2023-09-07, Rebecca
2023-09-07 ARK GAB-RAD Tanggapin ninyo ang pag-ibig, liwanag at kapayapaan buhat sa Ama at sa Anak, ngayon at magpasawalang hanggan. Ang pagkakaiba ng kadiliman sa kaliwanagan Ano ba ang dapat maunawaan at makilala ukol sa buhay? Sapagkat dito ay may mapupulot at makukuha ang bawat isa na makapagbukas ng kanyang paningin upang maunawaan ang pagkakaiba ng kadiliman sa kaliwanagan. Upang maunawaan ng bawat tao na ang buhay ay lumalakad sa dalawang kahayagan; sa tama at mali, sa liko at sa matwid, na ang buhay ay naghahayag ng maraming uri na sapat upang gisingin ang bawat diwa. Karanasang dinadama bahagi ng buhay sa kalupaan Upang makita niya kung ano ang kaparaanan upang siya’y makarating sa kaharian ng mga langit at sa pamamagitan nito hindi ba ang lahat ay nakapaloob sa bawat karanasan na dinadaanan, dinadama at nagiging bahagi ng pang araw-araw na pakikipamuhay ng bawat nilalang ng Dios. At sa bawat karanasang ito ay mayroon ng nag-iiwan at nagkikimpal ng mga aral...