Posts

Showing posts from March 28, 1975

1975- Koleksyon -Propeta Elias

  1975-03-28, PRO ELI Biernes Santo Silahis ng Pag-ibig Huling Pitong Wika Propeta Elias "Ama ko, patawarin mo sila sapagka't hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa." Bakit maaaring magpatawad ang tao? Bakit maaaring magpatawad si Hesukristo? Bakit hindi si Hesukristo ang nagpatawad at hiningi sa Kanyang Diyos na, "Ama ko, patawarin mo sila? Sapagka't si Hesukristo, hanggang sa inyong kalagayan sa panahong ito ay mga bagay na mayroon pa kayong dapat maunawaan, marating at makilala at pag-aralan. Alin ang wala na ng mga bagay na iyan o hindi nasasakop ng batas ng espasyo at tiyempo? Ang Diyos na manggagawa, ang kabuuan ng ka-Diyosan ng sannilikha. Kung pag-aaralan ng tao ang katarunganng pagpapatawad, ang tao ay mayroon ng tungkuling umunawa, kumilala, sumukat sa kakayahan ng kanyang kapwa. Kung hahanapin ng tao na ang kanyang kapatid ay makadala ng isang kabang palay, bagay na hindi kaya nito, hindi maituwid na parusahan ang walang kakayahan. An...