2020-2021, Rebecca, Sikograpiya, Mga Hukom ng Gintong Panahon
2021-01-24 RAD Sakbibihin kayo ng tamis ng pag-ibig ng Ama at ng Panginoon ngayon at magpasawalang hanggan. Sa ugnayan na bahagi ang paghahayag at paglalantad ng bawat kaangkinan, kakayahan, antas ng talino, lawak ng karunungan at kaalamang angkin ng isang espiritu ay tulad ng tali na ang paggamit ay ibinabatay sa uri ng paggagamitan o pagtatalian. Ibinabagay ang uri ng taling gagamitin. Kung ang tatalian ay marami, makapal, mabigat hindi ka kukuha ng panaling manipis, makitid at madaling mapatid. Kung ang tatalian ay kaunti lamang hindi ka gagamit ng panaling mahaba sapagkat bukod sa ito ay magiging mabagal sa pagtatali ay waring magiging sayang dahil lumalabis ang panali. Paano kung ito ay ibabaling sa uri ng pakikipagugnay ng tao sa Diyos? Paano kung ang kalagayang ito ay i-uukol sa pagsulong sa kaunawaan ukol sa Diyos? Kahalintulad kaya ito ng ugnayan ng ama at ng anak sa sandaling dumating na ang hangganan ng ...