Posts

Showing posts from May 7, 2022

2022-05-07, Rebecca

 2022-05-07, ARK RAF-RAD Paksa: Ano ang mga kamangmangan at maling paniniwala na dapat nating bakahin sa ating pag- aaral dito sa Espiritismo na nauukol sa Ama at Ina? Ano ang papel ng ina at ama na inihahatid sa atin ng Banal na Kasulatan? Liwanag ng Espirito Santo ang maghari sa lahat at bawa't isa ngayon at magpasawalang hanggan. Kung iwawangis ang katagang ina at ama sa nilalaman ng Banal na Aklat, hahanapin kung ano ang mga araling pinagtutuunan ng pansin. At sa kasulatang ito, naroroon ang pagkakaloob ng mga kaalaman ukol sa buhay panlupa, at naroroon din ang mga kaalaman at karunungang ukol sa buhay Espirito. Samakatuwid, kung dyan ngayon ibabatay, inihahantad na dalawa ang kalagayan na siyang kabuuan ng tao. Ang kalagayang panlupa o ang laman at ang kalagayan na pang-Espiritu na siyang maituturing na ama at ina sa kalagayan at kahayagan bilang mga tao. Laman o kaluluwa at Espirito. Ang ina kung pagmamasdan at pakalilimiin sa mas malalim na kanyang diwa,...