Posts

Showing posts from February 24, 2024

2024-02-25, Rebecca

Tanggapin ninyo ang liwanag, biyaya at kapayapaan ngayon at magpasawalang hanggan! Nakilala at nauunawaan ng tao, na sapagka't nasasa kaniya ang buhay kailangan niya itong igalaw; kailangan niyang ipakita na may halaga ito sa pamamagitan ng kanyang paggawa.  Nang dahil sa ang tao ay nasa baitang ng kanyang kalayaan, ang bawa't paggawa na gaganapin ng bawa't isa ay iniyaayon at iniyaangkop sa kanyang madadala, sa kanyang kakayahan, sa karunungan at kaalamang kanyang nasimpan at naunawaan. Kaya nga't ang kalagayang ito ay naglagay doon sa antas antas at baibaitang na kahayagan ng tao. Sa antas- antas na iyan doon tumatanggap ang bawa't isa ng kaukulang bunga na kanyang mga ginawa ayon sa naging kasanhian nito. Na dahil dito, kung inyo ito ngayong nauunawaan, kaya ba ninyong bantayan ang bawa't ihahakbang ng inyong mga paa? Kaya ba ninyong saliminin ang bawa't pagbuka ng inyong mga kamay at paglalahad ng inyong mga palad? Kaya ba ninyong unawain ang bawa...