Posts

Showing posts from May 27, 2022

2022-05-28, Rebecca

2022-05-28, ARK RAF-RAD Paksa: Kapayapaan Ang uri ng kapayapaan na iniaambil sa atin ng mga Banal na Batlaya at paano Ito makakamit Liwanag ng Espirito Santo ang maghari sa lahat at bawa't isa ngayon at magpasawalang hanggan. Kung ang kapayapaan ay hahanapin sa mga bahagi ng buhay ukol sa sanglibutan o materyal na pangangailangan, madali itong naglalaho, madali itong nawawala sapagka't kapag hindi nakamtan ang kanyang iniibig na tangkilikin ukol sa materyal na pangangailangang panlupa. Nahahalinhan ang kapayapaan ng kaligaligan ng pag-iisip, kagulumihanan ng puso, nababagabag ang damdamin at nawawalan ng katiwasayan ang isang kalooban. Lalo na sa gawi o panig ng isang ina. Na, kapag sa kanyang paghahanda ng pagkain ay masumpungang wala ng laman ang palabigasan. Wala na rin ng tubig ang bangan na kukunan upang may mainom, kulang na rin ang salapi na kanyang hawak upang ipambili ng pangangailangan sa kanyang mga anak. Lalo na kung ang kanyang mamamasdan, sal...