Posts

Showing posts from November 5, 2023

2023-11-06, Rebecca

2023-11-06 ARK RAF-RAD Tanggapin ninyo ang liwanag, pag-ibig at kapayapaan ngayon at magpasawalang hanggan. Isang kahingian sa galaw ng buhay na kapag nakaharap sa dulang o hapag kainan ang kabuuan ng kakain, kinamulatan ang pag-aalay ng panalangin. Sa kinamulatang ito, nagpatuloy ang kaugalian na wari ay ipinamana sa mga susunod na bahagi ng kabuuan ng pamilya. Nguni’t sa pagpapamanang ito, may dapat ba na buksan? May dapat ba na ipaunawa upang ang pananalanging itinuro sa sandaling naroroon sa hapag kainan ay kailangang isagawa at mag-alay bilang handog sa kasaganaan ng pagkain na magiging lakas at kalusugan sa kaniyang katawan? Ganito ang aking minarapat na sa inyo ay buksan upang takalin at tayahin, paano ninyo nauunawaan ang halaga ng pag-aaral sa buhay? Na, doon ay nakapaloob ang maraming kahingian upang ang tunguhin ay ang kahingian sa pagsulong at pag-unlad na laging kakabit sa buhay ng bawa’t isa. Pagsulong na may mga baitang na kailangang daanan. Pagsulong na...