2016-01-02, Rebecca
Kaalaman at pag-ibig na buhat sa mga langit ang maghari sa lahat at bawat isa. Kung ang magiging pagpapasimula nang kalagayan sa buhay ng bawat tao’y ang paghihiwalay ng laman at ng kaluluwa upang maipatanaw ang balangkas, ano ba ang hinaharap? Ano ba ito sa panahon? Ano ba ito sa mga araw na kanyang lalakaran upang mabuo ang kahayagan ng hiram na buhay? Ang pagsilang ba ang una na kinakailangang mabuksan na doon ngayon ikakabit upang ipatanaw, ito ba ang aking hantungan, sa ganito ba nakaabot ang aking hantungan? Sa lawak ng tanawing ito’y isa lamang ang ipinatatanaw, paano mo dinala sa buhay na iyong ginalawan ang kabuuan ng Dios na siyang pinagwangkian, “ang Ama at ang Anak ay iisa?” Kung gayon, inihantad sa tao upang ipakilalang buo ang buhay ng bawat kalupaan; buo ang buhay ng bawat kahayagan mula sa likha ng Dios naroroon ang pag-uugpong ayon sa kanikaniyang uri; ayon sa kanikaniyang dala; ayon sa kanikaniyang kahayagan at tungkuling ginagampanan. Ang larawan na sasapitin; ang la...