Posts

Showing posts from September 6, 2023

2023-09-06, Rebecca

2023-09-06 ARK RAF, RAD Liwanag ng Espirito Santo ang maghari sa lahat at bawat isa mula ngayon at magpasawalang hanggan. Ang buhay ay larawan ng paggawa at ang paggawa ay kahayagan ng buhay. Samakatwid sa bawat gawin, lakaran, isipin, buuin ng tao sa kanyang sarili ay may epekto at bunga na darating at makamtan. At ang bungang ito; ay ayon sa kanyang tinataglay, ayon sa kanyang kinamulatan na kaugalian, ayon sa kultura at tradisyon na sa kanya ay nakasaklaw at sumasaklaw. Mga bahagi na hindi maaaring husgahan upang sabihin ang isang tao sa kanyang pakikipamuhay ay immoral o moral. Sapagkat kung ang moralidad ay ipapaloob sa kaugalian na dapat taglayin ng tao, marami ang nagiging dahilan kung paano nabubuo ang kaugalian dala-dala at madadala ng isang bata mula sa kanyang pagsilang hanggang sa kanyang paglaki, hanggang sa kanyang pagkakaroon ng edad o kaedad. Ang kinamulatan ng isang bata may ibinibigay ang kanyang kapaligiran, ang uri na dinala at nataglay ng kanyang pam...