Posts

Showing posts from 2018

2018-12-08, Rebecca

2018-12-08, PRO ISA-RAD Liwanag at pag-ibig na buhat sa iisang Ama at sa kanyang bugtong na anak ang maghari sa lahat at bawa’t isa! Ang kalagayan at kahayagan ng bawat pangyayari sa Banal na Aklat na, ang pagkakabuo ay dahil sa taglay na kaantasan ng bawa’t E spirit o na sumulat at binigyan ng karapatan upang maisulat ang buod ng baitang na ang inilarawan ay ang kalagayan ng mga e spirit o ng nakipamuhay sa sandaigdigan. Samakatwid, ang B anal na Aklat ay kasaysayan ng bawa’t kaluluwa o E spirit o na taglayin ng tao. At dito ngayon ay nakapaloob ang bawa’t buhay ng mga anak ng Diyos. Isang buhay na ang pinaglagyan at pinagsalalayan ang layunin, adhikain, ang ganapin, ang tuparin at lalakaran ng pag-ibig. Sapagka’t ang pinanggalingan at pinagmulan ay kawagasan doon kinakailangang magbalik ang isang kaluluwa o isang Espirito. At iyan ang lalamnin at siyang buod na inihayag at inilahad ng Pasko sa sandaigdigan. Ito ngayon ay nabubuo sa maraming tauhan. Mga tauhang siyang gagalaw, siyan...

2018-11-24, Rebecca

Paksa: May proseso ba ang pag-ugnay ng isang talaytayan? Magkatulad ba ang pag-ugnay ng talaytayan sa pakikipagabot-diwa at talaytayang nanggagamot? Liwanag at pag-ibig ang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at hanggang sa wakas. Anoman ang simula ng kalagayan at galaw sa kabuuan ng buhay ng bawat tao sa sandaigdigan hindi maari na hindi may panuntunan o dili kaya ay alituntunin. Kung minsan ay patakaran na dapat sundin sapagkat kundi gayon, ang katum-pakan, àng pagkakatimbang timbang at pag-aangkop-angkop ng mga bagay ay hindi magaganap at hindi magkakaroon ng katagumpayan. Samakatwid, gaano pa kung ang hinihingi ay ang bahagi at kalagayan ng sagisagin ng isang kaluluwa na, kaakibat ang pintigin o alitigtiging mayroon ang laman na kinakasangkapan ng isang kaluluwa. Dito man ay may panuntunang ina-alinsunod kabilang ang bahagi ng kanyang kaugalian, ang paraan ng pagdadala ng kanyang sarili, ang pagkakaroon ng kagandahang asal. Kasama rin ang pinakikibagayan, ang kinamula...

2018-11-24, Rebecca

2018-11-24, ARK RAF-RAD Paksa: May proseso ba ang pag-ugnay ng isang talaytayan? Magkatulad ba ang pag-ugnay ng talaytayan sa pakikipagabot-diwa at talaytayang nanggagamot? Liwanag at pag-ibig ang maghari sa lahat at bawa't isa ngayon at hanggang sa wakas. Anoman ang simula ng kalagayan at galaw sa kabuuan ng buhay ng bawa't tao sa sandaigdigan hindi maari na hindi may panuntunan o dili kaya ay alituntunin. Kung minsan ay patakaran na dapat sundin sapagka't kundi gayon, ang katumpakan, àng pagkakatimbang timbang at pag-aangkop-angkop ng mga bagay ay hindi magaganap at hindi magkakaroon ng katagumpayan. Samakatwid, gaano pa kung ang hinihingi ay ang bahagi at kalagayan ng sagisagin ng isang kaluluwa na, kaakibat ang pintigin o alitigtiging mayroon ang laman na kinakasangkapan ng isang kaluluwa. Dito man ay may panuntunang ina-alinsunod kabilang ang bahagi ng kanyang kaugalian, ang paraan ng pagdadala ng kanyang sarili, ang pagkakaroon ng kagandahang...

2018-09-16, Rebecca

Kapayapaan, buhat sa mga langit ang maghari sa inyong mga puso, ngayon at hanggang sa wakas. Iisa ang ninasa ng Diyos na maging kalagayan ng bawat nilalang na sa kanyang puso itinuring Nya na kanyang mga anak, ang isang buhay na maganda at mabuti. Dito ngayon ang landas na pinaglagyan sa bawat tao na ang ibinalot at ipinagkaloob ay kalayaan upang ang tunguhin ay pagsulong. Datapwat sa kalagayang ito kailanman, hindi itinali ang nasa ng puso ng bawat nilalang upang sa kanyang pakikipamuhay at sa kanyang kabuhayang panglupa hindi siya maligaw. Hindi siya makaalis sa ninasa ng puso na kalagyan ng buhay ng kanyang mga anak maganda at mabuti ngunit ang kalayaan naroroon lagi sa kamay, sa magagawa, sa panga-pangarap, sa ninanasa ng isipan, ng puso, ng kabuuan ng katauhan ng bawat tao. Kung gayon, ang kaligayahan ay nakasalalay at nakasalig sa kung ano ang dala ng puso, ang adhikain ng puso, ang pangarap ng puso, ang ibig marating at ibig maabot ng puso ng bawat tao. Na...