Posts

Showing posts from September 2, 2022

2022-09-03, Rebecca

2022-09-03, ARK RAF-RAD Paksa: 1. Dapat bang katakutan ang kamatayan? 2. Pwede bang hilingin ang uri ng kamatayan ng isang nilalang? 3. Ano ang kaganapan sa paghihiwalay ng laman at Espirito sa sandaling dumating ang tinatawag nakamatayan? Liwanag ng Espiritu Santo ang maghari sa lahat at bawa't isa ngayon at magpasawalang hanggan! Mula sa pagsilang o pagluwal ng isang kaluluwa upang makipamuhay sa ibabaw ng lupa, dala-dala na niya ang baitang ng kamatayan. Kung baga sa dala-dalahan, dala na niya ito sa kanyang pakikipamuhay sa lupa. At sa ganitong uri naroroon ngayon ang paglalarawan kung paano ang kamatayan ay darating sa isang tao, ang kanyang magiging galaw, ang uri ng kanyang magiging pagsasagawa, ang bahagi ng kanyang magiging paghakbang o paglakad at pagbubuo ng kanyang naging layunin upang siya ay isilang sa lupa ay nagtatakda rin at nagpapadama kung anong uri ng kamatayan ang sa kanya ay sasapit. Ang uri ng buhay ay nakabalangkas na ang katakdaan o...