2023-05-21
Lagom Pag-ibig at kapayapaan ang aking binabati sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailan pa man! Katotohanan nga, sa mga salitang binitawan naroroon ang katunayan na ang lahat ay nagmula sa salitang pag-ibig, na kung saan ito ang nagiging kaparaanan upang ang bawat isa ay pagkalooban ng buhay ng dakilang Panginoon. Sa Kanyang dakilang pag-ibig, ang bawat isa ay nakatuntong sa mundo ng mga hugis na tinatawag na paaralan ng buhay. Sa Kanyang pag-ibig, ang bawat isa ay binigyan ng pagkakataon upang linangin ang karunungang taglay at upang linisin ang karunungang nananatili sa kanyang ka-ako-an. At sa pag-ibig din na ito, aking mga kapatid, inaasahan ng bawat isa na magpapatuloy sa kanyang paglalakad dala-dala ang dakilang bahagi ng Panginoon upang palawigin ang kanyang karunungan sa nakararami. Sapagkat ang pag-ibig ng tao na kung saan umiikot sa damdamin, nararamdaman ng bawat isa kung papaano kayo tumangis, kung papaano kayo magalak, iyan ang pagkaunawa ng nakararami sa salitang...