2024, Rebecca, Koleksyon-Apostol Pablo
2024-08-24 APO PAB-RAD Paksa: Ano ang proseso ng pag-aakay? Sumainyo nawa ang biyaya at kapayapaan buhat sa kaitaasan ngayon at magpasawalang hanggan! Mga baitang ng pag-aakay bilang bahagi ng pag-ibig na kailangang tuntungan Bawa't aralin ng buhay, hindi maaaring hindi mayroon ito ng sinasaklaw o sasaklawin, sapagka't ang bawa't aralin ay may layunin sa kanyang kaganapan, tulad ng pag-aakay bilang bahagi ng pag-ibig. Sa kalagayang ito, ano ang mga panuntunan na kinakailangang makilala at maunawaan, sapagka't hindi ang lahat ng panuntunan na bubuuin ay magiging karapat-dapat para maganap at matupad ang layunin ng pag-aakay. Sa ganito ay makikita at maglalarawan na dalawa ang kailangang tingnan: ang mag-aakay at ang aakayin. Na, mula sa kalagayang ito doon ngayon mabubuo ang magiging karapat-dapat upang matupad at managumpay ang layuning makapag-akay. Mga proseso ng buhay na laging nakakabit sa pang araw-araw na karanasang dinarama at d...