1971, LVS,Koleksyon -Juan Ortega

1971-February 28 Juan Ortega

 
Kap. Romualda Reyes
Silahis ng Pag-ibig

Ang mga biyaya at kapayapaan na nagmumula sa kaitaasan ang sumainyo ngayon at magpakailan man!

Mga minamahal na kapatid, sa dulang ng Panginoon ay nagsasalu-salo kayo sa umagang ito upang ang lahat ng Kanyang inihahain na masasarap na pagkain matikman ninyo upang sa gayon ay makapagdulot sa bawa’t isa ng kabusugan ng diwa at kaluluwa, makapagdulot ng kagalingan ng bawa’t may karamdaman na nananalig at nananampalatayang mayroon isang tunay na Diyos na nagpapagalaw at nagbibigay ng mga araling nau-ukol sa kanyang pagkatao.

Nguni’t kayo, mga minamahal na kapatid ay sa aking kakayahan ay mayroon na kayong mga lubos na nauunawaan sa inyong pag-aaral, nauunawaan ninyo ang isang nilikhang mayroon ng adhikain sa kabutihan na makagawa ng lalo at higit na kagandahan sa kanyang mga kapawa na makapagbigay ng aralin at makapagbigay din ng isang makatotohanang paggawa at paglikha ng mabubuting bagay.

Nalalaman ko, mga minamahal na kapatid na kayo ay matitibay na sapagka’t kayo ay mayroon ng malawak na pagkaunawa sa katuruang ito, bakit kayo nawawalan ng pag-asa, bakit kayo nagkakaroon ng kahinaan ng kalooban?  Hindi baga at sa tuwina ibinabandila sa inyong kalagitnaan na kayo magkaroon ng tibay at lakas ng paninindigan sa inyong pag-aaral at tungkulin?

Kailan pa mga kapatid,  kayo magkakarooon ng lakas at pagkaunawa sa  dakilang simulaing kinapapalooban?  Sa panahong ito, mga minamahal ko, binabanggit sa inyong kalagitnaan at iniwan sa puso at diwa ng bawa’t isa  sa aking mga kapatid na sa pamamagitan ng inyong matapat na hangarin maging isang tunay na espiritista magpakatatag kayo at magpakatibay, huwag magagapi sa munti ihip ng hangin sa daluyong man huwag patatangay sapagka’t kayo mawawalan ng pag-asa sa inyong pakikipag-aral.

Kaya, mga kapatid ko, huwag wikain ang aking tinig sa lakas na ito na isang pagpapalit at pagbibigay ng pag-aaral isa lamang tinig  na kinakailangang madinig ng mga kapatid na nagsisipag-aral kaya at ako naririto sa mga sandaling ito upang kayo ay halinahin sa landas ng katuwiran sapagka’t ako isinugo ng banal na Makapangyarihang isang alagad kung inyong tawagin, alagan ng katotohanan. 

Ako na isa ninyong kapatid na humihingi ng isang madalisay na paglikha at pag-ibig sa mga kapatid na sa bawa’t kapatid na mayroon ng kamalian, bigyan ng kapatawaran, sa bawa’t kapatid na hindi nakakaunawa ng lubusan bigyan ng aral, sa bawa’t kapatid hindi makasasapit ng taglayin sa buhay ay tulungan sapagka’t iyan ang isang simulaing nagpapatibay at mayroon ng katatagan sa kanyang sarili.

Mga minamahal ko, huwag ninyong kalilimutan sa tuwina ang maki-ugnay sa Di-Likha sapagka’t kailanman kayo nahiwalay sa puon ng ubas wala kayong magagawa kaya’t ako ay isang kapatid na nagpapagunita, huwag bayaan  ang diwa maglagalag sapagka’t diyan napapasukan ng mahinang kaisipan ang inyong pagkatao lalo pa sa mga kapatid na kasangapan na gumaganap sa anumang kaparaanan maging ito isang talaytayan ng kabatlayaan, maging ito isang tumutulong sa may karamdaman, kinakailangan sa tuwina malinis ang pag-iisip at matatag ang kalooban upang sa gayon huwag magapi ang inyong kahinaan.

Mga kapatid, hanggang dito ako at inaasahan ko sa ating pagniniig ay mayroon tayong pagkakaunawaan at pagkakaisa na magkakapatid.

Ang kapayapaan muli ang aking iniiwan at nawa matanim sa mga puso at diwa ng lahat ang mga binanghay ng mga kapatid, ang mga pananalita ng kabatlayaan sa inyong kalagitnaan.

Pagpalain kayo ng Ama ngayon at magpakailanman. Paalam, Ang inyong kapatid… 


 

Comments

Popular posts from this blog

2023-11-27, Rebecca

2016-02-02, Rebecca

1981-1994, Koleksyon - Geronimo de Guia