1982, Koleksyon - Arkanghel Raphael
1982-12-19, FBT Sumainyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman! Mga ginigiliw ng kapatid, ang panahon ay nagpapatuloy at magpapatuloy sa kanyang pagdating at pag-alis, ang tao na isinilang na nilikha ng Panginoon ay mamumuhay at makikipamuhay bilang mag-aaral, at kung natuto ay magiging isang mananampalataya. Sapagkat sa matanggap ng lahat o hindi, ay katotohanan na hahanapin ang kaunlaran ng kanyang sarili, hahanapin ng tao ang kabagayang hindi maaaring mawala at maparam, ang pakikipamuhay sa daigdig at pakiki-alinsabay sa takbo ng kalikasan ay mga bahaging iipunan, pipiliin ang ukol sa langit at sa lupa ay siya lamang gagamitin sa pakikipamuhay sa kapatagang iyan. Ang papuri ng mga tao ay sa tao, ang gawa ng kabanalan ay sa kaitaasan Gaano man kadakila ang isang tao bilang mamamayan sa lahat ng pagkakataon ay ibinabahagi ng kanyang laman ang nau-ukol sa kanyang diwa sapagkat nalalaman ng tao ang kadakilaang pinupuri ng...