Posts

Showing posts from January 3, 2016

2016-01-03, Rebecca

2016-01-03, PRO ISA-ARK URI-RAD Ang tanglaw ng liwanag, pag-ibig at kapayapaan ang maghari sa lahat at bawa’t isa. Paano magiging maganda, maayos at mapayapa ang bukas o hinaharap? Saan ito dapat isalig upang siyang maging pamantayan ng iisang paggawa? Sa mga bagay ba na pinagdaanan na nakita at nadama na ang kanyang kahalagahan o sa mga bagay at kahayagang ngayon pa lamang bubuuin, itatayo at ititindig upang magsilbing pundasyon sa loob ng isang taong gagalawan at lalakaran ng lahat at bawat isa? Kung ito ay isasalig sa nagdaan may bungang magagamit, mapag-aaralan, masusuri at masasaliksik upang matanaw ang naging lakas at naging kahinaan; ang naging kakulangan upang ito ang igawa ng balangkas tungo sa magiging kanyang kabuuan. At kung ito ay isasalig sa mga kalagayang ngayon pa lamang bubuuin, ngayon pa lamang ititindig, ang bunga na susuriin at pag-aaralan kapag ito sa bawa’t pagsasagawa ay ilalagay sa paglalapat sa sandali ng gampanin ng bawa’t k...