1955-1980, Koleksyon - Antonio de Padua
1980-12-17, FH Liwanag at pagpapala ang aking ipinagkakaloob ngayon at magpakailanman! Mga minamahal, naitanong na baga ninyo sa inyong mga sarili kung ano ang liwanag, kung ano ang simbulo ng liwanag na ito? Mga minamahal na mag-aaral, marahil ay nadarama ninyo sa bawat isa sa inyo kung ano ang tinatawag na liwanag. Mapalad ang isang nilikha kung ang bawat isa sa inyo ay natatanglawan ng liwanag sapagkat ang bawat hatid ay naruroon ang kapanatagan na hinihintay, naruroon ang kababaang-loob at naruroon din ang pagpapatawad sa kanya ay nagkasala. Sa tatlong hari na ito ay ginigising ko sa inyong mga damdamin at marahil ay madarama rin ninyo ang malamig na dapyo ng hangin at diyan magpapahiwatig na nakakapit na ang tinatawag na kapaskuhan. Kung kayo lamang ay sa mga oras na ito ay matama ninyong pag-aaralan na kapag dumarating ang ganitong kapaskuhan, marahil naliligayahan ang bawat isa sapagkat nagkakaroon ng kasiglahan ang aking mga kapat...