Posts

Showing posts from December 8, 2018

2018-12-08, Rebecca

2018-12-08, PRO ISA-RAD Liwanag at pag-ibig na buhat sa iisang Ama at sa kanyang bugtong na anak ang maghari sa lahat at bawa’t isa! Ang kalagayan at kahayagan ng bawat pangyayari sa Banal na Aklat na, ang pagkakabuo ay dahil sa taglay na kaantasan ng bawa’t E spirit o na sumulat at binigyan ng karapatan upang maisulat ang buod ng baitang na ang inilarawan ay ang kalagayan ng mga e spirit o ng nakipamuhay sa sandaigdigan. Samakatwid, ang B anal na Aklat ay kasaysayan ng bawa’t kaluluwa o E spirit o na taglayin ng tao. At dito ngayon ay nakapaloob ang bawa’t buhay ng mga anak ng Diyos. Isang buhay na ang pinaglagyan at pinagsalalayan ang layunin, adhikain, ang ganapin, ang tuparin at lalakaran ng pag-ibig. Sapagka’t ang pinanggalingan at pinagmulan ay kawagasan doon kinakailangang magbalik ang isang kaluluwa o isang Espirito. At iyan ang lalamnin at siyang buod na inihayag at inilahad ng Pasko sa sandaigdigan. Ito ngayon ay nabubuo sa maraming tauhan. Mga tauhang siyang gagalaw, siyan...