2008-2023, LVS,Koleksyon - Geronimo de Guia
2008-09-28 EB
Sumainyo ang kapayapaan ngayon at magpakailanman.
Mga iniibig na kapatid, saan gagamitin ng tao ang karunungang nakukuha
sa panatang pagpapakabuti? At ano ang gagawin ng tao kung siya ay may
panatang magpakabuti at gagawa ng naaayon sa kanyang natutuhan?
Marahil ito'y isang kahirapan na hindi matatanggap ng tao ang mga bagay
na aking binanggit sa inyong kalagitnaan. Sapagkat nauuunawaan kong may
tatak man ang Espiritismo ang lahat ng bagay ay dumarating ang panahon
na ang panghihina at pagaalinlangan sa kanyang mga gawaing
pangkapataga’y hindi niya matanggap ang kabiguan na iniingitan ng
nakararami.
Ganyan aking mga iniibig na kapatid ay binabanggit ko sa
tuwi-tuwina,marahil ito’y dala ng karanasan na ang lahat at bawat isa’y
naririto kayo ngayon na nakaluklok upang madinig ang kataga ng
kabatlayaan.
Sinasalamin ko ang isang batisang kung titignan ko ang aking anyo na maaaring katakutan at ang kapangitang nagsisilbi sa aking pagkataong kinakatakutan ng nakakarami.
Mga iniibig na kaluluwa, maging matalino kayo sapagkat ang katalinuhan ng isang espiritistang maalam magtiis at magpakasakit alang-alang sa kanyang tuparing alang-alang sa kanyang tuparin, alalang sa mga kabanalang hinaharap ng mga nilikha.Maaring dumating ang pagtatalo sial sapagkat gahol sa biyaya ang kanilang mga pagkatao.
Mga iniibig na kapatid, ang liwanag ng aking ina at ang pinakahagdanan ng aming tahanan, ang aking amang nagsilbing hagdanan ng aming tahanan, siyang malakas na nagbunsod at nag-udyok sa aking pagkakapariwara at hindi ko inalintana ang pangaral ng aking mga magulang.
Mag-aaral kayong hindi maiinip mga iniibig na kapatid. Bagama’t mahaba ang abot-sabing pinagkakaloob ng kabatlyaan ngunit nalalaman kong ang nagsasawa ay nabusog na sa kabutihan ngunit nagugutom ang tao sa mga bagay na maitatakip niya sa pangangailangan at kasagutan ng biyaya ng Panginoon sa kanyang kinadoroonan at ganyan ang aking nadama.
Hanggang diyan ako’t ang pag-aaral ng lahat at bawat isa’y lagi ko ng pinapaalala mga iniibig na kapatid.
Kapayapaan ang aking iiwan sa lahat at bawat isa, ngayon at magpakailanman.
Paalam, Geronimo de Guia.

Comments
Post a Comment