Posts

Showing posts from 1981

1981, Koleksyon - Arkanghel Raphael

Image
1981-12-30,  FBT Tanggapin ninyo ang mga dakilang pagpapala ng Panginoon, maghari ang kapayapaan ngayon at magpakailanman! Mga ginigiliw na kapatid, sa buhay ng tao ay mayroon ng kani-kanyang pinapahalagahan ang bawat isa, mayroon ng kani-kaniyang pagkakataon na kinikilala ng isang nilikha sa kanyang buhay. Hindi matatawaran ng pag-iisip ng bawat nilalang sa kanyang naabot na pananampalataya, na naabot na katotohanan ng buhay at ang mga pinahahalagahan ng kanyang pagkatao. Lalong-lalong hindi tinatawaran, sinisikil o hinahadlangan ang pagkakilala ng tao na materyal sa kanyang buhay na kanyang pahahalagahan ay kanyang isa-isangtabi. Hindi nga, mga minamahal na kapatid, sapagkat kung papaanong hinahangad ng isang taong magkaroon siya ng kaligayahan at ang tanging abot na kaligayahan ng kanyang sarili ay yaong mga bagay na maaaring pantayan ng halaga, yaong mga bagay na maaaring mamulatan ng inyong paningin. Subalit kung mauunawaaan ng isang nilikha ang ka...