2024-10-14, Rebecca
2024-10-14 ARK RAF-RAD Tanggapin ninyo ang liwanag at pag-ibig ng Espiritu Santo ngayon at magpasawalang hanggan. Iisang mithiin ng tao, ang magtamo ng kaligtasan Marami ang iniibig ng tao na kaniyang makamtan, mahawakan ng kaniyang mga palad, maihakbang ng kaniyang mga paa at maisagawa ng kaniyang katauhan. At sa maraming ito, naroroon ang iisa na mithiin, ang siya ay magtamo ng kaligtasan. Kaligtasan sa maraming bagay at pangyayari. Hindi ibig ng tao na siya ay magkaramdam o magkasakit nguni’t sino ang makaiiwas sa karamdaman? May tao ba na sa kaniyang pagkabuhay hanggang sa kaniyang kamatayan ay hindi dadapuan ng karamdaman? At Kung ito ay mayroon, siya ba ay mapalad at doroon sa kataga na dakila? Iyan ay buhay na may nakapaloob na mga aral at araling ang inihahayag ay katotohanan. Kung ang tao sa bawa’t karanasan ay nakapaloob ang mga gawa, dito kaya maituturing na nakapaloob at nakabatay ang pagtatamo ng kaligtasan? Ang kaligtasan sa suliranin nakasalalay sa ...