1981-1994, Koleksyon - Geronimo de Guia
1994-07-20, RAD
Kapayapaan buhat sa mga langit ang sumainyo ngayon at hanggang sa wakas.
Upang buhayin ang inyong kasiglahan tungo sa isang maunlad at maaliwalas na buhay, na dahil dito hindi sapat na kayo ay maging katulad ng isang magaang na papel na sa pag-ihip ng hangin ay tinatangay at pagkatapos ay binabagsak kung saan.
Hindi rin sapat na kayo ay maging katulad yaon yagit na sa pag-agos ng tubig ay tinatangay upang dalhin doon sa, kung hindi sa bawat bahagi ng kaalamang sa inyo ay ibinibigay, dalhin ninyo at kinakailangan mayroon ng mabuhay upang pagkatapos ay madama ang kahalagahan ng kamatayan.
At sa isang sandaling madamang mahalaga pala ang lahat ng ito sapagkat naroroon ang pagpapasimula ng kanyang paggawa na mayroon magiging kabuuan sa silahis ng liwanag ng kinakailang na mataglay ng isang kaluluwa mayroon ng mga paang hahakbang, lalakad, hahanap ng kanyang tahanan.
Dahil dito, kung ang iyan ay bahagi ng kaliwanagang ibinibigay ng katuruang ng Espiritismo, marahil bubukas na ang inyong mga mata, hahangarin ninyo na hindi mawawala ang kanyang liwanag. Kung buhay na ang inyong pakiramdam hahangarin ninyo ba na mawala ang kanyang init?
Kung mayroon ngayon ng lakas ang inyong mga tuhod upang kayo ay makatayo, hindi na ninyo iibigin na kayo ay malumpo upang hindi kayo makatulad ng nandoon sa balon ng naghihintay ng sa kanya ay tutulong upang matamo ang kagalingan.
Kung nadama ninyo na mayroon ng pinakamaliit na kaliwanagan nataglay ng inyong diwa na nagmumula, hahangarin ninyo na ito ay huwag mabawasan kung hindi manapa ay maragdagan.
Sapagkat nang dahil sa karagdagan ng liwanag na inyong matatamo, doon ngayon ninyo mabibigyan ng kulay at iba at ibang galaw, kahayagan at larawan na naririto sa sanglibutan.
Na nang dahil sa pagkakaroon ninyo ng karapatan upang mabigyan ng bawat bahagi tungo sa tunay na sa kanyang kahulugan, ang lahat ay magiging mapayapa, ang lahat ay magiging matiwasay, ang lahat ay magiging magaan sapagkat naririyan ang magiging timbulan ng kanyang kaluluwa ang kaalaman na sa kaniya ay nabubuksan.
Dahil dito, kung kayo ngayon ay paglalakbayin, marahil, walang iibig na ang kanyang marating ay ang dako ng mga kaluluwa na kung saan nagkamali ng kanyang landas sa pagtatamo ng katawang-laman na magiging kasangkapan sa kalaunan ng buhay.
Lagi ninyong palagiang iibigin na mamasdan kung papaano pumatnugot, kung paano humawak, kung paano na magsisi ang isang kaluluwa na tangay ang kanyang kataasan, na tangay ang kanyang kapalaluan.
Datapwat ang lahat ng mga bahaging ito ay galaw ng tao sa ibabaw ng lupa. Ang lahat may mga kalagayang ito ay siyang inihahayag, inihahantad at isinasabuhay ng bawat isa sa lipunan na kanyang ginagalawan na iyan ngayong umaakit ng iba at-ibang uri ng karanasan, siya ngayon umaakit ng iba at-ibang uri ng kalamidad na nadarama, siya ngayong umaakit ng iba at-ibang uri ng karamdaman na mabibigo ang mga dalubhasa upang ito aypagalingin sapagkat iyan ay karma ng isang kaluluwa.
Dahil dito, kung karma, naroron ang tiisin na kinakailangang kanyang matamo, naroroon ang pagsasaliksik na kinakailangang maging bahagi ng kanyang kabuuan, naroroon ang pagsikhay na makilala ang kanyang sarili at iyan ay unti-unti na nabubuksan sa bawat isipan.
Unti-unting nabubuksan at nagkakaroon ng daan upang maunawaan ng isang diwa, na dahil dito bagaman mayroon ng kirot, bagaman mayroon ng hapdi ang bawat karanasan ay siyang unti-unti na mag-aangat at magtataas sa kalagayan ng isang kaunawaan, ang matanggap ang katotohanan.
At sa bahaging iyan, naririyan ang kaganapan ng lahat ng bagay, kaganapan na ibinabadya at ipinaaaninaw, ibinibigay, na pamantayan ng marami. Datapwat sa lahat ng ito, kilalanin ninyo ang lalakarin ninyo patungo sa kaligtasan.
Iisa ang daan patungo sa kapayapaan, isa lang ang daan patungo sa kaliwanagan at ito ay walang iba kung hindi ang makapagtamo ang tao ng mababang kalooban, maamong puso, matalimahin sa batas ng Diyos at sa batas ng tao.
Dahil dito, kung diyan ngayon inilulundo ang lahat ng karunungan at kaalamang ibinibigay at karunungang na itinamin, tiisin na ang hangganan ang mediumnidad. Kaya nga, tulad ng batis hindi matutuyuan, hindi kailanman mawawalan kung hindi lalo pa na mararagdagan sa isang sandali na ito ay nagkakaroon ng kapakinabangan.
Dahil dito, ilimpi ninyo ang inyong sarili, na sa paglilimping ito ang katulad ninyo ay lulusong at sisisid sa ilalim ng dagat upang makuha ang mahalagang perlas na sa inyong pagsasagawa.
Hindi maaari na hindi kayo magdala at maglagay sa inyong kabuuan ng kasuotang angkop upang kayo ay makasisid sa ilalim ng dagat at naroron din ang kahandaan upang kayo ay magkaroon ng sapat na hangin sapagkat kayo ay lumilimpi.
Disiplina pisikal, moral, espiritwal
Dahil dito, lahat ng iyan ay mga bahagi ng kaalamang unti-unti sa inyo ay ipinadadama unti-unti sa inyo ay ibinibigay upang matutuhan ninyo ngayong dalhin ang kabuuan ng inyong sarili na ang kahayagan naroroon ang displina pisikal, disiplina moral, disiplina espiritwal, siyang kabuuan at kadakilaan ng simulain ng Espiritismo na sa pamamagitan ng mga ito, walang batas a hindi matutupad.
Ito
ang mga bahagi na akin sa inyo ay iniiwan. Maghari nawa sa inyong mga
puso at sa lahat ng tao, ang pag-iibigan, kababaang-loob,
pagkakawanggawa at kapayapaan, ngayon at magpakailanman. Paalam,
Geronimo de Guia.
1994-07-13 EB
Sumainyo ang kapayapaan ngayon at magpakailan man!
Mga iniibig na kapatid, ang lahat ng pananampalatya ng tao ay
kaalinsabay ng paglikha sa daigdig. Ngunit ang tao ay naghahanap ng mga
bagay na maaaaring maka-angat sa kanyang kinalalagayan.
At hindi masumpungan ang katotohanan hangga at hindi makikilalala ng tao
kung ano ang kahulugan ng salitang "Diyos". Mga bagay na hindi mabigyan
ng diwa, mga pag-aaral na di malutas at di magkaroon ng kapayapaaan
sapagkat ang tao ay alipin ng sanglibutang kinadoroonan ng magagandang
aral na kailangang suriin ng tao sapagkat ang tao ay natatakot sa
maraming uri ng tiising siyang kadalasang nagiging gabay, nagiging tulay
upang matunton ng tao ang paghahanap ng mga bagay na maitatakip sa
pangangailangan.
Kaya nga, laging inuulit sa palatindingan, sa pamamagitan ng isang
kasangkapang ginagagamit upang bigyan ng biyaya ang bawa't isang
nagkakaroon ng pananampalataya.
Mga minamahal na kapatid, napakalawak ang katuruan ng Espiritismo, hindi
mahayod at kasinlawak ng karagatang pinamamahayan ng maraming uri ng
may buhay na pinakikinabangan ng tao.
Mga gintong hindi makukuha ng higit na marurunong sapagkat ito ang
kalikasan ng karagatang nilalanguyan nang higit na marurunong ng mabigat
na bakal na nilikha ng pagka-Diyos.
Magi ang tao ay hindi pa rin natatagpuan kung saan naroon ang Diyos na
hinahanap, ngunit sa isang taong naging wagas na at nagkaroon na ng
pamumuhunan ng hirap, nagtagumpay sa maraming uri ng sapalaran, sa iba
at ibang daigdigang kinadoroonan niya ay hindi natagpusan an mga bagay
na kanilangang tapusin.
At ang tao ay dumating na sa panahong takda upang matipon sa isang
lunduyang ganito, ay bakit kayo nagkaroon ng pagkakapatirang pandaigdign
at nabuhol na uli ang bawat tali sa inyong mga pagkatao samantalang iba
at ibang dako ang sinilayan ng liwanag ng kayo ay isilang sa dagidig ng
mga hugis.
Dahil diyan, mga kapatid, ay isang aral ninyong malawak na gagamitin ng
bawat isa ang inyong pag-iisip upang matuklasan ng bawat isang hindi
kayo pinababayaan sa ngalan ng pag-ibig ngunit kung minsan kayo ang
nagpapabaya sa inyong tungkulin at ginagawa ninyong katulad ng isang
laruang hindi matagpuan kung saan inihagis ng isang musmos na
pagkakilala.
Mag-aral kayo at magsinop ng pinag-aaralan, maligaya baga ang isang
Espiritistang lagi na lamang inaakay ng mga banal na Patnubay? Maligaya
baga ang isang Espiritista na lagi na lamang ituturo ang kanyang dapat
isagawa samantalang malawak na ang kaalaman?
Hindi na kayo musmos, mga minamahal na kapatid, gawin ninyo ang inyong
nalalaman at sa lawak ng inyong nalalaman ay mayroon na kayong lakas
upang isagawa ninyo ang inyong kaalaman sapagkat panahon na upang anihin
ang mga bunga ng hinog na trigo. Kung ito man ay nababawasan ay dahil
sa mga ibong layang namumulot ng biyaya sa pataniman ng Panginoon.
Ngunit sa mga minamahal na kabataan, ay sinupin ninyo sapagkat
panghinayangan ninyo ang isang butil ng mustasa ay hindi mamunga sa
kapabayaan ng bawat isang kabataan naghahanap ng bawat isang kapayapaang
pangdaigdig.
Subalit saan dinala ng kanyang mga panyapak ang panglawalang pangulo ng
kabataang kailangan maging katuwang ng isang nagungulo ng kabataan upang
magkaroon ng kasiglahan ang kabataang sinasakop ng kanilang
kapangyarihan sapagkat binigyan sila ng pahintulot at ang isang batas na
gagampanan ng isang nagungulo ay hindi maaaring supilin ng alin mang
mga bagay na kadahilanang maangkin ng tao ay pagdating ng tao ay
maiiwasan.
Hindi ko pinaghihina ang kalooban ng naumuno ng kabataan at lalo na ang
namumuno ng katandaan. Ngunit gisingin ninyo ang pinakadiwa ng inyong
kaalaman. Lisanin ninyo pangsamantala at limutin ninyo pansamantala ang
inyong mga bunso at inyong mga kasuyo ay isagawa ninyo ng walang liwag
ang inyong napakahalagang tungkulin.
Mga minamahal na kapatid, malawak ang inyong nalalaman, matalino ang inyong mga pag-iisip, huwag ninyong bayaang ang hinanakit sa kalooban ay lagi nang nakapiit sapagkat kulang ang isang Espirtitistang lagi nang nagpipiit ng mga hinanakit sa buhay, ng mga paghatol. Kahabag-habag na Espirtista sapagkat ang kanyang natutuhan ay natapon sa isang lugar na mabato.
Mga iniibig na kapatid, ang lahat ng naghina at nagtalusirang Espiritista maging sa ibayong dagat, maging sa inyong kinadoroonan hihilahin ang tali upang ang bawat isa ay mapumpon at magkaroon ng pagtitipon-tipon makapag-angat sa alangang at sa mga araling dinadala ng kaitaasan sapagka't ang batas ay batas na hindi maaaaring masira.
Iyan, mga inibig na kapatid ang aking iiwan at ang pag-aaral ay hindi mabibigo sa isang espiritistang matapat sa kanyang panunuparan ng tungkulin. Kapayapaan ang aking iiwan sa lahat at bawat isa, ngayon at magpakailanman! Paalam, Geronimo do Guia.
1994-07-03, LL
Ang liwanag ng Espiritu Santo ang sumainyo sa lahat at bawa’t isa ngayon at magpakailanman!
Marahil sa mga naunang batlaya, kung ang tao ay taglay ngayon ang
liwanag ng pag-iisip ay nakasungkit kayo ng inyong pangangailangan ng
inyong kaluluwa. Sapagka’t sa pamamagitan ng liwanag ng pag-iisip ay
nakapagbibigay sa inyo ng pagtanggap sa bawa’t kataga na bawa’t inyong
madinig ay hindi ito masasayang sa inyong paligid.
At ako, bilang tagasubaybay ng isang kaluluwa ay, ikinagalak kong
ibalita sa inyo ako ay naging mapalad sapagka’t ginamit ko ang lahat ng
paraan upang ang kaluluwang ito ay magbalik-loob sa kanyang pinagmulan,
sa kanyang natutuhan dito sa simulain at patuloy na gaganapin ang isang
tungkuling tinanggap noong panahong iyong siya ay nakipagniig sa harap
ng batlaya.
At dahil sa kamusmusan ng isang batang nagbigay ng puwang, na palibhasa
sa kanyang kamusmusan ay hindi pa nakagawa ng mabigat na kasalanan sa
panahong siya ay nakipamuhay sa kapatagang-lupa, ay madali nitong
natanggap at naka-akay ng isang kaluluwa.
Minsan pa ay kanyang babalikan an kanyang pinagdaanang siya pala ay
mayroon dapat linguning sa kanyang pinanggalingang buhay na ngayon
ibinibigay ang pag-ibig.
Kung sa mga sandaling ito ay taglay ninyo ang liwanag ng pag-iisip ay
katotohanang sa pang-unawa ninyo ay makikita ninyo na ang pula ay pula a
ang itim ay itim. Kung ngayon ay mayroon kayo ng pagkakataon na
pag-aralan na kung bakit ang panahon ay mayroon tag-init, mayroon ng
tag-ulan, mayroon ng kulimlim at mayroon taglamig.
Napakahaba ng panahong ibinigay sa inyo upang bigyan kayo ng liwanag sa
pamamagitan ng mga klima na hindi ninyo mawari sapagka’t sa panahon na
ito, hindi ninyo masasabing tag-ulan at hindi ninyo masasabing tag-init
sapagka’t sa iang dako ng hapon init ang inyong mararanasan. Hindi baga
iyan ay isang pag-aaral?
Sa mga kasalukuyang pagdaraos ng ganitong pag-aaral, mayroon lagi nang
isang tinatawag na mapalad, kaya sa mapalad na umagang ito ay nais kong
banggitin sa inyo ang isang nilalang, ang madaliang tumanggap ng biyaya
ng kaitaasan at hindi lamang siya ang masisiyahan kungdi marahil maging
ang kanyang mga magulang at kapatid na nakauunawa sa ganitong pag-aaral.
At wala nang higit pang maligaya kungdi ang isang tagasubaybay ang tulad
ko sapagka’t uulitin ko sa inyo, ang tagumpay ng laman ay tagumpay ng
kaluluwa at isa ako ngayon sa mapalad na nagtatagumpay bilang
pagsubaybay sapagka’t narito ang aking pinapayo, sana magpatuloy sa
kanyang pagtupad ng tungkulin sapagka’t ito ang magdadala sa kanya at
lahat ng kanyang kahilingan na hindi na bigkasin ng kanyang mga labi ay
ipagtatagumpay ng kaluluwa sa kaitaasan at buong pusong ipagkakaloob
anumang ang kanyang hilingin.
Kaya at hinihikayat ko kayong lahat, mga iniibig na kapatid, lagi
ninyong ilagay sa inyong pag-iisip, damdamin at kalooban na kung lagi na
ay may liwanag ang inyong pag-iisip ay matataglay ninyo kung ano ang
inyong dapat gawin. Samantalang sa araw na ito at sa mapalad na umagang
ito na panahon ng inyong pakikipagniig sa kabatlayaan at sa panahon ng
inyong pagtanggap ng mga biyaya at siyang ibinigay, ay inyong
pakasinupin upang hindi masayang sa inyo. Sapagka’t ang biyayang
ipinagkaloob sa kaluluwa kung ito ay inyong pinangangalagaan, ito ang
siyang magsisilbing lilim na tutubo at lalago.
Mga kapatid, kung baga sa inyong pakikipag-usap a tila ayaw pa rin
ninyong pakinggan. Subali’t bago ako lumisan ay nais kong magbilin sa
kapatid na pangulo, na ang lahat at bawa’t isa ay mayroon ng tungkulin,
mayroon ng pagkakataon na ang pinagkalooban mo ng panahon sa malawakang
pag-aaral ay magpatuloy.
Iyan lamang ang aking iiwan at nawa ay liwanag ang tumanglaw sa inyo. Paalam, ako ang inyong kapatid, Geronimo de Guia
1994-05-11, GPL
Biyaya at kapayapaan ang siya nawang maghari sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailan man!
Malabis ang inyong pagnanasang matutuhan at maisakatunayan ang magagandang adhikain ng inyong diwa kung kaya at sa mga sandaling ito ay naririto kayo upang minsan pang patunayan sa inyong mga sariling kayo ay mananampalataya sa pamamagitan ng pag-aaral at paggawa ng nau-ukol sa hatid ng kabatlayaan.
Subalit ang tao napakalaki ang paghahangad na pangalagaan ang kanyang pag-aaral at pananampalataya sapagkat ang pag-aaral at pananampalataya dala-dalahan ng isang espiritu o kaluluwa kaya’t lagi kayong inuuntag ng inyong mga sarili.
Humanda sa mga dakilang araw.na ito upang pakainin ang inyong mga diwa at nalalaman ninyong naririto ang mga alagad ng Panginoong siyang maghahayag ng mga bagay na pangangailangan ng inyong diwa.
Subalit ang tao ay napakahina sa kanyang paggawa. Kung ang pagkakilala at pananampalataya ng tao ay naisasakatunayan at napatutunayan ng kanyang sarili, marahil naruruon na kayo sa yugto ng kadakilaan ng inyong mga kaluluwa. Subalit ang tao ay laging nagpapahalaga. sa kahinaan at kababaan ng kanyang pag-aaral.
Lagi ng pinahahalagahan. ng tao ang kapatagang ito na siyang palihan at ang pinupulot ay ang kababaan. Samantalang ang inyong espititu o kaluluwa na nanggaling sa Ama ay nag-uumigting na maisakatunayan ang mga aral at pag-aaral ay kayo naman ang humihila pababa sa inyong mga sarili, lalo pa sa mga ganganitong pagkakataon, pumatak lamang ang ulan ay nangatatamad na ang aking mga kapatid, nanghihina na ang mga sarili at dinadahilan ang mga hamog na nagmumula sa kaitaasan.
Samantalang ang mga hamog na ito ang nagpapasariwa sa isipan ng tao, nagpapasariwa sa mga halamang siyang lagi nang naghihintay ng mga dilig, tulad din ninyong mga tao na lagi na kayong naghihintay ng dilig at hamog ng kabatlayaan.
Subalit kayo ang kulang sa pangangalaga, sa inyong mga sarili. Kung banggitin natin at itaas ang kadakilaan ng inyong pag-aaral, isagawa ang mga bagay na mabuting lagi nang hinahangad ng inyong kaluluwa o espiritu. Huwag nang lubusang pahalagahan ang kahinaan sapagkat nalalaman ninyong ang lahat ng mga bagay sa kapatagang ito ay maiiwanan ng tao at ang mga dakilang gawa at pag-ibig ang siyang mananagano sa inyong mga puso.
Mga kapatid, ulit-ulit ang kabatlayaan sa paghahanay ng mga dakilang adhikain at paggawa ng inyong mga sarili. Subalit bakit kayo napapagot? Bakit kayo nanghihina? Bakit hindi itaas ang kadakilaan ng inyong pagkakilala at gawin ang mga bagay na nau-ukol sa inyong mga kaluluwa o espiritu?
Lagi na lamang pinaghehele ng inyong mga sarili ang mga katawang itong lahat ng mga bagay ng kahinaan ang siyang hinihiling at siyang naipakikita sa inyong mga kapwa.
Bayaan ninyong ang kahinaang ito ay matapon at itaas ang kadakilaan ng inyong kaluluwa sapagkat ang kaluluwang ito ang siyang magpasa walang hanggan na siyang babalik sa Ama upang maghayag ng inyong mga nagawa. Kung kayo ay kulang sa gawa ay ano ang maisasagot sa mga katanugan na lagi nang tinatanong kung dumating sa likod ng libingan.
Mga kapatid, kung kayo lamang ang mga mangagawang marunong tumupad sa inu-ukilkil ng mga banal na kaluluwa ay marahil nahanduduon na kayo sa tuktok.
Marahil malapit na kayo sa kadakilaang inyong hinahangad at wawaldasin na ng inyong mga sarili ang kahinaan sa kapatagang ito na siyang lagi nang minamahal at binubusog ng tao sa kapatagang lupa.
Paulit-ulit ang kabatlayaan, pabalik-balik ang pag-aaral. Subal’t hindi ko sasabihing hindi ninyo natatandaan, kulang lamang kayo sa paggawa ng mga bagay na mabuting lagi nang nakahandulong sa inyong mga isipin, sa inyong mga sarili, sa inyong pagpapahingalay.
Sa inyong mga tahanan ay, hindi ba at umuukilkil ang mga handog ng mga banal na espiritu para bagang naririto kayo sa Centro dumadating ang mga pahayag ng kabatlayaan at itinuturo ang mga bagay na dapat gampanan ng bawat isa sa inyo na nag-aaral ng katotohan.
Mga kapatid, dakilain ninyo ang inyong pag-aaral sapagkat sa kadakilaang ito mararating ninyo ang inyong katagumpayan kung maisasagawa ang mga bagay na itinuturo ng kabatlayaan sa inyong kalagitnaan.
Kapayapaan ang iniiwan ko. Paalam, Geronimo de Guia.
1994-02-20, GPL
Managano kayo sa katotohanan at kadakilaang hinahangad ng lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman!
Ang buhay ay pag-aaral kung kaya at naririto ang lahat at bawat isa upang ang buhay ay maging palihan at matutuhan ng tao ang daan tungo sa Dakilang Panginoon.
Ang lahat at bawat isa naghahangad na matuto at maisagawa ang mga banal na adhikaing ginagampanan kaya at ang kabatlayaan ay walang sawang sinusubaybayan kayo sa bawat sandali upang makilala at maipakilala ng lahat at bawat isa ang mga tungkuling kinakailangang gampanan ng bawat nilikha sa daigdig na ito.
Mga iniibig na kapatid, muli at muli ay nananawagan ang kabatlayaan upang dagdagan ang inyong pag-aaral at paggawa upang ang mga diwa ay managano sa katotohanan. Huwag isa isang-tabi ang mga bagay na pangangailangan ng inyong kaluluwa. Kinakailangang gampanan ng tao ang katotohanan ng paggawa ng mabuti sa kanyang kapwa.
Lagi na kayong inaalalayan ng kabatlayaan upang ang mga maling gawain at isipan ng inyong mga diwa ay hindi makapagpatuloy, sapagkat nalalaman ng kabatlayaang kayo ay mayroon nang mga binhi ng katotohanan. Lagi nang inaanyayahan ang kahinaan ng inyong mga sarili at inaakay sa taliwas na daanan.
Kinakailangang ang tao lalo pa sa panahong ito kung kailang ang dakilang Panginoon ay muling inihahayag ang kanyang mga dakilang aral at tungkuling ginagampanan ay managano kayo mga iniibig na kapatid.
At sa bawat sandali ay maki-ugnay sa kaitaasan upang ang mga banal na diwa ng mga mag-aaral ay manahan sa inyong mga diwa at hindi kayo makapagpatuloy sa landas ng kahinaang lagi ng nakahanduong sa inyong mga pagkatao. Hanggang kailan kaya maipapagpatuloy ang tunay na pananampalataya at paggawa.
Lagi na ay inyong binabanghay sa palatindigang ito, hindi lamang pananampalataya ang pangangailang ng tao kungdi ang paggawa ng mabuti sa kapwa, ang matutong magpatawad at magpaumanhin ang sa kanya ay nagkasala at huwag bibigyang halaga ang mga bagay na kahinaan, lagi na ay nakahandulong sa bawat tao sa kapatagang ito.
Mga kapatid, ang karamdaman ay sinasabi sa palatindigang ito na isang biyaya sapagkat kung ang tao ay mayroon ng karamdaman lagi lumalapit sa Panginoon, sa bawat sandali ay nanawagan sa dakilang Panginoon upang panagumpayan ang mga sakit at hirap ng dinadala.
Subalit ito ang palihan ng isang kaluluwa sapagkat ang isang taong may sakit ay lagi nang naka-ugnay at humihingi ng tulong upang ang karamdamang ito ay maitaguyod at mapalis sa katawang-laman na lagi siyang palihan kung paano magiging dakila ang kanyang kaluluwa.
Mga kapatid, magpapatuloy kayo tulad ng pagpapatuloy ng dakilang Panginoon sa kanyang tungkulin sa kanyang hirap at sakit na pasan ang krus sa bundok ng mga bungo kung saan itinindig ang kadakilaan ng isang aral at pananampalataya at nagampana ng Amang Makapangyarihan ang tungkulin na kanyang sinumpaan sa dakilang Diyos na siyang lumalang sa lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman!
Kapayapaan ang inilalagak ko sa inyo. Paalam, Geronimo de Guia.
1993-06-13, GPL
Saganain kayo ng katotohanan at kadakilaang hinahangad ng lahat at bawat isa ngayon at magpakailanman.
Sa buhay ng tao ay lagi nang kakambal ang pag-aaral, at sa mga sandaling ito ang tao ay nalilito sa kanyang sarili. Kinakailangang maki-ugnay sa dakilang Ama at sa mga sinugo; humingi ng subaybay upang bigyang liwanag ang kanyang isipan at hindi madaig na alitigtiging pang kapatagan.
Ganyan ang taong nag-aaral at naka-uunawa ng kahalagahan ng pag-aaral na ito. Hindi ilalagay sa isantabi ang kanyang natutuhan kung hindi sa bawat sandali ng kanyang kagulumihanan.
Kaalakbay ang dakilang alagad ng Panginoon upang halinahin ang kanyang diwa sa dakilang katotohanang matutong umibig at magpatawad sapagkat ang pag-ibig ang siyang sagisag ng kadakilaan ng pananampalataya ng tao.
Kung walang pag-ibig ay hindi makagagawa ang tao ng kabutihan sapagkat dito ay nakasalalay ang kadakilaang hinahangad ng lahat at bawat isa sa inyo.Mga iniibig na kapatid, sa haba ng panahon ng inyong pag-aaral at sa pamantayan ng pagkilala naroroon ang katotohanang ang kadakilaan ng Panginoon ay nasasa inyong mga diwa ng nakasubaybay sa bawat sandali ang mga banal na alagad ng Panginoon upang hindi kayo maligaw sa inyong paggawa upang hindi kayo makagawa ng hindi nararapat sa inyong pag-aaral.
Kayat sinasabing maligaya ang nag-aaral ng katotohanang ito sapagkat lagi nang naroroon an mga alagad ng Panginoon, hinahalina ang lahat at bawat isa sa inyo upang tumupad ng mga bagay na mabuting laging nakahandulong sa lahat ng isipan.
Subalit dala palibhasa ng kahinaan ng tao na sinasabing lagi na, na siya ay tao lamang, binibiyang halaga ang kanyang pagkatao kung namamali ng mga gawa. Hindi maitindig ang kadakilaan ng pag-aaral at pananampalataya upang maging ganap kayong alagad ng Panginoon.
Mga kapatid, sa pamamagitan ng pag-aaral na lagi ng pinahihigit ang pangkapatagan subali't ang kabatlayaan lagi nang sinasabing kinakailangang pahigitin ang dakilang katotohanan at pananampalataya upang maipagpatuloy at maging baunan ng inyong diwa ang mga manggagawa sa kapatagang ito.
Ang pagpapaumanhin, pagpapatawad ay lagi ninyong ipagpatuloy sapagkat kung ang Panginoon ay nagpatawad sa kanya ay nagsisi-usig, sino pa ang mga taong nilkha ng Panginoon upang makapiling at makasama doon sa kaharian ng langit?
Mga kapatid, sa sandaling ito ay nag-aksaya kayo ng panahon, binigyan ng halaga ang inyong mga kaluluwa kung kaya at naririto kayo upang busugin ang inyong diwa sa mahalagang aral ng kabatlayaan lagi nang nakahandulong sa lahat at bawat isa sa inyo.
Mga kapatid, magpapatuloy kayong gumagawa, magpapatuloy kayong umuunawa at hindi ninyo pababayaang maglimayon ang inyong mga diwa. Pilit ninyong itindig ang kadakilaan ng inyong pag-aaral at pananampalatayang maging dapat sa kaharian ng mga langit.
Iyan ang iniiwan ko sa inyo, aking mga kapatid, at magpatuloy kayo at huwag magsasawa sapagkat ito lamang ang tanging madadala ng tao kung dumating ang araw ng Panginoon.
Kapayapaan ang iniiwan ko sa inyong mga puso. Paalam, Geronimo De Guia
1993-05-19, GPL
Managano kayo sa katotohanan at kadakilaan ng lahat at bawat isa ngayon at magpakailan man.
Pag-aaral ang dala at lakas ng isang pananampalataya upang sa tungkulin ang kadakilaang ibinababa ng kabatalayaan at pag-aaral ninyo kung ano ang mga bagay na humahandulong sa diwa ng mga nilkha.
Mga kaguluhang siyang sagisag ng kagubatang natatanaw ng dakilang protektor at ang kagubatang ito ay nasasa inyong mga sarili. Mga kagulumihanan at mga kagulumihanan ng mga diwang lagi ng naghahanap kung saan matatagpuan ang pagtatamasa ng kayamanan at kaligayahang siyang hinahangad ng tao sa lupa.
Kaya at lagi na ay madilim ang isipan ng tao. Hindi hinahanap ang liwanag ng katotohanan na babaunin ng kanyang kaluluwa. Laging nananaig sa bawat sarili ang kahalagahan ng sanlibutang ito nagpapasasa sa kayamanan at kasiyahan ng sarili samantalang nalalaman ninyo ang sanlibutang ito ang siyang palihan ng bawat kaluluwa. Kung kaya at kayo ay binigyan ng buhay at lakas upang dakilain ang pag-aaral ng sariling kaluluwa.Mga kapatid, mahaba na ang nalakbay ng lahat at bawat isa. Sa pagkakaisip pa lamang ng tao ipinakikilala na ang kadakilaang isinabuhay ng Dakilang Panginoon na kinakailangang sundan ng tao at isagawa ang mga bagay ng lubusan.
Subalit magpahanggang ngayon ay kakaunti pa ang nakagaganap sa mga bagay na iniwan ng Panginoon, pag-ibig at pagkakawanggawa. Sagisag ng pag-aaral at kadakilaan ng pananampalataya.
Magpahangga ngayon ay nasa kadiliman pa ang isipan ng mga tao at hindi manaig ang liwanag na pinag-aaralan. Kung naririnig ng mga tao at hindi manaig ang liwanag na pinag-aaralan. Kung naririto kayo sa ganitong pagkakataon, saglit na nagkakaroon ng liwanag ang isipan at wari bagang nagaganap ang kanyang pinag-aaralan.
Subalit paglabas ay sari-saring alitigtiging pangkapatagan ang sumasainyo. Kaya at iyan ang kagubatang natanaw ng banal na protektor sa inyong kaisipan. Alisin ninyo ang kawing-kawing ng pagkakamaling ito upang ang ganap na pag-aaral at liwanag ang siyang maghari sa inyong katauhan.
Ang inyong lunduyan ay may pamagat na “Silahis ng Pag-ibig,” bakit ninyo babayaang maging silahis na lamang ang inyong lunduyan at hindi maging isang ganap na liwanag at hindi silahis ng liwanag lamang?
Kinakailangang magsipagbalikwas ang aking mga kapatid upang ang liwanag na laging nagbabadha sa inyong mga bumbunan ay maging isang ganap na liwanag.
Upang makapagpatuloy kayo sa kadakilaang hinahangad ng inyong kaluluwa upang kung dumating ang araw ng Panginoon doon ninyo matuklasan ang katotohanan ng pag-aaral at pagpapagod sa sandaling ito ng pag-aaral.
Mga kapatid, magpatuloy kayo, huwag kayong magsasawa sapagkat sa dulo ng landas ay naroroon ang isang inang makapangyarihan naghihintay sa kanyang mga bunso upang isukob sa kanyang mga pakpak.
Kapayapaan ang iniiwan ko. Paalam, Geronimo De Guia.
1992-12-09, GPL
Saganain kayo ng kapayapaan at kadakilaang naghahari ngayon at magpakailanman!
Sa landas ng buhay ng lahat at bawat isa na nagnanasang matalunton ang
landas ng dinaanan ng Panginoon ay marami ang naliligaw at hindi
makapagpatuloy sa magagandang nasain ng kanyang diwa na dugtungan ang
mga aral ng kadakilaang iniwan ng Panginoon.
Marami ang naghahangad at lalong marami ang nagnanasang makagawa ng mga
bagay na iniwanan ng Dakilang Panginoon subalit magpa-hanggang sa
ngayon, marami ang nauuwi hanggang sa pagnanasa lamang at hindi lubusang
matalunton ang mga bagay na lalong karapat-dapt maisagawa ng tao.
Lagi nang ligaw ang tao sa mga bagay na ninanasa ng kanyang kaluluwa,
lagi nang hindi maipagpatuloy ang mabubuting nasaing natatanggap sa mga
sandaling tulad nito. Kaya at ang kabatlyaan ay walang humpay ng
pag-antig at pagtuturo sa lahat at bawat isa upang namnamin ang bawat
diwa na kinakailangang magampanan ang mga bagay na mabuti kung lagi nang
nakahanhandulong sa inyong mga diwa sa lahat at bawat isa sa inyo ay
lagi nang umuukilkil ang kaganapan ng inyong mga diwang nagnanasang
makagawa ng mabubuting bagay lagi nang nasa inyong isipan.
Sadyang ganyan ang buhay, ang dilim at ang liwanag ay lagi nang
naka-agapay na sana ang liwanag na ito ang siyang mamaibabaw sa inyong
pagkatao at hindi lagi nang inaagaw ng kadiliman ang inyong pagnanasa.
Ang iniiwan ay lagi nang hindi makapagpatuloy na makaigtad sa kadakilaan
ng iyong hangarin.
Laging talo ang liwanag na ito sa inyong isipan sapagkat kayo nga ay
mahihina pa sa inyong pag-aaral at pananampalataya. Sapagkat ang
kaalamang ito na siyang kulungan ng inyong kaluluwa mahina sa paggawa ng
nauukol sa kabanalan.
Kailangang sa paglalakbay ninyo sa kapatagang ito ay mayroon na kayong tatag at tibay ng paninidigan ang mahalagang tungkuling nalalaman ninyong isagawa sa mahabang panahon sapagkat kayo ang mga dakilang alagad ng Panginoong naiwan sa kapatagang ito upang maghayag at gumawa.
Subalit bakit laging antala ang tao sa paggawa ng mabubuting bagay na kinakailangang madala kung dumating ang dakilang araw. Lagi na lamang balot ang inyong isipan ng kababaan, lagi na lang nananawagan ang kabatlayaan upang tuluyang makaigtad ang inyong diwa upang pumailanglang sa paggawa ng kabutihan at makapagpatuloy kung saan ang mga dakilang aral ng Panginoon lagi nang siyang namamayani.
Mga kapatid, napakagulo, napakahina ng daigdig na ito sa kanyang pagsulong na nauukol sa kabutihan. Lagi na lang nasa ibaba ang kabanalan at at namamaibabaw ang ang kawalang pag-asa ng tao sa buhay na ito.
Bayaan ninyong mapali at maisaisang tabi ang mga hindi karapat-dapat upang hindi na lagi na lamang muli at muling binabangahay ang mga kataga sa palatindigan at hindi maipagpatuloy ng tao ang kahalagahan ng tungkuling dapat na gampanan ng lahat at bawat isa sa inyo ngayon at magpakailanman.
Kapayapaan ang inilalagak ko. Paalam, Geronimo de Guia
1992- 03-29, GPL
Managano kayo sa kapayapaan at kadakilaan ng inyong pag-aaral ngayon at magpakailanman!
Mga sandaling ang tao ay nalilibang sa isang kapatagan sapagkat ang mga dakilang araw ng ito ng pagpapakain sa mga diwang sahol sa pagkakilala ay kung bakit napapabayaan at lagi nang untol ang tao sa gawi ng kabanalan at kabutihang lagi nang hinahanap ng kanyang diwa sa mga dakilang araw na ito ng alaala ng dakilang Panginoon ay maisakatunayan at maisagawa saka pa natatamad ang mga dakilang manggagawa sa pagbubungkal ng kanilang mga bukirin.
Nakatiwangwang ang bukirin ng pagkakilala ng tao at inuuna ang pagyayao at dito sa mga pangkapatangang-lupa. Binabayaang mauhaw at magutom ang kanilang mga diwa at natatamad sa gawi ng kabanalan.
Samantalang ang mga dakilang araw ng ito ay ang lahat ng araw ay kinakailangang dakilain upang hindi lamang alalahanin kung hindi isagawa ang mga banal na araw ng paggawa.
Kababaang-loob at pag-ibig sa kanyang mga kapwa upang isakatunayan ng mga kapatid na nagnanasang makasunod sa mga bakas na Kanyang dinaanan subalit sahol ang tao sa paggawa ng mga bagay na walang kabuluhan lagi nang nananagano ang kanilang mga kalooban at katawang-laman.
Nasisiyahan sa panglabas na kaanyuan subalit ang makatunton siyang matitipon ng tao na mga kabutihang nagawa at kababaang-loob at pag-ibig ay lagi ng kulang, sahol sa paggawa ng tao samantalang nalalaman ng tao, ito ang tanging paraan upang dakilain ang kanilang kaluluwa sa paggawa at pagdakila sa mga araw nga Panginoon lagi nang nahakahandulong sa lahat at bawat isa sa inyo.
Mga iniibig na kapatid, hanggang kailan kaya mananawagan ang kabatlayaan? Hanggang kailan gigisingin ang mga diwang hindi ko sasabihing tulog kung hindi magising na kayo sa inyong pagkakilala at pananampalataya?
Kulang lamang kayo sa pangangalaga sa isang halaman ng buhay na nasa inyong katauhan. Kulang kayo sa lahat ng bagay na mabuti. Mga iniibig na kapatid, sa landas ng buhay wala kayong iniwan sa isang bangkang nasa laot ng karagatan na binabagyo at sa sigwa ng panahon ay inaalon kayo sa laot ng karagatan at kung dumarating na ang mga sigwa ng panahon nalalapit sa inyo ang Panginoon.
Sapagkat laging nasa inyong isip at diwa, nasa inyong mga labi ang pananawagan at paghingi ng tulong. Ninanasa pa ba ng aking mga kapatid na muli at muling tangtangin ang sangkatauhang ito upang malapit kayo sa Panginoon sapagkat nagiging mapapalad ang mga taong inaabot ng kasakunaan at nalalapit sa Panginoon?
Laging ka-agapay sa kanyang diwa ang pagtawag at paghingi ng tulong upang bigyan lakas at tibay ng pananampalataya at pag-aaral subalit pagdating sa ganitong pagkakataong tahimik ang dagat, hindi umaalon.
Nahandiyan kayo at naglilimayon at hindi busugin ang inyong mga diwang lagi nang sahol sa pag-ibig at pagkakilala, sa paggawa sa inyong mga kapwa sa pagtulong at sa inyo-inyong mga sarili ay managano ang inyong mga sarili sa kayamanan at mga kabusugang dulot ng sanglibutang ito.
Nalilimutan ninyo ang inyong mga kapatid na ipanalangin, nalilimutan ninyong hagisan ng kapirasong tinapay ang inyong mga kapatid na nagugutom sapagkat nasisiyahan kayo sa inyong mga sariling nalulunod sa kaligayahan sa sanglibutang ito.
Mga kapatid, hindi ninyo madadala sa dako pa roon ang pananagano ng buhay-laman kung hindi managano kayo sa kadakilaan ng inyong paggawa at pag-aaral at paglilingkod sa inyong mga kapwa upang kung dumating ang panahon, ang dakilang araw ay maligaya kayong haharap.
Subalit ang mga araw na iyan ay hindi araw ng paglilimayon kung hindi pagdidili-dili kung papaano nagampanan ng dakilang Panginoon ang Kanyang tungkulin. Ganyan din kayo sapagkat kayo ay hindi iba sa Panginoon at sinasabing kayo ang maliliit na Diyos na na gaganap sa inyong mga tungkulin upang managumpay na tulad ng Panginoo ang inyong kaluluwa sa dako pa roon.
Kapayapaan ang inilalagak kong muli ngayon at magpakailanman. Paalam, Geronimo de Guia.
1992-02-05, EB
Kapayapaan ngayon at magpakailanman!
Mga iniibig na kapatid, sa kahalagahan ng biyaya ng ipinaglilingkod ng kabatlayaan, naririto kayo upang minsan pa ay madama ang katotohanan ng ipinaglilingkod ng kabatlayaan.
Naririto kayo upang minsan pa ay madama ang katotohanan ng inyong pinag-aaralang mga bagay na tanging maaangkin ng tao, mga pagkaing di napapanis sa inyong mga dulang kungdi ito ay laging sariwa na magiging kabusugan ng inyong pagkagutom pagdating na panahon.
Magpasalamat kayo sapagkat laganap ang kagulumihanan ng tao, ubos-lakas ang pag-aambil ng kabatlayaan sa sangkatauhan, naghahanap ng mga bagay na ibibigay na kahalagahan ng biyayang hinahanap ng maraming nag-aaral ng katotohanan, ngunit saan naroroon kung hindi sa puso ng bawat isang nilikha?
Malawak ang araling pinag-aralan ng bawat isa sa inyo, hindi ko sinusukat ang inyong mga kakayahan ngunit kung minsan ay naunawaan ko at nakikitang ang paghingi ng puwang sa kabatlayaan ay hindi ninyo maiwawaksi sa inyong mga pagkatao sapagkat mahaba na kayong nag-aaral ng katotohanan.
Mga ginigiliw na kapatid, hindi ko sinasabing kayo ay maraming biyaya ngunit sasabihin ko ang katotohanang ang biyayang ito ay lagi na ninyong kasama at nasa inyong mga bumbunan, ngunit ang pag-aalinlanagn ng nag-aaral ng katotohanan ay hindi maiwaksi sapagkat hindi pa kayo nakalilimot sa dulot ng sanglibutan.
Hindi ko kayo sinusumbatan, kung hindi maging malakas kayo at makatotohanan. Mahalin ninyo ang simulaing inyong pinag-aaralan sapagkat lumalaganap ang kaguluhan at nagkakaroon ng pagkakampi-kampi ang mga nilikhang hindi magkaroon ng puwang ang tunay na katotohanang pinag-aaralan ng isang tunay ng Espiritista.
Hindi ako magkaroon ng lubus-lusang mga kataga ng pag-aaral na ibinibigay sa inyo sapagkat malawak ang tungkuling ng kabatlayaan. Sa ibang dako ay kailangang-kailangan ang aming tulong ngunit hindi ko pinababayaang mangulila ang aking minamahal na kapatid sapagkat ginto ang panahon.
Nag-aambil kami ng kapayapaang sasakop sa bawat pag-iisip ng tao ngunit kabiguan ang nadarama ng kabatlayaan sapagkat ang kainitan ng simbuyo ng kataasan ng tao ang naghahari at di magkaroon ng diwa ang maraming nananalanging humhingi ng kapayapaan.
Kapayapaan ang aking iiwan sa lahat ng bawat isa, ngayon at magpakailanman! Paalam, Geronimo de Guia.
1983-02-06, LF
Saganain kayo sa dakilang biyaya ng mga langit; nawa ay maghari ang kapayapaan sa lahat at bawat isa.
Kung papaanong ang bawat isang nilikha ay nagnanasang lumandas sa landasin ng pagpapakabuti, ang lahat ay titiisin, ang lahat ng kasusuungan ng kanyang sarili ay kinakailangang tungkuling ng buong puso, sapagkat kayo ang mga nilikhang naghahanap ng katotohanan.
Ang landasing tinatahak ng lahat at bawat isa sa inyo ay sadyang maburol at maraming bato ang inyong katitisuran. At kung kayo ay mga nilikhang hindi maalam dumaan sa landasing iyan ng buhay, kapag kayo ay nadapa ay hindi na muling makababangon.
Sapagkat kayo ay maalam manghawak sa tunay na katarungan ay ipinakikipaglaban ng lahat at bawat isa sa inyo, na ang bawat landasing maburol na inyong dadaanan ay sadyang inyong ipakikipaglaban ng inyong mga sarili, upang ang lahat ng tiisin ay inyong mairaos hanggang sa dako pa roon ng buhay.
Bakit maalab ang pagnanasa ng lahat at bawat isa sa inyo na lumandas sa isang landasing hindi nalalaman ng inyong mga sarili kung saan ang hangganan? Bakit ang lahat ng mga nilkha ay nagpapasan ng mabigat na krus sa kanilang mga balikat upang isalunga sa matarik na bundok ng pagpapakasakit?
Subalit bakit mayroon na mga kapatid na gayong nalalamang masarap na maibigay ang sarili sa larangan ng paglilingkod, na mapasan ang mabigat na krus ng pagtitiis, ay dahan-dahan pang ini-aakyat sa bundok ng pananagumpay?
Sapagkat natatalos ng mga kapatid na iyan na kung sakaling dumating sila sa tuktok ng bundok at maisampa nila ang kanilang mga dala-dalahang krus sa kanilang mga balikat, ay mayroon sila ng gantimpala na makakamtan, hindi ng kanilang mga sarili kung hindi ng Tunay na Taong nagnanasa ng kabutihan. Diyan na sisigaw ng pananagumpay ang lahat at bawat isa kung ang krus na dala dalahan ay maisampa ninyo sa Bundok ng mga Bungo.
Ganyan kayo mag-aaral at makikipag-aral sa larangan ng buhay. Ganyan kayo titindig
at maninindigan sa pagtuklas ng dakilang kayamanan ng buhay. Kayo ang nakatatalos kung gaaano kabigat ang bawat pananagutang maibigay sa inyo ng kabatlayaan upang inyong mapanagumpayan hanggang sa dako pa roon, at diyan makikilala ng mga minamahal na kapatid kung gaano ninyo pinahahalagahan ang kadakilaan ng katarungan ng Espiritismo.
Ang Espiritismo ay ginagabayan ng kabatlayaan upang kayong lahat ay makinabang, upang hindi ninyo panghinayangan ang mga panahon ng inyong pag-aaral.
At kung dumating sa inyo ang mga pagsubok ng panahon, matatatag kayo, mga minamahal na kapatid na Espiritista, sapagkat kayo ang nakakatalos kung ano ang ini-aalay sa inyo ng kabatlayaan, kung ano ang lagi na ay ipinahihiwatig sa inyo sa inyong pagpupulong, kung ano ang magiging pakinabang ng lahat at bawat isa sa inyo kung kayo ay lagi nang nakikinig at nakiki-ulayaw sa kabatlayaan.
Mga minamahal na kapatid, hindi masasayang ang bawat sandali sa inyong buhay kung inyong maunawaang kung kaya kayo nakikipag-aral sa kabatlayaan ay sapagkat kayo ay sinusubaybayan sa landas na inyong dinaraanan.
Hindi ninyo panghihinayangan na isabog sa inyong mga kapatid na nangangailangan ang bawat biyaya na ikinintal ng kabatlayaan sa inyong diwa. Hindi lamang kayo ang makikinabang, kung hindi ibabahagi ninyo sa maraming bilang ng inyong mga kapatid ang biyayang inyong tinatanggap sa tuwina. Marami ang nangangailangan, marami ang kinakailangang dumako sa loob ng paaralang ito sapagkat kinakailangang marami ang makinabang sa katuruan na inyong kinabibilangan.
Mga minamahal na kapatid, nagpapasalamat ang Protektor sa mga kapatid na nakibahagi at makikibahagi pa sa mga mga darating na araw, sa pakiki-ugnay ng lahat at bawat isa, palatandaang magandang pagsasamahan ang itturing ng mga kapatid sa pagsasamahang ito ng mga Espiritista.
Ito ay nalalaman ng kabatlayaan na ang kapatid sa lunduyang ito ay nahahandang tumulong sa mga kapatid na nangangailangan, lalong-lalo na sa diwa, at hindi lamang ito ang pook na pagdarausan, kung hindi kinakailangang kayo ay lumabas at ipamudmod ang biyayang inyong tinanggap sa lunduyang ito.
Ang mga kapatid sa ibang dako ay gayon din. Ang tinanggap ninyo nang walang bayad ay ipamudmod ninyo nang walang bayad. Iyan ang katuruan ng Espiritismo. Pahalagahan ninyo, mga minamahal na kapatid, ang bawat banggit ng kabatlayaan, at makikit ninyong ngayon, at sa susunod na panahon, ay lagi nang magtatalik ang lahat at bawat isa sa inyo, sa pagkilala at pag-unawa sa dakilang katotohanan.
Lagi na ay magsasamahan kayo; lagi na ay magdadamayan kayo. Ipakilala ninyo a maraming bilang ng mga nilikha na ang Espiritismo ay mayroon ng tanikalang kapaki-pakinabang, na siyang bibigkis sa lahat ng aking mga minamahal na kapatid. Pag-aralan ninyo ang aking mga banggit, at umaasa akong ang lahat at bawat isa sa inyo ay magkakaunawaan ngayong at lagina.
Kapayapaan
ang lagi na ay maghari sa lahat at bawat isa sa inyo! Paalam!
1982-02-03, RR
Biyaya at pagpapala ng Panginoon ang siyang sumainyo ngayon at kailanman!
Mga iniibig, napakadakila ang isang nag-aaral ng simulaing ito kung siya ay may lakas at tibay ng paninindigan, kung siya ay tumutupad sa mga ibinibigay na aral na kabatlayaan, nagkakaroon siya ng isang lakas na lihim na sa kanya ay nagdadala sa pamamagitan ng pagtupad ng kanyang tungkulin.
Mga inibig ko, dakila nga ang mag-aral ng simulaing ito kung siya ay nagtotoo sa kanyang pag-aaral, at kung siya ay natuto sa lahat ng ini-aaral ng kabatlayaan. Sapagkat ang dito ay uni-aaral sa inyong harapan ay kinakailangang matama ninyong pag-aralan, suriin upang sa gayon ay maunawaan ninyo kung ano ang nilalaman ng mga ibinababa ng kabatlayaan sa lahat ng pagkakataon.Mga iniibig ko, marahil ko'y narinig ninyo ang mga kataga ng isang Batlayang pumailanlang sa kaitaasan, naghanap ng mga bagay na pangangailangan ng kanyang kaluluwa, naglinis ng landas, naglinis ng daan na kanyang daraanan upang kanyang marating at masapit ang kanyang hinahangad na patunguhan.
Namumulot siya ng kahoy, namumulot siya ng mga bato, upang sa gayon ay kanyang mahakbangan at marating ang kanyang hinahanap. Sa gayon ay natuklasan niya ang kanyang matapat na pangangailangan na ito ay mga gamot sa mga karamdaman, mayroon siyang dahon na ibinababa, mayroon siyang nataglay na maliit na butil na tangan tangan sa kanyang mga palad.
At iyan ang kanyang ipinagkakaloob sa isang kasangkapan kung ito ay kanyang natanggap. At gayon din naman ang ilaw na sa kanya ay tumatanglaw habang siya ay dumadako sa kanyang pinatutunguhan.
Hinahanap ng ilaw ang landas na dapat niyang tunguhin upang sa gayon ay maunawaan niya ang kanyang dinaraanan kung papaano niya matatagpuan ang tunay na pangangailangan ng kanyang kaluluwa.
Sapagkat ang ilaw nasa sa kanya ay sumusunod at tumatanglaw ay may taglay na pag-ibig, may taglay na kabaitan, may taglay na liwanag na siyang lumiliwanag nasa ay nananalig at nananampalataya sa mga ganitong pagkakataon.
Huwag kayong mag-alinlangan mga iniibig na kapatid, sa inyong mga narinig na kataga ng kabatlayaan sapagkat ang mga Espiritu ay walang naririnig, hinahanap ang lahat ng kaparaanan kung papaano nila maibibigay ang mga magandang aralin upang matutuhan ng bawat isang nag-aaral.
Upang sa gayon ay maipalaganap ang dakilang simulain na ito na siyang kinakailangang mataglay ng lahat at bawat isang nakikipag-aral. Ang mga Espiritu ay lagina ay nakahanda sa kanilang mga sarili, minamalas ang lahat at bawat isang nagisisipag-aral, kung mayroong pang nagtotoo, kung mayroong nag-aalinlangan, kung mayroon dumidinig ng lahat ng mga ibinababa ng kabatlayaan.
Gayon pa man, mga iniibig na kapatid, hindi ko pinipilit na ang bawat ibinababa at kataga na inyong tanggapin, kungdi pipiliin ninyo ang inyong kailangang matutuhan. Pipiliin ninyo ang inyong matataglay sa inyong pag-uwi, upang sa gayon, sa inyong paglisan sa loob ng lunduyan at pag-uwi sa inyong mga tahanan ay mataglay ninyo at isang lihim na biyaya na ipinagkaloob ng Panginoon.
Kaya't kayong lahat ay inaasahan ko, sa pamamagitan ng inyong mga narinig na kataga, ay marahil ko ay mayroon na kayong munting nataglay sa inyong pakiki-isa at pakikipag-aral sa kabatlayaan.
Sapagkat ang lahat ng iyan na mga kataga ay mayroon pulos katotohanan, sapagkat ang kabatlayaan ay hindi maghahayag ng walang kabuluhan o walang katotohanan. Iyan ang aking maipagkakaloob sa inyo sa mga sandaling ito at maano nawang sa tuwi-tuwina ay magkaroon kayo ng lakas at tibay na pananampalataya, lakas ng paggawa, paggawang mayroon ng katambal na pag-ibig sa inyong mga kapwa.
Sapagkat ganyan ang isang nag-aaral na Espiritista, mayroon siyang taglay na kabaitan, mayroon siyang taglay na kahinahunan. Sapagkat ang isang Espiritistang nag-aaral at natututo sa kanyang pakikipag-aral.
Kapayapaan ang iiwan ko sa inyo, ngayon at magpakailanman. Paalam, Geronimo de Guia.
1982-01-27, GPL
Mga dakilang pagpapala ang sumainyo ngayon at magpakailanman!
Mga dakilang gabi ng pag-aaral, ang lahat at bawat isa ay nakakain ng mga bungang hinog ng kadakilaang nagmumula sa Panginoon. Sapagkat ang lahat ng mayroon ng pag-aaral at pagka-unawa ay nabusog sa mga pagkaing ibinaba ng kabatlayaan, ay inaasahan ng aking sarili bigyan kayo na kung baga sa pagkain sa kapatagang-lupa ay matamis, upang makainom ang inyong mga uhaw na kaluluwa.
Ang buhay ay pag-aaral
Ang buhay ng tao ay pag-aaral, at
kayo sa loob nga isang maghapon sa inyong paligid ay nadarama ng lahat
at bawat isa kung ano ang mga bagay na inu-ukilkil ng kabatlayaan upang
makagawa ng mga dakilang gawaing kakamtin ng inyong mga kaluluwa kung
dumating ang dakilang araw.
Sa ikalawang bagay na nakahandulong sa inyong mga sarili ay lagina kayong nalilingat at inyong lalong tinatanggi ang mga bagay na walang kabuluhan sa inyong mga pag-aaral.
Subalit ang kabatlayaan ay hindi nagpapabaya kung kayo ay nabibigla sa inyong mga sarili, na duroon ang kabatlayaan at biglang darating at kayo na mayroon na mga pandama ay napipigil ang mga bagay na hindi karapat-dapat na inyong gawin.
Mga iniibig na kapatid, sa haba ng inyong paglalakbay ng mga kapatid kong nag-aaral sa katuruan, kung ang lahat ng bagay ay inyong madarama, at napagtutuunan ng pansin ang kahalagahan ng mga araw na gan-gaya nito.
Subalit ang mga baguhan na wala pa ng lubhang pagka-alam sa danasin o antigin ng kanilang mga sarili, tulad ng mga kapatid na pinagkalooban ng mga biyaya, upang makatulong sa kanilang mga kapwa.
Kung kayo ay tumutulong, at kayo ay nakahanda upang tanggapin ang mga biyaya ng Panginoon, ay madarama ng inyong mga sarili ang kaibang mga antid at damahin ng inyong katawang-laman.
Sapagkat ang biyaya ay nagpapatuloy na dumaloy sa inyong mga palad.
Kaya at ang mga kapatid na inyong tinutulungan ay nakakadama ng
kaginhawahan sapagkat naglalagos ang mga biyaya sa inyong mga palad.
Mga
kapatid, ang lahat ay mag-aaral, sapagkat habang ang tao ay nag-aaral,
sapagkat habang ang tao ay natututo, ay lalong nagkakaroon ng pagkatisod
upang managumpay ang kadakilaang hinahangad ng inyong pag-aaral.
Tulad din ng Dakilang Panginoon, na kung ang Panginoon ang Siya ng walang hanggan sa lahat ng bagay, ay nagkaroon ng pagkadapa at pagkasubasob bago narating ang bundok ng katagumpayan, sino pa kayo, mga iniibig na kapatid? Na kung kayo man ay nauntol at nadapa, ay muling magbangon at ipagpatuloy ang kadakilaan ng inyong paggawa, ng inyong pag-aaral, at ng inyong pananampalataya.
Iyan ang munti kong maitutulong mga iniibig na kapatid at nalalaman kong marami na ang napakain na mga bungang hinog, subalit kung ang pagka-unawa ay mahina at kung ang mga bisig ay nalulumo ay hindi makatutupad.
Kungdi lalakasan ang inyong mga diwa, lalakasan ang inyong paggawa upang manatili ang mga kabanalang siyang halina ng kabatlayaan upang managumpay ang inyong mga kaluluwa.
Kapayapaan ang sumainyo ngayon at magpakailanman. Paalam, Geronimo de Guia.
1981-03-04, FBT
Sumainyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman.
Mga ginigiliw na kapatid, bago pa ako dumating sa takdang sandaling ito ng ating pagniniig ay nakapagyaot na ako sa mga pook na pinaghaharian ng kagulumihanan sa mga taong nagdaranas at nagwiwikang walang Diyos sapagkat labis ang kalupitan ng tao sa kanilang kapwa-tao.
Ang ama at ina ay tumatangis sa pagpanaw ng buhay ng kanilang mga bunso na nagugutom. Ang magkataling-puso ay nalalagot ang tali sapagkat higit at madaling pumanaw ang mga kababaehan nang dahil sa gutom at paghihirap; walang matanda at walang bata, walang lalaki at walang babaeng hindi nagdaranas ng kalupitan. Mga ginigiliw na kapatid, iyan ang aking nasaksihan sa pook na aking dinakuan bago ako dumating sa inyo sa kataong ito.
Kayo mga ginigiliw na kapatid, anoman kayo at sinoman kayo sa inyong katayuan sa buhay na iyan ay maari nang umawit nang kasiyahan, maaari nang maging labis ang kaligayahan sapagka't malaki ang kahigtan ng inyong katayuan kaysa sa marami ninyong kapatid na nabubuhay sa kapatagang-lupa.
Kung kayo ay nagugutom ay mayroon kayong kakainin, kung kayo ay nauuhaw ay mayroon kayong iinumin, at kung kayo ay napapagal ay mayroon ng sadyang himlayan ang inyong katawang-laman. Ang inyong mga kalungkutan ay inyong naaalis, ang tangi ninyong dinadala ay ang mga suliraning kayo rin ang lumikha.
Kung inyong matatagpuan ang lalong pinakamabisang susi ng kaligayahan ng tao ay yaong madama niya at maipadama niya sa kanyang kapwa ang kanyang paglilingkod. Walang pinakamaligayang nilikha sa kapatagang-lupa kung hindi ang magkaroon ng iba't ibang uri ng tiisin sa buhay na iyan at kanyang mapanagumpayan mayroon ng ngiti sa kanyang mga labi.
Ang anomang tiisin, ang alinmang bigat ng pasanin ng inyong mga balikat at inyong mapagtagumpayan ay kayo ang mga bayani at ang kapakinabangan ay nasa sa inyong mga palad.
Hindi ninyo uubusin ang inyong mga panahon at lakas sa mga bagay na panglaman, sa karangyaan ng lamang iyan, sa pagkakamali ng maraming tinatangkilik na inaakala ng taong siyang kaligayahan.
Subalit katotohanan katotohanang sinasabi ko, wala sa parisukat, wala sa bilog ng salapi, ang kaligayahan ng tao bagaman at ito ay pangunahin pangangailangan, magkakaroon lamang ito ng kaligayahan ang magkamit nito kung kanyang maidudulot at naipaglingkod sa kanyang kapwa.
Magkakaroon lamang ito ng halaga kung maalam ang isang taong humawak at magbigay ng kapakahulugan. Subalit kung ang salapi ay magdudulot sa tao ng mga maling gawain, higit na maging dukha kayo sa lalong pinakadukha sa daigdig huwag lamang kayong mabulid sa kamalian.
Mga ginigiliw na kapatid, mga pinakamamahal na kapatid na dumaranas ng tiisin at kirot ng karamdaman, magpuri kayo at magpasalamat sapagkat ang inyong katayuang iyan bilang isang tao ay maipakikilalang mayroon kayo ng kaangkinang kinakailangang makadama ng kirot.
Mayroon kayo ng pandamdam sa bawat tiisin sapagkat walang tiisin at walang suliranin sa buhay ay baog ang pagka-isip at gayon din, walang halaga ang kanyang katauhang ginagamit sa kapatagang-lupa.
Habang ang isang tao ay mayroon ng pagka-unawa at dinaranas na kasawian, lagi nang nalulukuban ng maliit na butil ng suliranin subalit nagpapatuloy ng pagtalaktak sa landas at lalong nagsusumigasig maghangad na makatulong sa kanyang kapwa.
Narinig na ang tawag ng Panginoon, naulinigan ang tinig ng Panginoon, kung saan naroroon ang malilinis ang puso ay naroroon ako at kung saan naroroon ang nagtitiis nang walang pagtutol ay kapiling ako.
Iyan, mga minamahal ka kapatid ang aking iniiwan at inilalagak ko sa pitak ng inyong mga puso, at manatili kayo at mananatili ako sa inyo at ang manatili hanggang wakas ay siyang tanging maliligtas. Kapayapaan ang madama ninyo ngayon at magpakailanman. Paalam.

Comments
Post a Comment