2018-11-24, Rebecca
2018-11-24, ARK RAF-RAD Paksa: May proseso ba ang pag-ugnay ng isang talaytayan? Magkatulad ba ang pag-ugnay ng talaytayan sa pakikipagabot-diwa at talaytayang nanggagamot? Liwanag at pag-ibig ang maghari sa lahat at bawa't isa ngayon at hanggang sa wakas. Anoman ang simula ng kalagayan at galaw sa kabuuan ng buhay ng bawa't tao sa sandaigdigan hindi maari na hindi may panuntunan o dili kaya ay alituntunin. Kung minsan ay patakaran na dapat sundin sapagka't kundi gayon, ang katumpakan, àng pagkakatimbang timbang at pag-aangkop-angkop ng mga bagay ay hindi magaganap at hindi magkakaroon ng katagumpayan. Samakatwid, gaano pa kung ang hinihingi ay ang bahagi at kalagayan ng sagisagin ng isang kaluluwa na, kaakibat ang pintigin o alitigtiging mayroon ang laman na kinakasangkapan ng isang kaluluwa. Dito man ay may panuntunang ina-alinsunod kabilang ang bahagi ng kanyang kaugalian, ang paraan ng pagdadala ng kanyang sarili, ang pagkakaroon ng kagandahang...