2023-11-04, Rebecca
2023-11-04 ARK RAF-RAD Paksa: Tungkol sa Kamalayan 1. Paano ito mapa-uunlad? 2. Dala-dala ba ito ng Espiritu sa pag-unlad? 3. Kailan ito iniiwan? Liwanag at kapayapaan ang maghari sa puso at diwa ng lahat at bawa't isa ngayon at magpasawalang hanggan. Sa pagbibigay ng diwa upang buksan ang konsepto ng isang karunungan, magtatambal ang dalawang bahagi ng isipan. Isipan na itinutuon sa mga bagay na material na laman ng lupa, at ang isang isipan na nakatuon doon sa mga katotohanan na bahagi rin ng lupa nguni’t bahagi lalo’t higit ng ukol sa Espiritu. Na, sa kalagayang iyan maitatanong ano ba at paano ba matutukoy kung ano ang kamalayan upang mahantad kung siya ay sumusulong? Paano siya sumusulong? Saan siya isinusulong? Bakit kailangang matanggap niya ang pagsulong o pag-unlad? Kung ituturing na ang kamalayan ay munting tinig o isang lakas na umuugnay sa lahat at bawa’t batas na siyang sumasaklaw sa galaw ng tao; siyang sumasaklaw sa galaw at kaganapan o kaha...