Posts

Showing posts from September 22, 2019

1975-2019, Koleksyon -Mga Propeta, Daniel, Jeremias

Image
  PROPETA ISAIAS 2021-03-21, RAD Balutin kayo ng tamis ng pagibig mula sa iisang Ama at iisang Panginoon ngayon at magpasawalang hanggan. Kung bibigyan kayo ng kalayaan at karapatang balikan ang nakaraang landas na inyong dinaanan, ano ang mga gunita ng nakaraan na ibig mong balikan at manariwa sa iyong puso at diwa? Bakit mo inibig at hinangad na iyon ay balikan? Iibigin mo kaya ang katulad ng aking naging pangitain na nang pasimula ay kadiliman? At mula sa namasdang kadiliman nagmithi ng liwanag ang aking espiritu. Sa aking minithi lumitaw ang liwanag. Dapat ay mamasdang malayang lumilipad ang mga ibon ngunit ang larawang lumitaw ay mga nakalungayngay upang ipakitang may buhay na nawala at mula sa himpapawid ay unti- unting bumabagsak at mahandusay sa lupang kanyang pinanggalingan. Gayundin ang mga isda sa karagatan na sa halip na mamasdan ang nakaaaliw na paglangoy ay nangakalutang sapagkat sila man ay mga wala ng buhay; sampu ng katubigan ay nagl...