1986, Koleksyon Arkanghel Salatiel
1982-11-14, TE
Buhat sa daigdig ng mga banal na batlaya'y ibinabati ko sa inyo ang kapayapaan sa lahat ng sandali!
Sinasabi na kung ang kapanahunan ng paghahasik ay naipagtatagumpay na mapalaganan sa maluwang na lupalop ng lupa, ang inaasahan ng magsasaka'y ang halamang itinanim ay tutubo at sa kapanahunanan ay magbubunga upang kanyang pakinabangan.
Ang tanong ko, sa buong panahon ng pagkakaroon ng pagkakataong ang mga kapatid ay maghasik at magtagumpay, ano ang inyong nakuha o nagapas na bunga ng inyong pinaghirapan?
Ano ang naging kapakinabangan ng sangkalagayan ng sangkatauhang nakakilala na ng katotohanan sa pamamagitan ng mga salita ng kabanalan na ipinapanaog ng kabatlayaan sa inyong kalagitnaan?
Mananatili na lamang bang sa lahat ng panahon ay kayo ay maghasik at hindi kayo makinabang? Magkakasya na lamang ba kayong magpakapagod at gumugol ng panahon sa walang tigil na paghahasik ng mga binhi ng kabanalan na itinatanim sa inyo ng kabatlayaan, at gayun ma'y hindi makitang kayo ay nakinabang at kayo ay pinaki-nabangan, sapagkat kayo ang mayaman kung kayo ay nagtagumpay sa inyong paghahasik.
Ganyan ang katuruan ng Espiritismo sa bayang ito. Binigyan kayo ng sapat na panahon upang kayo ay mahasikan ng mga katuruan ng karunungan at pag-ibig. Ang kulang sa inyo, mga kapatid ay ang bigyan ninyo ng ngipin ang kapangyarihan ng katarungan ng buhay, na ang bunga ng inyong pagkamanghahasik ay makita sa katunayan, na kayo nakinabang at pinakinabangan ng inyong mga kapatid.
Ang mabuting balita na kabanala'y hindi lagi nang sinasalita o binubuo ng mga titik saan mang dako ninyo ito isulat. Ang mabuting balita ng kabanala'y kinakailangang makita sa katauhan ng bawat isa sa inyo, na hindi na kayo lalayo at maghahanap ng kagandahan ng buhay at ng kadalisayan ng simulain ng pag-ibig at karunungan ng mga batlaya, sapagkat nasa inyong pagkatao, sapagka't kayo ang naging mapalad na nagtagumpay, na sapagka't nahasikan ay tumubo sa inyo ang binhi at kayo'y nagbunga nang karapat-dapat.
Samakatuwid baga'y naging manggagawa kayo sang-ayon sa katuruan ng katotohanan, sapagkat kayo ang siyang tapagpapatotoo ng magandang balita na inihasik sa inyo ng kabatlayaang sa inyo ay isinugo ng Diyos.
Maaari kayong magsalita ng maraming bagay; maaari kayong sumulat; datapwat ang lahat ng ito ay kalahatian lamang ng mga dapat mangyari sa katauhang naghahanap ng kabanalan at hindi nagpaparangalan lamang ng hindi pa nagagawa.
Maging manggagawa kayong nagsasakatunayan ng pag-ibig sapagkat kayo'y nag-aaral kung papaanong kayo ay iibig nang wasto at karapat-dapat. Maging tagasaliksik kayo ng karunungan, hindi upang kayo ay makilala at i-angat ng kapisanan ng magkakapatid sa inyong kapaligiran at sa inyong sariling pulutong. Kungdi upang ang karunungang nasaliksik ninyo ay makita sa inyong kabuhayan. Sapagkat wala na ng napakadakilang patotoo ang magandang balita ng buhay kungdi ang buhay na ito ay bumuti, maging banal, at maging patotoo ng katotohanang hinahanao ng buong daigdig.
Kayo ay mga Espiritista, mga ina ng tahahan, ama ng sangkaanakan sa inyong mga tahanan. Hangga ngayo'y hindi namin makita ang bunga ng magandang hasik ng kabatlayaang nagtuturo at nag-aakay sa inyong kayo ay maging wastong ina at karapat-dapat na ama.
Habang hinahanap ninyo sa malayong dako, habang hinahanap ninyo sa inyong mga kapatid ang kagandahan na inyong ibig makita at sinasaliksik, ay hindi kayo magtatagumpay sapagkat mali kayo ng inyong paghahanap, ligaw kayo sa inyong paghahaka.
Ang kinakailangan ay hanapin ng isang tunay na Espiritistang natuto ang mga bagay na mabuti, ang mga bagay na totoo at dakila, sa kanyang pagkatao, sapagkat siya ang nagkaroon ng tiwala sa kanyang mga gawa sapagkat hindi lumilihis ng isang natutong Espiritista. Iyan ang karangalan ng Espiritismo.
Paano napag-aaralan ang simulain ng Espiritismo, mga kapatid? Dito sa aking narinig sa mapalad na hapong ito ang magagandang hanay ng pananalita ng mga mag-aaral ng kabanalan sa loob ng lunduyan.
Saan hahanapin ang tagumpay ng kabanalan
Ang tagumpay ng kabanalan ay masusumpungan ninyo kung ang inyong nalalamang kabanalan ay naka-aakit na ng pagpapakabuti ng inyong mga kapatid sa labas ng lunduyan, kung ang karunungan ng kabatlayaang sa inyo ay nagtuturo at sumusubaybay ay hindi na maaaring agapayanan ng pag-aalinlangan ng tamad at ayaw gumawa, alang-alang sa katuparan ng kanyang pagkamanggagawa na anak ng Diyos.
Mga kapatid, panahon na ngayon na hindi ninyo aanihin ang palay ng bunga ng pagkakahasik sa inyo, upang inyong kanin at ipagbili sa halaga ng salapi, sapagkat kung inyong uubusin ang bunga na inyong inihasik, pagdating ng sumusunod na panahon ay ano ang inyong ibibinhi upang maihasik?
Ang moral ng Espiritu
Ito ang aking katugunan sa inyo. Kung nasalita na ninyo ang mga bagay na inyong natutunan sa loob ng paaralang ito, kung marunong na kayong maghanap ng kagalingan ng inyong mga kapatid, ay nakakatulda lamang kayo ng isang magsasaka na habang tinatanaw niya ang malagong palayan ng bunga ng kanyang pagkakahasik dito ay kinatamarang gapasin ang palay, sinupin upang ito ay pakinabangan, hindi lamang ng kanyang sarili kung hindi ng mga nangangailangan. Ganyan ang moral Espiritu.
Huwag ninyong kunin sa luho ang kabanalan sapagkat ang tunay na naghahanap ng kaharian ng mga langit ay nagpapakasakit, naghihirap, nagpapagod, nagpupuyat sa pagsasaliksik ng mga bagay na kinakailangan niya upang kanyang maunawaan at maipa-una niya sa mga kapatid ang katotohanan ng kanyang simulain.
Ang luho ng kabanalan
Ang luho ng kabanalan ng tao'y kung kanyang mahunos sa kanyang katauhan ang kapalaluan at sa halip nito ay maipalamuti niya sa kanyang pagkatao ang pagkilala sa kanyang tunay na kalagayan, kung ano ang mayroon siya at kung ano ang wala pa sa kanya na kinakailangan pa niyang hanapin. Kung hindi kayo nag-aaral, kung hindi kayo nahahandang magpakasakit magpuyat upang magampanan ang tungkuling ito ng isang tunay na mag-aaral ng Espiritismo, paano ninyo matutunan ang luho ng kabanalan?
Mga sagabal upang maunawaan ang mga bagay na dumarating
Kailangan ninyo ang buhay na ito; kailangan ninyo ang sagabal na humahandulong sa inyong landas; kailangan ninyo ang mga kapatid na sa inyo ay pumupuna at nag-uusig, ang nagbibigay sa inyo ng suliranin at sakit ng loob, sapagkat hangga't hindi ninyo nauunawaan ang mga bagay na ito ay dumarating sa inyo at gayon man ay kayo ay nakakikita ng kaaliwan, habang nananagano kayo sa mga bagay na aming binanggit ay sapagkat kayo ay nasa kapanahunan na. Itaga ninyo ang inyong tabak upang makita ninyo at masuri ang kataliman nito sa katuparan ng katotohanan ng buhay na iyan.
Huwag bigyan ng katuwiran ang pagkakamali, ni pagkaligaw ng landas
Huwag ninyong bigyan ng katuwiran ang inyong pagkakamali, ni ang inyong pagkaligaw sa inyong landas. Huwag ninyong ikaila ang inyong kahinaan at ang hindi ninyo kaalaman sa mga bagay na humahandulong sa inyo. Iyan ang tunay na kababaang kinikilala niyang wala sa kanya, kaya nga't nalalaman niyang hanapin, at pag-aralang hanapin kung saan niya makukuha, kung saan niya matutuhan ang mga bagay na ito na wala pa sa kanya.
Luho ng sanglibutan
Habang binibigyan ng tao na nag-aaral sa kapatagang iyan ng mga kadahilanan, ng mga katuwiran ang kanyang mga kamalian at kahinaan, hindi pa natatanggap ng tao ang hindi niya kaganapan sapagkat siya ay mayroon pa ng luho ng sanglibutang lupa.
Mga kapatid, iyan ang minamatyagan ng kabatlayaang sa inyo ay sumusubaybay; iyan ang hinahanap-hanap namin na inyong maunawaan sa mga bagay na sa inyo ay aming itinuturo, ini-aaral at isinisakatunayan sa pamamagitan ng pag-unawa namin sa inyo at pagkilala kung saan lamang hahantong ang inyong kakayahan sa inyong pagkamang-gagawa sa buhay na iyan.
Mga kapatid, tinatawagan ang kababaihan, at i-aangat ko sa ikalawang antas ng pag-aaral na espirituwal ang kalagayan ng kababaihan. Ang kababaihan ay hindi lamang upang maging tapagpag-alaga ng tahanang itinayo nila ng kanyang kabiyak ng puso. Ang kababaihan ay hindi lamang upang maging pabinhian ng sumusunod na angkan ng lahi ng isang bayan. Ang kababaihan ay hindi lamang isang palamuti sa sangbayanan.
Tungkulin ng kababaihan
Sa antas na espirituwal, ang kababaihan ay siyang lupalop ng lupa ng sanglibutang ito, na sapagkat hindi pinakaitan ng kayamanan ang lupang ito na siyang tuntungan ng Diyos, mayroon kayo ng maghigpit na tungkulin na ang bawat binhi sa inyo ay inihasik ay tumubo at huwag mausyami, sapagkat kinakailangang kayo ay pakinabangan ng kaalamang magtutulak sa mga angkan ng lahi na alinman bayan upang ito ay sumulong at maging ganap.
Sa loob ng katuruan ng Espiritismo, ang nagsasakit makilala ang kanyang sarili ay nangangahulugan lamang na sinasaliksik niya ang bawat sulok ng kanyang pagkatao, sa pamamagitan ng kanyang isipan ay mabuksan ang kalawakan ang kanyang damdamin at kalooban upang maihanda niya ang kanyang sarili sa pagtanggap ng mga binhi ng kabanalan, upang mai-angat niya ang lahing sumusunod sa kanya. Iyan ang inyong tungkulin, o kababaihan. Kaya nga mag-aral kayo, magsaliksik at magpakasakit.
Iyan
ang ibabahagi ko sa inyo sa mapalad na hapong ito. Maghari sa inyo ang
kapayapaan at patnubayan kayo lagi na ng lakas na malabatlaya upang kayo
ay makatupad ng inyong tungkulin. Paalam..
1982-11-04, TE
Buhat sa daigdig ng mga banal na batlaya ay ibinabati ko sa inyo ang kapayapaan sa lahat ng sandali!
Sinasabi na kung ang kapanahunan ng paghahasik ay naipagtatagumpay na mapalaganan sa maluwang na lupalop ng lupa, ang inaasahan ng magsasaka'y ang halamang itinanim ay tutubo at sa kapanahunanan ay magbubunga upang kanyang pakinabangan.
Ang tanong ko, sa buong panahon ng pagkakaroon ng pagkakataong ang mga kapatid ay maghasik at magtagumpay, ano ang inyong nakuha o nagapas na bunga ng inyong pinaghirapan?Ano ang naging kapakinabangan ng sangkalagayan ng sangkatauhang nakakilala na ng katotohanan sa pamamagitan ng mga salita ng kabanalan na ipinapanaog ng kabatlayaan sa inyong kalagitanaan?
Mananatili na lamang ba na sa lahat ng panahon ay kayo ay maghasik at hindi kayo makinabang? Magkakasya na lamang ba kayong magpakapagod at gumugol ng panahon sa walang tigil na paghahasik ng mga binhi ng kabanalan na itinatanim sa inyo ng kabatlayaan, at gayun ma'y hindi makitang kayo ay nakinabang at kayo ay pinakinabangan, sapagka't kayo ang mayaman kung kayo ay nagtagumpay sa inyong paghahasik?
Bunga ng paghahasik, kapakinabangan sa sarili at mga kapwa
Ganyan ang katuruan ng Espiritismo sa bayang ito. Binigyan kayo ng sapat na panahon upang kayo ay mahasikan ng mga katuruan ng karunungan at pag-ibig. Ang kulang sa inyo, mga kapatid ay ang bigyan ninyo ng ngipin ang kapangyarihan ng katarungan ng buhay, na ang bunga ng inyong pagkamanghahasik ay makita sa katunayan, na kayo nakinabang at pinakinabangan ng inyong mga kapatid.
Hasik ng kabanalan na tumubo ang binhi at nagbunga ng karapat-dapat
Ang mabuting balita na kabanalan ay hindi lagi nang sinasalita o binubuo ng mga titik saan mang dako ninyo ito isulat. Ang mabuting balita ng kabanalan ay kinakailangang makita sa katauhan ng bawat isa sa inyo.
Na hindi na kayo lalayo at maghahanap ng kagandahan ng buhay at ng kadalisayan ng simulain ng pag-ibig at karunungan ng mga batlaya, sapagkat nasa inyong pagkatao, sapagkat kayo ang naging mapalad na nagtagumpay, na sapagkat nahasikan ay tumubo sa inyo ang binhi at kayo ay nagbunga nang karapatdapat.
Manggagawa ayon sa katuruan ng katotohanan
Samakatuwid baga ay naging manggagawa kayo sang-ayon sa katuruan ng katotohanan, sapagkat kayo ang siyang tapagpapatotoo ng magandang balita na inihasik sa inyo ng kabatlayaang sa inyo ay isinugo ng Diyos.
Maaari kayong magsalita ng maraming bagay; maaari kayong sumulat; datapwat ang lahat ng ito ay kalahatian lamang ng mga dapat mangyari sa katauhang naghahanap ng kabanalan at hindi nagpaparangalan lamang ng hindi pa nagagawa.
Maging manggagawa kayong nagsasakatunayan ng pag-ibig sapagkat kayo'y nag-aaral kung papaanong kayo ay iibig nang wasto at karapat-dapat. Maging tagasaliksik kayo ng karunungan.
Hindi upang kayo ay makilala at i-angat ng kapisanan ng magkakapatid sa inyong kapaligiran at sa inyong sariling pulutong, kungdi upang ang karunungang nasaliksik ninyo ay makita sa inyong kabuhayan.
Sapagkat wala na ng napakadakilang patotoo ang magandang balita ng buhay kungdi ang buhay na ito ay bumuti, maging banal, at maging patotoo ng katotohanang hinahanap ng buong daigdig.
Kayo ay mga Espiritista, mga ina ng tahahan, ama ng sangkaanakan sa inyong mga tahanan. Hangga ngayon ay hindi namin makita ang bunga ng magandang hasik ng kabatlayaang nagtuturo at nag-aakay sa inyong kayo ay maging wastong ina at karapatdapat na ama.
Habang hinahanap ninyo sa malayong dako, habang hinahanap ninyo sa inyong mga kapatid ang kagandahan na inyong ibig makita at sinasaliksik, ay hindi kayo magtatagumpay sapagkat mali kayo ng inyong paghahanap, ligaw kayo sa inyong paghahaka.
Sapagkat ang kinakailangan ay hanapin ng isang tunay na Espiritistang natuto ang mga bagay na mabuti, ang mga bagay na totoo at dakila, sa kanyang pagkatao, sapagkat siya ang nagkaroon ng tiwala sa kanyang mga gawa sapagkat hindi lumilihis ng isang natutong Espiritista. Iyan ang karangalan ng Espiritismo.
Paano napag-aaralan ang simulain ng Espiritismo, mga kapatid? Dito sa aking narinig sa mapalad na hapong ito ang magagandang hanay ng pananalita ng mga mag-aaral ng kabanalan sa loob ng lunduyan. Saan ninyo hahanapin ang tagumpay ng kabanalan, mga kapatid?
Kabanalang naka-aakit ng pagpapakabuti ng kapwa
Ang
tagumpay ng kabanalan ay masusumpungan ninyo kung ang inyong nalalamang
kabanalan ay naka-aakit na ng pagpapakabuti ng inyong mga kapatid sa
labas ng lunduyan, kung ang karunungan ng kabatlayaang sa inyo ay
nagtuturo at sumusubaybay ay hindi na maaaring agapayanan ng
pag-aalinlangan ng tamad at ayaw gumawa, alang-alang sa katuparan ng
kanyang pagkamanggagawa na anak ng Diyos.
Mga kapatid, panahon na
ngayon na hindi ninyo aanihin ang palay ng bunga ng pagkakahasik sa
inyo, upang inyong kanin at ipagbili sa halaga ng salapi. Sapagkat kung
inyong uubusin ang bunga na inyong inihasik, pagdating ng sumusunod na
panahon ay ano ang inyong ibibinhi upang maihasik? Ito ang aking
katugunan sa inyo.
Ang moral ng Espiritu
Kung nasalita na ninyo ang mga bagay na inyong natutunan sa loob ng paaralang ito, kung marunong na kayong maghanap ng kagalingan ng inyong mga kapatid, ay nakakatulda lamang kayo ng isang magsasaka na habang tinatanaw niya ang malagong palayan ng bunga ng kanyang pagkakahasik dito ay kinatamarang gapasin ang palay, sinupin upang ito ay pakinabangan, hindi lamang ng kanyang sarili kung hindi ng mga nangangailangan. Ganyan ang moral Espiritu.
Huwag ninyong kunin sa luho ang kabanalan sapagkat ang tunay na naghahanap ng kaharian ng mga langit ay nagpapakasakit, naghihirap, nagpapagod, nagpupuyat sa pagsasaliksik ng mga bagay na kinakailangan niya upang kanyang maunawaan at maipa-una niya sa mga kapatid ang katotohanan ng kanyang simulain.
Ang luho ng kabanalan ng tao
Ang luho ng kabanalan ng tao'y kung kanyang mahunos sa kanyang katauhan ang kapalaluan at sa halip nito ay maipalamuti niya sa kanyang pagkatao ang pagkilala sa kanyang tunay na kalagayan, kung ano ang mayroon siya at kung ano ang wala pa sa kanya na kinakailangan pa niyang hanapin.
Kung hindi kayo nag-aaral, kung hindi kayo nahahandang magpakasakit magpuyat upang magampanan ang tungkuling ito ng isang tunay na mag-aaral ng Espiritismo, paano ninyo matutunan ang luho ng kabanalan?
Kailangan ninyo ang buhay na ito; kailangan ninyo ang sagabal na humahandulong sa inyong landas; kailangan ninyo ang mga kapatid na sa inyo ay pumupuna at nag-uusig, ang nagbibigay sa inyo ng suliranin at sakit ng loob.
Sapagkat hangga at hindi ninyo nauunawaan ang mga bagay na ito ay dumarating sa inyo at gayon man ay kayo ay nakakikita ng kaaliwan, habang nananagano kayo sa mga bagay na aming binanggit ay sapagkat kayo ay nasa kapanahunan na. Itaga ninyo ang inyong tabak upang makita ninyo at masuri ang kataliman nito sa katuparan ng katotohanan ng buhay na iyan.
Ang tunay na kababaang dapat kilalanin
Huwag ninyong bigyan ng katuwiran ang inyong pagkakamali, ni ang inyong pagkaligaw sa inyong landas. Huwag ninyong ikaila ang inyong kahinaan at ang hindi ninyo kaalaman sa mga bagay na humahandulong sa inyo. Iyan ang tunay na kababaang kinikilala niyang wala sa kanya, kaya nga't nalalaman niyang hanapin, at pag-aralang hanapin kung saan niya makukuha, kung saan niya matutuhan ang mga bagay na ito na wala pa sa kanya.
Habang binibigyan ng tao na nag-aaral sa kapatagang iyan ng mga kadahilanan, ng mga katuwiran ang kanyang mga kamalian at kahinaan, hindi pa natatanggap ng tao ang hindi miya kaganapan sapagkat siya ay mayroon pa ng luho ng sanglibutang lupa.
Mga kapatid, iyan ang minamatyagan ng kabatlayaang sa inyo ay sumusubaybay; iyan ang hinahanap-hanap namin na inyong maunawaan sa mga bagay na sa inyo ay aming itinuturo, ini-aaral at isinisakatunayan sa pamamagitan ng pag-unawa namin sa inyo at pagkilala kung saan lamang hahantong ang inyong kakayahan sa inyong pagkamanggagawa sa buhay na iyan.
Ang pag-angat sa ikalawang antas ng kababaihan ukol sa pag-aaral na espiritwal
Mga kapatid, tinatawagan ang kababaihan, at i-aangat ko sa ikalawang antas ng pag-aaral na espirituwal ang kalagayan ng kababaihan. Ang kababaihan ay hindi lamang upang maging tapagpag-alaga ng tahanang itinayo nila ng kanyang kabiyak ng puso. Ang kababaihan ay hindi lamang upang maging pabinhian ng sumusunod na angkan ng lahi ng isang bayan. Ang kababaihan ay hindi lamang isang palamuti sa sangbayanan.
Sa antas na espirituwal, ang kababaihan ay siyang lupalop ng lupa ng sanglibutang ito, na sapagkat hindi pinakaitan ng kayamanan ang lupang ito na siyang tuntungan ng Diyos.
Mayroon kayo ng maghigpit na tungkulin na ang bawat binhi sa inyo ay inihasik ay tumubo at huwag mausyami, sapagkat kinakailangang kayo ay pakinabangan ng kaalamang magtutulak sa mga angkan ng lahi na alinman bayan upang ito ay sumulong at maging ganap.
Sa loob ng katuruan ng Espiritismo, ang nagsasakit makilala ang kanyang sarili ay nangangahulugan lamang na sinasaliksik niya ang bawat sulok ng kanyang pagkatao. Sa pamamagitan ng kanyang isipan ay mabuksan ang kalawakan ang kanyang damdamin at kalooban upang maihanda niya ang kanyang sarili sa pagtanggap ng mga binhi ng kabanalan, upang mai-angat niya ang lahing sumusunod sa kanya. Iyan ang inyong tungkulin, o kababaihan. Kaya nga mag-aral kayo, magsaliksik at magpakasakit.
Iyan ang ibabahagi ko sa inyo sa mapalad na hapong ito. Maghari sa inyo ang kapayapaan at patnubayan kayo lagi na ng lakas na malabatlaya upang kayo ay makatupad ng inyong tungkulin. Paalam, Arkanghel Salatiel.

Comments
Post a Comment