Posts

Showing posts from August, 2024

2024-08-30, Rebecca

2024-08-30 SAN ANT-RAD Liwanag at kapayapaan sa kaitaasan ngayon at magpasawalang hanggan. Ang paggawa ng bawa’t tao kung minsan ay nagkakaroon ng kinalaman ang kanyang kinamulatan. Kung ano ang kinamulatan ng isang bata at yaon din ang ipinamulat ng isang magulang, naroroon ang pagsibol ng isang kaalaman kung papaano siya ay gagawa sa kanyang buhay. Samakatwid, kung ang kinamulatan ay isang uri ng pundasyon ng paggawa, marahil ay magiging maganda kung ang bawa’t magulang ang ipinamulat ay ang pag-ibig sa Diyos. Ang paggalang at pagpapahalaga; sa magandang kaugalian, sa magandang kaasalan, upang sa kanyang pakikitalad sa buhay ito ang kanyang lakarin. Datapwa’t sadyang naroroon laging dalawang bahagi ang kailangang matanaw ng bawa’t isa. Na, sa dalawang bahaging ito doon ngayon maghahawan ng landas upang makita ng isang musmos kung alin ang tama at kung alin ang mali. Kung alin ang mabuti na karapat-dapat at alin ang mabuti na hindi karapat-dapat. Diyan ngayon ...