Posts

Showing posts from January 17, 2016

2016-01-17, Rebecca

2016-01-17, PRO ISA-ARK GAB-RAD Tanglawan kayo ng liwanag upang matutuhan at masumpungan ang landas patungo sa kaharian ng Diyos. Sadya lamang dinadala ang isang katotohanan na kung ibig mo na masundan at malaman kung may nai-angat at may naidagdag sa ikatutupad ng layunin ng inyong kaluluwa.  Maging sa lupa ay gumawa kayo ng isang tala-takdaan o tala-arawan, sapagka’t, dito ay ipinatatanaw ang pagtutuon sa bawa’t magiging paghakbang at paglakad ng inyong kalagayan sa paggawa sa pang araw-araw na pakikipamuhay sa lupa. Na, ang pagtutuos sa sandaling naroroon ang kapayapaan at katahimikan ng inyong kalagayan bilang tao, ang pohas ng papel na inyong sinulatan ang naging gampanin at tuparin ninyo.  Mula sa paggising sa umaga hanggang dumating ang gabi nang pamamahinga ay makikita at masisilayan kung ito ay umayon sa layunin at adhikain upang ang maganap at mangyari ay ang daladala ng inyong puso…ang pagpapakabuti.  Saan ba ito nahahayag at sino ang ...