Posts

Showing posts from December, 1995

1995, Koleksyon - Arkanghel Raphael

Image
                  1995-11-20, FBT Sumainyo ang mga dakilang biyaya na nagmumula sa mga langit, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailan man. Mga iniibig na kapatid,ang mga ganitong sandali kung kailan kayo’y nagkakatipon sa isang dakilang nasain na maragdagan unti-unti ang biyayang sumasa inyong pagkatao. Humihiling kayo’t dumadalangin sa dakilang Ama ng mga bagay na kinakailangan ng inyong pagkatao. Una at higit sa lahat ay malayo kayo sa ano mang kapahamakan at pagkakasala, sampu nang sa karamdaman, ng mga biyayang kakailanganin ninyo sa pang araw araw na kabuhayan, ng karagdagan pang biyaya sa inyong pagkatao upang hindi kayo makadama ng pagkagutom at pagkauhaw. Sa inyong mga dalangin, mga minamahal na kapatid, mayroon ako ng hinahanap at sa tuwi tuwina ay inu-ulinig na ang mga bagay na inyong hinihiling buong-puso baga ninyong tinataan ang kaunti nito sa inyong mga kapwa. Lalong lalo na sa mga nilalang na hindi nakapagbi...