Posts

Showing posts from December 12, 2022

2022-12-18, Rebecca

2022-12-18, ARK RAF - RAD Liwanag ng Espiritu Santo ang maghari sa lahat at bawa’t isa ngayon at magpasawalang hanggan. Sa bawat kasaysayan, kung gaano kahalaga ang kanyang simula binibigyan ng ningning at katingkaran sa kanyang pagpapatuloy at pinadadakila kapag dumating ang kanyang pagwawakas. At kung ito ngayon ang siyang kalagayan, samakatuwid dakila ang magiging paggawa sapagka’t naroroon na ang kanyang magiging kabuuan. Samakatuwid, sa kalagayang ito ay higit na pinatingkad ang buhay na taglay ng bawa’t manggagawa sa ubasan ng Panginoon. Lakas na dadaloy sa bawat sisidlan ng tubig Kung gayon, ipaubaya ninyo ang hiling ng Panginoon na, sa sandaling ito ay ipagkaloob ninyo ng buong-buo ang inyong diwa, ang inyong puso, ang kalagayan ng kabuuan ng inyong mga kaluluwa upang sa buhay na ipagkakaloob na naroroon ang pag-ibig at kapangyarihan ng Ama sa pamamagitan ng kanyang Anak mataglay at maging siyang lakas na dadaloy sa bawa’t sisidlan ng tubig. Kaya nga ipa...