2023-09-25, Rebecca
2023-09-25 PRO ISAIAS - RAD Tanggapin ninyorang pag-ibig, liwanag at kapayapaan buhay sa kaitaasan ngayon at magpasawalang hanggan. Batas ng Pag-unlad at Pagsulong ng lahat ng mga bagay Mula sa pagsilang ng tao, ang kanya ng namamasdan ay ang mga kalagayan na kanyang gagalawan at sa kahayagang ito, naroroon ang kahingian na bagaman ito ay hindi pa hayag at hindi pa nakikita kahingain na ang lahat ay madala sa pag-unlad at pagsulong. Samakatwid, isang uri na ng karapatan at tungkuling ang dala-dala ng tao na mula sa kanyang sarili hanggang sa kalaganapan ng mga likha na kanyang nakikita at natatanaw gaganapin ang tungkulin bigyan ng pagsulong at pag-unlad ang lahat ng bagay. At kung ito ay pangangailangan, ano ang hindi pa nakikita ng tao na kailangang makita? Sapagkat ipininangusap ng Panginoon, “ May mga mata kayo, hindi ba ito makakakita; may mga taenga kayo, hindi ba ito makaririnig ?” (Mar 8:18-19) Kongretong kahayagan Na naroroon ang pagpapahiwatig kung dadamhin na sa kahayagan a...