1981-1984, Koleksyon Antonio De Padua
1984-05-13, RR Kapayapaan ang maghari sa lahat ngayon at magpakailanman! Mga iniibig na kapatid, maraming araling ibinababa ng kabatlayaan. Mga araling kinakailangang matutuhan ng lahat at bawat isa ngunit kung magkaminsan ay hindi matagpuan ng isang mag-aaral. Kailangan ng lakas ng pag-iisip At hindi matutuhan ang mga araling iyan na nagmumula sa mahal na batlaya na sa atin ay nagbibigay ng mga aral kaya at kinakailangang ang tao ay magkaroon ng lakas ng pag-iisip upang kanyang madampulayan ang tunay na mga araling kinakailangang matutuhanng lahat at bawat isa. Sapagkat kung ang isang pag-iisip ng isang mag-aaral ay mayroon ng taglay na kahinaan ay walang matataglay sa habang panahon sa kanyang pakikipag-aral sa kabatlayaan sapagkat sa isip nagmumula ang lahat, sa isip nagmumula ang mga bagay na pangangailangan ng tao maging sa buhay ng nau-ukol sa laman at maging sa buhay kaluluwa. Ang lahat ng iyan ay ang pag-iisip a...