Posts

Showing posts from 1994

1994, LVS,Koleksyon - Arkanghel Raphael

Image
                    1994-12-21,  FBT (Ang naduduwag ay hindi magtatagumpay) Ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, sumainyo ang kapayapaam ngayon at magpakailanman! Mga iniibig na kapatid, mga minamahal na kaluluwa na nagsilisan ng kani-kanilang mga tahanan upang hanapin ang isang patotoo kung kailan ang tao sa gitna ng tubig ay nauuhaw at  sa gitna  ng masaganang pagkain ay nagugutom.  Naririto kayo sapagka’t kayo ay humahanap ng pagkain ng kaluluwa, naririto kayo sapagka’t kayo ay naghahangad ng inumin ng inyong diwa. Mga pinakamamahal na kapatid, kung ang isang nilalang  na walang naabot ng isang pag-aaral, hindi nakakaunawa ng tunay na alituntunin ng isang mananampalataya ay kumilos at gumawa ng isang bagay ng kanyang pananalig sa Dakilang Panginoon ay unti-unting lumilim sa isang bubong na paaralan ng mga tao. Ang hinahangad ng isang nilalang ay ang bagay ng kanyang laman kung  kaya at ...