2021-10-24, Rebecca
2021-10-24, ARK RAF -RAD Ang liwanag ng Espiritu Santo ang sumainyo. Nadarama mo bang nasa iyong puso, isipan at diwa ang presensya ng Diyos? Kung nadarama mong nasasaiyo ang kanyang presensya, ano ang dapat mong makita? Ang kailangan mong makita at hindi mo kailangang makita? Sa makikita mo magugunita mo ba kung sino ka? Ano ang dahilan ng buhay bakit ipinahiram Ito sa iyo? Magagawa mo rin bang sagutin bakit ka isinilang? Sasa iyo rin bang puso ang kaalamang upang magawa mong unawain sino at ano ang Diyos? Mga katanungang wari ay nakalilito sa diwa nguni't siyang magiging daan tungo sa tunay na pagkaunawa sapagka't siyang magiging behikulo upang mabuksan ang kamalayan ukol sa tunay na buhay. At iyon ay ang kahalagahan ng paglalang, ang kabuuan ng pagiging tao na iwinangis sa larawan ng Diyos. Kaya at ipinangusap, at lalangin natin ang tao ayon sa ating wangis at larawan. Kung gayon ano ang sa iyo ay makatutulong? Ang pumikit? Nguni't katiting lang na li...