1995-1998, Koleksyon - Ina ng Sangkatauhan
1998-11-01, RAD Liwanag ng Espiritu Santo nawa ang Sumainyo ngayon at hanggang sa wakas. Maraming nabubuo sa isipan ng mga mag-aaral sa bahagi ng ganitong uri ng kaganapan. Sapagkat ito ay isang uri ng kalagayan na ang kabuuan ng katotohanan ay matatakal lamang kung ang bawat isa ay naroroon na sa kabilang ibayo ng daigdigan. Kaya nga at naroroon ang pagaalinlangan ,“katotohanan ba o likhang isip lamang? Isa bang guniguni o isang kababalaghang ang tanging pinanghahawakan ay ang kapaniwalaang kinamulatan? Gayunpaman sa isang naghahangad na magkaroon, ang karagdagang kaalamang kinukuha ay ang mga bahaging siyang magbubukas at magmumulat nang kaunawaan ay walang itatapon upang ang lahat ay mawalan ng kabuluhan sapagkat ang lahat ay sangkap sa pagmumulat sa isang kaluluwa. Kung gayon, sa tanggapin ninyo o hindi kung ito ay totoo o kababalaghan, kung kinikilala ninyong napakadakila at napakalaking kapaya...