng kanyang karunungan. Bawat isa, ay nagkakaroon ng paggalaw ng kanyang kaisipan, damdamin at kalooban na naghahayag ng kanyang panibagong pagkatao.
Nangangahulugan ba, kung lahat ng ito ay maganap, naipakilala ninyo na ba ang Diyos? Naibigay ninyo ba ang kanyang tunay na pangalan sapagkat ito ang tinindigan ng isang Hesus, ipinakilala Niya ang Pangalan sa bawat isa na Kanyang tinuturuan, upang bawat isang natututo sa mga bagay na nauukol sa Diyos?
Isang Pangalan lamang ang kanilang binabanggit, isang Pangalan lamang ang nahahayag sa kanilang kapwa, at ano ang Pangalan na ito, mga iniibig na kapatid? Nalalaman ninyo ba, nakikilala ninyo ba ang Diyos ayon sa Kanyang salita? Nakikilala ninyo ba ang Diyos na, alin sa Kanyang gawa?
Nakikilala ninyo ba Diyos ayon sa Kanyang Pag-ibig? Kaya nga bahagi sa bahagi ng bawat pag-aaral saan ito itinuturo? Paano binibigyan ng Diyos ng buhay ang pag-ibig na Kanyang ipinakikilala?
Paano ba ninyo mabibigyan ng buhay sa pamamagitan ng Kanyang salita upang kung ang bawat salitang nanggaling sa bibig ng Diyos ay tatawaging buhay at katotohanan? Ganito rin ba ninyo itong nakita? Ganito rin ba ninyong binanggit at ibinigay sa bawat isa?
Tama, ang takot sa puso ng tao ay lagi nang nakalatak sa kanyang pagkatao, natatakot ang tao sa maraming bagay ngunit hindi nangangahulugang natatakot siya sa Diyos. Natatakot niyang iwanan ang sanlibutan sapagkat tatalikdan siya ng sanlibutan, pero hindi siya natatakot na hindi makarating sa paanan ng Diyos.
Anong kabuluhan ng inyong mga takot, aking mga iniibig, kung lagi nang takot ang ibinabalik ay ibinabalik lamang kayo sa sanlibutan, mayroon ba ito ng kabuluhan? Ngunit ano ang sinasabi na sa bawat isa, ang takot sa Diyos ay simula ng karunungan, ipinakikilala ba ng takot na iyan ang karunungan ng Diyos?
Bawat isa ay binigyan ng pagkakataon, bawat isa ay mayroong pagkakataon, bagaman at sa bawat pagkakataon na iyan ang karapatan ng taong makapamili kung ano ang kanyang ibig ay binibigyan sa kanya ng laya, ngunit hindi nangangahulugang sundan ang kalayaang iyan ay magiging lubos sapagkat ang Diyos sa Kanyang sarili ay katarungan.
Hindi Niya hahayaan na ang bawat pagpapasiyang gawin ng tao ay magkaroon paglabag sa bawag hustisya ng pag-ibig, kaya nga ang batas ay itinindig upang ang sinoman gumagalaw sa sanglibutang ito maunawaan na siya ay sakop ng batas na sa kanya ay nagpapakilala. At ano ang batas na iyan? Ang Batas ng Ganting-Galaw.
Paano nga ba kayo gumagalaw? Saan nanggagaling ang layunin, bakit kayo gumagalaw? Saan kayo kumukuha ng lakas ng loob, bakit kayo gumagalaw? Saan, lahat ng iyan ay nanggaling?
Kaya nga, at kung sa kalagayan ng pag-ibig ang lahat ay pinagiging-isa sapagkat inilalayon ng Panginoon ang pag-ibig ay maihandog at madama niya may pagkakapantay-pantay, walang nakahihigit at walang nagkukulang kungdi, bagkus, madama ng bawat isa na ang pag-ibig na ibinigay sa kanyang kapwa ay gayon din ang uri ng pag-ibig ang nasa kanya.
Ngunit bakit nadarama ng tao ang kakulangan? Bakit nadarama ng tao na tila iba ang pag-ibig na nasa kanya kaysa sa kanyang kapwa? Sino ang sa kanya ay nagturo ng kaibahan na iyan? At sino ang nagbigay sa kanya ng paghuhukom upang ang kaibahan na iyan ay maging hustisya ng kanyang pananaw?
Huwag kayong madaya, ito ang lagi sa inyo ay ibinibilin. Kailan nga ba ang tao pumapasok sa daya, aking mga iniibig? Kung lagi ninyang pinagmamasdan ang sanlibutan na lagi nang nauunawaan ang lahat ng bagay na narito ay nagbabago, walang nakakapanatili.
Kung lagi niyang hinahanap ang katarungan sa sanglibutang ito, hindi ninyo siya matatagpuan, sapagkat ang larawan ng sanlibutan ay isang uri ng larawan na pinag-aaralan ay nagbubukas ng kamalayan.
Mayroon ba sa kalagayan ng bawat isang mananatili, maliban na lamang ang mabuksan sa inyong pagkatao ang pag-ibig ng Diyos na Kanyang ipinakilala noon pa at saan nakapaloob kung ang pag-ibig na iyan sa bawat Espiritu, ngunit sino ang nakapagsiyasat ng Espiritu niya?
Hindi ba bilang Espiritu ng Diyos, kung kayo lamang ang sisiyasat sa sarili ninyong Espiritu ano nga ba ang magiging kaalaman ninyo, aking mga iniibig? Nauunawan ninyo ba ang mga bagay na nilikha ng Diyos?
Nauunawan ninyo ba ang Kanyang karunungan, ang katotohanan ng Kanyang ipinakikilala? Ito ang kadahilanan kung bakit lahat kayo nasa paaralan, hindi upang isilang at bukas ay mamatay, kungdi upang kayo ay magsipag-aral habang ang pahiram na buhay ay taglay-taglay.
Habang ang karunungan ay patuloy pang nandiyan sa isang kaisipan ayon sa kamalayan ng nakita ninyo ang kaibahan ng dalawang bahagi ng dalawang kalagayan upang maunawaan sinabi ninyong pagkapantay-pantay o kabalansehan.
Sapagkat hanbang kayo ay nasa laman, aking mga iniibig, ang larawan ng kabanalan ay di tulad sa isang kaliwa at sa kanan. Ngunit sa larangan ng isang Espiritu, aking mga iniibig,mayroon ba siya ng kanan?
Hindi ba sa kanyang kabuuan, ay isang kabalansehan ng ginawa ng Diyos upang sinomang nagnanasang palabasin ang kaangkinan ng kanyang Espiritu, ito ay isang uri ng lakas na nagbibigay ng kabalansehan, nagbibigay katotohanan, nagpapakilala ng tunay na pag-ibig ng Diyos.
Ito ay hindi kaliwa, ni hindi kanan, pero ang kanyang kabuuan ay sapat upang ipakilala sa inyo ang tinatawag na katotohanan. Ngunit sino ang nanaliksik sa kanyang sarili ayon sa Espiritu? Sino sa inyo ang dumadama na ang inyong Espiritu na buhat sa Diyos na dala-dala niya ang isang katwiran at isang tungkulin sa harapan ng Ama?
Sino sa inyo ang nagbigay-daan, aking mga iniibig, na ang tungkulin ng inyng Espiritu at ang kanyang karunungan buhat sa Diyos ay inyong maipalitaw sa inyong sariling pagkatao?
Kaya kung humarap kayo sa salamin, sino ang inyong nakikita? Nakikita ninyo ba ang Diyos na nagbigay sa inyo ng buhay? Nakikita mo ba ang Espiritu na taglay-taglay mo o nakikita mo lamang ang larawan mo na tulad lamang ng alabok na kapagdaka ay nalalagas ngayon, bukas ay makakalimutan?
Ito ba iyong kaliwa at kanan na pinipilit ninyong gawing balanse sa inyong mga pagkatao? Ito ba yung isang uri ng karunungan na pinipilit ninyong gawing katotohanan na sa gitna ng lahat ng mga bagay na mayroon ang sanglibutan kahit ang karanasan ninyo pa na bumabahagi dito ay magiging walang kabuluhan sapagkat ang lahat ay nauuwi sa sanlibutan?
At ano lang ang magkakaroon ng kabuluhan, isang uri ng karanasan ayon sa Espiritu na buhat sa Diyos. Kaya nga, may mga bagay na lumilipas at sadyang pinalilipas ng panahon ngunit may mga bahagi na nananatili tulad ng isang Diyos at ito ay tinatawag ninyong katotohanan.
Pero kailan darating ang katotohanan sa puso ng tao, kung hindi niya nakikilala ang dito ay pinagmulan? Kung hindi niya nauunawaan saan siya kukuha ng katotohanan? At kung hindi niya nalalaman kung ang mga bahagi ng katotohanan at karunungan na kanyang natagpuan, maari ninyong tawaging katotohanan?
Kaya nga sa buhay na ito, lagi kayong pinapaalalahanan huwag kayong padaya, aking mga iniibig. Sapagkat hindi dahil nadadaya ang tao sapagkat dumarating ang daya sa tao, sapagkat ayaw niyang tanggapin ang katotohanan.
Kaya at ang katwiran ng Diyos, sa bawat pagkatao sa tanggapin ninyo o sa hindi. Sapagkat hindi naman laging kinakailangan ang karunungan o pananggap ng tao upang ang katotohanan ng Diyos ay mahayag, lagi na ito ay nahahayag.
Ano lang ang hinihintay na buksan ng bawat mag-aaral, ang kanyang kamalayan na sa diwa ng katotohanan na nagmumula sa Diyos at ito ay bahagi ng Espiritu. Kaya nga kung kayo ay iibig sa Diyos, paano ninyo siya iibigin, pag-ibig ayon sa Espiritu?
At kung kayo ay gagawa ng mga bagay na ini-uutos ng Diyos, paano ninyo ito gagawin, ayon din sa Espiritu? At kung ang katapatan ninyo ang hinihingi ng Diyos, paano nga ba kayo magiging tapat sa Kanya, ayon din sa Espiritu?
Kaya nga, kung pinagmamasdan ninyo muli ang inyong mga sarili sa salamin, mama-masdan ninyo kaya ang tunay ninyong AKO? Kung papaano kayo nalikha ng Diyos sa pasimula, ito ba iyong kaanyuan na inyong binubuo sa inyong sarili.
O naglalagay na kayo sa inyong sarili o mga pagkatao na inyong pagkakilanlan pagdating ng panahon kung sino kayo samantalang mayroon ng iisang pangalan at mayroon ng iisang pag-ibig, kaya nga at umuuwi ang lahat sa isang pananampalataya .
Kaya nga at ang bawat isa ay binibigyan ng pagkakataong magkaroon din ng iisang pag-ibig, lahat ng iyan ay iisa lamang, aking mga iniibig. Sapagkat wala namang ibang aral sa ilalim ng langit, ni sa ibabaw man ng lupa, kungdi ang nag-iisang pag-ibig.
Na ang bawat isa ay patuloy na nagbabata upang ito ay maunawaan at maisagawa na ang bawat isa patuloy na binibigyan ng pagkakataon upang makilala niya ang pag-ibig ng Diyos na nasa kanya nang pagkatao.
Upang ang bawat isang nag-aaral sa Pangalan ng Panginoon ay magkaroon ng pagkakataon na siya ay makabalik sa harapan ng Diyos; na hindi maraming kaanyuan, hindi maraming pangalan, hindi maraming pagsasalarawan, kungdi may iisa lamang kaanyuan.
Mga iniibig na kapatid, bagaman at kayo ay pinatalino na mga karanasan ninyo sa lupa, sapagkat nakita ninyo ang maraming bagay ayon sa katotohanan at sa karunungan sa bandang huli, ano ang sisiyasatin ng Diyos sa bawat pagkatao?
Ano ba ang nilalaman ng kanyang puso? Ito ba iyong malinis, ito ba iyong nagpapa-banal, sapagkat kung ninais ng bawat isang makabalik sa harapan ng Diyos, katotohanang sinasabi ko sa inyo ang kabanalan ang siyang tanging daan upang kayo ay makarating muli sa Kanyang paanan.
Walang iba, aking mga iniibig, at ano ang nagpapabanal sa tao, ang pag-ibig ng Diyos.At kung ang pag-ibig ng Diyos ang nagpapabanal sa tao, nasaan nakalagay ang pag-ibig, na iyan sa inyong mga Espiritu?
At kung iyan ay nakalagay sa inyong mga Espiritu, nakikilala ninyo ba siya, ang tunay na AKO? Patuloy ang tao na sasabihan at patuloy ninyong maririnig, “siyasatin mo ang iyong sarili.” Sapagkat mula sa pagsisiyasat ng tao sa kanyang sarili, doon lamang niya makikilala kung sino siya.
Ngunit kung ang sinisiyasat lamang ang inyong sarili ayon sa kaanyuan ng laman, ayon sa paggalaw ng inyong kaisipan, damdamin at kalooban na tinuruan ninyo sa pamumuhay sa laman. At sa pamamagitan ng pagkuha ng iba’t ibang karanasan ayon sa sanglibutan.
Hindi ninyo makikita ang tunay na katotohanan ngunit tunay na tinatakpan ninyo ang tunay na AKO na nasa inyong sariling pagkatao sapagkat hindi ninyo binibigyan ng buhay ang isang Espiritu na nagbibigay buhay sa inyong laman upang kayo ay magkaroon ng pagkakataon at tumitikim at hanggang ngayon ay nagkakaroon ng pagkakataong lumakad sa sanglibutan.
Huwag kayon malito, aking mga iniibig, sapagkat lagi na ang Espiritu na nagmumula sa Diyos ay malinis, hindi siya pwedeng marumihan ng bawat gawa nga tao, ang tangi lamang nagagawa ng tao ay natatakpan siya pero hindi niya kayang dumihan.
Kaya nga bawat isang nag-aaral ayon sa Espiritu, nakikita nila ang kabutihan ng mga biyaya ayon din sa Espiritu. Ito ay malinis, sapagkat ito ay buhat sa Diyos. Ito lang ang tanging paraan upang maghawan ng lahat ng mga bahagi ng mga karanasang hindi karapat-dapat sa inyong mga pagkatao.
Kaya nga at ano ang ibibilin ko sa bawat isang mag-aaral, lakasan ninyo ang inyong loob, huwag kayong padadaig sa sanglibutan, sapagkat ang wika ng Panginoon, “Dinaig Ko ang sanglibutan, ito rin ang sa inyo ay ibinibilin.”
Kaya nga, kung sa pamamagitan ng pagpapalakas ng loob sa isang mag-aaral dumarating sa kanya muli ang isang pagkakataong ikabang niya ang kanyang mga paa patungo sa Panginoon. Lagi na ay magbaon kayo, aking mga iniibig, ng isang uri ng pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos.
Oo, pananampalataya at pagtitiwala sapagkat bagaman at kayong lahat nagsasabi sa Kanya, “Diyos ko, Diyos ko,” mangangahulugan ba, aking mga iniibig, kayo iyong nagtitiwala sa Diyos at kayo din ba ang tatawaging mga tapat sa harapan ng Diyos? Mangangahulugan din ba na ang inyong pananampalataya ay baog?
Muli ang lahat ng iyan ay pag-aralan ninyo sa inyong sarili, sapagkat may nag-iisang Diyos, mayroon lang iisang pag-ibig, ano pa at mayroong iisang panamnampalataya na hinahanap sa bawat isa at patuloy na mayroong iisang bautismo na inihahandog sa bawat kaluluwa.
Mga iniibig na mga kapatid, ito lamang ang bahagi ko, muli ang aking handog ng pag-ibig at ng kapayapaan ay aking ibinibigay sa bawat isa mula ngayon at magpakailan-man. Paalam, ako ang sa inyo ay naglingkod at sa harapan ng Dakilang Panginoon, Espiritu Santo ng Katotohan. Paalam.
1995-07-30, EB
Sumainyo ang biyaya at kapayapaan ngayon at magpakailanman.
Mga iniibig na kapatid, ang pag-aaral ng tao ay humahalina ng mga bagay na ikagaganda ng kanyang kapamuhayan. Sapagka't ang tao ay isinilang sa daigdigan ng mga hugis hindi upang magtamasa ng mga biyayang maiiwan ng tao pagdating ng panahaon.
Kungdi ang lahat at bawa't isa ay may karapatang pumili at mag-aral ng mga bagay na maiaangkop ng isang kaluluwang binigyan ng laya upang malinang ang kanyang pag-aaral sa kapatagang inyong kinadoroonan.
Dahil diyan, mga iniibig na kapatid, hindi malulungkot at dadain ang isang mananampalataya sa katotohanan sapagka't natututuhan ng isang naniniwala at sumasampalataya sa Diyos na ang lahat ng bagay ay maikakanlong ng tunay na mananampalataya sa katotohanan.
Sapagka't ito ay magiging kaangkinan ng kanyang pag-aaral, lumawak ang kanyang pang-unawa at magkaroon ng kababaang-loob sa alin man bagay na hindi maaangkop ng kanyang pandamdam at sumubok sa kakayahan ng natututuhan niya bilang isang mag-aaral sa loob ng paturuan ng Espiritismo.
Hindi kayo lumuluklok sa mga luklukang iyang at hindi kayo sumasamba upang alisin ang mga bagay na inaayawan ng tao at lalong hindi kayo dadaing na habang kayo ay nagtototoo sa pag-aaral sa loob ng paturuan ng Espiritismo ay iba't ibang uri ng pagsubok at mga alalahaning nagpapagulo sa inyong magandang naisin, mga iniibig na kapatid.
Hindi kayo pinabayaan kailanman, nguni't palalayain kayo ay bibigyan kayo ng karagdagan ng pag-aaral alang-alang sa ngalan ng pag-ibig na lagi ng binibitawan sa alin mang palatindigan sa loob ng mga simbahan ng tao.
Hindi kayo namamanata upang kayo ay alisan ng mga bagay na tiisin
kung hindi ang lahat ng tiising iyan ang wiwikain ng isang tunay na
espiritista ay ito ang magiging daan at magiging hagdanan ko upang ako
ay magsikap at labanan ang mga bagay na humahamon sa aking natutuhan.
Sapagka't
ang nagagalit at napupuot sa mga bagay na humahamon sa kakayanhan at
natututuhan ng isang mananampalataya ay mangmang at hindi kayo magiging
mangmang mga iniibig na kapatid sapagka't malaon nang panahong kayo ay
nag-aaral upang ang diwa ng batas ng Espiritismo ay matutunan ninyo at
maisagawa nang walang liwag.
Sapagka't ang mangmang na nilikha ng Diyos na nanirahan sa kabundukan ay gumagawa ng ayon sa kanyang kamangmangan nguni't ang isang tunay na espiritistang natuto at nagdala ng mabigat na tungkulin at maging mangmang mahihiya ang kanyang paggawa at magkaroon siya ng panatang hindi siya maglilingkod sa kanyang kapwa nag-aaral kung di maglilingkod ng higit sa lahat sa kapaligirang humahamon sa kanyang natututuhan.
Ganyan, mga minamahal na kapatid ang isang tunay na Espiritista sapagka't kayo ay lagi nang inaaliw ng mang-aaliw, kayo ay tinuturuan sa lihim at sa hayag kung kaya nga at ang lahat ng bagay na natutuhan ng bawa't isang sumasamba sa Espiritu at katotohanan hindi nawawalan ng pag-asa at hindi manghihina sapagka't ang nanghihina ay hindi makagagawa ng mga bagay na kanyang natututuhan at pinag-aaralan ng siya ay may buhay at lakas.
Ano ang buhay na iot mga minamahal na kapatid? Hindi baga ang buhay na ito ay pag-iipon ng magandang kasaysayan upang magkaroon ng kahayagan sa Banal na Aklat na inyong hawak-hawak upang ang kanyang pag-aaral ay maragdagan?
Maraming salamat at nawa ay naunawaan ninyo ako. Ang bendisyon ay ibibigay ko sa oras na ito. Muli inihahabilin ko sa bawa't isa sa inyo, ang Panginoong HesuKristo ang lagi ninyong isapuso sa lahat ng sandali sapagka't siya ang inyong buhay. Iyan ang kapayapaan. Iyan ang karunungan. Iyan ang tunay na dumadaloy sa inyo sa lahat ng sandali.
Ako ay magpapaalam na. Maraming Salamat, ang Banal na Espiritu Santo.
1978-03-01, IM
Ang kapayapaan at ang pag-ibig ng Dakilang Ama, siyang ibinababa ko at ibinibigay sa inyong harapan upang maghari ang buong kapayapaan sa inyong lahat!
Mga anak ng Diyos, mga taong gumagalaw dito sa kapatagang-lupa, sana ay pagsikapan ninyo matulad sa mga tunay na alagad ng Diyos, tibayan ninyo ang inyong paninindigan at pananalig sa lumikha sa inyong katauhan.
Gayahin ninyo ang mga taong nananalig at nanampalataya doon sa nagbigay ng buhay sa inyo, upang malagay ang inyong buong pagkatao lalo na ang inyong espirituwal sa kapayapaan na kalagayan.
Tignan ninyo, gayahin ang kanyang tauhan na ang pangalang Sagra (piyesta), Pesa (tiisin), at Paedegrina (paglalakbay). Sana ay ang pananalig ninyo kagaya ng tatlong katauhan upang kamtin ninyo ang buhay na walang-hangggan na nagmula sa Dakilang Ama, upang ang inyong diwa ay malagay sa kapatagan ng buong kalinisan, at kapayapaan.
Huwag ninyong sayangin ang inyong pag-aaral, huwag ninyong bibitawan ang binigay na bandila sa inyo ng Dakilang Ama, upang siyang tangan-tangan ninyo, upang siya ang ibandera ninyo sa lahat ng dako sa kapaligiran, upang ito ay maipakita sa nangangailangan.
Huwag kayong magsasawa sa paghanap ng mga tunay ng ginto, mga tunay na kayamanan na hindi matutunaw, na hindi mawawala, kungdi bagkus, ay maisang-tabi ninyo at mailahad ang lahat ng hawak, ng isa sa inyo na nanalig sa Dakilang Ama.
Ang pagsisikap ng bawat isa, ang pananalig, pananampalataya, ang paggawa sa kanyang buong pagkatao, ibigay sa kanyang tunay na espiritual upang ang materyal na ginagalawan, hindi mangibabaw kungdi, ang tunay na kabanalan na pang-espirituwal.
Lahat ng taong nilikha ng Panginoon, lahat ng taong nanalig, lumilitaw sa inyong kapaligiran, lahat ng sali’t-saling lahi, at lahat ng pumapanaw na gaya ng bula, mayroong hangganan, gaya ang inyong pagkatao, darating ang panahong kayo ay lulubog gaya ng bula.
Kaya’t pagsikapan ninyo ang inyong gawain, huwag ninyong gagayahin ang bola. Kung kayo ay lumalalad sa tuwod na daan ang inyong lalakbayan, sapagkat ang bola kung ihagis sa pader, bumabalik sa gusto at ayaw ninyo, sa inyo rin tatama sa pinagbalikan, Kaya at kayong lahat na nagsisipag-aral, bigyan ninyo ng katalinuhan ang inyong diwa, tanggapin ninyo ang karunungan ng Panginoon, upang hindi kayo mawalay sa inyong tinatahak na daanan, upang ang inyong pag-aaral makapagpatuloy sa hangganan.
Mga nilalang ng Diyos na nagpapasakop sa dakilang Ama, na naghahanap ng tunay na kaligayahan, ang kaluwalhatian ng Panginoon, na ang pangako na ibinibigay sa inyong lahat, tanggapin ng bawat isa ang basbas ng Espiritu Santo. Maghari nawa sa inyong lahat ang kapayapaa at ako ay magpapaalam na.
Ako ang inyong lingkod na sinugo ng dakilang Amam ang tunay na Espiritu ng Katotohanan.

Comments
Post a Comment