2023-08-08, Rebecca
2023-08-08 ARK GAB-RAD Pag-ibig at kapayapaan ang siya nawang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at magpasawalang hanggan. Kung lilimiin ng bawat tao ang kanyang kabuuan at ang kanyang kapaligiran ay magkasama sa bawat sandali, sa bawat araw, at sa bawat pagkakakataon na tinatanggap ang buhay. Kahayagang hayag Sapagkat ang buhay ay nagdadala at naglalarawan ng dalawang kalagayan, kahayagang hayag at kahayagan na nalilingid. Kalagayang hayag na ang matatanaw kung ano ang laman ng mundo, kung ano ang nakapaloob sa mundo, ang kalikasan, ang tao na dito ay naninirahan, ang mga bahagi na ginawa ng tao na nakikita at natatanaw. At sa kalagayang iyan ano ang hindi nakikita? Ang karunungang nalilihim sa bawat isa. Kaya nga at winika ko, “nagsasama ang tao at ang kanyang kapaligiran sa bawat sandali .” Kahayagang nalilingid o lihim Sapagkat kung naroroon ang kahayagang lihim ay mauunawaan kung ano ang dala ng puso, kung ano ang dala ng pag-iisip, kung ano ang dala ng damdamin at kaloob...