2023-08-05, Rebecca
2023-08-05 ARK GAB-RAD Paksa: May pagkagunaw ba sa sanlibutan? Pag-ibig, liwanag at kapayapaan ang siya nawang tanggapin ng inyong mga diwa at puso ngayon at magpasawalang hanggan. Bawat kahulugan ng isang salita o ng isang kataga ay ibinabatay doon sa uri ng kaniyang paggamit o paggagamitan. Ini-aangkop doon din sa layunin na kaniyang binubuo at tinataglay. Samakatuwid, hindi iisa ang kahulugan o diwang matataglay at mabubuksan sa isang salita o sa isang paksa. Lalo na kung ito ay nakasandig at nakasalalay sa kung paano ito tinatanggap, paano ito tinatanaw at paano rin ito nauunawaan ng isang magbibigay ng kaniyang diwa o ng kaniyang kahulugan. Datapuwat ang lahat sa iisa doon lulundo, ang paghahatid ng liwanag, ang paghahatid ng mga lakas na ang tutunguhin ay pagpapakabuti, paglagay sa matuwid at pagsasa-ayos at pagtutumpak ng mga pagkukulang at pagkakamaling naisasagawa ng bawat isa. Samakatuwid, kung ang salita ang lalamanin ng diwa naroroon ngayon a...