2023-12-02, Rebecca
2023-12-02 ARK GAB-RAD Paksa: Ano ang proseso o paraan upang magka-isa o mapag-isa ang isipan, damdamin at kalooban? Liwanag at kapayapaan ang tanggapin ng lahat at bawa’t isa ngayon at magpasawalang hanggan. Ang tao sa kaniyang kabuuan ay nagtataglay ng lakas na hindi maaaring hindi kalahok ang pag-iisip, ang damdamin, at ang dala ng kaniyang kalooban, sapagka’t ang mga kaangkinang ito ang siyang nagbibigay ng lakas at buhay upang gumalaw, gumawa, maghayag, magbukas ang sangkapin at ang kabuuan ng behikulong laman. Mga sangkapin ng laman Naroroon ngayon ang pag-iisa at pagbibigkis na ang nagiging pasimula at siyang nagiging daan upang maganap ang kaisahan ay ang sangkapin ng kaniyang laman: ang kaniyang mata na nakakakita, ang kaniyang teynga na nakaririnig, ang kaniyang ilong na nakaaamoy, ang kaniyang dilang nakalalasap, at ang kaniyang balat na nakadarama. Ang pagbubukas ng kamalayang dala-dala ng damdamin Kapag ito ngayon sa kaniyang pak...