1994-2007, Koleksyon - Maria Magdalena
2007-12-09, LB Sumainyo ang pag-ibig at ang kapayapaan na nagbubuhat sa iisang Diyos mula ngayon at magpakailan pa man. Kung ang bawat ay ibabalik sa nakaraan at naging kadahilanan ng bahagi na iginagalaw ngayon ng sanglibutan, lalung-lalo na sa mga kaluluwang kumikilala sa tunay na aral at diwa ng isang Kristo. Kung kayo nga ay babalik sa nakaraan, sa panahon ng pagsilang ng isang sanggol sa munting sabsaban. Ano kayang mahalagang papel ang kukunin ng bawat isa? Upang maipakilala ang kanyang pagpapahalaga, sa kadakilaan nang bahaging naganap? Bakit ko ibinabalik tanaw sa aking mga iniibig na mga kapatid ang isang munting kasaysayan na yan? Sapagkat tulad ng maraming babaeng nagkaroon ng anak, ang magkaroon ng isang pagkakatiwala na nagmumula sa Panginoon, na mabiyayaan ang sinuman na ang kaluluwa ay makibahagi sa pamamagitan Niya ay tunay nga na kalugod-lugod sa harapan ng Panginoon. Ano pa kaya kung ang bawat babae na yan ay tulad ng isang Maria? ...