2022-04-24, Rebecca
Ang liwanag Ng Espiritu Santo ang sumainyo ngayon at magpasawalang hanggan. Sa buhay ng bawat tao laging nakaakibat ang isang pangarap na ibig niya na kanyang gawin at matamo. Laging may adhikain na kanyang iniibig na lakaran upang makita niya na may magandang kinabukasan sa kanya ay nakalaan. At Ito ay kahalintulad ng hagdan na may mga baitang na, kung saan may simula, may pagpapatuloy at may hangganan o katapusan. At kung ang simula ay ang pagnanasa, doon ngayon magbubuo ng lakas ang kanyang sarili. At sa pamamagitan ng lakas na ito nagbubuo at nagpapasimulang magpasibol ng pag-asa bagaman hindi pa niya nakikita ang sa kanya ay magaganap. Ito ay sisikhayin na sampahin mula sa pinakamaliit at pinakamababaw na kanyang kakayahan at kaalaman. Ang pagnanasa, pangarap at adhika ng kanyang sarili ay kanya ngayong ginigising, nilalagyan ng apoy, pinagbabaga at pinagaapoy upang siya'y makaakyat, makasampa sa tinataya niya at iniibig niya na sa kanya ay mangyari. Kay...