1995-1996, LVS, Koleksyon - Arkanghel Uriel

1994-10-02, EB

Ang liwanag ng Espiritu Santo ang tumanglaw sa lahat at bawat isa, ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, bayaan ninyong mapuspos ang inyong mga pag-iisip at bayaan din ninyong huwag magpaliwa-liwa ang inyong mga pag-iisip na iyan sa pamamagitan ng maraming uri ng pag-aaral ng tao sapagkat sa kasalukuyang pag-aaral ng bawat isa.

Isa-isa kayong nagha-hanap ng maraming uri ng kasagutan sa inyong natutuhan subalit hindi pa panahon upang ang pag-aaral at kasagutan lagi nang inaaatabayanan ng bawat isa, hindi ipagkakaloob sa inyo sapagkat ang pag-aaral ng tao ay walang hanggan.

Nguni’t sa aba ng maraming kaalaman, hindi madalumat ng tao ang katotohan hindi baga lumuluha at ang mga luhang iyan ay huhugas sa maraming uri ng kamailan ng tao, nagiging daan upang mag-aral ang tao at sumamba sa Espiritu at katotohanan.

Mga bagay na ipinagkakaloob ko sapagkat sa panahon na pananahimik ng tao, sa panahon ng pamumuhay ng tao nagaganp bagay ang mga bagay na kung malapit ng sumuksok ang araw at lumalaganap na ang kadiliman, nananalangin ang mga tao ng bagay na maiaangkop niya sa pangangailangan ngunit hindi ang dalanging magpapasimula ay ang kapayapaan.

Sapagkat ano ang magiging katuturan ng bawat pananalangin ng tao kung sa kapaligiran ng kanilang kapamuhayang itinataguyod ay may alingawngaw ng mga digmaan, ng mga tukso sa iisang dugo at iisang kulay samantalang ang panalanging kainlangang maganap ay ang pagkakaunawaan ng tao upang ang mga bagay ng hinahanap ng sangkatauhang di mabigyan ng isang katotohanan ng lakas ng isang Makapangyarihan siyang nagpapaikot ng daigdigang kinadoroonan ng mga hugis ay magkaroon ng kahayagan sa pamamagitanng karunungan at kaalaman ng tao.

Marunong nga ang tao sa kanyang mga karanasan, marunong nga ang tao sa kanyang pag-aaral ngunit hindi karapat-dapat na gamitin ang karunungang iyan upang masira ang magandang lipunang kinadoroonan ng pag-aaral ng tao sapagkat maaaring sarilihin muna ang mga bagay na natutuhan ng isang malawak na kaalaman sapagkat hindi lahat ng may pakining ay nakauunawa at nakakalasa, hindi lahat ng kumakain ay nabubusog, gayon din ang hindi lahat ng nag-aaral na natutuo sa kanyang kaalaman ay kapakinabangan ng kanyang sarili.

Ngunit ang isang Espiritistang nagbilang ng maraming panahon ng pag-aaral ukol sa katotohanan ay makapagbibigay ng maraming tisod sa kanyang kabuuan, saan nariroon ang kahalaghan ng katagang lalong dakilang bagay ang ibigay ang buhay sa kanyan kaibigang. Ano ang kaibigang ito? Ito baga ay nagkakanlong ng maraming uri ng pagkakamali ng tao?

Hindi nga, mga minamahal na kapatid, sapagkat ang tunay na kaibigan ng tao ang kanyang kaaway sapagkat hindi nagkakanlong ng maraming nagkakamali upang ang tunay na landas na patungo sa pag-aaral ng katotohanan ay masapupo ng kaibigang itong maraming uri ng pagkakamali ay natutuhan.

Bayaan ninyo, mga iniibig na kapatid, na manatili kayo sa mga pangit na bagay. Huwag ninyong ambilin ang lagi nang maganda sa inyong pag-aaral sapagkat ang isang pangit na bagay ng matutuhang pagandahin ng isang mag-aaral ng katotohanan isang kapakinabangan ng aling mang lipunan na inyong kinadoroonan.

Sapagkat nauunawaan kong ang bawat isang maraming nalulong ng iba’t ibang uri ng damdamin ng tao ay maraming pag-aaral ang natutuhan ang kanyang sarili upang lumawak ang kanyang kaalamang hindi lalabag sa batas ng kanyang natutuhan.

Magkakaroon siya ng katarungan sapagkat naka-salalay ang kanyang buhay na ibibigay sa batas ng lipunana ng tao ayon sa ikagaganap ng lipunang ito upang magkaroon ng magandang simulain ang mga simulain.

Mga minamahal na kapatid, mga minamahal na kabatlayaan, bayaang ninyong sa pahaon ng pagtuklas ng aralin ng Espiritismo ay kayo ay marami na ang taon ang nagdaaan.

Huwag ninyong pamalagiing nakatakip ang isang dahon ng punong higiyerang hindi nagubunga sa panahon ng kanyang kapamuhayan ang itinataguyod sapagkat hindi na kayo nahihiya ngayon.

Sapagkat kayo ay gumagawa ngunit ang dahon itong pinakinabangan ng bawat tunay na tao ay alisin na sa panahong ito sapagkat ang kahihiyan ang nagdudulot ng pagsisikap ng tao ng paggawa ng na-aayon sa kanyang pag-aaral.

Hindi kayo hahatol kung hindi kayo ay aakay sapagkat sa panahong ito ay hindi lamang ang bulag ang inaakay, hindi lamang ang may karamdaman ang ginagamot, kung hindi ang kailangang gamutin ang ang kataasan at simbuyo ng kainitan ng tao sapagkat iyan ay pumupuksa ng alinmang lipunang kinadoroonan ninyo.

Iyan ang magbibigay ng maraming kapahamakan at uri ng pagkatisod ng tao, dahil diyan, mga minamahal na kapatid, gumising kayo. Iwanan ninyo ang paraiso ng kawalang-malay. Ipusag ninyo ang inyong mga kamay at ihakbang ninyo ang inyong mga paa upang kayo ay maka-akay ng katandaan at ng kabatlayaang hindi pa nawawala ang talukbong ng kamangmangan sa kanilang pagkatao.

Akayin ninyo at bigyan ninyo ng katagang magbibigay ng kasagutan sa maraming uri ng karunungan ng sangkatauhang iyan sapagkat panahon na upang kayo ay gisingin. Nanasain pa baga ninyong gisingin kayo sa isang naglalagablab na asupre na siyang magbibigay ng tunay na pagtawag sa Diyos Amang Makapangyayari.

Nanasain pa baga ninyong ang lahat ng mga tuhod ay lumuhod upang humingi ng “Ama ko, iligtas Mo po kami”, ngunit ang lahat ng bagay na iyan ang siayng daan ng katotohanan bigyang buhay na walang hanggang magbibigay ng magandang ala-ala sa maraming nilikhang hindi nagkakaroon ng pag-ibig sa kanyang kapwa.

Hindi kayo pinaparusahan sa pag-ibig ng Panginoon kung hindi, hindi lamang ang hinahagupit ay pinaparusahan. Hinahagupit ang tao upang matutuo sapagkat minamahal ang bawat isang makatikim ng isang latay ng latigo upang ang sugat at hapdi makapagbigay kasiglahan sa tao at gumawa ng mga bagay na maaaring daanan ng pananagumpay ng magandang nasain ng tunay na tao manatili kayong mapapayapa sa inyong kinadoroonan.

Hindi kayo mapaapapasok ng magnanakaw sapagkat kayo ay nagpupuyat at hindi kayo nakakasiguro sa inyong kinadoroonan kung papaanong sa iba’t ibang dako ay nagkakaroon ng ligamgam ng pag-ibig.

Hindi kayo nakasisiguro inuulit ko, mga minamahal na kapatid, manalangin kayo sa ganap na ika 6:00 ng hapon. Iwanan ninyo ang malalaswang tanawin at kabuuan ng hindi pagkakaunawaan sa loob ng inyong mga tahanan.

Tipunin ninyo ang inyong mga bunso, minsan pa ay ipadamana ninyo ang katotohahan ng Ama at ng ina sa kabilugan ng kanyang mga mahal sa buhay sapagkat hindi lamang nakikilala ang pagmamahl ng magulang sa kanyang anak sa pamamagitan ng maraming uri ng pagkaing nasisira ngunit ang dalangin sa ganap na ika-6:00.

Sapagkat huwag kayong magkakaroon ng pag-aalinlangan at paghihintay sapagkat ang nakatabing na malaking bundok na ginawa ng Amang Makapangyarihan at pinalawak ng kalikasan ay magkakaroon ng pintuan upang pumasok ang malaking tubig na siyang huhugas sa maraming uri ng pagkakasala ng tao.

Ang isang Espiritista ay hindi naghihintay ng ligalig, nag-aambil ng kapayapaan at kung hindi magkaroon ng kahayagang huwag kayong hahatol sa mga kasangkapan sapagkat ang kasangkapan ay ginagamit lamang ng isang batlayang nakahandang magbigay ng magandang aralin sa maraming uri.

At sa halaga ng panahon ng aming gawain sa iba’t ibang dako ay hindi kayo pinabayaan ulila at bigyan kayo ng isang ala-alang magiging banal sa isang nakakaunawa at nakalalasa.

Mga minamahal na magulang, mga iniibig na kapatid, itanglaw ninyo ang liwanag ng inyong ilawan huwag ninyong tkalin ang langin ng inyong ilawan kung hindi punuin ninyo at bigyan ninyo ng liwanang ang maraming sulok ng daigdig ng kadiliman sa pamamagitan ng maalam na pananalangin ng isang tunay na Espiritista at may katapatan sa kanyang pananampalataya.

Kapayapaan ang akin iiwan sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman! Paalam, Arkanghel Uriel.

1994-09-04, FBT 

Pagpalain kayo ng dakilang Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga ginigiliw na kapatid, mga pinakaiibig na kabataan, na sa mga sandaling ito ay namamatnugot sa inyong gawain. Nawa ay damhin ninyo ang init ng pagnanasa na pangkaluluwa at makapagpatuloy kayo sa dakilang misyon ng inyong mga buhay ng ukol sa kinabukasan.

Hindi maitatanggi ng sinuman na ang kasalukuyang mga gulang na inyong sinusundan ay darating at darating na walang pasubali ang panahon kung kailan ang buto ng halaman na kinakailangan ng pitasin ay mapipitas kung kailan ang araw ng kanilang mga buhay ay susuksok upang pansamantala ay mapahingalay at maihanda ang panibagong bukas ng kanilang mga kaluluwa.

Samantalang kayo na hindi naiinitan ng labis, kayo na mayroon na ng mga sigla at lakas may init ng pagnanasang makatupad ng inyong tungkulin unang-unang hinihingi ko sa inyo, mga minamahal, ang isang matapat ang isang matiyaga na pagtulong at pagsubaybay sa pagtataguyod ng tungkulin ng simulaing ito.

Tinatanaw ko kayo at sinusubaybayan sa inyong mga kilos lalong-lalo na sa kislot ng inyong pag-iisip, kung ano ang inyong tunay na layunin upang kayo ay makibilog sa lipunang ito.

At sa iyo minamahal na pangulo ng inyong mga kapatid, sa kamuraan ng inyong pagkakilala pabayaan ninyong kayo ay pasimulan ko ng kaunting tulong na magiging marapat sa inyong lipunan.

Hindi ko sinasaklaw ang inyong mga patakaran at ang inyong mga dakilang layunin. Nakikihati lamang ako at nakikibahagi ng aking tungkulin maalalayan kayo at masubaybayan sa landas ng buhay at sa inyong mga tungkulin.

Unang-una ninyong pasisimulan ay ang matutuhan ninyo ang isang matapat na pakiki-ugnay sa Panginoon. Matutuhan ninyong buksan ang inyong mga mata upang tanawin ninyo ang kinakailangang ninyong pagsasakatuparan ng mga tunay na mithiin ng inyong pagkatao.

Upang magkaroon ng larawan ng kawanggawa sa kaluluwa ay gawin ninyo ang kawanggawa sa laman na abot ng inyong mga palad. Kung sakali na sa inyong lipunan wala man sa loob ng inyong lipunan ay makasumpong kayo ng mayroon ng karamdaman o kagulumihanan, naririyan na ang isang pagkakataon ng humahamon sa inyo upang patotohanan ninyong kayo ay nagsisimula ng gumawa at tumupad.

Isa-isang tabi ninyo ang mga bagay na maaari ninyong ipagpabukas at ang inyong harapin, tanawin ninyo ang inyong mga kapatid na nangangailangan ng inyong tulong.

Isipin ninyo na ang inyong lakas at panalangin upang ma-iambag ninyo sa inyong mga kapatid na nangangailangan ng kandili. Bigyan ninyo ng kapayapaan ang inyongkaiispan upang ang inyongmga kapatid na nagugulumihanan ay inyongf maagapayanan.

Hindi kayo magtatagumpay sa inyong tungkulin habang mayroon kayo ng iniiwanan. Hindi magiging matatag ang inyong lipunan habang kayo ay mayroon ng hindi pagtanggap sa mga bagay na kinakailangang tanggapin bagaman wala kayong ikaliligaya sapagkat ang naglilingkod ay hindi naghihintay ng kasiyahan. Ito ang inyong pakatandaan, mga iniibig na kabataan at sa ibang mayroon ng gulang.

Sa bawat paglilingkod ninyo na nakatanggap kayo ng sagwil sa inyong kalooban ay sama ng inyong kalooban, makadama kayo na mayroon hindi nasisiyahan sa inyong paglilingkod, makatatanggap kayo ng mga katagang hindi naging masarap sa inyong sarili at kayo ay naglingkod.

Katotohanang katotohanang ang lahat ng ito na hindi ninyo pinansin kung kayo ay nagtaas ng paningin sa kaitaasan, "Panginoon, maraming, maraming salamat sapagka't ang magiging kagantihan sa aking paglilingkod ay nasasa iyo at wala sa lupa.

Sapagkat kung sa lupang ito ay madama na ninyo ang kasiyahan, wala na kayong hihintaying kasiyahan sa dako pa roon. Kung sa inyong paglilingkod ay kinalagan na sa kapatagang ito, sa dako pa roon, walang laman ang inyong mga sisidlan sapagkat naipagkaloob na ninyo sa inyo sa kapatagang ito.

Bawat kirot na mararamdaman ninyong magkakaptid nang dahil sa inyong paggawa ng mabuti ay huwag malungkot sapagka habang mayroon kayo ng pinaglilingkuran, habang mayroon kayo ng tungkuling tinutupad ay nangangahulugan kayo ay maraming naiiwanan ng unang dako upang kayo ay makapagpanibagong antas ng inyong katayuan. Alalahanin ninyong hindi lamang ito ang daigdig.

Kung mayroon mumunting kasiyahan sa daigdig na ito ngunit malaki ang kalungkutan sa inyong matiyagang pagsasagawa, darating at darating ang panahon na aagnat kayo ng antas at ang dakong inyong paroronan ay doon ninyo malalasap ang katotohanan sa katuturan ng buhay na walang hanggan.

Mga minamahal na kapatid, mga iniibig na kabataan, nasa paanan ng Panginoon ang inyong pakatandaan ang aking mga bilin, magpakain sa mga nagugutom, magpainom sa mga nauuhaw, mag-alaga ng mga kapuspalad at may karamdaman at madadama ninyo ang kasiyahan sa panahon ng inyong pamamahinga kung saan ang lupang pangako ng Panginoon ay dadamhin ng lahat at bawat isa sa inyo.

Maging mabuti kayong anak ng inyong mga magulang, maging mabuti kayong kapatid ng inyong mga kapatid, maging mabuti kayong tagatupad ng inyong tungkulin sa labas at loob ng inyong lipunan. Maging mabuti kayong mamamayan ng inyong kapwa. Ang simulain ng Espiritismo ay naghuhubog ng magandang kaugalian at wala nang sinumang may karapatang dungisan ang layuning ito sa sangkatauhan.

Iyan ang aking inilalagak at nawa ay sumainyong muli ang kapayapaan, ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong Patnubay, Propeta Uriel.

1994-08-28, EB

Walang Paligsahan sa Pag-aaral ng Espiritismo, Ang Pagsusuri at Hindi ang Paghatol ang Kailangan

Kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman!

Mga iniibig na kapatid, sa pag-aaral ng bawat isa sa inyo na nau-ukol sa kabanalan at karunungan ay lakipan ninyo ng katalinuhan sapagkat kung papaanong ang kataga ng kabatlayaan sa inyong kalagitnaan ay wari bagang kayo ay nagkakaroon ng pag-aalinlangan. 

At ang wika ninyo at mga kasagutan sa inyong mga katanungan ang katagang ipinagkakaloob ang isang bungang pag-iisip ng maraming uri ng kasangkapang ginagamit sapagkat hindi ko kayo binibigyan ng ikatitisod kungdi katalinuhang panglangit ay may kababaan at matamang pagsusuri sa alinmang bagay na ipinagkakaloob sa paturuang ng Espiritismo. 

Malawak na ang panahon ng pag-aaral ng bawat isa kung kaya nga at hinahanap ng kabatlayaan ang mga ginintuang aral na isinilid sa inyong diwa ngunit alin ang inilalagay sa isang sulok ng inyong mga puso, mga iniibig na kapatid?

Kinakailangang palayain na ninyo ang inyong mga kaalaman sapagkat hindi masama ang katalinuhan at pagsusuri ng tao ngunit hindi sa bawat batas ng kinadoroonan ng isang pag-aaral ng Espiritismo, isang pagsusuri at paghatol sa mga uri ng nagpapaliwang sa palatindigang ito sapagkat inaalis na kayo sa kahatulan ng bawat isang may kahatulan ay walang karunungang pag-iisip ng tao.

Mga minamahal na kapatid, ang tinig ng kabatlayaan ay hindi namamaos ngunit may hangganan ang tinig na ito kung kaya nga at dumarating ang panahon ng isang espiritistang nagkaroon ng tungkulin sa loob ng paturuan ng Espiritismo, natisod sa isang bagay na paghatol ng tumitindig sa palatindigang ito sapagkat ang palatindigang ito ay puno ng biyaya at ng mga katagang mayroong lakip na kabanalan kung hindi ang pagsusuri at ang isang paghatol sapagkat hindi paligsahan ang pag-aaral ng Espiritismo.

Ang kataga na ipinagkakaloob sa pamamagitan ng tinig ng kabatlayaan at ng isang kasangkapang bagaman at mayroon kataasan ang kanilang mga pag-uugali at pagdating sa ganitong mga pagkakataon na kailangang gamitin ng kabatlayaan. 

At kung magpaumanhin man ang kabatlayaan at nagnanasa na sila ang makapangyayari sa alinmang mga kasangkapan gagamitin ngunit ang kabatlayaan ay mapagbigay at ipinagkaooban ng mahabang panahong pagsusuri at pag-aaral kung papaanong ang pagtanggap ng mababang espiritu o ng may kataasang Espiritu.

Mga minamahal na kapatid, hindi sapat sa isang espiritista kaya lamang nagiging mainit sa pagtupad ng tungkulin sa loob ng paturuang Espiritismo nakatindig at nanghihingi lamang ng biyaya sa laman at sa diwa at sa kaluluwa ay hindi maipagpatuloy ang biyayang hinihingi sapagkat marami ang mga untol na mga bagay at pagpuna na hindi matanggap ng mga damdamin ng tao nang dahil sa ngalan ng tunay na pag-ibig.

Mga minamahal na kapatid, hahamunin ang katalinuhan ng bawat isang espiritistang magpapatuloy ng paghahayag ng katotohanan. Maging matatag kayo sapagkat ang higit na marunong sa inyong mga katauhan hindi lamang sa palatindigang ito ninyo ginaganap sapagkat nau-unawaan ng kabatlayaan ang pag-aaral ng bawat isa sa inyo ay napaka magandang bagay na bihisan ng inyong mga pagkatao.

At ang pag-aaral naman sa lupa ay katulad ng Banal na Aklat na ito ay sa alinmang lunduyang tunguhan ng bawat isa ay mayroong mga kasangkapang hindi ginagamit ang kataga ng kabatalayaan. Pinupukol kung saan naroon nakabitin ang mga pangungusap na pinupukol ng pag-iisip at nai-uugnay ng mga kasangkapan.

Ang Banal na Aklat ay maisadiwa at makakabisa ng bawat isang ebanghelista ngunit ang kabatlayaan at ang katagang ipinagkakaloob sa inyong kalagitnaan sa ngayon mahirap isadiwa ng isang kasangkapan sapgka’t maraming alagatain ang laman na ito na nangangailangan ng maraming uri ng biyaya.

Una at higit sa lahat ang isinasakatuparan ng tao ay ang sa laman, ang pag-ibig sa laman ay naiiwanan ang pag-ibig sa diwa at makatotohanan at ang ikadlong sa pangkaluluwang tumatanggap ng alinmang karamdaman.

Walang karamdaman ang kaluluwa, ang katawang laman ay mahina at lahat ng basura ipinagkakaloob na magiging abo pagdating ng panahon ang siyang mahirap kalabanin ng tunay na tao.

Mga minamahal na kapatid, magpapatuloy kayo at huwag kayong manghihina sapagka’t ang panghihina ng bawat isa sa inyo ay magbibigay ng isang karamdamang tataglayin pa ninyo sa muling buhay.

Mahirap ang may utang, ang mangutang sa laman ay hindi binayaran at kinamatayan ng kinautangan ay saka muling pagbabayaran ngunit sa diwa at kaluluwa ay magkakaroon ng walang hanggang pag-aaral sapagkat pagbabayaran ng tao ang kahuli-hulihang beles ng kanyang pagkakautang.

Kapayapaaan ang aking iiwan sa lahat at bawat isa, ngayon at magpakailan man! Paalam…

1994-10-02, EB

Ang liwanag ng Espiritu Santo ang tumanglaw sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, bayaan ninyong mapuspos ang inyong mga pag-iisip at bayaan din ninyong huwag magpaliwa-liwa ang inyong mga pag-iisip na iyan sa pamamagitan ng maraming uri ng pag-aaral ng tao.

Sapagkat sa kasalukuyang pag-aaral ng bawat isa sa inyo ay isa isa kayong naghahanap ng maraming uri ng kasagutan na inyong natutuhan subalit hindi pa panahon upang ang pag-aaral at kasagutan lagi nang inaantabayanan ng bawat isa.

Hindi ipagkakaloob sa inyo sapagka't ang pag-aaral ng tao ay walang hangganan nguni't sa aba ng maraming kaalaman, hindi madalumat ng tao ang katotohan. Hindi baga lumuluha, at ang mga luhang iyan ang huhugas sa maraming uri ng kamalian ng tao na nagiging daan upang mag-aral ang tao at sumamba sa Espiritu at katotohan.

Mga bagay na ipagkakaloob ko sapagkat sa panahon ng pananahimik ng tao, sa panahon ng pamumuhay ng tao,nagaganap baga ang mga bagay na kung malapit ng sumuksok ang araw at lumaganap na ang kadiliman.

Nanalangin ang mga tao ng bagay na mai-aangkop niya sa pangangailangan ngunit hindi ang dalanging magpapasimula ay ang kapayapaan sapagkat ano ang magiging katuturan ng bawat pananalangin ng tao kung sa kapaligiran ng kanyang kapamuhayang itinataguyod ay may alingawngaw ng mga digmaan? ng mga tukso sa iisang dugo at iisang kulay?

Samantalang ang panalanging kinakailangangg maganap ay ang pagkaka-unawaan ng tao upang ang mga bagay na hinahanap ng sangkatauhang di mabigyan ng isang katotohanan ng lakas ng isang Makapangyarihang siyang nagpapa-ikot ng daigdignag kinadoroonan ng mga hugis at magkaroon ng kahayagan sa pamamagitan ng karunungan at kaalaman ng tao.

Marunong ang mga tao sa kanyang mga karanasan, marunong nga ang tao sa kanyang pag-aaral nguni't hindi karapat-dapat na gamitin ang karunungang iyan upang makasira ng magandang lipunang kinadoroonan ng pag-aaral ng tao.

Sapagka't maaaring sarilihin muna ang mga bagay na natutuhan ng isang malawak na kaalaman sapagka't hindi lahat ng may pakinig ay naka-uunawa at nakakalasa. Hindi lahat ng kumakain ay nabubusog, gayon din ang hindi nag-aaral na natuto sa kanyang kaalaman ay kapakinabangan ng kanyang sarili.

Nguni't ang isang espiritistang nagbilang ng maraming panahon ng pag-aaral ukol sa katotohanan ay makapagbibigay ng maraming tisod sa kanyang kabuuan. Saan naroroon ang kahalagahan ng katagang lalong dakilang bagay ang ibigay ang buhay sa kaniyang kaibigan? Ano ang kaibigang ito? Ito baga ay nagkakanlong mg maraming ui ng pagkakamali ng tao?

Hindi nga, mga minamahal na kapatid, sapagka't ang tunay na kaibigan ng tao ang kanyang kaaway sapagka't hindi nagkakanlong ng maraming nagkakamali upang ang tunay na landas na patungo sa pag-aaral ng katotohanan ay masapupo ng kaibigang ito ang maraming uri ng pagkakamali ang natutuhan.

Bayaan ninyo, mga iniibig na kapatid, na manatili kayo sa mga pangit na bagay. Huwag ninyong ambilin ang lagi nang maganda sa inyong pag-aaral sapagka't ang isang pangit na bagay na matutuhang pagandahin ng isang nag-aaral ng katotohanan, isang kapakinabangan ng alin mang lipunan na inyong kinadoroonan sapagka't nauunawaan kong ang bawa't isang maraming nakaulong na ibat'ibang uri ng damdamin ng tao ay maraming pag-aaral at natutuhan ang kanyang sarili upang lumawak ang kanyang kaalamang hindi lalabag sa batas na kanyang natutuhan.

Magkakaroon siya ng katarungan sapagka't makasalalay ang kanyang buhay na ibibigay sa batas ng lipunan ng tao ayon sa ikagaganda ng lipunang ito upang magkaroon ng magandang simulain ang mga simulain.

Mga minamahal na kapatid, mga minahal na kabataan, bayaan ninyong sa panahon ng pagtuklas ng aralin ng Espiritismo ay kayo ay marami na ang taon ang nagdaan. Huwag ninyong pamalagiing nakatakip ang isang dahon ng punong higiyerang hindi nagbubunga sa panahong ng kanyang kapamuhayan ang itinataguyod sapagka't hindi na kayo nahihiya ngayon sapagka't kayo ay gumagawa nguni't ang dakong itong pinakinabangan ng bawa't tunay na tao ay alisin na sa panahong ito sapagka't ang kahihiyan ang nagdudulot ng pagsisikap nga tao ng paggawa ng naaayon sa kanyang pag-aaral.

Hindi kayo hahatol, kung hindi, kayo ay aakay sapagka't sa panahong ito ay hindi lamang ang bulag ang inaakay, hindi lamang ang may karamdaman ang ginagamot, kung hindi ang kailangang gamutin ay ang kataasan at simbuyo ng ng tao sapagka't iyan ang pumupuksa ng alinmang lipunang kinadoroonan ninyo.Iyan ang magbibigay ng maraming kapahamakan at uri ng pagkatisod ng tao.

Dahil diyan, mga minamahal na kapatid, gumising kayo, iwanan ninyo ang paraiso ng kawalang malay. Ipusag ninyon ang inyong mga kamay at ihakbang ninyo ang inyong mga paa upang kayo ay maka-akay ng katandaan at ng kabataan.

Hindi pa mawawala ang talukbong ng kamangmangan sa kanilang pagkatao, akayin ninyo at bigyan ninyo ng katagang magbibigay ng kasagutan sa maraming uri ng katanungan ng sangkatauhang iyan sapagka't panahon upang kayo ay gisinging.

Nanasain pa baga ninyong gisingin kayo sa isang naglalagablab na asupre siyang nagbigay na tunay na pagtawag sa Diyos Amang Makapangyayari? Nanasain pa baga ninyong ang lahat ng mga tuhod ay lumuhod upang humingi ng "Ama ko, iligtas Mo po kami"?

Nguni't ang lahat ng bagay na iyan ang siyang daan ng katotohanan bigyang buhay na walang hanggang magbibigay ng magandang ala-ala sa maraming nilikhang hindi nagkakaroon ng pag-ibig sa kanyang kapwa.

Hindi kayo pinaparusahan sa pag-big ng Panginoon, kung hindi, hindi lamang ang hinahagupit ay pinaparusahan. Hinahagupit ang tao upang matutuo sapagka't minamahal, ang bawa't isang makatikim ng isang latay ay latigo pang sugat at hapdi makapagbigay kasiglahan sa tao at gumawa ng mga bagay na maaaaring daanan ng pananagumpay ng magandang nasain ng tunay na tao.

Manatili kayong mapayapa sa inyong kinadoroonan, hindi kayo mapapasok ng magnanakaw sapagka't kayo ay nagpupuyat at hindi kayo nakakaseguro sa inyong kinadorooan kung paanong sa iba't-ibang dako ay nagkakaroon ng ligamgam ng pag-ibig.

Hindi kayo nakakaseguro, unuulit ko mga minamahal na kapatid, manalangin kayo sa ganap na ika-6:00 ng hapon. Iwanan ninyo ang malalaswang tanawin at kabuuan ng hindi pagkakaunawaan sa loob ng inyong mga tahanan.

Tipunin ninyo an inyong mga bunso, minsan pa ay ipadama ninyo ang katotohanan ng ama at ng ina sa kabilugan ng kanyang mga kanyang mahal sa buhay sapagka't hindi lamang nakikilala ang pagmamahal ng magulag sa kanyang anak sa pamamagitan ng maraming uri ng pagkaing nasisira, kung hindi, ang dalangin sa ganap na ika-6:00.

Sapagka't huwag kayong magkakaroon ng pag-aalinlangan at paghihintay sapagka't ang nakatabing na malaking bundok na ginawa ng Amang Makapangyarihan at pinalawak ng kalikasan ay magkakaroon ng pintuan upang pumasok ang malaking tubig na siyang huhugas sa maraming uri ng pagkakasala ng tao.

Ang isang espiritista ay hindi naghihintay ng ligalig, nag-aambil ng kapayapaan at kung hindi magkaroon ng kahayagang ay huwag kayong hahatol sa mga kasangakapan sapagka't ang kasangkapan ay ginagamit lamang ng isang batlayang nakahangad magbigay ng magandang aralin sa maraming uri at sa halaga ng panahon ng aming gawain sa iba't ibang dako ay hindi kayo pinabayaang ulila at binigyan kayo ng isang ala-alang maging banal sa isang nakakaunawa at nakalalasa.

Mga minamahal na magulang, mga iniibig na kapaid, itanglaw ninyo ang liwanag ng inyong ilawan. Huwag ninyng takalin ang langis ng inyong ilawan, kung hindi, punuin at bigyan ninyo ng liwanag ang maraming sulok ng daigidg ng kadiliman sa pamamagitan ng maalam na pananalangin ng isang tnay na Espiritista at may katapatan sa kanyang pananampalataya.

Kapayapaan ang aking iiwan sa lahat at bawa't isa ngayon at magpakailanman! Paalam. Propeta Uriel.

1994-06-26

Ang biyaya at kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman.

Mga iniibig na kapatid, gaano katagal ang pag-aaral ng tunay na tao?At saan makikita ang pinakadiwa ng pinag-aaralan ng tao?

Mga katagang palaisipang hindi masusukat ng gaano mang matalinong taong ang lagi ng inihahayag ng kabatlayaan sa inyong kalagitnaan. Bagaman nauunawaan kong ang lahat ng naggugutom ay naghahanap ng pagkaing hindi maaaring sirain ng panahon at hindi napapanis. Ngunit bakit dumarating sa tao ang panghihina, paghahanap ng biyayang maitatakip sa kanyang pangangailangan ay hindi niya pagdaka matagpuan at nagtitiis pa ng maraming hirap.

Gayun pa man ay hindi kayo pinababayaan sapagkat hindi maaaring sa sandaling panahon binigyan ng pagkakataon ang tao na masapol ang biyayang ito ay dumarating ang oras na kailangang maganap na at ibibigay sa inyong mga palad. At gayun din sa mga minamahal kong kabataan kung umaasam ng biyayang pangkapatagan.

Hanggang sa, iniibig na pangulo ng kabataan umuugit upang sumigla ang bawat isang inaalalayan ng kabatlayaan. Huwag kayong manghihina sapagkat ang panghihina ay mayroong karamdaman. At kung dumadalangin man ang tao sa kanyang karamdaman ay upang gumaling at mamanatang magpapakabuti at tutulong sa pagpapalaganap ng Banal na Kautusan ng Espiritismo.

Dahil diyan, mga iniibig na kapatid, ay matutupad at maikakalat ang diwa ng inyong pinag-aaralan, sa isang talatang ang pinagmulan ay naging tulay ng gabay sa kanyang buhay ang isang kirot ng lamang hindi maaaring takasan ng tao at hindi mapagagaling ng alin mang marurunong.

Mga inibig na magulang at mga kabataan, bigkisin niyo ng magandang pagkaka-unawaan at sang-usapan ang mga bagay na binabalak upang ang panatang pagpapakabuti at pagpapalaganap ng Banal na kautusan ng Dakilang Panginoon sa inyong pagkatao.

At ibinabalik ko sa pangulo ng kabataan hindi nagkulang ng lahat ng biyaya ang hinihingi mo. Ang pagnanasa mong matawid ang ibayo ng dagat upang maibigay mo ang higit na kaligayahan at biyaya sa kasuyo at sa iyong bunso, alang-alang sa kanyang kinabukasan. Hindi baga nasa iyong mga palad ang biyaya?

Hindi ako nanunumbat at kungdi ako ay nagpapa-alala sa alin mang matandang Espiritista at kabataang Espiritista ay panahon na upang ang punong kahoy ng higuerang hindi namumunga dumating ang panahon ay pakinabangan ng tao.

Naitakip ng nilikhang magkasuyo ng makadama at mamulat, maalis sa kamangmangan ang tunay na tao at natutong mahiya at itinakip sa kahubaran ng magkasuyo ang isang dahon ng higiyerang dumating ang panahong pakikinabangan ng bawat isa.

Hubarin ninyo, mga iniibig na kapatid, ang tabing ng dahon ng higiyera ang kahihiyan ay isa-isang tabi ninyo sapagkat ang nahihyang tao ay mayroon ng pagkasalat lumabag sa Batas ng Panginoon.

Ngunit paminsan-minsan mga iniibig na kapatid, ang nagbubunsod sana ay ng pagkakasalang nagdudulot na kahihiyang ito ay dumarating at ang kahihiyan ay ipakikilala ng taong hindi siya maalaam mahiya sapagkat siya'y gagawa ng ayon sa kanyang natututuhan sa loob ng batas bg Espiritismo.

Humayo kayo at itanglaw ninyo ang liwanag sapagkat kailangang kailangan na ngayon ang liwanag. Kung papaanong dumarami ang nag-aaral, lalong dumarami ang humahatol at kailangan sa isang Espiritista ang mamalagi sa magagandang tanawin ngunit pinaganda ng kanyang kaalaman at ang lalo’t higit na pangangailangan ninyo sa panahong ito ay ang mga pangit na bagay sapagkat maalam na kayong magpaganda ng mga pangit na bagay.

Iyan lamang at pag-aralan ninyo ang aking mga banggit sapagkat ang panahon ay umiigsi nang dahil sa kapabayaan ng tunay na tao. Ngunit ang panahon ay hahaba dahil sa pag-aaral ng tunay na Espiritista maraming uri ng hirap ang dananasin ng tao. Gutom, uhaw ng kaluluwa at bagabag at ligalig ng inyong bansa at ng kapatagang-lupa nguni't hindi pa ito ang wakas upang dagdagan ang kaalaman ng bawat isa.

Kapayapaan ang aking iiwan sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman. Paalam.

1993-11-21, FBT 

Ang pagpapala ng Dakilang Panginoon ang sumainyo, maliga-yang bati sa inyong karagdagang bilang ng mga taon.

Mga iniibig na kabataan, sapagkat nalalaman ninyo na ang gulang maging sa tao at maging sa halaman ay kinakailangang magkaroon ng matagal na panahon o ng gulang na katulad ng inyong bagong lalakaran.

Kung ihahambing sa mga tao hanggang, sa inyong katayuan sa gulang na iyan, ay marami na kayong natutuhan kung kayo ay nag-aaral sa karunungang pangtao nakatapos na kayo ng ilang yugto sa inyong hinahangad na pagtapusan.

Mayroon sa inyo ng dumating at dadating sa gulang na iyan na nawa ay ang kanyang katauhan ay nabigyan niya ng magandang aral, nagkaroon ng halaga ang mga panahon sa kanyang nilakaran.

Na kung sa kanyang pagdidili-dili magmula sa kanya-kanyang kamusmusan, sa mga panahong kanyang nilakaran ay matatanaw niyang mayroon nang mga matatanda at mahaba-habang kasaysayan sapagkat sa katotohanan ay hindi maaaring magsimula sa unang taon ng inyong pagiging tao na pawang kaligayahan at kasiyahan ang dadamhin ng inyong mga sarili.

Kinakailangang magkaroon ng iba at ibang uri ng karanasan ang bawat nilalang upang matutuhan at mabuklod ang lahat ng karapat-dapat na itago sa kanyang sidilan.

Hindi ko sinasabing kahabahabag at sayang ang mga kabataang naliligaw ng landas kungdi nahahabag ako at naghahangad ng kanilang ikapapanuto sapagkat katotohanang katotohanang ang maruming napalinis ay lalong kalinislinisan katulad ng isang maputing bagay na lalong iingatan upang huwag magkaroon ng maliit na bahid ng karumihan.

At kung kayo naman ang mga nilalang na nagkaroon ng magandang pagkakataon na nilakaran, natututong lumilim sa tunay na kandili ng mga magulang at mabuting tagasunod ng mga magulang sa wastong kaparaanan.

Sapagkat, huwag ipagdam-dam ng aking mga kapatid na mga magulang, ay mayroon din sila ng pagkakamali paminsan minsan. Na kung minsan ay tinatatanaw ng mahinang kaisipan ang kanilang mga bunso ng kamalian sapagkat malakas ang hikayat ng pagkakamali kaysa sa matuwid.

Ngunit kung ang isang nilalang ay sadya ay mayroon nang unlad na katayuan, hindi tinatanaw ang pangit o ang pulaan kung hindi tinatawag ng pangit na mga bagay ay ambilan ng dalangin.

At kung kayong kabataan ay kabilang sa mga nagtataguyod ng dakilang simulain, buong katapatang ibinibilin ko sa bawat isa sa inyo magmula sa inyong minamahal na pangulo at sa inyong mga kagawad at sa lahat ng mga kapatid na kabilang sa inyong lipunan, huwag ninyong bayaang magkaroon ng dungis ang inyong mga pagkatao nang dahil sa inyong paggawa ng kamalian. Sa munti ninyong pagkakamali ay babagsak at mawawalan ng karangalan ang inyong nanunungklulan.

Mga kapatid, sa sandaling kayo lumikha nang hindi karapat-dapat, katotohanang sinasabi ko mapupulaan at mabibigyan ng sisi ang kalipunan ng mga espiritista.

Huwag ninyong pababayaan kung hindi pagyamanin ninyo at mahalin ninyo ang inyong mga natutunan hindi lamang natutuhan upang kayo ay mangusap kung hindi kayo ay gumawa, matuto kayong gumawa nang mabuti sa inyong tahanan hanggang sa inyong kapaligiran.

Bigyan ninyo ng karangalan ang inyong mga magulang, mga kapatid, at ang lipunang ito na inyong kinabibilangan. Pahalagahan ninyo ang tulong ng mga katandaan, huwag ninyong tatanawin ang kamalian ng isa ninyong kapatid o sinuman kung hindi ituwid ninyo.

Sapagkat sa sandaling kayo ay magkamali at pulaan ninyo ang sinuman ay pagbalikan ninyo sa inyong kaisipan kung ano ang inyong inihagis sa inyong kapwa ay babalik at babalik sa inyong mga sarili.

Huwag ninyong pulaan ang inyong mga kapatid at hindi kayo mapupulaan sapagka’t magmula sa kamangmangan ay matututo sa katalinuhan at kadakilaan ang tao.

Magmula sa karukhaan ay patungo sa isang katayuang magdadala sa kanya sa kagutuman at patuloy ninyong ilalagay sa inyong mga kaisipan ang mga mabubuting aralin at sa inyong mga palad ay bayaan ninyong matutuhan ang isang sentimo sa bawat dukhang nagugutom.

Mga minamahal na kabataan, ang katulad ninyo ay mga damo sa kaparangan, dumarating ang tagulan at kayo ay mayabong at marami ngunit pagdating ng tag-araw ay matutuyo at ilan na lamang ang sumusulpot. Yaon lamang matagal sa init, yan lamang ang mayroon ng tibay.

Ang nais ko sana sa lahat at bawa’t isa sa inyo, magtag-ulan man o tag-araw ay pilitin ninyong makatupad ng inyong mga tungkulin sapagkat ang mga katandaan, ang inyong mga magulang ngayon, ay kayo ang kinabukasan.

Papaano ninyo ihahabilin pagdating ng panahon ang inyong mga tungkulin sa inyong mga magiging supling kung kayo ay magpapakita ng katamaran?

Papaano ninyo maipalalasap ang kaligayahan nadadama ng isang mag-aaral kung hindi ninyo isasagawa?

Patuloy at magpapatuloy kayo na magiging mabuti kayong mga bata, magiging mabuting kayong mga anak, magiging mabuti kayong kasuyo at ng magiging kasuyo, magiging karangalan kayo.

Matututo kayong maging malakas upang pasanin ninyo ang isang mabigat na kabahayan na inyong itatatag pagdating ng panahon. Maging malakas kayo at hindi ninyo pababayaang gumupo ang kabuuan ng isang tahanan nang dahil sa inyong kahinaan.

Mga kapatid na kababaihang Espirista, maging mabuti kayong bata, magkaroon kayo ng malililinis na kaisipan, damdamin at kalooban at inihahabilin ko sa bawat isa sa inyo maging babae man o lalaki ang oo ng isang espiritista ay oo na dadalhin doon hanggang sa dako pa roon at ang hindi ay hindi na dadalhin pa rin sa dako pa roon.

Iyan ang aking ipinagkakaloob sa inyo at iniiwan, muli ko kayong binabati ng mahigpit na pakikikamay, maligayang pagpunta sa inyong nakaraan at sa inyong narating. Kapayapaan at liwanag, ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong Propeta.

1993-11-21, FBT

Ang pagpapala ng Dakilang Panginoon ang sumainyo, maligayang bati sa inyong karagdagang bilang ng mga taon.

Ang nais ko sana sa lahat at bawat isa sa inyo, magtag-ulan man o tag-araw ay pilitin ninyong makatupad ng inyong mga tungkulin sapagkat ang mga katandaan, ang inyong mga magulang ngayon, ay kayo ang kinabukasan.

Papaano ninyo ihahabilin pagdating ng panahon ang inyong mga tungkulin sa inyong mga magiging supling kung kayo ay magpapakita ng katamaran?

Papaano ninyo maipalalasap ang kaligayahan nadadama ng isang mag-aaral kung hindi ninyo isasagawa?

Patuloy at magpapatuloy kayo na magiging mabuti kayong mga bata, magiging mabuting kayong mga anak, magiging mabuti kayong kasuyo at ng magiging kasuyo, magiging karangalan kayo.

Matututo kayong maging malakas upang pasanin ninyo ang isang mabigat na kabahayan na inyong itatatag pagdating ng panahon. Maging malakas kayo at hindi ninyo pababayaang gumupo ang kabuuan ng isang tahanan nang dahil sa inyong kahinaan.

Mga kapatid na kababaihang Espirista, maging mabuti kayong bata, magkaroon kayo ng malililinis na kaisipan, damdamin at kalooban at inihahabilin ko sa bawat isa sa inyo maging babae man o lalaki ang oo ng isang espiritista ay oo na dadalhin doon hanggang sa dako pa roon at ang hindi ay hindi na dadalhin pa rin sa dako pa roon.

Iyan ang aking ipinagkakaloob sa inyo at iniiwan, muli ko kayong binabati ng mahigpit na pakikikamay, maligayang pagpunta sa inyong nakaraan at sa inyong narating. Kapayapaan at liwanag, ngayon at magpakailanman! Paalam, ang inyong Propeta.

1993-08-15, FBT

Saganain ang lahat ng mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, sa mapalad na sandaling ito, na ang lahat ay punong-puno ng paghahanda sa kanilang sarili upang kanilang matanggap ng buong kalayaan at kasaganaan ang hamog ng kaitasan. 

Ang bawat isa sa inyo ay nagtakda ng panahong katulad nito sapagkat nauunawaan ninyo gaano man ang inyong hinahanap ng mga bagay ng laman ay may panahon ng pagkaubos at may panahon ng pagkasira samantalang ang nau-ukol sa kaluluwa bagaman maliit ang panahon na inyong ini-uukol walang matatapon, walang masasayang kung sa bawat pag-aaral ninyo, mga minimahal na kapatid ay maging daladalahan ninyo sa dako pa roon ng inyong mga paglalakbay.

Kung magawa na ninyong maisakatuparan ang inyong pinag-aralan at hatid ng kabatlayaan, hatid ng Panginoon sa bawat isa sa inyo na ibigin ninyo ang dakilang Ama ng higit sa lahat at ibigin mo ang iyong kapwa ng katulad ng pag-ibig mo sa iyong sarili.

Kung matutuhan ng tao na ibigin ang Diyos, maging totoo sa puso ng bawat isa ang pag-ibig sa Diyos ay ano pa ang inyong hahanapin na hindi ninyo makukuha?

Anomang bagay ang kinakailangang dakilain ng tao sa daigdig na ito, kung hindi buong lingat na humanap ng pangangailangan ng kanyang laman. Makisabay sa agos ng lipunang mayroon kayo ng isang paninindigan na umiibig sa Dios ng buong katapatan.

Sa sandaling ibigin ninyo at magturo kayo ng pag-ibig sa Diyos ay hindi na kayo malulungkot. Hindi na kayo magdaramdam at lalong lalong hindi na kayo matututong mapoot sapagkat idaragdag ninyo ang hindi ginawa ng inyong kapwa ng hindi katulad ng pag-ibig ninyo sa inyong sarili.

Samakatwid baga ay kung mapopoot kayo sa inyong kapwa ay napoot din kayo sa inyong sarili kung kayo ay isang manggagawang tumutupad sa batas. Ngunit kung hindi ninyo iniibig ang inyong sarili ay hindi rin ninyo iibigin ang inyong kapwa. At kung hindi ninyo iniibig ang inyong kapwa ay lilihis kayo sa tunay na banggit ng isang totoong Kristyano.

Mga minamahal na kapatid, alinmang paaralan sa kapatagang lupa na natatag ng nau-ukol sa pananampalataya, anomang simulain ng bawat nilalang sa daigdig na ito ay iisa ang layunin, pag-ibig sa Panginoon at kapayapaan sa buong daigdig.

Kung ang pananam-palataya ay nakapagpapabago sa isang nilalang, ito ay nakasalig sa kanyang malakas na paninidigan ngunit kung ang pananampalataya ay sa mga labi lamang ngunit ang mga kanyang kilos ay labag sa pananampalataya, ulit-ulit man kayong manalangin, kung ang inyong lakas at buhay ay hindi ninyo iniuukol sa pag-ibig at paggawa ng mabuti sa inyong kapwa ang kalayaang namumutawi sa inyong mga labi maging isang balat kayo ng inyong pagkatao.

Gayon din ang bawat nilalang, lalong lalo pa ang maraming tinatangkilik sa buhay na iyan, ang mga nagtala na mayroon ng karangalang pandaigdig. Ngunit hindi nakatatarok ng tunay na katotohanang kung yaong kayamanang tinatangkilik mo sa buhay sa iyan ay kaalinsabay ng inyong paggalang sa inyong mga kapatid at pag-ibig sa Panginoon.

Wala nang hihigit pang dakila sa isang layuning katulad ng makilala ng taong umiibig at igalang ang kanyang kapwa katulad ng pag-ibig niya sa kanyang sarili. At ipamamayani pa rin ng pag-ibigan ng maraming nilalang, namamayani pa rin pagyurak sa karapatan at karangalan ng kanyang mga kapatid. Saan naroroon ang pananampalataya at paggalang sa Panginoon?

Katotohanang katoto-hanang sinasabi ko, mga minamahal na kapatid, na higit na maligaya at marangal ang isang nangangahoy sa gitna ng kabukiran na sa kanyang kadahupan sa buhay na iyan ay natututong magturo ng landas sa naghahanap at natutong magpainom sa nauuhaw.

Kayo sa isang may tinatangkilik sa buhay na walang bahala sa lahat ng suliranin nang kanilang kapwa hindi sinasayang ang panahon upang akayin ang mga nanghihina, hindi sinasayang ang panahon upang umunawa sa mahihirap.

Iyan ang kabaligtaran ng isang dukhang matalino kaysa isang mariwasang mangmang sapagkat ang mariwasang mangmang ay walang nalalaman kung hindi ang kariwasaan ng kanyang sarili bagay na hindi madadala ng kanyang sarili sa dako pa roon.

Ngunit ang isang mahirap, ngunit matalino sa bagay ng kanyang paninindigang ang kahirapan sa daigdig na mayroon na ng karangalang makatulong sa kanyang mga kapwa ay mayroon din siya ng kayamanang tataglayin hanggang sa dako pa roon.

Mga iniibig na kabataan at kayong mga kapatid ko na tulong-tulong kayong nag-aaral, huwag ninyong pabayaan sa kaibuturan ng inyong mga puso ay mayroon pa ng pag-iiringan, mayroon pa ng di pagkaka-unawaan.

Huwag ninyong sayangin ang ambil ng kabatlayaan sa lahat ng panahon. Kapayapaan ang aking inilalagak sa inyong kalagitnaan, pag-iibigang buong higpit na binibigkis sa inyong mga pagkatao kung wawalain ninyong katotohanang lahat ng iyan ay igagaang ng inyong mga sarili.

Kayo ang naghahanap na nagtatapon sapagkat ibinibigay sa inyo kung hindi ninyo isinasagawa at inyong pinagwawalang bahala. Kung kayo ay iyan nga kahabag-habag kayo mga kapatid ngunit kung kayo ay isang nilalang na sa kabila ng lahat ng mga tiisin ay naririyan pa rin kayo at umaasa kayo’t gumagawa kayo ng kabutihan ukol sa inyong mga kapwa at nagpapatawad.

Huwag ninyong mahalin ang palakpak ng ginto ng mga tao, ang asamin ninyo ay isang kapanatagan ng paglalakbay ng inyong kaluluwa at patungo sa dako pa roon kung saan ang lahat ng kaligayahang hindi maaring bilhin ng salapi ay inyong matagpuan at isang kapayapaan ng inyong mga pagkatao na hindi matatawaran ng sinoman sa daigdig na ito.

Ang paghihirap ng laman ang pagkabigo ng laman ang lahat ng tiising binabalikat ng isang nilalang sa kapatagang lupa kung kanyang maitataguyod na hindi siya lumuluha, kung maitataguyod niyang hindi siya naghihimagsik, katotohanang katotohanang sinasabi ang lahat ang kahirapang iyan ay balok na mawawala pagdating ng panahon upang ang tunay na katamisan at kadakilaang makalusan nito ay malalantad.

Humayo kayo at magpatuloy kayong gumagawa at umuunawa kayo na biniyayaan ng Silahis ng Pag-ibig sa inyong pagkatao ay magpakatatag. Huwag ninyong bayaang matungtungan ang inyong mga pagkatao nang dahil sa kawalang-paggalang ng inyong mga kapwa, ngunit hindi ko kayo itinataboy na maghimagsik at magkaroon ng mga bagay ng paninindigan.

Manatili kayo sa inyong kinaroroonan hindi kayo maaaring yurakan sapagkat ang niyuyurahan ay yaong mga yagit na binhing pataba ng lupa kung hindi kayo ang mga sibol sa bagong panahon na nangangako ng isang magandang kinabukasang punong-puno ng pangungusap ng masaganang pagkain ng kaluluwa ng mga tao.

Lahat at bawat isa sa inyo ay kinasisinagan ko ng dakilang adhikain, lahat at bawat isa sa inyo ay mayroon ng magandang layunin sa ngalan ng simulain ng Espiritismo.

Hiniling ko lamang na magpakatatag kayo sapagkat habang ang tao’y natututo at nagsisikap gumawa na makaalpas sa maraming kamalian ay diyan nagsisimula ang hadlang at diyan din magsisimula ang paghamon sa inyong pagkatao kung sadyang kayo nga ay matatag.

Humayo kayo manatili kayo, inuulit ko inyong kinadoroonan, gawin ninyong sandata ang pag-ibig, gawin ninyong baluti ng inyong pagkatao ang silahis upang magkaroon ng hahayagan sa lahat ng dako ang silahis ng pag-ibig na tinataglay ng bawat isa sa inyo sa lahat ng panahon.

Inuulit kong papasukin ninyo ang pagbibigay ng pagkakataon sa inyong mga kapatid upang makasalo ninyo sa dulang ng Panginoon.

Kapayapaan ngayon at magpakailanman! Paalam, ang Patnubay ng kabataan…

1993-08-15,  FBT

Saganain ang lahat ng mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, sa mapalad na sandaling ito, na ang lahat ay punong-puno ng paghahanda sa kanilang sarili upang kanilang matanggap ng buong kalayaan at kasaganaan ang hamog ng kaitasan.

Ang bawat isa sa inyo ay nagtakda ng panahong katulad nito sapagkat nauunawaan ninyo gaano man ang inyong hinahanap ng mga bagay ng laman ay may panahon ng pagkaubos.

At may panahon ng pagkasira samantalang ang nau-ukol sa kaluluwa bagaman maliit ang panahon na inyong ini-uukol walang matatapon, walang masasayang kung sa bawat pag-aaral ninyo, mga minimahal na kapatid ay maging daladalahan ninyo sa dako pa roon ng inyong mga paglalakbay.

Kung magawa na ninyong maisakatuparan ang inyong pinag-aralan at hatid ng kabatlayaan, hatid ng Panginoon sa bawat isa sa inyo na ibigin ninyo ang dakilang Ama ng higit sa lahat at ibigin mo ang iyong kapwa ng katulad ng pag-ibig mo sa iyong sarili.

Kung matutuhan ng tao na ibigin ang Diyos, maging totoo sa puso ng bawat isa ang pag-ibig sa Diyos ay ano pa ang inyong hahanapin na hindi ninyo makukuha?

Anomang bagay ang kinakailangang dakilain ng tao sa daigdig na ito, kung hindi buong lingat na humanap ng pangangailangan ng kanyang laman. Makisabay sa agos ng lipunang mayroon kayo ng isang paninindigan na umiibig sa Diyos ng buong katapatan.

Sa sandaling ibigin ninyo at magturo kayo ng pag-ibig sa Diyos ay hindi na kayo malulungkot. Hindi na kayo magdaramdam at lalong lalong hindi na kayo matututong mapoot sapagkat idaragdag ninyo ang hindi ginawa ng inyong kapwa ng hindi katulad ng pag-ibig ninyo sa inyong sarili.

Samakatwid baga ay kung mapopoot kayo sa inyong kapwa ay napoot din kayo sa inyong sarili kung kayo ay isang manggagawang tumutupad sa batas. Ngunit kung hindi ninyo iniibig ang inyong sarili ay hindi rin ninyo iibigin ang inyong kapwa. At kung hindi ninyo iniibig ang inyong kapwa ay lilihis kayo sa tunay na banggit ng isang totoong Kristyano.

Mga minamahal na kapatid, alinmang paaralan sa kapatagang lupa na natatag ng nau-ukol sa pananampalataya, anomang simulain ng bawat nilalang sa daigdig na ito ay iisa ang layunin, pag-ibig sa Panginoon at kapayapaan sa buong daigdig.

Kung ang pananampalataya ay nakapagpapabago sa isang nilalang, ito ay nakasalig sa kanyang malakas na paninidigan ngunit kung ang pananampalataya ay sa mga labi lamang ngunit ang mga kanyang kilos ay labag sa pananampalataya.

Kung ang lakas at buhay ay hindi inilaan sa pag-ibig at paggawa nang mabuti ay isang pagbabalatkayo sa pagkatao

Ulit-ulit man kayong manalangin, kung ang inyong lakas at buhay ay hindi ninyo iniuukol sa pag-ibig at paggawa ng mabuti sa inyong kapwa ang kalayaang namumutawi sa inyong mga labi maging isang balat-kayo ng inyong pagkatao.

Gayon din ang bawat nilalang, lalong lalo pa ang maraming tinatangkilik sa buhay na iyan, ang mga nagtala na mayroon ng karangalang pandaigdig. 

Ngunit hindi nakatatarok ng tunay na katotohanang kung yaong kayamanang tinatangkilik mo sa buhay sa iyan ay kaalinsabay ng inyong paggalang sa inyong mga kapatid at pag-ibig sa Panginoon.

Wala nang hihigit pang dakila sa isang layuning katulad ng makilala ng taong umiibig at igalang ang kanyang kapwa katulad ng pag-ibig niya sa kanyang sarili. 

At ipamamayani pa rin ng pag-ibigan ng maraming nilalang, namamayani pa rin pagyurak sa karapatan at karangalan ng kanyang mga kapatid. Saan naroroon ang pananampalataya at paggalang sa Panginoon?

Katotohanang katotohanang sinasabi ko, mga minamahal na kapatid, na higit na maligaya at marangal ang isang nangangahoy sa gitna ng kabukiran na sa kanyang kadahupan sa buhay na iyan ay natututong magturo ng landas sa naghahanap at natutong magpainom sa nauuhaw.

Ang dukhang matalino at mariwasang mamgmang

Kayo sa isang may tinatangkilik sa buhay na walang bahala sa lahat ng suliranin nang kanilang kapwa hindi sinasayang ang panahon upang akayin ang mga nanghihina, hindi sinasayang ang panahon upang umunawa sa mahihirap.

Iiyan ang kabaligtaran ng isang dukhang matalino kaysa isang mariwasang mangmang sapagkat ang mariwasang mangmang ay walang nalalaman kung hindi ang kariwasaan ng kanyang sarili bagay na hindi madadala ng kanyang sarili sa dako pa roon.

Ngunit ang isang mahirap, ngunit matalino sa bagay ng kanyang paninindigang ang kahirapan sa daigdig na mayroon na ng karangalang makatulong sa kanyang mga kapwa ay mayroon din siya ng kayamanang tataglayin hanggang sa dako pa roon.

Mga iniibig na kabataan at kayong mga kapatid ko na tulong-tulong kayong nag-aaral, huwag ninyong pabayaan sa kaibuturan ng inyong mga puso ay mayroon pa ng pag-iiringan, mayroon pa ng di pagkaka-unawaan.

Huwag ninyong sayangin ang ambil ng kabatlayaan sa lahat ng panahon. Kapayapaan ang aking inilalagak sa inyong kalagitnaan, pag-iibigang buong higpit na binibigkis sa inyong mga pagkatao kung wawalain ninyong katotohanang lahat ng iyan ay igagaang ng inyong mga sarili.

Kayo ang naghahanap na nagtatapon sapagkat ibinibigay sa inyo kung hindi ninyo isinasagawa at inyong pinagwawalang bahala. Kung kayo ay iyan nga, kahabag-habag kayo mga kapatid.

Ngunit kung kayo ay isang nilalang na sa kabila ng lahat ng mga tiisin ay naririyan pa rin kayo at umaasa kayo at gumagawa kayo ng kabutihan ukol sa inyong mga kapwa at nagpapatawad.

Huwag ninyong mahalin ang palakpak ng ginto ng mga tao, ang asamin ninyo ay isang kapanatagan ng paglalakbay ng inyong kaluluwa at patungo sa dako pa roon.

Kung saan ang lahat ng kaligayahang hindi maaring bilhin ng salapi ay inyong matagpuan at isang kapayapaan ng inyong mga pagkatao na hindi matatawaran ng sinoman sa daigdig na ito.

Ang paghihirap ng laman ang pagkabigo ng laman ang lahat ng tiising binabalikat ng isang nilalang sa kapatagang lupa kung kanyang maitataguyod na hindi siya lumuluha.

Kung maitataguyod niyang hindi siya naghihimagsik, katotohanang katotohanang sinasabi ang lahat ang kahirapang iyan ay balok na mawawala pagdating ng panahon upang ang tunay na katamisan at kadakilaang makalusan nito ay malalantad.

Humayo kayo at magpatuloy kayong gumagawa at umuunawa kayo na biniyayaan ng Silahis ng Pag-ibig sa inyong pagkatao ay magpakatatag. Huwag ninyong bayaang matungtungan ang inyong mga pagkatao nang dahil sa kawalang-paggalang ng inyong mga kapwa, ngunit hindi ko kayo itinataboy na maghimagsik at magkaroon ng mga bagay ng paninindigan.

Manatili kayo sa inyong kinaroroonan hindi kayo maaaring yurakan sapagkat ang niyuyurahan ay yaong mga yagit na binhing pataba ng lupa, kung hindi kayo ang mga sibol sa bagong panahon na nangangako ng isang magandang kinabukasang punong-puno ng pangungusap ng masaganang pagkain ng kaluluwa ng mga tao.

Lahat at bawat isa sa inyo ay kinasisinagan ko ng dakilang adhikain, lahat at bawat isa sa inyo ay mayroon ng magandang layunin sa ngalan ng simulain ng Espiritismo.

Hiniling ko lamang na magpakatatag kayo sapagkat habang ang tao’y natututo at nagsisikap gumawa na makaalpas sa maraming kamalian ay diyan nagsisimula ang hadlang at diyan din magsisimula ang paghamon sa inyong pagkatao kung sadyang kayo nga ay matatag.

Humayo kayo manatili kayo, inuulit ko inyong kinadoroonan, gawin ninyong sandata ang pag-ibig, gawin ninyong baluti ng inyong pagkatao ang silahis upang magkaroon ng hahayagan sa lahat ng dako ang silahis ng pag-ibig na tinataglay ng bawat isa sa inyo sa lahat ng panahon.

Inuulit kong papasukin ninyo ang pagbibigay ng pagkakataon sa inyong mga kapatid upang makasalo ninyo sa dulang ng Panginoon.

Kapayapaan ngayon at magpakailanman! Paalam, ang Patnubay ng kabataan, Propeta Uriel

ambil

1992-11-15,  FBT

Mga iniibig na kapatid, kung papaanong sa unang silahis ng araw ay nagkakaroon ng palatandaan kung ang liwanag ay mainit at kung ang silahis ay nagbabadya ng panahon o dili kaya ay pagsusungit sa kalikasan na paghahandaan ng tao.

May anking talino na pag-aralan ang aklat at mamatyagan ang kislot ng panahon at katayuan ng kapaligiran, minsan pa ay nakilala ko ang isang katuruang hindi maaring masumpungan sa mga dahon ng aklat, hindi maaaring saklawin ng paniniwala.

Sangkapin ng kaluluwa

Isang nilalang na may sangkapin, damdamin, pag-iisip at kalooban. Mailakad ang kaalaman ng bawat nilalang upang mapag-aralan ang layunin sa daigdig at makipamuhay sa dako pa roon. Sa pabubukas ng mga isipan, makakatagpo ng mga kapatid na may kani-kaniyng paniniwala.

Kabataan, kayo ay mapapalad at sinusubaybayan ng ina at ama upang maging mabuting Kristiyano, binuksan ang pinto ng pagiging malaya. Kung gayon ay mayroon na kayong lakas upang gamitin sa mga bagay na hindi ninyo pagsisisihan kung naging mapusok ang isang kabataan, minamahal na magulang.

Hindi ko sinasabi na dakila ang simulaing ito kungdi ang hinihiling ko sa kabataang mag-aaral, huwag biguin ang magagandang mithiin ng inyong mga magulang. Lahat ng inyong pangangailangan ay ipagkakaloob ng Ama sa inyong katapatan at walang bahid dungis.

Huwag ninyong dalhin sa inyong sarili ang sandata, mapayapang pangungusap kung mamahalin lamang ang inyong sarili. Gawin ninyong huwaran ang inyong paligid. Taglayin ninyo ang isang Espiritista na naka-uunawa ng tunay na kalooban ng Ama.

Iyan lamang ang aking nilalagak sa inyo. Kapayapaan ngayon at magpakailanman! Paalam, Propeta Uriel. 

kislot

1989-03-24, TE

Biyernes Santo

Tanglawan nawa kayo ng liwanag ng Espiritu Santo at maghari sa bawat isa ang kapayapaan!

Namumukod na liwanag ba ipinukol sa lupa upang hanapin ang mga pook ng kadiliman sapagkat dito siya kinakailangan. Namumukod na kabanguhang isinabog nga halamanan ng Diyos upang sumisid sa kailaliman ng kapatagang-lupa, upang habulin ang di kanasa-nasang kabahuan ng mga kabulukang naglipana. 

 Sa ganito sinisimulan ko, mga kapatid, ang pag-alinsunod sa inyong kahilingang mga kalihiman ng isang kabuhayang dakila at banak ang dito ay aming isalaysay.

Ang Manlalang at ang nilalang

"Lalangin natin ang tao sa ating hugis at larawan, at hingan natin ng hininga ng buhay ang mga butas ng kanyang ilong upang bigyan siya ng kaluluwang buhay." Ang nilalang at Manlalalang: ang Manlalalang ay kadakilaang hindi masalita at maabot-tanaw, hindi maskamal, hindi maarok, pinag-aaralan, pinagsisikapang Siya ay marating. 

Ang nilalang ay mababa (inferior) sa kanyang Manlalalang, hindi ganap, hindi mulat, ginigising, inaaba upang sumigla at gumawa, upang hanapin ang kaganapan na itinakda sa kanya. Sa hugis at larawan ng Manlilikha, nilikha ang mga nilikha.

Ang tao, materya at Espiritu, kaluluwang may buhay

Lahat ng bagay na may hugis na nasasakmal, abot-tanaw at nadadalumat ay siyang hugis na inilarawan sa kanya ng kanyang Manlilikha. Ang larawan ay ang kaluluwang may buhay na kinakailangang sinupin at pangalagaan.

Kinakailangang pagandahin, pagyamanin, at ingatan, paunlarin ang kaanyuan na katulad ng isang pintor na ipinpinta ang larawan na nasa kanyang diwa, nasa kanyang paghahaka, nasa kanyang pagnanasa. Iyan ang positibo at negatibo ng buhay ng tao sa kapatagang-lupa.

Nilalang siyang binigyan ng hininga ng buhay hindi upang matulog at magwalang bahala, sapagkat samantala ay ibinigay sa kanya ang kayamanan ng kalikasan sa kanyang kapaligiran upang kanyang magamit sa paggalaw.

Sa kanyang pagsasakatunayan ng mga bagay na kanyang natutuhan at hinahanap-hanap sa kanyang pag-aaral, na kakailanganin niya sa kanyang paglakad at paglalakbay-buhay sa buong daigdig. Iyan ang tao, materya at Espiritu.

Ang Diyos ay Espiritu at sasambahin sa Espiritu at katotohanan

Ang Diyos ay Espiritu, nasa kaitaasan (superior), perpekto, walang katapusan (infinito) at walang hanggan (eterno). Walang kahapon, walang ngayon, at walang kinabukasan. 

Hindi Siya abot-tanaw, kaya at hindi Siya naririnig o nakikita, sapagkat walang bahaging kinaroroonan Siya na hindi totoo, walang bahaging nililisan Niya na hindi totoo. Ang Diyos ay Espiritu at sasambahin sa Espiritu at katotohanan.

Sa ganitong mga kataga ay binuksan ko ang mga talata ng kasaysayang aking isusulit sa inyo ngayon. Si Hesus ay mayroon ng panahon. May panahong siya ay ipinagdalang-tao ng Kanyang mapalad na Ina. Siya ay ipinanganak, siya ay naging sanggol, siya ay naging isang bata na inaruga at iniwi-iwi ng kanyang magulang.

Siya ay naging isang taong buhay na nakisalamuha sa kapisanan ng mga tao at nakipagtagisan ng talino sa mga paham. Siya ay isang kimpal ng liwanag na inihagis sa kalaliman at hinanap ang kadiliman sapagkat ito ang nangangailangan ng liwanag.

Kung aking isasalaysay sa inyo ngayon ang pangkaraniwang inu-usal sa araw na ito ng mga alagad ng pananampalataya na pitong wika sa pagkabayubay sa krus, hindi ito winika ng dila at labi kung hindi ito ay ipinakipamuhay ni Hesus, ang tao, sa kapatagang-lupa.

Hindi sinalita ni Hesus ang pitong wika sa kanyang pagkabayubay sa krus, manapa ay ipinakipamuhay niya ang kahulugan, ang diwa at katotohanan ng mga salitang napapaloob dito. Halimbawa: "Ama ko, patawarin mo sila sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa."

Si Hesus ay manunupad ng kautusan, hindi sisira ng alinmang batas nang dahil sa kanyang pagnanasang magpatawad, sapagkat naririyan ang galaw at ganting-galaw sa buhay ng isang nilikha.

"Sa buhay na iyong inutang buhay din ang kabayaran." Paanong mapatatawad, sapagkat hindi nalalaman ang ginawa? Paanong maituro ang hindi nalalaman upang malaman? Karanasan.

Iyan ang pataw, iyan ang patawad, na kinakailangang ang tao ay dumanas, ang tao ay kinakailangang bigyan ng pagkakataon na maka-usad upang siya ay magkaroon ng kamulatan sa katotohanan, na masaklap man at mabigat at katotohanang hindi maaaring puwingin at isa isang-tabi sapagkat ang katotohanan ay totoo.

Alin ang pataw na ito na hiningi ni Hesus sa Kanyang buhay, sa Kanyang buhay na ipikakipamuhay sa kapatagang-lupa? Unang una ay ang hatol at utos ni Haring Herodes na putulan ng ulo ang lahat ng sanggol na lalaki upang mapatay ang Mesiyas, na isunuplong ng Tatlong Haring Mago.

Ito ang unang pataw ni Herodes sa sambayanan ng Judea, na sa kabuhayan ni Hesus ay pinatunayan niyang isang kailangan ang Mesiyas, isang pangangailangan ang buhay ni Hesus sa sangkatauhang ito na naghahanap ng liwanag at katarungan sa buhay na itinataguyod ng sangkatauhan.

Ito ang pataw na igaganti ni Hesus kay Herodes, na Kanyang binigyan ng unang leksiyon ng banal na pag-ibig ang mga marunong at paham sa Herusalem bilang pagpapakilala na ang liwanag ay hindi maaaring patayin ng dilim, ang liwanag ay makikipagsaplutan sa kadiliman upang ito ay maghari at tanglawan ang lahat ng dako kung saan ito nakasabog at namamayani.

Ang kapatawaran ay hindi nakukuha ng isang panahon, kungdi hanggang umusbong ang kabanalan

Iyan ang pataw sa kabuhayan ni haring Herodes, ang pataw na ini-ambil ni Hesus sa kanyang unang wika sa Kanyang buhay: "Patawarin mo sila, Ama, sapagkat hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa." Hindi ito nakuha ng isang panahon; hindi ito nangyari ng isang taon o dalawang taon.

Ito ay nangyayari magpahangga ngayon kung kailang sinasaid ng tao ang mga usbong ng kabanalan ng kanyang kapwa at ng alitigtig ng kanyang sariling pagkatao sapagkat lumalaban sa kanyang hilig na panglupa. 

Dahil dito ay kinakailangang ito ay buhayin ng karunungan, ng kasiglahan at kasipagan ng kina-uukulang tao, upang mapausbong ang karunungang magpatawad sa hindi nakaka-alam.

Ang ikalawang wika sang-ayon sa kasaysayan ng mga tao ay: "Babae hayan ang iyong anak, lalaki narito ang iyong ina." Sa kabuhayan ni Hesukristo ay dinaliri ang pagiging mabuting anak ng kanyang ina, at pinatingkad ng kanyang paggalang at pagmamahal ang katauhan ng kanyang ina na umalinsunod sa lahat ng kahingian ng panahon.

Ang anak ay nagpadakila sa kanyang kabanalan sa pamamagitan ng paglilingkod, sa pamamagitan ng pag-aaral, sa pamamagitan ng pagkilala sa karapatan ng kanyang kapatid. 

May hihigit pa kayang karangalan kaysa rito na tamuhin ng isang magulang na ang anak ay naging dakila hindi dahil sa kayamanan sa lupa, ni karunungan ng mga tao, kungdi nang dahil sa maalab na pagnanasang maitayo ang kadakilaan ng kanyang pagkatao sa ngalan ng pag-ibig? Ito ang anak ni Maria.

At, "Lalaki, narini ang iyong ina." Sino sa mga anak ang naghanap sa kanyang ina sa gitna na kasaganaan na kanyang tinatamasa, sa gitna ng karangyaan na kanyang itinataguyod sa pamumuhay, sa gitna ng maraming mga bagay na kanyang dinadakilang inilalabasang kanyang ina sa talaan ng panahon.

Sapagkat ang kadakilaan ng isang anak ay iginuguhit lamang na tulad ng isang pintor ang isang larawan ng isang dakilang babaeng naging simula kung siya ay sino at ano ang kanyang pagkatao. 

At dahil dito ay sa kadakilaan ni Hesus sa pag-ibig ng kanyang mga kapwa ay inilarawan lamang niya ang kadakilaan ng pag-ibig at ang kawastuan ng paghubog sa kanya ng kanyang ina.

"Narito ang inyong ina." Sino sa inyo ang makatitingin sa katauhan ng isang babaeng ina kung ang kanyang anak ay nagugumon sa bisyo at maling kaugalian, nagwawasak ng karangalang ipinamana sa kanya, sumisira ng kabanalan ng kaluluwa?

Sino sa inyo mga babaeng ina ang makatitingin sa inyong mga anak at makasisisi sa kanilang pagkawaldas kung nakikita ninyong nagugumon sa bisyo at masamang kaugalian ang inyong mga anak? 

Ano ang inyong masasalita? Ito baga ang kaparaanan ng inyong pag-ibig, na kayo ay mag-abuloy sa daigdig ng isang anak na magiging pasanin ng batas?

Ito ang itinuro ni Hesus, ang pagiging mabuti at masunuring anak. Katunayan nang sila ay dumalo sa isang kasalan ng Kanyang Ina at kapusin ng alak ang mayroon ng kapistahan, ini-utos ng Kanyang Ina na gawing alak ang tubig. 

Ang anak na masunurin ay tinupad ang kagustuhan ng ina, bilang pagpapakilala ng kanyang paggalang at pag-ibig. Dahil dito ay nakilala ng mga tao sa kapaligiran ng kapanahunang yaon ang kapangyarihan ng ina sa anak at ng anak sa ina. 

Ang paraisong binanggit ni Hesus

"Ngayon din ay ipagsasama kita sa paraiso," ang sabi ni Hesus kay Dimas. Dahil baga si Dimas sa kahuli-hulihang sandali ng kanyang buhay sa lupa ay kumapit sa kapaniwalaang siya ay maililigtas ni Hesus?

Ang paraisong ito ay puno ng lahat ng kayamanan ng kalikasan, puno ng kaangkinan ng kapayapaan, walang tao subalit mayroon ng isang punong kung kainin mo ang bunga ay ay mamumulat upang makilala ang masama at mabuti. Dito ipinagsama ni Hesus si Dimas. Bakit?

Ipinagsama ni Hesus si Dimas sa paraiso sapagkat kinakailangang siya ay bigyan ng kapahingahan ng laman, upang bigyan ng muling pagkakataong mabuhay na mayroon nang pagkakilala sa kawastuan at mabuti.

Ibinigay ni Hesus kay Dimas ang paraiso hindi upang lumigaya na gaya ng pangpalasak na inyong pagkakilala kungdi upang kayo ay bigyan ng isang karsel ng pagmumuni piitan kung saan kayo pipiliting magkonsentrasyon sa mga bagay na inyong nagawa at mga bagay na dapat ninyong gawin.

Mga Dimas ng panahon, ilalagay kayo sa paraiso dahil sa mayroon kayo ng paniniwalang makapagliligtas si Hesukristo sa inyong kasalanan. Ilalagay kayo at ipagsasama sa paraiso upang kayo ay kulungin.

Upang bigyan ng kapahingahan ang inyong laman, subalit bibigyan ng pagkakataong kayo ay higit na gumawa upang magising sa kamulatan, upang kayo ay makakilala ng mga bagay na mabuti at hindi mabuti.

Sa ganyang kaparaanan ay inihayag ni Hesukristo ang kanyang pag-ibig kay Dimas. Ibinigay ni Hesukristo ang kanyang pag-ibig kay Dimas upang bigyan ng pagkakataong siya ay makapaghanda sa panibagong-buhay sa laman.

Sapagkat lahat ng kaalaman at lahat ng pagbabalak, lahat ng mga bagay na natutuhan ng tao sa kanyang pagmumuni muni at pag-aaral ay kinakailangan na kanyang isakatunayan upang mawala ito sa kanyang pananagutang hindi niya iginalaw, hindi niya itinupad ng kanyang tungkulin.

"Ako ay nauuhaw." Nalalaman ni Hesus na nakahanda na sa paanan ng kanyang krus ang sukang pinigaan ng kapaitan, panghuling ipalalasap sa taong hinatulan ng kamatayan na ito ay isubo sa kanyang bibig upang bigyang katapusan ang kanyang buhay. Humiyaw si Hesus," Ako ay nauuhaw," at siya ay sinubuan ng sukang mapait.

Ang tao sa kanyang nasabing makagawa ng mabuti, makatupad ng kanyang tungkulin at maka-abot sa mga bagay na kanyang ninanasang makapagdulot sa kanya ng kaligayahan at kapayapaan ay kakailanganing harapin niya ang pagkapugto ng kanyang lakas na panglupa, kakailanganin matupad ang nasusulat sa kasulatan, "Kinakailangang mamatay upang muling mabuhay."

Si Hesus ay humiyaw na, "Ako ay nauuhaw" sapagkat ganyan ang kahulugan ng buhay ng tao. Habang siya ay nabubuhay sa ibabaw ng lupa hindi natatapos ang kanyang kauhawan, hindi natatapos ang kanyang pagdaing, hindi natatapos ang kanyang paghihimagsik sa hindi niya ibig. Nagtatangi baga si Hesus sa mga baga na ito? Hindi, sapagkat kanyang inihiyaw,

"Diyos ko, Diyos, bakit mo ako pinabayaan?" Nagpapakilalang si Hesus sa kanyang kapanahunan sa lupa ay nabuhay ng buhay tao. Pareho mo, o aking kapatid, sapagkat kung ang mga bagay na tinupad at isina-alang alang ni Hesukristo sa kanyang kabuhayan sa lupa ay gawa ng isang higit na makapangyarihan.

Gawa ng isang may higit na kaantasan sa kabanalan, mayroon ng lakas at kaalamang higit sa pangkaraniwang tao, hindi kataka-takang magawa ni Hesukristo ang mga bagay na kanyang ipinakipamuhay sa inyo.

Subalit si Hesus ay tao at sa kanyang pagkabuhay na tao ay naganap niya ang kanyang tungkulin, natupad niya ang kanyang misyon na ini-atang sa kanya ng kanyang Ama. Dahil dito ay inihiyaw niyang, "Diyos ko, Diyos ko, bakit mo ako pinabayaan?" Pinabayaan nga ba ng Diyos si Hesukristo?

Pagkatapos na lalangin ng Diyos sang sangkatauhan, pagkatapos na inihinga ng Diyos ang kaluluwang buhay sa tao, ang tao ay mayroon ng lubos na kalayaan sa kanyang pagka-individuo at sa kanyang personalidad ito ang kinakailangan na pag-aralan niyan panindigan at angkinin, kinakailangang kanyang isulong at ganapin, kinakailangang sakupin ng kanyang sarili.

Kinakailangang masakop niya ang kanyang sarili upang kanyang mapanindigan ang mga bagay na ini-aatas sa kanya ng kanyang tungkulin, na ang nag-atas na ito ay ang kanyang kaalamang natutuhan sa kanyang pag-aaral.

Hindi mabuhay na hindi pangkaraniwan si Hesus, kaya nga at sa kanyang hiyaw, "Ama ko, sa mga kamay mo inilalagak ko ang aking kaluluwa." Alin ang mga kamay na ito na pinaglagakan ni Hesus? May mga kamay baga an Diyos?

Aywan ko, sapagkat walang nakakita sa mukha ng Diyos, subalit sinabi ni Hesukristo , "Sa mga kamay Mo inilalagak ko ang aking kaluluwa." Alin ang mga kamay na ito na pinaglagakan ni Hesukristo ng kanyang kaluluwa?

Ang simbolo ng  kaliwa at kanang kamay

Ang kaliwang kamay ay ang dako ng kahayagan ng buhay materyal, at ang kanang kamay ay ang dako ng kahayagan ng buhay espirituwal, negatibo at positibo ng isang nilikha. Inilalagak niya ang suma-total ng kanyang tungkuling naganap at natupad sa kanyang pakikipamuhay sa loob ng maraming taon sa ibabaw ng lupa.

Kamay ng kalikasan

Dahil dito ay kung nailagak ng tao nang mayroon ng pagtitiwala at karunungan ang kanyang sarili sa kamay ng kalikasan, makahihiyaw ang taong, "Diyos ko, naganap na," sapagkat naganap ko na ang aking tungkulin sa aking sarili.

Mga kapatid, ito ang maikling pagsasalaysay ng pitong wika ni Hesukristo na binigyan ng interpretasyon ng mga taong sinalita ito samantalang nakabayubay sa krus, subalit ito ang ipinakipamuhay niya buhat sa kanyang pagkapanganak hanggang sa kanyang pagkabayubay sa krus.

Hindi ito sinalita ng kanyang mga labi at dila. Ipinakipamuhay niya ang pitong wika sapagkat iyan ang simulaing Kristiyano. Iyan ang aral na ipinangalat ni Kristo at itinuro sa sangkatauhan. Dahil dito ay muli ang isang tanong: Totoo bagang nasakop ni Hesukristo ang sangkatauhan?

Kung nasakop ni Hesukristo ang sangkatauhan, bakit ang tao at ang mga tao sa ibabaw ng lupa ay nagkakabaha-bahagi at nagkakaiba-iba ng kapaniwalaan, at nakahihigit ang hindi Kristiyano sa mga Kristiano?

Sapagkat sa kapanahunan ni Hesukristo, sinakop niya ang kasulatan na sa kanya ay umulinig. Isinulat ng kasaysayan ang kanyang kabuhayan sang-ayon sa kanilang pagkakilala. 

Isinulat ng mga tao ang kasaysayan ng Kristiyanismo sa kanilang pagka-unawa ng kapanahunan, subalit ang panahon ay lumalakad, ang panahon ay sumusulong, ang panahon ay nagbabago, sapagkat ang totoo ay ang buhay espirituwal, at ang buhay esprituwal ay walang hanggan.

Ang pag-iisip ang lenguwahe ng Espiritu ng Diyos

Mga kapatid, ang pagbabago na dapat na imulat ng taong nag-aaral ng kabanalan ay dapat na magsimula sa pintig ng puso at ulat ng pag-iisip. Ang pintig ng puso ang nagpapakalat ng mabuting magnetismong ini-uulat ng pag-iisip na nakikipag-ugnayan sa kaitaasan, sapagkat ang pag-iisip ang lenguwahe ng Espiritu sa Diyos.

Sanayin ang pagkuha ng aralin mula sa kaitaasan sa pamamagitan ng malinis at dalisay na pag-iisip

Dahil dito ay kung lagi nang inyong sasanayin ang pagkuha ng magandang balitang nanggagaling sa kaitaasan sa pamamagitan ng inyong pag-iisip na malinis at dalisay, na walang halong anumang karumihan ng panahon, iyan ang mag-uutos sa inyong puso na itibok at ipangalap ang kabanalang kanyang nasagap at sa pana-panahon, iyan ang magsisilbing gabay upang kayo ay dalhin sa lalong mataas na antas ng pag-aaral na malabatlaya.

Isasalaysay ko sa inyo ang isang bahagi ng buhay ni Hesus. Sa kanyang paglalakbay sa mga bayan na nangangaral at nagpapagaling ng mga maysakit, siya ay dumating sa isang bayan ng Europa kung saan nagpapagaling siya ng libu-libong maykaramdaman at umaliw ba maraming may kapighatian sa buhay.

Wala siyang inu-uwiang bahay at ang kanyang pag-iisa sa katuparan ng mga alagataing ito bilang katuparan ng kanyang tungkulin sa sangkatauhan ay nag-ani ng saganang papuri ng sambayanan, hanggang sa ito ay makarating sa kaalaman ng naghaharing palasyo ng bayang ito.

Ang haring namumuno sa sambayanan ay mayroong anak na babae at lalaki na laging nagbabangay at hindi magkasundo. Ang lalaki ay isang mandirigma na prinsipe na walang kinikilalang tao, na walang iginagalang na sandata ng iba.

Ang babae ay maganda, mayumi at mahabagin. Ang dalagang prinsesa ay naghahanap ng kasintahan na hindi niya matagpuan sa kanyang palasyo. Marami siyang tagasuyo na nag-aagawang makuha ang kanyang kamay, subalit wala siyang kahiligan ni isa man.

Sa isang pagkakataon, ang kaibigian na prinsesang ito ay nagkaroon ng isang malubhang karamdaman na sinukuan na maraming manggagamot. Sa isang pagkakataon ay mayroon nang nakapagdala kay Hesus sa piling ng maysakit na ito na kanyang pinagaling.

Gaano ang kagalakan ng mag-anak na ito, sapagkat gumaling ang kanilang maysakit na inaasahan na nilang walang kalunasan. Nakarating ito sa kaalaman ng prinsesang malungkot at nagtanong, "Sino ang manggagamot na nagpagaling sa iyo?" At sinabing, "Si Hesus na taga Nazareth."

Ipinatawag ng prinsesa si Hesus at si Hesus ay dumulog sa harapan nito, at sa biglaang titig ng prinsesa sa katauhan ni Hesukristo ay ito ang kanyang naibigan. Pinakanasa niyang ma-angkin si Hesus sapagkat nalaman niyang ito ang makapagbibigay sa kanyang hinahanap at kinauuhawang kaligayahan.

Nang malaman ito ng magulang na hari ng prinsesa ay sumang-ayon sapagkat na-akit din si Hesukristo ang hari at ang kabiyak nito sa katauhan ni Hesukristo, sapagkat si Hesukristo ay hindi nagmamayabang, hindi nagsasalita ng kapintasan ng iba, nagsasalita ng karunungang nag-aangat sa pagtitiwala ng mga tao, at naisip ng haring ito ang makatutulong sa kanya para mabuo ang kanyang kaharian at malunasan ang kabalasikan ng kanyang anak na lalaki.

Ngunit si Hesus ay may ibang misyon. Umalis nang hindi nagpa-alam at naglakbay at humayo sa lalong malayong lugar na naging sanhi ng karamdaman ng mabunying prinses na nangulila sa kanya at nagkasakit ng malubha. Nang ito ay malaman ni Hesus, siya ay nagbalik.

Ginamot ang maysakit at gumaling. At sinabi ni Hesus sa prinsesa: "Kung ako ay iyong tunay na iniibig, hindi mo ako tatalian upang ako ay maging alipin ng pangangailangan ng laman.

Pabayaan mong ako ay lumayang tumupad ng aking tungkulin sa paglilingkod at pagtulong sa sangkatauhan. Sapagkat ang pangangailangan mo ay pangangailangan ng isang manggagawang kinakailangang gumawa sa ikabubuti upang iyong mahalina ang iyong sariling kapayapaan." At nilisan siya ni Hesus.

Ang prinsesa ay nagbagong-loob, sa halip na malungkot ay ginugol ang kanyang panahon sa paglilingkod sa kanyang mga kapatid, sa pag-unawa sa kanyang kaisa-isahang kapatid na hindi naglaon at kanyang nakasundo.

Hindi naglaon at ang prinsesa ay naging bukang-bibig sa pagkakawanggawa ng kanilang mga kabig. Iyan ang isang bahagi ng buhay ni Hesus na hindi natala sa kasaysayan na isinulat ng mga tao. 

Sino ang hindi mahahalina sa prinsesang maganda at mayumi, may kapangyarihan at kayamanan? Sino ang hindi mahahalina sa pag-alok ng buong pamilya sa isang kabuhayang magiging kaibig-ibig?

Ito ang isang dakilang pagsubok sa Mananakop, kung papaano niya maaaring ipagpalit ang katuparan ng kanyang tungkulin sa kalayawan ng laman. Subalit sa ibabaw ng lahat ng ito, ang kabuhayan ni Hesukristo ay isang kawing-kawing na kabuhayang nagtuturo, nangangaral, nagpapaliwanag, nagbibigay ng halimbawa upang ang tao ay mabuhay na marangal at maging kaibig-ibig sa kanyang kapwa.

Aani ng respeto ang tao sa kapwa kapag pinaniwalaang totoo sa kanyang salita

Kung ang tao ay kaibig-ibig sa kanyang kapwa ay ina-ani lamang niya ang respeto ng kanyang kapwa sapagkat siya ay paniwalaang totoo sa kanyang sinasalita. 

Ang tao ay kinakailangang magpakatotoo sa kanyang gawa at salita upang kanyang mahuli ang pagtitiwala na kanyang kapatid, sapagkat ang pagtitiwala ng kanyang kapatid ang magdudugtong ng kasiglahan sa kanyang paniniwala sa kanyang sarili.

Mga kapatid, hinahanap baga ninyo ang mabuting nalalaman ninyo sa inyong kapatid. Mabuti ang inyong ginagawa. Subalit ipinapayo ko sa inyong lahat na ang mabuti at karapatdapat na inyong hinahanap sa inyong kapwa ay hanapin muna ninyo sa inyong katauhan at gawin.

Sapagkat kung iyan ay inyong ginagawa at nasumpungan na ninyo sa inyong sarili at mayroon na kayo ng pagtitiwalang (confianza) moral na iyan ay hanapin sa inyong kapatid. Iyan ang kabuhayan ni Hesukristo sa pakikipamuhay sa sangkatauhan.

Mga kapatid, sa mga matang maamo subalit maliwanag at makapangyarihan ni Hesukristong itinititig sa bawat isa sa inyo ay maano nawang tanggapin ninyo ang ambil ng kalikasang itong kayo nawa ay matuto na manampalataya, hindi sa mga bagay na pangsamantala kungdi doon sa mga bagay na walang hanggan at walang katapusan.

Sapagkat ang mga bagay na may hanggan ay laman, sapagkat ang nasisira at nabubulok ay lupa, sapagkat ang nanatiling matatag hindi man nakikita at nahihipo ng tao ay ang kanyang Espiritung siyang totoo, siyang hininga ng buhay upang magpatuloy na umikot-ikot sa buong sanlibutan na ito sa kabuuan ng mga bagay. 

Kapayapaan at kaliwanagan nawa ang tumanglaw sa lahat at bawat isa sa inyo. Paalam,  Arkanghel Uriel.

Mga Termino

nadadalumat

ambil

1986-06-15, FBT

Sumainyo ang pag-ibig ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman!

Mga sambit at dalangin, pagpapakasakit na wari bagang nasa kalagitnaan kayo ng isang malawak na pataniman ng trigo at hinog na ang uhay, kailangang-kailangan na inyong anihin at sinupin upang ilagay at imbakin sa mga bangan, ngunit ang natatanaw ng kaitaasan sa inyong kalagitnaan ay hindi ang manggagawang masinop at masipag.

Ang natatanaw sa daigdigang ito at sa kapatagang ito ay mga manggagawang ninanakaw ang oras at panahon, mga ang tanging tinatakal ay maliliit na butil ng kanilang ginawa at hindi pinagmamalasakitan ang malalawak na pag-aanihan at pinababayaang dagitin ng mga ibong naninila.

Kung dumating na ang panahon nang dahil sa inyong kapabayaan ay maliit o kakaunti ang inyong natipon, darating ang panahon ng tag-gutom, kung kailan walang aanihing nakalipana sa inyong kalagitnaan.

Kung kailan kayo nagugutom ay doon ninyo hahanapin ang inyong pangangailangan. Magbabalik kaya sa inyong mga gunita ang panahon ng pagpapabaya? Sapat na baga ang umiyak at manalangin? Sapat na baga ang katagang pagsisisi sa inyong mga pagpapabaya?

Mga pinaka-iibig na kapatid, iyan ang larawan ng inyong lipunan, iyan ang larawan ng sangkatauhan, maraming panig at maaaring magawa ang paglilingkod sa kanyang kapwa, maraming paraan upang kayo ay makatipon ng pangangailanganpang dako pa roon.

Hindi ninyo tinatanaw ang mga kaabaan ng inyong mga paligid, hindi ninyo dinadama ang pagdaramdam ng inyong mga kapwa, hindi ninyo nalalaman kung sino ang nagugulumihanan na nangangailangan nginyong paglilingkod.

Ang tangi ninyong nalalaman ay ang pangangailangan ng inyong paglilingkod, ang pangangailangan ng inyong sarili, ang tangi ninyong nalalaman ay mayroon kayo ng hinahanap na karagdagan na nau-ukol sa inyong mga sariling pamumuhay. Hindi kayo nilalang o iniluwal sa daigdigan nang dahil lamang sa inyong sariling pagkatao, mayroon kayo ng malaking pananagutan sa harap ng Ama.

Kung sa inyong pakikitalad sa buhay na iyan ay hindi kayo makapaglilingkod sa inyong mga kapwa, kung sa kalagitnaan ng maraming aanihin ay nagpapabaya kayo, kung sa kabila ng maraming butil ng trigong nalalaglag ay hindi kayo makapulot sapagkat ang hinahanap lamang ninyo ay ang takal na nau-ukol lamang sa inyong pangangailangan.

Hindi ninyo inihanda ang mga bagay na maaari ninyong ma-ipaglingkod at maipagkawanggawa sa inyong mga kapwa, hindi kayo mabubusog, hindi mapapatid ang inyong kauhawan kailan pa man at mayroon ng isang nilalang na kumakalam ang sikmura at mayroon isang natutuyo na ang lalamunan sa kauhawan.

Iyan ang pakatatandaan ng aking mga kapatid na ang paaralang ito at ang mga ipinagkakaloob ng mga kabatlayaan sa tuwi-tuwina ay inu-ukilkil. Paalam, Propeta Uriel.

1983-10-16, FBT

Ang liwanag na nagmumula sa banal na diwa ang tumanglaw sa lahat at bawat isa, ngayon at magpakailanman!

Mga minamahal na kapatid, mga ginigiliw na kabataan, hindi kayo manghihinawa sa paulit-ulit na panawagan kung papaanong hindi ninyo pinagsasawaan ang kalinga ng inyong mga magulang.

Ang pagpapahinuhod sa lahat ng inyong pangangailangan, hindi pinagsasawaan kailanman at hindi kinababagutan ng mga nilikhang mayroon ng pananagutan sa inyong mga tao.

Ang hikayat ng kaitaasan na bumabalot sa inyong mga katauhan sa mga pagkakataon naihahanda ninyo ang inyong mga sarili sa isang mataimtim na hangarin ng inyong pagkataong maging isang bago at kaibig-ibig na nilikha sa gitna ng lipunan ng mga tao.

Sapagkat kailanman at naghangad kayo ng kaayusan ng inyong pagkatao at kagandahan ng inyong sarili sa harap ng inyong mga kapwa ay hahangarin din ninyo na maging maayos at maganda sa pananaw ng kabatlayaan.

Sapagkat katotohanan katotohanang sinasambit ko sa inyo, mga minamahal ng kapatid, ang paningin ng inyong mga kapwa ay maaari ninyong pagkublihan ngunit ang tunay na damdamin, ang tunay na kaanyuan ng kabaitan ay hiindi ninyo maikukubli sa pananaw ng kabatlayaan.

Ang damdamin, ang pag-iisip at kalooban ng isang nilalang ay ibinabadha ng kanyang kilos at pangungusap. Katulad din ng kanyang laman, kung naliligayahan ay ibinabandila ng kanyang sarili kung nagdaranas ng kalungkutan ay lupaypay ang katawang-laman na iyan. Kung mayroon ng himagsik ng kalooban, inihahayag ng katawang iyan.

Nanaisin baga ninyo mga minamahal na kapatid na kabataan, na ang inyong mga pagtitiyaga at pag-aaral sa ilalim ng katuruan ng kabatlayaan at katuruan ng mga paaralang inyong itinataguyod sa pag-aaral pangkapatagan ay mawalan ng kabuluhan? Nasayang na panahon na hindi na ninyo maibabalik sa kasalukuyan?

Maliligayahan baga kayo sa haba ng inyong pag-aaral ay manatili kayong mangmang? Hindi baga ninyo pinapangarap na ang inyong katauhan ay magkaroon ng pagsulong? Hindi baga nagnanasa ang inyong mga sarili na sa inyong pag-aaral ay maging tampok kayo ng inyong mga magulang?

At nauunawaan baga ninyo kung sino ang unang-unang makikinabang sa lahat ng inyong pagtitiyaga at pagpapakasakit? Hindi ang inyong magulang, hindi ang inyong mga kapatid sa simulain, una at higit sa lahat ay ang inyong mga sariling pagkatao. 

At kung mayroon bahagi ng kaligayahan na madarama ang inyong mga hinlog at magulang ay maaaring yaon na lamang sa taguring kayo ay sa mga kabataang Espiritista na nagtataguyod, bumabalikat, sumunod sa mga magagandang aralin.

Sa lahat at bawat isa sa inyo ay ina-antig ko ang inyong mga kalooban na darating ang panahon magkakaroon ng iba’t ibang uri ng landas na tatalaktakin sa buhay na iyan. 

Saan man kayo ihantong ng inyong mga paa sa inyong paglalakbay, saan man ihantong ang inyong kaalaman, ito ang inyong huwag iwawaglit at tanglaw ng inyong katayuan sa buhay ang pagiging isang mabuti, mapagkawanggawa at kaibig-ibig na nilikha ng kanyang mga kapwa.

Dalhin ninyo sa inyong mga balikat ang tungkulin ninyo sa inyong mga kapwa, alisin ninyong mga palad ang maruruming bagay na maaaring maidampi ninyo sa inyong mga kapwa. Bayaan ninyo ang inyong mga paningin ay malinaw kung papaano ninyong hinangad na matunghayan ang lahat ng titik ng katotohanan.

Maging malinaw ang paninging iyan sa magagandang tanawin magdudulot ng kasiglahan sa inyong mga pagkatao. Subalit ipipinid ninyo ang pananaw na iyan kung ina-akala ninyong ang mga tanawing nagaganap ay hindi magiging karapat-dapat sa damdamin ng isang nilikhang nagpapakatotoo sa ngalan ng Panginoon.

Hindi kayo tinatalian ng simulaing ito sa loob ng isang lunduyan, hindi kayo ginagapos sa kapaniwalaan hindi ninyo alam. Malaya kayo, mayroon kayo ng kani-kaniyang paninindigan kung paanong kinakailangan maging isang mabuting Kristiyano sa harap ng kanyang mga kapwa.

Magkaroon ng paninindigang hindi huwad

Magiging matalino kayo at matapat ang paninindigan, hindi mga huwad na paninindigan bumabaka sa kanyang kapwa, paninindigang bumabaka sa kanyang kamangmangan. Hindi kayo mag-aalis ng saplot upang tumawag kayo ng pansin ng kasalanan, maghangad kayo ng saplot na marurumi, bibigyan ninyo ng magandang kaanyuan ng inyong mga pagkatao, hindi panlabas na kaanyuan.

Makihalubilo kayo, makisalo kayo sa kilusan ng maraming kabataan ngunit tiyakin ninyo ang inyong mga sarili kung kayo ay makatutupad sa pagiging isang tunay na Kristiyano. 

At hindi kayo magiging isang manliligalig, hindi ninyo kalilimutan sa gitna ng lipunan ng maraming nilikha na kayo ay mapayapa, mababang-loob, may pag-ibig sa Diyos at sa kanyang mga kapwa.

Hindi ko sinasabing huwag ninyong tularan ang mga kabataang mayroong kakaibang damdamin ngunit ang aking ipinapayo ay tularan ninyo ang kanilang tatag ng paninindigan, hindi sa pantaong damdamin kungdi pangkaluluwa, kapayapaan ng pag-iisip, katalinuhan ng pagkukuro.

Sapagkat katotohanan katotohanang sinasabi ko, walang propetang nabubuhay at nagiging matagumpay sa kanyang sariling bayan at ang kapatagang ito ay hindi ang tunay na bayan. 

Ngunit mayroon kayo ng malaking pagkakataong magtagumpay sa dako pa roon kung kayo ay magiging isang mabuting manggagawa ng Panginoon at mabuting tagapaglingkod ng inyong mga kapwa.

Kung katotohanan ang ibinababa ng kabatlayaan, huwag kayong matatakot sa pumapatay sa laman, ang inyong pangalagaan ay magkasala sa inyong mga kapwa sapagkat hanggang sa dako pa roon ay pagsisihan ninyo a dadalhin ninyo ang tiising iyan na balot na balot ng panghihinayang ninyo sa kahinaan ng inyong pagpipigil at paggawa ng mga bagay na kinakailangang gampanan ninyo sa kapatagang-lupa.

Huwag ninyong sasayangin ang maliit mang kataga kung walang kabuluhan ang mamumutawi sa inyong mga labi. Huwag ninyong sasayangin ang pintig ng inyong puso na mayroon ng pagkapoot sa inyong mga kapwa.

Lalong-lalong huwag sayangin ang mga ginintuang panahon na hindi kayo naging isang mabuting nilalang. Maging isang mabait na anak ng kanyang mga magulang, maging isang mabuting kapatid ng kanyang kapatid at maging isang mabuting mananampalataya sa pangalan ng Panginoon.

Nalalaman ko ginigiliw na kapatid, maliit lamang ang nasasalalay sa inyong sisidlan sa lahat ng aking ibinigay ngunit ako ay nananalig na sa kahimbingan ng inyong mga pagkatao ay magigising ang katotohanan. Hahanapin ninyo ang bawat butil ng mga kataga na aking ibinigay sapagkat kakailanganin ninyo sa mga darating na panahon.

Sa aking mga kapatid na mayroon ng tungkuling taga-akay ng mga bagong silang na naghahanap ng magandang kaayusan, sinupin ninyo ang inyong mga sarili, sinupin ninyo ang inyong mga pangungusap at pagkilos.

Huwag ninyong pabayaan na ang mga murang tuod na iyan ay matalisod sa kanilang paglakad sapagkat kayo ang magtitindig, at kung kayo ay mahina, papaano ninyo maititindig ang naghihina? 

Maging malakas kayo, sa tuwi-tuwina ay tinatawagan ko ang inyong mga katauhan at damdamin, ang lahat ay pag-aaral sa buhay at sa inyong lipunan. Sapagkat kayo ay mag-aaral, mayroon pa kayong hindi natututuhan, mananatili na lamang baga kayo na pakakak na laging bumabanggit subalit sahol sa paggawa. 

Hindi kayo ang isang nagtotoong Espiritista. Ang isang matatag at matagumpay na Espiritista ay bumabalikat ng lahat ng mga tungkulin at nagiging maligaya sa kanyang paglilingkod. Ang isang mabuting Espiritista ay hindi luluha sa gitna man ng kanyang pagdarahop at kasawian sapagkat uma-asa ang kanyang pagkatao ang lahat ng pinagtagumpayan.

Sapagkat ang bagtas ay pagsulong, kung paano ang hangarin ng lahat na iunlad ang kanyang pamumuhay sa kapatagang-lupa, higit ninyong asamin ang kaunlaran ng inyong mga kaluluwa sapagkat walang pagkapanis ang pagkain ng Espiritu, hindi maaaring dambungin ng mandarambong ang kayamanan ng kaluluwa.

Iwasan ang  pag-iimbot sa mga bagay na pangkaluluwa

At lalong hindi iniimbot ng sinoman ang alinmang bagay na pangkaluluwa sapagkat sino sa inyo ang mnakapagsasabing ang tungkulin ng aking kapwa ay aking gagampanan sapagkat ako ang nakababatid at ako ang naka-uunawa. Pababayaan ba ninyong hindi maunawaan ng inyong kapatid ang kanyang tungkulin? Iyan ay pag-iimbot ng isang kaluluwa sa kanyang kapwa kaluluwa.

Lahat ng uri ng pag-iimbot ay ngbubulid sa pagkakamali at pagkakasala ng tao

Hindi katulad ng kayamanan lagi nang tinatanaw, lagi nang pinaghahangaran at nagbubulid sa pagkakamali ng tao. Ang lahat ng uri ng pag-iimbot sa isip man at sa gawa, sa mga bagay na maliliit at sa malalaking bagay man, ito ay pagkakasala, at hindi kayo mananahanan lamang sa kasalanan kung hindi babakahin ninyo ang kamangmangan, hahanapin ninyo ang wastong pamamaraan upang maging isang karapat-dapat na Espiritista sa kanyang kapwa.

Sa lahat, naghahangad ako ng walang hanggang kapayapaan. Liwanag ng dakilang Espiritu ang tumanglaw ngayon at magpakailanman.  Paalam, Propeta Uriel, Ang masiglang propeta ng kabataan. 

1982-08-22, FBT

Ang dakilang pagpapala ng Panginoon ang sumainyo, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman.

Mga ginigiliw na kapatid, mga minamahal na kabataan, ilan pang panahon, ilang pang palipat-lipat ng gabi at araw? Iba na ang inyong katauhan, iba na rin ang inyong mga damdamin, iba na rin ang pananagutan ng inyong mga sarili. 

Kaya bakit hindi ninyo samantalahin ang malaking pagkakataon na ipinagkakaloob sa inyong mga palad na kayo ay mayroon ng mga kalayaan?

Mayroon ng mga magulang na aalalay at magbubunsod sa inyo sa landas na hindi ninyo panghihinayangan pagdating ng mga sandali, kung kayo ay sumapit na sa katayuang hindi na kayo maaaring tawaging kabataan sapagkat malalagay na kayo sa hanay ng mga nilikhang mayroon ng malaking pananagutan sa lipunan.

Magkakaroon na rin kayo ng mga pataw sa inyong mga balikat lalo pa at hindi ninyo magiging kaugnay at kaisa ang magiging katali ng inyong mga sarili. Diyan magsisimula ang maliliit na bahagi ng kani-kaniyang dalahin sa buhay na iyan, sa mga pagkakataong maging dalawa na kayo sa pagpapasiya ng mga bagay nang nau-ukol sa pakikipamuhay at pakikipagkapwa sa daigdig hanggang sa pananampalataya.

Ngunit sa katotohanan, ito at pinaninindigan ko sa inyong kalagitnaan unang-una sa inyong mga paslit na pag-iisip ay madama ninyo ang katuruan ng Espiritismo, matikman na ninyo ang pakikipag-ugnay sa kaitaasan.

Anumang uri ng nilikha ng inyong makadaupang palad at makatali, hindi kayo magiging suliranin sapagkat nalalaman ninyong i-agpang ang inyong sarili kung kayo ay magtotoo at dadalhin ninyo ang simulain sa loob ng inyong bagong tahanan.

Sapagkat ang isang mag-aaral ng simulain ng Espiritismo ay mayroong kapayapaan at kababaang-loob at iyan ay malaking puhunan ng sinomang nilalang na maki-ugnay at maipagtalik sa lahat ng uri ng kapaniwalaan na kanyang pag-aagpangan pagdating ng panahon.

Malakas ang hikayat ng simulain, kung ito ay buong katapatang dadalhin ng isang manampalataya. Matatag ang magiging katayuan sa lahat ng uri ng suliraning haharapin ng kanyang sarili pagdating ng panahon sapagkat ang mag-aaral ng simulain ng Espiritismo ay napag-aaralan ng kanyang sariling kilalanin at tanggapin ang landas na kanyang tatalaktakin.

Sapagkat pinupuhunan ng kanyang pananampalataya, pinupuhunan ng kanyang pagkakilalang mayroon ng kabaitan, mayroon ng katatagan, hindi magiging isang suliranin ng kanyang magiging kaanak.

Kung ito ay inyong mauunawaan, kung ito ay inyong madadala sa lahat ng panahon, kung hindi man ninyo ganapang mahihikayat ang sinomang nilikha na inyong makadaupang-palad, katotohanang-katotohanang sinasabi kong hindi kayo maduduwag, hindi kayo mabibigo.

Sapagkat sa pagkakataong hinahangad ninyo at ninais na ang simulain ay ipatikim ninyo, ipadama, hindi mabibigo ang kabatlayaan sapagkat nakapaghasik kayo ng mabuting binhi at pagdating ng panahon, sisibol at sisibol ang binhing iyan at magiging kapaki-pakinabang, ang bawat butil na kanyang ibubuhos.

Iyan ang aking ipinapagunita sa mga minamahal na kabataan sa pag-aaral sa katayuan sa buhay laman sapagkat natatanaw ko, nadadama ko, bakit hindi ipagkaloob ang kanilang mga sarili sa wastong katayuan sa gan-ganitong pagkakataon. Kung ihahambing ko sa mga kabagayan ng lupa, sa mga katayuan ng lipunang ginagalawan ng mga tao, ito ay isang mababaw na halimbawa.

Kung ang lipunang ito ay mayroon ng isang bahagi ng malaki ang halaga, magandang katayuan sa buhay, malaking kasiyahan, hindi lamang ang inyong mga sarili ang inyong iu-ugnay, hihingi pa kayo ukol sa mga nilikhang may kaugnayan sa inyo, hahanapin ninyo lahat ng inyong kaanak upang ilapit sapagka't nauunawaan ninyong magiging kapaki-pakinabang.

At kung ako at napapabigay, mayroon na kayo sa kanang kamay, ilalahad pa ninyo ang kaliwa sapagkat nalalaman ninyong mayroon pang nangangailangan, mayroon pa kayong pag-aabutan.

Sapagkat hindi kayo magiging maligaya kung hindi kayo makapagbibigay sa inyong mga kapatid. Ganyan din ang simulain tanggap ninyo ng buong-buo sa inyong mga puso, hatian ninyo ang inyong makakasalubong sapagka't kaligayahan ng kaluluwa ang inyong maihahatid at maipagkakaloob.

Umaasa ako hindi lamang ngayon kung hindi sa lahat ng panahon, ilalahad ninyo ang inyong dalawang palad upang ang biyayang ipinagkakaloob ng kaitaasan ay mahatian ninyo ang iyong mga mahal at ang inyong mga kapwa sa kapatagang iyan.

Kapayapaan, liwanag ng Espiritu Sandto ang tumanglaw sa lahat at bawat isa sa makapagpatuloy ng buogn kasiglahan ang lipunan ng mga kabataan sa ilalim ng katuruang Espiritismo. Paalam, ang Patnubay ng kabataan, Arkanghel Uriel

Comments

Popular posts from this blog

2023-11-27, Rebecca

2016-02-02, Rebecca

1981-1994, Koleksyon - Geronimo de Guia