2021-10-31, Rebecca
2021-10-31, ARK RAF-RAD Ang liwanag ng Espirito Santo ang sumainyo! Sisimulan ko ang aralin ng buhay na ako ay magmimistulang musmos na nagtatanong, " Is there a perfect life on Earth ?" Kung mayroon nga ano ang ikinapaging perpekto nito samantalang batid ng lahat na walang hindi nagkamali, walang hindi naligaw ng kanyang landas, walang hindi nalugmok at nabulid sa marawal na buhay at lalong walang hindi nakagawa ng paglabag sa batas at kautusan ng Diyos. Ano ba ang kahulugan ng pagiging perpekto? Ano ba ang tunay na larawang inihahantad ng perpektong buhay? Yoon bang nasa rurok ng kanyang tagumpay? Yoon bang sinusuob ng papuri at pinagkakalooban ng karangalan? Yoon bang naroroon sa mariwasang buhay? Paano yung nasa kadahupan, sa karalitaan? Paano ung lugmok sa suliranin, pagsubok, mabigat na pasanin sa buhay, yoong nasa kalagayan na bigo sa lahat ng kanyang mithiin sa buhay na ito? Wala ba sa kanila ang perpektong buhay? Ano ba ang dapat na batayan upang ...