Posts

Showing posts from September 9, 2022

2022-09-25, Rebecca

2022-09-25, ARK RAF-RAD Paksa: Ang simula ng wakas; ang wakas ng simula Liwanag ng Espiritu Santo ang maghari sa lahat at bawa't isa ngayon at magpasawalang hanggan. Ang buhay kapag ginawa mong simple at payak, magtamo man ng suliranin hindi nagiging mabigat; ngunit kapag ginawa na ang buhay ay maraming hinahangad, maraming pinapangarap na kanyang makamit at makamtan, ang pagpapatuloy ng buhay ay nagiging katulad ng isang daan nagkakaroon ng mga sangay. Samakatuwid, kung ang pagsilang ng tao ang siyang simula ng pakikipamuhay ng bawat kaluluwa, ano ang kailangan na kanyang taglayin upang ang maging wakas ang kanyang larawan ay ang naging simula? Sa ganitong kalagayan tinaglay ninyo ang buhay upang ihayag ang pasimula ng kahingian at adhikain ng isang Espiritu. Samakatuwid, ano ngayon ang kinakailangang maging pasimula ng buhay na ito na sa inyo'y ipinahiram ng Diyos? Hindi kaya na, ang kailangang maging simula ng buhay upang maging maganda at mabuti ang ka...