1993-2007, LVS,Koleksyon -Apostol Lucas

 

 

 

 

 

 

1999-06-06, FBT

Biyaya at kapayapaang nagbubuhat sa mga langit sa pangalan ng Panginoon, ngayon at magpakailanpaman.

Muli ngang sagana ang hapag aking mga kapatid, na kung saan ay laging inihahanda ng kaitaasan na ihandog sa lahat at bawat isa upang kayo ay magkaroon ng tunay na lakas upang ang bawat isa ay makapagpatuloy na gumanap at tumupad ng kanyang tungkulin.

Muli ngang nagagalak ang kaitaasan at gayundin ang dakilang Diyos at ang kabatlayaang patuloy na isinusugo sa inyong kalagitnaan. Hinanangad ng bawat isa sa inyong magampanan ang mga tungkulin na inyong tinanggap buhat pa noon dakong una.

Umaasa ang kaitaasan at gayondin ang kabatlayaan na inyo nga itong pangalagaan ang lahat ng bagay na laging itinuturo sa inyong kalagitnaan na kayo nga ay tunay na hindi taga sanglibutang ito kung hindi kayo ay pinili na manggagawa ng Panginoon sa kanyang ubasan.

Higtan nga ninyo aking mga pinaka-iibig, ang tunay na pagiging Kristiyano na kayo nga ay mga pinili ng mga kasangkapan ng kaitaasan. Inyo ngang pagsikapang higtan ang tunay na paglilingkod alang-alang sa pangalan ng dakilang Panginoon na hindi ninyo hahayaang kayo ay maakit na alindog ng sanglibutan. Kung hindi bagkus ay inyong isakatuparan ang inyong tungkulin na tinanggap ng bawat isa.

Katotohanang, katotohanang sinasabi ko sa inyo na kayo nga ang higit na mauunang magtatamasa ng kapakinabangan at kaaliwan sa masaganang bunga na inyong aanihin pagsapit ng araw. Kung ito ang inyong ihahandog sa lahat na salat pa sa kaunawaan. Kaya at ipagpatuloy ninyo na pagyamanin ang bawat biyayang tinanggap ng bawat isa.

Ang araw ay nagdudumali sa kanyang kalagayan at kailanman ay hindi na ito magbabalik sa inyong harapan. Kaya at inyong paghandaan ang mga araw na iyan ay magkaroon kayo ng tunay na maiimpok na mapakikinabangan pagdating ng araw.

Kaya at magpatuloy kayo na maglingkod sa isa at isa. Ihandog ninyo ang mga bunga ng mga biyaya na taglay ng bawat isa sa inyo. Kayo nga ay magparangalan sa bawat isa upang kayo ay higit na magsitibay sa inyong pamamalagi sa dakilang Diyos.

Mag-impok ang bawat isa upang hindi kayo magapi ng anomang uri ng pagsubol na susukat sa katatagan at pananampalataya ng bawat isa. Kaya nga at lagi nang namumutawi sa labi ng kabatlayaan ang laging paalala upang sa ganoon ang bawat isa ay hindi matalisod at hindi maligaw sa tamang landasin na ipinakikilala ng kaitaasan mula pa noon hanggang sa kasalukuyan.

Gugulin ninyo ang inyong mga panahon sa inyong mga buhay sapagkat walang sinomang nakaalam kung saan ang dulo at hangganan ng buhay na ipinahiram ng Diyos sa bawat isa sa inyo. Kaya at huwag ninyong pabayaan, aking mga kapatid na masayang ang mga araw na nagdaraan.

Sikapin ninyong mag-impok sa lahat ng sandali ng maraming mabubuting bagay at mabubuting mga gawa ng siya ninyong isisilid sa inyong mga lukbutan. Nawa ay tunay ngang kakitaan ang bawat isa ng ngiti sa kanyang labi na taos sa kanyang puso ang tapat na paglilingkod alang-alang sa pangalang ng dakilang Panginoon.

Ito ang mga bahagi na aking iiwan sa bawat isa. Nawa ay makita ang tunay na masaganang pagmamahalan at pag-iibigan ng bawat isa ngayon at magpakailanman. Muli, pag-ibig at kapayapaan ang siya kong iniiwan sa lahat at bawat isa.

Paalam, ang inyong kapatid sa Espiritu, Lucas.




 

1999-01-30, SB

Biyaya at kapayapaang nagbubuhat sa mga langit sa pangalan ng Panginoon, ngayon at magpakailanpaman.

Muli ngang sagana ang hapag aking mga kapatid, na kung saan ay laging inihahanda ng kaitaasan na ihandog sa lahat at bawat isa upang kayo ay magkaroon ng tunay na lakas upang ang bawat isa ay makapagpatuloy na gumanap at tumupad ng kanyang tungkulin.

Muli ngang nagagalak ang kaitaasan at gayundin ang dakilang Diyos at ang kabatlayaang patuloy na isinusugo sa inyong kalagitnaan. Hinanangad ng bawat isa sa inyong magampanan ang mga tungkulin na inyong tinanggap buhat pa noon dakong una.

Umaasa ang kaitaasan at gayondin ang kabatlayaan na inyo nga itong pangalagaan ang lahat ng bagay na laging itinuturo sa inyong kalagitnaan na kayo nga ay tunay na hindi taga sanglibutang ito kung hindi kayo ay pinili na manggagawa ng Panginoon sa kanyang ubasan.

Higtan nga ninyo aking mga pinaka-iibig, ang tunay na pagiging Kristiyano na kayo nga ay mga pinili ng mga kasangkapan ng kaitaasan. Inyo ngang pagsikapang higtan ang tunay na paglilingkod alang-alang sa pangalan ng dakilang Panginoon na hindi ninyo hahayaang kayo ay maakit na alindog ng sanglibutan. Kung hindi bagkus ay inyong isakatuparan ang inyong tungkulin na tinanggap ng bawat isa.

Katotohanang, katotohanang sinasabi ko sa inyo na kayo nga ang higit na mauunang magtatamasa ng kapakinabangan at kaaliwan sa masaganang bunga na inyong aanihin pagsapit ng araw. Kung ito ang inyong ihahandog sa lahat na salat pa sa kaunawaan. Kaya at ipagpatuloy ninyo na pagyamanin ang bawat biyayang tinanggap ng bawat isa.

Ang araw ay nagdudumali sa kanyang kalagayan at kailanman ay hindi na ito magbabalik sa inyong harapan. Kaya at inyong paghandaan ang mga araw na iyan ay magkaroon kayo ng tunay na maiimpok na mapakikinabangan pagdating ng araw.

Kaya at magpatuloy kayo na maglingkod sa isa at isa. Ihandog ninyo ang mga bunga ng mga biyaya na taglay ng bawat isa sa inyo. Kayo nga ay magparangalan sa bawat isa upang kayo ay higit na magsitibay sa inyong pamamalagi sa dakilang Diyos.

Mag-impok ang bawat isa upang hindi kayo magapi ng anomang uri ng pagsubol na susukat sa katatagan at pananampalataya ng bawat isa. Kaya nga at lagi nang namumutawi sa labi ng kabatlayaan ang laging paalala upang sa ganoon ang bawat isa ay hindi matalisod at hindi maligaw sa tamang landasin na ipinakikilala ng kaitaasan mula pa noon hanggang sa kasalukuyan.

Gugulin ninyo ang inyong mga panahon sa inyong mga buhay sapagkat walang sinomang nakaalam kung saan ang dulo at hangganan ng buhay na ipinahiram ng Diyos sa bawat isa sa inyo. Kaya at huwag ninyong pabayaan, aking mga kapatid na masayang ang mga araw na nagdaraan.

Sikapin ninyong mag-impok sa lahat ng sandali ng maraming mabubuting bagay at mabubuting mga gawa ng siya ninyong isisilid sa inyong mga lukbutan. Nawa ay tunay ngang kakitaan ang bawat isa ng ngiti sa kanyang labi na taos sa kanyang puso ang tapat na paglilingkod alang-alang sa pangalang ng dakilang Panginoon.

Ito ang mga bahagi na aking iiwan sa bawat isa. Nawa ay makita ang tunay na masaganang pagmamahalan at pag-iibigan ng bawat isa ngayon at magpakailanman. Muli, pag-ibig at kapayapaan ang siya kong iniiwan sa lahat at bawat isa.

Paalam, ang inyong kapatid sa Espiritu, Lucas.




 

 

2007-08-26, SB

Sumainyo ang biyaya at kapayapaang nagmumula sa kalangitan ang siyang hinahandog sa lahat at bawat isa, sa pangalan ng Panginoong HesuKristo ngayon at magpakailan pa man.

Minsan pa ay binabati ang lahat at bawat isa na ang mga kabatlayaang patuloy na isinusugo sa inyong kalagitnaan lagi na sa tuwing sasapit ang banal na gawaing katulad nito. 

Katotohan nga na muli, saganang hapag na kung saan, muling inihain sa inyong kalagitnaan ang iba't-ibang mukha nang mga aralin na ninanasa nang Kaitasan na maiparating at maipaunawa sa lahat at bawat isa.

Sa aking mga iniibig na mag-aaral sa mga sandaling ito, tunay ngang malaon nang nag-aaral nga ang aking mga iniibig. Sagana na nga kayo sa iba't-ibang magagandang turo nang mga kabatlayaan. 

Sa iba't-ibang pagkakataon, sa iba't-ibang lunduyan na kung saan inihatid kayo nang inyong mga pangyapak upang hanapin, hagilapin, suriin, pag-aralan, tuklasin ang tunay na kayamanan, karunungang makalalim.

Naroon na nga kaya sa pagkatao ng bawat isa, ang mga katagang mapapalad sapagkat tunay nga na sagana na nga kayo sa tunay na kayamanang makalalim. Karunungang makalalim na siyang hinahangad nang mga kabatlayaan masuri, maunawaan ng bawat isa, maisakatuparan, maisabuhay, sa kabuuan ng inyong mga pagkatao.

Tunay nga na kayo ay marurunong na, mga iniibig na mag-aaral. Subalit ang kapanahunang ito, tunay ngang ginigising ang kamalayan ng bawat isang nag-aaral. Sapagkat tunay ngang maging sa Banal na Kasulatan ay pinatotohanan ng mga kataga na ang pananampalataya na walang gawa ay baog sa kaniyang kalagayan.

Gayundin ang bawat isa, patuloy man kayong makinig, makisalo, makipag-aral sa mga kabatlayaan. Kung kayo mananatili na sarado sa paggawa ng maraming kabutihan ayon sa kalooban ng dakilang Diyos, sa kalooban ng dakilang Panginoon, mawawalan nga ng kabuluhan ang mga pag-aaral, ang mga karunungan na naisilid at naimpok ninyo sa inyong mga sisidlan.

Huwag na huwag mangyari, mga iniibig na mag-aaral. Sapagkat tunay ngang kailan man ay hindi naglihim ang dakilang Panginoon. Sa pamamagitan ng mga kabatlayaan na siyang katuparan ng Kaniyang ipinangako buhat pa noong dakong una. 

Naisusugo sa inyo ang ibayong mga aliw, samakatuwid baga'y ang Espiritu Santo ng katotohanan na siyang magpapaliwanag ng lahat nang sinabi ng dakilang Panginoon sa Kaniyang kapanahunan. Nakipamuhay sa kapatagang ng daigdig.

Nawa'y hindi nga kayo mapagod at magsawa sa pakikipag-aral sa mga kabatlayaan. Huwag ninyong lalagyan ng tabing ang inyong mga mata, upang hindi makita ang tunay na katotohanan na kayo pala ay mayroong tungkuling gagampanan. Napakahalagang tungkulin, habang kayo ay nakikitilad, nakikibaka, nakikipamuhay sa daigdig na ito.

Nawa'y lawakan pa nga ng aking mga iniibig na mga mag-aaral, ang inyong pang-unawa, ang inyong pag-aaral at pagsisikap na masuri at maunawaan ang kahalagahan ng inyong pag-aaral. 

Sapagkat katotohanan nga na binabanggit sa Banal na Kasulatan na ang wika ng dakilang Panginoon sa Kaniyang kapanahunan, hindi lahat nang nagsasabi sa akin "Panginoon! Panginoon!" ay papasok sa kaharian ng langit. 

Kung di nau-ukol lamang sa isang tunay na kalayaang makapasok sa makipot na landas ang mga tutupad at gaganap sa kalooban ng dakilang Diyos, umasa lang.

Kaya nga kayo ay gagawa, mga iniibig na mag-aaral, tulad din ng banggit "Tatanggap ang tao, ayon sa kaniyang nagawa." Kayo ay magtatanim, at kung kayo ay mag-aani nang saganang butil ito ang inyong mababaon, pagbabalik nang bawat isa sa tunay na bayan na inyong pinanggalingan.

Kaya nga at huwag na huwag sasayangin ng bawat isa ang mga pagkakataong ipinagkakaloob ng dakilang Panginoon. Ang kalayaan ng bawa't isang mag-aaral, upang dumako lagi na, sa ipinag-aayayang piging ng dakilang Panginoon, upang makakuha nang Kaniyang bahagi, nang tunay na lakas na ibinibigay nang dakilang Panginoon sa lahat at bawat isang nanunungkulan.

Kung inyo ngang pagmamasdan ang kaganapan sa inyong kapaligiran. Ano pa nga kaya ang kulang sa bawat isang inaaralan upang hindi makita ang isang katotohanan nang mga panahong binabanggit buhat pa nung dakong una. Patuloy na nagaganap at nangyayari na nga sa inyong mga kalagayan.

Ano pa nga kaya ang gagawin ng bawat isang mag-aaral kung di ang mag-impok nang ayon sa kaniyang kakayanan bilang pagsunod sa kalooban ng dakilang Panginoon. Pagganap ng kaniyang tungkulin, hindi lamang makikinig habang panahon, kung di bagkus hanapin ang isang tunay na kaparaanang makapaglingkod ang bawat isa, alang-alang sa kaniyang dakilang Panginoon.

Ang panahon ay hindi nga nagbibiro, at mga araw at sandaling lumilipas sa inyong mga kalagayan ay sadya ngang mabilis at hindi kailan pa man magbabalik. Kailan pa nga gagamitin ng bawat isa ang lakas na mayroong kabuluhan. 

Ang buhay na ipinahiram ng dakilang Panginoon. Sasayangin pa nga kaya ng bawat isa kung inyo na ngang nalalaman ang kahalagahan ng tunay na buhay na muli ninyong pagbabalikan sa takdang kapanahunan.

Kaya nga at magpatuloy nawa kayo mga iniibig na inaaralan, na gamitin nang bawat isa ang nalalabing panahon sa kalagayan ninyong mag-aaral. Sapagkat wala nang sinumang nakakaalam kung hanggang kailan ang dulo ng daan na inyong tinatahak na ipinakilala ng dakilang Panginoon buhat pa nung dakong una. 

Wala nga na sinumang nakakaalam kung hanggang kailan ang hangganan ng buhay na ipinahiram ng dakilang Panginoon. At muli ngang babawiin sa takda ngang kapanahunan ng bawat isa.

Samantalahin na nang bawat isang lakas-loob at gamitin sa tunay na kabutihan. Huwag kayong makisalo, huwag kayong sumalo, sa gawi ng sanglibutan sa kaniyang kalagayan sa kapanahunang ito. 

Sapagkat tunay ngang babala ng Kaitasan ay nariyan lagi, ipinamamalas na sa bawat isa. Sinupin ng aking mga iniibig na inaaralan ang kaniyang natutunan sa loob ng lunduyan. Sapagkat tunay ngang ito ay katangi-tangi ngang kayamanan na maiimpok nang bawat isa habang kayo ay nagpapatuloy.

Nawa'y ganapin na nang aking mga iniibig ang tunay na tungkulin na nakaatang sa inyong mga balikat. Lalo pa nga sa kapanahunang ito. Masunod nawa ang tunay na kalooban ng dakilang Panginoon. Ganapin ang Kaniyang mga batas sa abot nang makakaya ng bawat isa. Ibigay ang Cesar ang kay Cesar, at ibigay ang sa Diyos ang sa Diyos.

Pahalagahan ng bawat isa ang araw ng dakilang Panginoon na kung saan ang bawat isang tinawagan ay inaasahang na dadalo lagi at makikisalo sa mga kabatlayaan na ipinangako ng dakilang Panginoon.

Nawa'y hindi kayo mapagod sa pananalangin alang-alang sa kapayapaan ng inyong kapaligiran. Sapagkat ito ay isa sa napakahalagang tungkulin na gagampanan ng aking mga iniibig na inaaralan.

Huwag na huwag tatabingan ng bawat isa ang ilawan ng bawat isa, kung di bagkus, huwag ninyo ipagkait ang talsik ng liwanag nang mga ilawang iyan upang matupad ang Kaniyang nilikha. Kayo ang ilaw ng sanglibutan, marami nga, malawak ang mga aralin na dapat matutunan ng bawat isa.

Nawa'y hindi nga kayo mapagod tumuklas, umalam ng tunay na karunungan. Huwag ninyong hahayaan na lumipas ang panahon nang walang kabuluhan sa inyong buhay. Kung di bagkus ariin ng bawat isa, tulad ng binabanggit ng karamihan, "ano mang sandali na lumilipas ay katumbas ng tunay na ginto".

Kaya nga magpatuloy kayo, maging masipag sa pag-aaral, maging masipag sa pagtupad nang inyong mga tungkulin. Mangag-aralan kayo sa isa't-isa para sa ikatitibay nang aking mga iniibig.

Ito ang bahaging akin iiwanan sa lahat at bawat isa. Nawa'y kakitaan nga kayo lagi na nang tunay na kasiglahan sa pagtupad ninyo ng inyong mga tungkulin. Lagi sikapin pagtagumpayan ang iba't-ibang mukha nang pagsubok na inyong mamamalas habang kayo'y nagpapatuloy sa pagganap ng inyong mga tungkulin, alang-alang sa pangalan ng dakilang Panginoon.

Nawa'y kakitaan kayo lagi nang kaayusan at pagmamahalan, ngayon at magpakailan pa man. Muli ang biyaya at kapayapaan ay aking iniiwan, at nawa'y ang pag-ibig nang dakilang Diyos ang siya nawang laging maghari sa bawa't isa at sa inyong kapaligiran ngayon at magpakailan pa man.

Paalam, ang inyong kapatid sa espiritu at sa iisang pag-aaral, Apostol Lucas.

 

2007-08-19, SB

Sumainyo ang biyaya at kapayapaan nagmumula sa kalangitan ang siyang inihandog sa lahat at bawat isa, sa pangalan ng Panginoong Hesu Kristo ngayon at magpakailan pa man.

Muli bumabati ang kaitasan gayon din ang mga kabatlayaan patuloy na isinusugo sa inyong kalagitnaan, sa lahat at bawat sa aking mga iniibig na inaalala na muli naghandog ng kanyang kabuuan sa harapan ng Dakilang ng Diyos, sa harapan ng Dakilang Panginoon upang magpuri. 


Magpasalamat sa lahat ng bagay. Katotohanan ngang kalugod-lugod sa harapan ng Dakilang Panginoon na ang bawat isa ay nagpapatuloy, nagsisikap na maging tapat na manggagawa sa hugasan ng Dakilang Panginoon.

Muli, inaasahan na ang kaitasan na muli ang bawat isa ay makabahagi ng mga aralin na muli sa inyo ay inihain sa mga sadaling ito. Katotohanan ngang hindi sapat na sambitin lamang sa mga labi ng bawat mananampalataya ang pangalan ng Dakilang Panginoon. Sapagkat tunay ngang sa Banal na Kasulatan nawiwika ang pananampalataya na walang gawa ay baog.

Kayo na mga tinawag sa iba't-ibang dako ng sanglibutan at hinugot sa bunto ng karamihan. Sinikap nga ng mga kabatlayaan na iparating sa bawat isa ang ibat-ibang aralin tumutukoy sa kahulugan ng mga banal na salita ng Dakilang Panginoon, at kayo ay hindi tinuruan upang manatiling tagapag-pakinig lamang. 

Kung di bagkus paulit-ulit na binabalik sa inyong mga ala-ala ang mga kataga ng inyong mga pag-aaral sa hangarin ng Dakilang Panginoon, gayundin ang mga kabatlayaan, maunawaan ang malalim na kahulugan at malawak na kahulugan ng inyong pinag-aaralan mga banal na salita ng Dakilang Panginoon.

Tunay nga na ang bawat isa ay mayaman sa karunungang makalalim. Nauunawaan na nga rin kaya ng bawat isa sa aking mga iniibig na higit na mahalaga ang pagsasakatuparan ng ibat-ibang uri ng karunungan na ibinahagi ng mga kabatlayaan at ito ay hindi pananatiliin ng bawat isa na itatago sa lihim ng tulad sa mga ilawan nang pinagkalooban ng Dakilang Panginoon magkaroon ng sinding liwanag sa inyong pagkatao.

Tulad din ng paulit-ulit na aralin ng mga kabatlayaan na ibinabahagi lagi na sa lahat at bawat isa ang mga aralin na inihalintulad sa mabubuting binhi na ipinagkakatiwala ng Dakilang Panginoon sa lahat at bawat isa.

Inaasahan din sa aking mga iniibig na ito'y inyong pagsisikapan na itanim sa ubasan ng Dakilang Panginoon. Sapagkat tunay ngang nawiwika sa Banal na Kasulatan na ang maghasik ng marami ay mag-aani rin naman sagana, at ang maghasik ng kakaunti, mag-aani rin nang ayon sa kanyang pagpapatawad.

Ganyan kayo tinuturuan mga iniibig na inaaral ng mga kabatlayaan. Pagsikapan ng bawat isa na maunawaan ang mga kahulugan ng inyong mga pinag-aaralan. At kung paano ninyo sinasaliksik ang Banal na Kasulatan gayundin ang mga pahayag ng mga kabatlayaan ay inyong pagkasaliksikin, pagkasuriin ang kabuuan ng inyong mga pagkatao.

Kung sa inyo na nga ay lumapat na, tumubo na amg mga binhi na ipinagkatiwala ng Dakilang Panginoon, upang matupad ang Kanyang winika nasusulat sa Banal na Kasulatan. Inihalitulad ang bawat isa sa mga sanga sa puno ng ubas. Na kung ito nga ay mananatiling mamumunga sa kanyang kalagayan, Kanyang lilinisin upang lalo pa itong magbunga.

Ganyan nga ninyo tatanawin ang inyong mga sarili. Lalo na nga sa kapanahunang ito na nagaganap nang naraming bagay na nakatala sa Banal na Kasulatan. Gayundin ang katuparan nang mga ipinagpauna buhat pa noong dakong una ng mga kabatlayaan. 

Sa ibat-ibang dako ng inyong bansa na kung saan ang bawat isa ay tinawag. Na darating ang panahon na mapanganib. Darating ang ibat-ibang kaganapan sa inyong kapaligiran, sa inyong bansa at sa buong daigdig.

Tunay nga na natutupad ang banggit ng mga kabatlayaan, gayundin ang mga nakatala sa Banal na Kasulatan. Darating ang mga araw na mapanganib. At ang nagaganap sa inyong kapaligiran ay mga bagay, mga sandali na napupuno ng kagulumihanan sa puso ng mga tao. 

At nariyan ang mga pagtatanong, "bakit pinabayaan maganap ang mga bagay sa inyong kalagayan?". Subalit kayo na mga inaaralan, mga iniibig, katotohanan yan. Kung inyong susuriin ang mga banggit ng mga kabatlayaan, tunay nga, buhat pa noong dakong una na kayo ay nakinig sa mga pag-aaral ng mga kabatlayaan, ito ay nahahayag na sa inyong mga kalagayan. 

At ang mga panahon na binabanggit sa inyong kalagitnaan nawa'y hindi ninyo hahayaang masayang ang panahon at oras ng inyong paghahandog sa harapan ng Dakilang Panginoon.

Sinupin nawa ng bawat isa, ang inyong mga mabubuting mga gawa. Pagsikapan na makagawa pa ang bawat isa ng maraming mabubuting mga gawa. Habang taglay ng bawat isa ang lakas at buhay na ipinahiram ng Dakilang Panginoon. 

Pag-ingatan ng bawat isa ang kanyang sarili sa sanglibutan at nawa'y hindi nga kayo magsawa at mapagod sa pananalangin alang-alang sa kapayapaan ng bawat isa, alang-alang sa kapayapaan ng inyong bansa at nang buong daigdig.

Nawa'y magpatuloy nga kayo na mayron katatagan at kasiglahan, mga iniibig na inaaral. Sapagkat dumarating na ang mga panahon na susukatin ng Dakilang Panginoon ang lawak at lalim ng inyong pang-unawa, ng inyong pananampalataya panalagi sa pangalan ng Dakilang Panginoon.

Nawa'y hindi nga maging katatakutan sa bawat isa ang mahayag pa sa inyong mga harapan, sa mga araw na dumarating sa buhay ninyong mga tao. Kung di bagkus, gampanan ng bawat isa ang ayon sa ipinag-uutos ng Dakilang Panginoon, gayundin sa mga habilin ng mga kabatlayaan. Sapagkat tunay nga na inyong madadama ang tunay na kapayapaan. Kung kayo'y mananatili tapat na maglilingkod alang-alang sa pangalan ng Dakilang Panginoon.

Nawa'y kakitaan kayo lagi na ng kaayusan, kaunti man ang inyong bilang, huwag ninyong tatanungin, kung di bagkus, tanawin ninyo ang inyong mga paggawa kung kayo nga'y nagpapatuloy nang masigla sa pagganap ng inyong mga tungkulin. 

Kung kayo nga ay nagpapatuloy na dumadalo lagi na, sa laging ipinaghahandang pigi ng Dakilang Panginoon upang makibahagi, bumahagi ng lakas na nagmumula sa Dakilang Diyos, lakas na ibinibigay ng sanglibutan.

Nawa'y hindi nga kayo manatili tagapakinig lamang, kung di kayo ay magsikap na tagatupad ng Kanyang mga Banal na Salita. Sapagkat tunay ngang kayo ay naghahangad ng tunay na kapayapaam, naghahangad ng tunay na katagumpayan ng inyong mga kaluluwa. 

Manatili kayong matatag. Magpatuloy na humingi ng lakas sa Dakilang Panginoon, upang kung dumating man ang ibat-ibang mukha ng pagsubok na susukat sa pananampalataya ng mga tao, mananatili kayong nakahawak na mahigpit sa tunay na puno ng ubas.

Nawa'y kakitaan kayo lagi na nang pagmamahalan sa isat-isa. Pag-iibigan ngayon at magpakailan pa man. Ito ang bahagi na aking iniiwan sa lahat at bawat isa.

Muli ang biyaya at kapayapaan ay aking iniiwan. Nawa'y ang pag-ibig ng Dakilang Diyos ang siya nawang maghari lagi sa bawat isa, sa inyong kapaligiran ngayon at magpakailan pa man. 

Paalam, ang inyong kapatid sa Espiritu at sa iisang pag-aaral, Apostol Lucas.

 

1997-06-08,  SB

Sumainyo ang liwanag at kapayapaang nagbubuhat sa kalangitan sa pangaln ng Panginoon ngayon at magpakailanman!

Muli, binabati ng mga kabatlayaan ang bawa't isa sa smuling ipinakita ng aking mga iniibig na kapatid, na kung saan ay inyong idinako ang inyong mga sarili sa harapan ng dakilang Panginoon.

Ang muling araw ng kaganapan na kung saan ay muling magaganap at matutupad ang nasasaad sa Santong Kasulatan na anim na araw ang inyong ibinigay sa inyong sarili at ang isang araw ay inyo rin namang ibibigay at ipagkakaloob sa dakilang Diyos na siyang lumikha sa lahat ng bagay.

Subalit nangahanda na kaya ang lahat at bawat isa upang muling kunin ang siyang nararapat na pagkain sa bawat isang tinawag at hinirang ng dakilang Diyos? Harinawang maging handa ang lahat at bawat isa sapagkat napakahalaga ang katulad nito sapagka't ang inyong pag-aaral ay hindi para sa inyong katawang laman kung hindi ang pag-aaral na ito ay para sa inyong kaluluwa.

Kaya nga at walang maikakaila ang lahat sapagkat patuloy na minamasdan ng kaitaasan, tinitignan ng kabatlayaang sa inyo ay isinusugo ang kaibuturan ng puso ng bawa't isa sa inyo. Binanggit na mayroong katanungan, hindi nga kaya nagsasawa ang lahat at bawa't isa sa inyo na dumadalo lagi na sa piging na inihanda ng tuwi-tuwinang sumasapit ang araw na ito?

Huwag nawang mangyari, aking mga kapatid, na magsawa at manghina ang lahat at bawa't isa sa inyo sapagka't na pakahalaga ang sandaling katulad nito. Aking sinasabing pagsikapan ninyo kung paanong kayo ay dumalo at inihandog ang inyong sarili sa dakilang Panginoon ay inyong pagsikapang sa pagbabalik ninyo sa inyong tahanan ay magkaroon kayo ng mai-uuwing mga butil ng karunungan at hindi diyan matatapos na kayo ay mag-uuwi ng karunungan kungdi bagkos pagsikapang isalin sa inyong kabuuan sapagka't patuloy na pagmamasdan ng kaitaasan kung paano kayo gumagawa ng inyong mga tungkulin.

Nagmamadali ang bawa't araw sa inyong kalagayan kung paanong kayo ay namamalas ang lahat ng bagay ay pagsikapan ninyong magmadali na nga sa paggawa. Nawa ay makapataglay ng karunungang inyong napulot upang ang kaalaman ay hindi masayang.

Kayong tinatawag na manggagawa, patuloy na naghahayag ag kaitaasan ng mga butil ng binhi na ibinigay bilang magsasaka. Nguni't paano inaalagaan at itinatanim upang makapagbigay ng masaganang bunga?

Patuloy na magtanin sapagka't ito na nga ang tunay na takdang araw ng pagtatanim. Samantalahin ninyo ang ganitong mga gawain. Maraming mga bagay ang naririyan , ang sikat ng araw sapagka't darating at darting ang dilim at hindi na kayo makapagtatanim pa sapagka't kadiliman.

Magtiyaga kayo at magsipag na magtanim ng marami sapagka't ang masipag na nagtatanim ay nag-aani ng sagana. Ito inyong paghandaan upang magkaroon kayo ng tinatawag ninyong magandang kinabukasan.

Magpatuloy kayo kung paanong inyong nakikita ang inyong mga sarili na mayroong kasipagan. Dagdagan at huwag ninyong panghinayangan ang inyong ginugugol at pagsikapan na ihakbang ang inyong mga paa sa tuwing darating ang sandalin ito sapagka't katotohanang sinasabi, “Darating ang panahong hindi matutumbasan ang alinmang kayamanang inyong mamamalas at mahihipo ng inyong mga kamay ang gantimpalang naghinhintay sa lahat at bawa't isa.

Iyan lamang ang aking maipagkakaloob. Harinawang inyong pag-aralan at nawa ay makita lagi na sa lahat ang tunay na kababaang-loob at ang pag-iibigan ngayon at magpakailanman.

Paalam, ang inyong kapatid sa Espiritu, Lucas

 

1993-08-01

Huwag ninyong ikatakot mga anak, ang ibinigay sa inyo at ipinagkaloob ang biyaya ay dapat ninyong ipaubaya sa inyong mga kapatid sa pamamahayag na ito.

Kung wala pong maka-abot sa liwanag na nakikita ay nais ko po na ako ay magpakilala sa inyo sa kaorasang ito. Madala ko ang mahal na Panginoon sa inyo sa pagdalo sa kaorasang ito dito sa paturuang ito.

Nandito po ako bilang instrumento na pinadala sa inyo upang magbigay ng kaunting tinapay naririyan sa hapag bahaginan sa kalawakan upang hindi po kayo mag-alinlangan kung sino ang maglilingkod sa inyo sa kalawakang ito. Nais kong magpakilala sa inyo, pakibasa na lang po sa Lucas 20:36-37

“36- Sapagka’t hindi na sila maaaring mangamatay pa pagka’t kahalintulad sila ng mga anghel at sila ay mga anak ng Diyos, palibhasa’y mga anak ng pagkabuhay na maguli.

37- Datapwa’t tungkol sa pagbabangon ng mga patay, ay ipinakilala rin naman ni Moises sa Mababang punong kahoy, nang tinawag niya ang Panginoon na Dios ni Abraham, at Dios ni Jacob.”

Ako ay nagpakilala sa inyo upang lubos ninyo akong makilala at nais po akong magbigay sa inyo ng ibang kasulatan ng Banal na Aklat.

Mga anak, ang biyaya na ipinagkakaloob sa inyo huwag ninyong itago, huwag ninyong ilagay na sa salupan, huwag ninyong tatakpan upang inyong ipahayag sa inyong mga kapatid sa pananampalataya upang sa kanila ay mapaliwanagan. Paano nila mauunawaan ang ibinibigay sa inyo ng Batlaya kung hindi ninyo ipaliliwanag sa kanila?

Katulad nga sa isang bata, isang tupa. Ang isang tupa po kung inyong ilagay sa walang damo ay ano ang mangyayari, mabubuhay kaya kung siya ay ilagay ninyo sa masariwang damo. Pakibasa sa Lucas 8:7-17, lumaktaw po kayo sa 16.

7 At ang iba’y nahulog sa mga dawagan; at tumubong kasama ang mga dawag, at yao’y ininis.

8 At ang iba’y nahulog sa mabuting lupa, at tumubo at nagbunga ng tig-iisang daan. Pagkasabi niya ng mga bagay na ito, siya ay sumigaw. Ang may mga pakinig na ipakikinig, ay makinig.

9 At tinanong siya ng kanyang mga alagad, kung ano kaya ang talinhagang ito.

10 At sinabi niya, Sa inyo’y ipinagkaloob ang manga-kaalam ng mga hiwaga ng kaharian ng Dios: datapwa’t sa mga iba’y sa mga talinhaga; upang kung magsitingin ay huwag silang mangakakita, at manga-karining ay huwag silang mangakaunawa

11 Ito ang talinhaga: Ang binhi ay ang salita ng Dios

12 At ang mga sa tabi ng daan ay ang nangakinig; kung magkagayo’y dumarating ang diablo, at inaalis ang salita sa kanilang puso upang huwag silang magsisam-palataya at mangaligtas.

13 At ang mga sa batuhan, ay yaong mga pagkarinig, ay tinatanggap na may galak ang salita; at ang mga ito’y walang ugat, na sila sa sandaling panaho’y nagsisi-sampalataya, at sa panahon ng tukso ay nagsisihiwalay.

14 At ang nahulog sa dawagan, ay ito ang nangakinig, at samantalang sila’y nagsi-siyaon sa kanilang lakad ay iniinis sila ng mga pagsusumakit at mga kayamanan at mga kalayawan sa buhay na ito, at hindi nangagbubunga ng kasakdalan.

15 At ang sa mabuting lupa ay ang mga pusong timtiman at mabuti, na iniingatan ang salita pagkarinig, at nangagbubungang may pagtitiis.

17 Sapagka’t walang bagay na natatago, na di nahahayag; o walang lihim, na di makikilala at mapapasa liwanag

Iyan po ang aking ibibigay sa inyo. Sana po ay inyong isapuso ang bawa’t salita na ibinibigay sa inyo ng ating mahal na Panginoon.

Pangatlong sulat na ibinababa sa atin na upang inyong pag-aaralan, Hebrew 10:7-8.

Iyan po ang aking iiwan, ang panghuling sulat na ibibigay ko sa inyo sana po ay inyong isapuso at isa-isip sa Lucas 3:15

15 At samantalang ang mga tao’y nagsisipaghintay at pinagbubulaybulay ng lahat sa kanilang puso ang tungkol kay Juan, kung siya kaya ang Cristo.

Iyan ang aking ibinibigay na tinapay sana po ay paghatihatian ninyo sa oras na ito. Nasa inyo ang biyaya at kapayapaan na mula sa langit. Adios,  LUCAS



 

Comments

Popular posts from this blog

2023-11-27, Rebecca

2016-02-02, Rebecca

1981-1994, Koleksyon - Geronimo de Guia