Posts

Showing posts from December 30, 1973

1968-1973, Koleksyon - Arkanghel Raphael

    1973-08-19, FBT Saganain ang lahat sa mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan sa lahat ng dako! Mga minamahal na kapatid, nasasa ilalim kayo ng matamang pagsusuri ng kabatlayaan, napapanahon kayo na pagbalikat ang mga naunang aralin at muling ulit-ulitin upang matagpuan ninyo ang mga bagay na katugma ng kasalukuyan at pupunan sa inyong mga kinabukasan. Kung ang tao ay naniniwala na mayroon siya ng isang kaluluwa na hindi maangkin ng kapatagang ito, mayroon siya ng lakas na maaaring pumaimbulog upang hanapin pa ang mga bagay na magiging karagdagan sa kanyang mga kaalaman upang sa gayon, ang isang nilikha ay magkaroon ng sakdal at wagas na kaluluwa. Hindi ang mananatiling isang tagapakinig at mag-aaral na mangmang , kinakailangang maging tagapakinig at mag-aaral na matalino sapagka't ang mangmang ay gumagawa sang-ayon sa kamangmangan ng walang pagsusuri. Ngunit ang isang mag-aaral na matalino ay nagpapatuloy, sinasaliksik ang lahat ng mga ba...